You are on page 1of 33

1

YUNIT I
INTRODUKSYON
(INTRODUCTION)

A. Kaligiran ng Pag-aaral (Background of the study)

Napukaw ang aking atensyon ng dalawang papel ukol sa paglalapi. Una na rito ang
papel ni F. Bautista na pinamagatang Pagsusuri ng Pagbabagong Morpoponemiko sa
Impleksyon ng Filipino: Ang Kaso ng Paglalapi ng mga Alomorf ng Unlaping Mang
(kinuha sa https://www.academia.edu/8820866/ noong Hulyo 19, 2015). Sa kanyang
abstrak kanyang sinabi na :

“ Layon ng papel na ito na siyasatin ang morpoponemikong pagbabago sa mga


rut o ugat na dulot ng pagkakabit ng unlaping mang-, isa sa pinakaimportanteng
afiks na makadiwa sa wikang Filipino/Tagalog na may layong magpakita ng pokus o
tuon sa paglalapi. Nangyayari ang mga morpoponemikong pagbabago dulot ng
linggwistikong proseso ng asimilasyon. Dito, ang impluwensya ng mga kasangkot
na tunog sa paglalapi (i.e. inisyal na tunog ng pinagkakabitang rut, pinal na tunog
ng kinakabit na afiks), ay sumasailalim sa asimilasyon at alomorfi kaya‟t ang
nabuong salita sa pagkakabitan ay kakikitaan ng mga bagong elementong tunog.
Sinuri rin ng awtor ang paliwanag tungkol sa kairalang ito ng mga pangunahing
sulating panggramar na nalimbag at ginamit sa pagtututo ng wika, at sa huli‟y
bumuo ng mga batayang prinsipyo sa pagbabagong morpoponemiko ng mga
salitang nabubuo dahil sa afiksasyon ng mang-. Bagamat gumamit ng mga
prinsipyo at temang linggwistiko sa isang fenomenong pangwika, mas lapit ay sa
pagsusuri ng teksto at ibinangga ang mga proposisyong inilalatag sa hinahanap na
konsistensi na karakter ng kahit anong kairalang pangwika, partikular sa erya ng
gramar. Sa huli, nagbigay ng ilang hagap tungkol sa parehong proseso ng
asimilasyon, kung saan sangkot ang mga bagong ponemang tanggap sa wikang
Filipino, na sa pang-araw-araw na kumbersasyon ay hindi maiiwasang sumailalim
din sa paglalapi.”

Pangalawa ang papel naman ni Aliweng, Letty (2008) na pinamagatang WRITING


PROFICIENCY LEVEL OF FRESHMAN STUDENTS AT BSBT COLLEGE, BAGUIO
CITY. (MA English as a Second Language) pinagtuunan ng pansin ang paghahanap ng
mga komon na pagkakamali nagagawa ng mga mag-aaral sa unang taon sa kolehiyo at
ang pagtukoy sa antas ng kanilang propisyensi sa pagsulat kaugnay ng gramar, istruktura
ng pangungusap at mekaniks. Tinukoy rin sa naturang papel ang mga baryabol na
nakakaapekto sa antas ng kanilang propisyensi. Ang metodong deskriptib ang siyang
ginamit upang iinterpret ang eror at ang antas ng propisyensi sa pagsulat ng mga mag-
aaral. Ginamit ang F-test at ang Chi-square sa istatistikal na pagsusuri. Lumalabas sa
naturang pag-aaral na ang karaniwang pagkakamali ng mga mag-aaral sa gramar ay sa
pangnagdaang aspeto ng pandiwa , kasunduan sa simuno at pang-uri, maling paggamit /
di paggamit ng pang-ugnay at pang-ukol , at tamang order ng mga salita.
2

Muling nanariwa sa aking alaala ang papel na aking isinumite para sa kursong
DEASMCUIN : Seminar in Curriculum and Instruction sa ilalim ni Dr. Teresita P.
Salvador noong Agosto 23, 2009 na pinamagatang : Report on Language of
Instruction --- English or Filipino? , aking ipinahayag ang sumusunod :
Mahalagang maunawaan natin ang mga sumusunod na katotohanan hinggil sa
ating pambansang wika :
 Naging batayan lamang ang wikang Tagalog. Kailanman ay hindi ito naging
wikang Pambansa. (Disy. 30, 1937- Batas ng Komonwelt Blg. 184)
 Noong 1974, may panuntunan sa paggamit ng patakarang edukasyong
bilinggwal na nawala naman sa 1987.
 Kautusang Pangministri (Hulyo 21, 1978) Blg. 22 na nag-uutos na isama ang
Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasaang antas.
 Malinaw ang isinasaad sa Art. XIV, Seksyon 6-9 :
Sek. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito
ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba
pang wika. Ang kaibhan ng Pilipino sa Filipino ay ang una ay nasasalig lamang sa
wikang Tagalog samantalang ang Filipino ay sa mga umiiral na wika sa Pilipinas
kasama na rito ang mga wikang banyaga.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya
ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. Ilan lang ba
ang asignatura at kursong itinuturo sa Filipino?

Sek. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang


opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhan ang batas, Ingles.
Ngunit, hindi ito ang nangyayari. It ay ang kabaligtaran. Ukol sa mga layunin ng
komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Ingles at
hangga’t walang itinatadhan ang batas, Filipino. Lumalabas na pangalawang
prayoridad lamang ang Filipino.
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo noon. Ito ay naging malaking isyu
noon nang ipagbawal na ipagamit ang mga bernakular na wika, sa halip at pulos
Pilipino at Ingles lamang noon.
Sinabi ni Aguilar (2009) na nang pairalin ang “Bilingual Education System”, inalis
sa mga paaralan ang paggamit ng iba pang wika sa pagtuturo maliban sa English at
Filipino (batay sa Tagalog) . Malaki ang naging epekto nito sa mga taga-lalawigan tulad
ng mga taga- Negros Occidental, na kung saan ang lahat ng mga mag-aaral at mga
guro ay mga Ilonggo at Hiligaynon. Ang mga wikang ginamit, Filipino at English, sa
pagtuturo ay kapwa dayuhan sa kanila. Sa ganitong sitwasyon, ito ay maituturing na
isang suliranin.
3

Idinagdag pa ni Aguilar (2009) na isang suliranin din ito sa isang pamilya na kung
saan ang mga magulang ay nagsasalita ng magkaibang wika, Ilokano at
Kapampangan o Bisaya at Bikol, atb., samantalang sa paaralan ay Filipino at English.
Ang naturang sitwasyon na ito ay aking nasaksihan nang ako ay magturo sa
Dubai sa loob ng dalawang taon na kung saan ang aking mga mag-aaral ay 3
wika ang pinag-aaralan : Filipino, English at Arabic. Wala ito ng suliranin sa Metro
Manila, dahil sa Maynila ay nagkakaroon ng paglilipat sa Tagalog ang wika ng
mamamayan.
Hayaan ninyong linawin ko ang miskonsepsyon sa Filipino. Hindi mula sa Filipino
na tawag sa Ingles ang tawag na Filipino sa wikang pambansa, para sa mga
mamamayan ng bansa. Isang miskonsepsyon ang sabihing mula sa Ingles ang F dito.
Ito ay mula sa binagong konsepto ng wikang pambansa na batay sa lahat ng wika sa
Pilipinas, kasama ang Ingles at Kastila.
Ayon nga kay Constantino na binanggit ni Bernales (2009), may tunog na F sa ilang
mga wika ng Pilipinas gaya ng afuy (apoy / fire ), kofun (kaibigan / friend) ng Ibanag;
afyu flafus ( magandang umaga / good morning ) ng Bilaan, fidu ( peste / pestilence )
ng S. Cotaboto Manobo, atb.
Ang paggamit ng F ay simbolo ng pagiging hindi na Tagalog lang na batayan ng
wikang pambansa dahil walang ganitong tunog ang Tagalog.
Pinapalitan ng P ang anumang tunog ng F sa Tagalog gaya ng pamilya (familia /
family ) at reperensya ( referencia / reference). Dinagdagan din ang alpabeto ng
Filipino. (mula 20 ay naging 28 na kung saan, idinagdag ang 8 letra na c, f, j, ń, q, v, x,
z bilang akomodasyon sa mga tunog sa mga wika sa Pilipinas, Ingles at kastila.
Ang pagiging pambansang lingua franca ng Filipino ang pinakaubod ng konsepto
ng Filipino bilang batay sa mga wika sa PIlipinas.

Sa pakikipagkomunika ng bawat Pilipino sa isa’t isa lalo na sa mga syudad,


gumagamit siya ng wikang alam din ng kanyang kapwa Pilipino kahit meron silang
katutubong wika gaya ng Cebuano, Ilokano, pampango, Tausug, Kalinga, atb.

Ang wikang Filipino ang nagsisilbing pangalawang wika at lingua franca sa bansa.

Ayon nga kay Constantino, hindi dapat asahan na aklat ang gagamitin kundi libro o
kaya ay buk (book) , hindi silid-aralan kundi klasrum, hindi pahayagan kundi dyaryo /
peryodiko, hindi manananggol kundi abogado / lawyer.

Dagdag pa niya, mahirap na ring gamiting argumento ang sabihing meron naman
tayo, bakit manghihiram pa? Kailangang tiyakin kung sino ang tayo roon, ang mga
Tagalog lang ba o ang karamihan ng mga Pilipino?

Dahil nga lingua franca at pangalawang wika, nabubuo ang mga barayti nito dahil
sa interference o paghahalo ng mga unang wika ng mga tagapagsalita.
4

Kaya kung gagamit ng Filipino ang isang Cebuano, hindi maiiwasan ang ganito :
Nagbasa ako ng libro (Bumasa ako ng libro).

Bago ang 1973, mali ang nabanggit na pangungusap dahil batayan nga ang
Tagalog.

Pero ngayon, ito ay itinuturing na barayting Cebuano ng Filipino.

Para kay Constantino (2000) , ang pagbabago ng atityud sa Filipino at pagtawag


dito ng Tagalog ay hindi basta mawawala . Ngunit siya ay naniniwala na darating din
ang panahon lalo na kapag mismong ang mga di- Tagalog ay mawala ang inhibisyong
gumamit dito para magkontribyut sila ng mga salitang magiging bahagi ng wikang
pambansa.

Sa kabilang dako, sinabi ni Aguilar (2009) na naniniwala ang namayapang Direktor


Ponciano Pineda ng Komisyon ng wika na ang paggamit ng wikang Filipino ay walang
suliranin, mauunawaan ito at nagagamit ng mga di-Tagalog, kasama ang Bisaya at
Mindanao, ang kailangan lamang ay pagpapaliwanag, bagama’t kailangan muna ay
magkasundo ang gumagawa ng patakaran sa wika dahil kung sila mismo ay hindi
nagkakaisa, hindi maniniwala ang pinagpapaliwanagan.

Sek. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin
sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabik at Kastila. Bakit kaya, sa
kasalukuyan, ang mga Pangulo ng bansa ay gumamit ng wikang Ingles sa
kanilang panunumpa sa tungkulin? Ang isinasaad sa Kautusang Pangkagawaran
Blg. 21 noong Marso 19, 1990 ay ang paggamit ng Filipino.

Sa papel ni Constantino na “Pluraridad Tungo sa Identidad: Ang barayti ng wikang


Filipino sa Pagbuo ng Wika at Kamalayang Pambansa, “ kanyang inilatag ang mga
pagkakatulad at pagkakaiba ng bansang Indonesia at Pilipinas at ang kani-kanilang
pambansang wika. Kanyang sinabi na kapwa sila (Indonesia at Pilipinas ) nasakop ng
mga dayuhan sa panahon ng mga eksplorasyon sa Europa noong ika-16 na siglo.
Kapwa rin sila binubuo ng mga multi-etniko at multilinguwal na mga grupo – ang
Pilipinas ng mahigit na isandaang grupo, ang Indonesia ng mahigit dalawandaan. At
kapwa mga lingguwa frangka ang mga wikang pambansa ng mga bansang ito. Ano
ang kanilang pagkakaiba? May wikang pambansa ang Indonesia na tinanggap ng
nakakarami sa panahong nasa ilalim pa sila ng mga dayuhan. May mga wikang
pambansa (Tagalog > Pilipino > Filipino ) naman ang Pilipinas na hanggang sa
kasalukuyan ay naggigiit sa dapat kalagyan ng sariling bayan. Kung may
kakumpitensya amn ang Bahasa Indonesia, ito ay isang katutubong wika, ang wikang
Java / Jawa. Sa Pilipinas, banyagang wika, ang Ingles ang kumukumpitensiya sa
wikang pambansa, ang Filipino. Dahilan kung bakit pinoproblema hanggang ngayon
ang pagbuo ng wikang ito na siyang humahadlang sa pagpapatinggkad ng
pambansang kamalayan.
5

Isang pangunahing katangian ng wikang Filipino ang pagbubuo at pagkakaroon ng


kamalayan ng mga barayti nito. Bilang isang lingguwa frangka o wikang komon sa mga
tagpagsalita ng iba’t ibang wika sa Pilipinas, makakabuo ng mga lingguwistikong
barayti o baryasyon sa loob ng wikang ito dulot ng pagiging pangalawa at
pangkalahatang wika nito at ng impluwensiya ng mga unang wika. Kaya, may
nabubuong Cebuano Filipino, Ilokano Filipino, Hiligaynon Filipino, Kinaray-a Filipino at
marami pang iba.

Ang pagkakaroon ng mga lingguwistikong barayti ng wikang Filipino ay maaring


ibatay at iugnay sa ilang pamamalagay (assumption) at mga teoryang pangwika.

Una na rito ang sosyolingguwistikong teorya na nakabatay sa pamamalagay na


ang wika ay isang panlipunang phenomenon. Ang anumang pahayag, aksyon, salita
ng isang indibidwal ay nagiging makabuluhan kung ito ay nakakonstekto sa loob ng
lipunan at ikinokomunika sa ibang indibidwal o grupo. Bunga nito, nakakabuo ng iba’t
ibang konstekto ang paggamit ng wika dahil sa iba’t iba ring mga tao na may iba’t ibang
gawain, papel, interes, saloobin, pananaw ang kasangkot sa proseso ng
komunikasyon. Dito rin papasok ang katangian ng wika na pagiging heterogenous o
may iba’t ibang anyo malinggwistiko, ma-okupasyunal o ma-sosyal man ang mga
anyong ito. Dagdag pa sa mga dahilan ng pagkakaiba-iba ng anyo ng wika ang
lokasyong heograpikal, pandarayuhan, sosyo-ekonomiko, pulitikal at edukasyunal na
katangian ng isang particular na lugar o komunidad na gumagamit ng naturang wika.

Ang pagiging heterogenous ng wika ang nagbubunsod sa pagkakaroon ng mga


barayti ng wika tulad ng lingguwistikong barayti (Tagalog Filipino, Ilokano Filipino,
Bicol Filipino , at marami pang iba), at mga register o sosyal at akademikong barayti (
Filipino ng mga bakla, Filipino ng mga sugarol, Filipino ng mga Kolehiyala, Filipino ng
mathematics, Filipino ng chemistry, atb.).

Ayon din kay Constantino, ang pagkakaroon ng iba’t ibang barayti / anyo / register
ng wika ay nagbubunga ng ilang problema. Nariyan ang pagkakaroon ng hierarchy sa
mga anyong ito ng wika. Sa ginawang pag-aaral ni Bernstein sa wikang Ingles ng mga
estudyante sa grade school sa ilang paaralan sa Ingglatera, kanyang naobserbahan na
may magkaibang karakteristiko ang wika sa mga batang mula sa upper class kaysa
wika sa lower class. Ang una’y tinawag niyang elaborated code ( masuri, abstrakto )
at ang huli na restricted code ( detalyado, deskriptibo ). Deficit Hypothesis ang dito
ay ibinansag ni Bernstein na sinalungat naman ni Labov, isang socio-psychologist.
Kanyang isinulong ang variability concept dahil siya ay naniniwala na natural na
phenomenon ang pagkakaiba-iba ng anyo at pagkakaroon ng iba’t ibang barayti ng
isang wika. Dapat daw na tingnan ang mga ito bilang pantay-pantay - walang mababa,
walang mataas.

Ang tinatawag namang linguistic convergence at linguistic divergence ay


nakabatay sa accommodation theory ni Howard Giles. Ang mga ito ay mga teorya sa
SLA o Second Language Acquisition o pagkatuto / pag-aaral ng pangalawang wika. Sa
interaksyon ng mga tao, nagkakaroon ng tendensiya na gumaya o bumagay sa
6

pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang pakikiisa, pakikilahok,


pakikipaglagayang isa, pakikisama, o kaya’y pagmamalaki sa pagiging kabilang sa
grupo (convergence) . pero kung minsan, pilit namang iibahin ang pananalita sa
kausap para ipakita o ipahayag ang pagiging iba o naiiba, di-pakikiiisa. O kaya’y lalong
paggigiit sa sariling kakayahan at identidad (divergence).

Sa wikang kasangkot naman nakapokus ang interference phenomenon at


interlanguage. Ang pagbuo ng mga barayti ng wikang Filipino ay magandang
halimbawa ng interference. Ang impluwensuiya ng unang wika, e.g. Cebuano ay
kapuna-puna kapag nagsasalita ng wikang Filipino. Halimbawa sa pangungusap na :
“Doon ako magturo sa Palawan.” , ang reduplikasyon ay hindi makikita rito. Sa
pangungusap naman na “Huwag kang mag-ihi rito.” sa halip na “Huwag kang umihi
rito.”, makikita ang paggamit ng panlaping mag- sa halip na um- dahil wala namang
um- na panlapi sa Cebuano. Sa interlanguage naman, (mental grammar), binabago
ng tagapagsalita ang grammar sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbawas, at
pagbabago ng mga alituntunin. Halimbawa na nito ang salitang malling sa ginagamit
na mula sa salitang mall sa Ingles.

Ayon kay Constantino, may tatlong pangunahing aspekto na kung saan maaari
nating suriin ang mahihinuha nating mga kabuluhan, kahalagahan at implikasyon ng
pag-aaral ng mga barayti at baryasyon ng wikang Filipino sa pagtuturo at sa paglago,
pagpapalawak at pagpapalalim ng disiplinang Filipino.

Sa puntong sikolohikal , ang pagbabago ng konsepto ng wikang pambansa na


nagbubunga ng pagkakaroon ng mga barayti nito ay maaring magpabago sa atityud ng
mga Pilipino sa wikang pambansa. Magkakaroon ng kamalayan ang mga tao na may
bahagi siya o papel sa pagpapaunlad ng wikang pambansa. Mas madedebelop ang
isang barayti o kanilang barayti ng wika kung madalas na gagamitin at tatangkilin ang
wikang Filipino ng iba’t ibang tagapagsalita ng katutubong wika.

Sa puntong pedagodyikal, magagamit ang implikasyong ito upang mamulat ang


mga mag-aaral sa kanilang papel sa pagdedebelop ng wika. Mas magiging interaktibo
ang pag-aaral dahil hindi lamang guro, manapa’y ang mga mag-aaral ( na kung saan
ang student-centered at komunikatibong lapit ay mga dulog na gagamitin) ang
magbabahagi ng kanilang kaalaman sa pamamagitan ng anyo o barayti ng wikang
Filipino mula sa etnolinggwistiko at sosyal na grupo o komunidad na kanilang
kinabibilangan.

Sa punto naman ng iskolrsyip sa pamamagitan ng reserts, madedebelop ang


metodolohiya para rito. Dito rin magtitining ang papel ng guro ng wika sa lipunan na
siya ay hindi lamang isang language teacher kundi isang linguist, sociologist, at
language planner.

Sek. 9. Dapat magtatag ang Konggreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa


na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba
7

pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili. Ito


ang tinutukoy nina Garvin at Mathiot (1960) Kay Aguilar (2009) na pang-apat na
tungkulin ng wika : ang gampaning magkaroon ng panukatan sa pag-alam nito.

Masasabing ito ang naging dahilan kung bakit noong :

 2006, sa okasyon ng pagdiriwang ng Buwan ng wikang Filipino, ipinagbigay-alam


ng Komisyon sa Wikang Filipino ang pagsususpinde sa 2001 Revisyon ng
Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino at Patnubay sa
Ispeling ng Wikang Filipino at samantalang nagsasagawa ng mga pananaliksik,
pag-aaral, konsultasyon at hanggat walang nababalangkas na mga bagong tuntunin
sa pagbabaybay, magsisilbing tuntunin ang Patnubay sa Ispeling ng Wikang
Filipino ng taong 1987. Bakit sa halip na pasulong ay bakit umatras?

Para kay Constantino : “Pangunahing layunin ng pagbabago ng konsepto ng


wikang pambansa ang mapag-isa ang iba’t ibang mga wikang sinasalita sa bansa- maging
ito ay bunga ng heograpikal / linggwistiko/ sosyal na kadahilanan ( mga wika sa Pilipinas)
o bunga ng pulitikal / kolonyal na karanasan (Espańol / Ingles) upang makabuo ngisang
wiakng pambansang magsisilbing tagapagpahayag ng pambansang kultura, kamalyan at
diwa ng mga Pilipino. Ang pagtanggap ng mga Pilipino na kanila (ours) at hindi sa iba
(theirs) dahil makakapagbahagi sila tungo sa poaglago at pagpapaunlad nito at
pagtanggap din na ang kanialng wika at paraan ng paggamit nito ay hindi
iba/kakaiba/naiiba kundi kasal/kasama/kabilang/kabahagi ay isang maganda at malaking
simula at unang hakbang tungo sa pagbuo ng pambansang wika at pagkakaisa. Ito naman
ang tutulong para bumuo ng isang kamalayang hindi pang-amin / pang-
kanila,pangkapatagan / pambundok,pangmayaman / pangmahirap, pampubliko
/pampubliko/pampribado,pampubliko,pamprubinsya/pangsyudad,pangminorya,pangmasa/
pamburgis/pang-cońo, kundi pambansa, pang-atin, panglahat, na tumitingin sa
ikahuhusay, ikauunlad, ikatiitno at ikapapanuto ng nakakarami kungdi man ng lahat ng
Pilipino hinid ng isa o iilang sektor sa lipunan. Ito na marahil ang magbubunsod sa
pagpapalakas ng ating kamalayan bilang isang bansa na may sariling pambansang wika.

Ayon nga kina Rubin and Jernudd, sa Catacata, 2004; “Language planning is a
deliberate language change; that is, changes in the systems of language code or speaking
or both that are planned by organizations that are established for such purposes or given a
mandate to fulfill such purposes. As such, language planning is focused on problem-
solving and is characterized by the formulation and evaluation of alternatives for solving
problems to find the best (or optimal, most efficient) decision. In all cases, it is future-
oriented…”

Kung iuugnay natin sa kalagayan ng Filipino, masasabi nating maraming mga


suliraning kaugnay ng paglinang ng wikang Filipino bilang isang wikang akademiko at sa
kawalan o sabihin na nating kakulangan ng political will upang ito ay mapaunlad. Isa
itong suliraning nangangailangan ng solusyon sa tulong ng pagpaplanong wika na daraan
sa isang prosesong deliberayt o sinasadya at hindi inaasa sa panahon.
8

Hindi mapapasubalian na sa paglinang ng wikang Filipino bilang isang wikang


akademiko, mahalaga ang ginagampanang tungkulin ng pagpaplanong pangwika at
elaborasyon ( tumutukoy sa proseso ng pag-unlad at pagbabago ng istraktura at gamit ng
wika; kabilang na rito ang pagbabago sa ispeling o pagbabaybay). Ang naturan gproseso
ay may legal na batayan na ating masusumpungan sa ating Konstitusyon na nagtatakda
na patuloy nating paunlarin at payabungin ang ating wikang pambansa. Sa ganitong
hakbangin , ating matatalunton ang tinatawag na intelektwalisasyon ( ang paggamit ng
wikang Filipino bilang wikang akademiko sa mga talakayan at diskursong iskolarli kaugnay
ng iba’t ibang disiplina o larangan.

Upang maging intelektwalisado ang wika, ito ay may kahingian na gamitin ito
bilang midyum ng pagtuturo at pagkatuto sa lahat ng antas ng pag-aaral, sa iba’t
ibang displina, lalung-lalo na sa agham, matematika, teknolohiya, humanidades, at
sining. Kung lilimiin, hindi ito ang palagay ng ating mga pulitiko at pinuno sa mga
ahensyang pang-edukasyon .

Isang tumbalik ang kanilang katwiran na dapat munang maging intelektwalisado


ang Filipino bago ito magamit bilang midyum ng pagtuturo-pagkatuto. Ang
intelektwalisasyon ng isang wika ay magaganap lamang kapag ito ay gagamitin sa
malawakang kasaklawan sa lahat ng posibleng domeyn.

Upang mabisa nating magamit ang Filipino sa akademya, hindi natin maiiwasan
ang panghihiram na kung saan isa o kumbinasyon ng mga sumusunod na lapit ay maaring
gamitin :

1. Pagsasalin
Halimbawa: east – silangan
skills – kasanayan

2. Lubusang Panghihiram
Halimbawa : ergs – ergs
enzyme – enzyme

3. Transliterasyon
Halimbawa : computer – kompyuter
domain – domeyn

Dagdag pa ni Constantino (2000) ,sa puntong intelektwalisasyon, ang puspusang


pakikilahok ng lahat ng uri ng midya, pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor, mga
paaralan, at guro/dalubguro at mag-aaral ay inaasahang maging masigasig sa
pakikisangkot dito. Marapat at matwid lamang na ang lahat ng mga kaparaanan ay
masaliksik, magalugad, matuklas, maapuhap at maisakatupan.

Ukol sa intelektwalisasyon, nais ng kasalukuyang mananaliksik na alamin ang


inter-language phenenomenon ng mga mag-aaral ukol sa pagbabago ng gramar sa
tulong ng pagbibigay ng karampatang pagtataya ukol sa paglalapi. Hindi mapapasubalian
9

na ang paglalapi ang siyang pinakamabungang paraan sa pagbuo ng mga salita sa


wikang Filipino..

B. Teoretikal at Konseptwal na Balangkas

INPUT PROSESO
Antas ng Pagbibigay
kaalaman sa interbensyon sa
Paglalapi na tulong ng AWTPUT
resulta ng modyular na Positibong
Pagbibigay ng pagtuturo ng Pagbabago sa Antas
isang Pre-test paglalapi gamit ng Kaalaman sa
At pagtukoy sa ang Paglalapi
inter-language pragmatikong
phenomenon pagdulog at
Ebalwatib test.

Matutunghayan sa diagram sa itaas ang konseptwal na diagram na gagamitin sa


kasalukuyang pag-aaral. Isang pre-test ang ibibigay sa mga mag-aaral upang masukat
ang antas ng kanilang kaalaman sa paglalapi. Titignan din kung may nagaganap na inter-
language na phenomenon ukol sa pagbabago sa gramar . matapos ito, susubukin sa
pamamagitan ng isang modyular na pagtuturo ng paglalapi gamit ang pragmatikong
pagdulog at ebalwatib-test kung mayroong positibong pag-unlad ukol sa kanilang
kaalaman sa paglalapi.

C. Paglalahad ng mga Suliranin (Statement of the Problem)

Tunguhin ng kasalukuyang pag-aaral na mapaunlad sa tulong ng isang modyular


na pagtuturo gamit ang pragmatikong pagdulog ang antas ng kaalaman ng mga mag-
aaral sa paglalapi.

Susubuking patunayan ang haypotesis na :

1. Walang pagbabago sa antas ng kaalaman sa paglalapi ng mga mag-aaral


matapos mabigyan ng pre-test , sumailalim sa modyular na pagtuturo ng paglalapi at
mabigyan ng ebalwatib test. .

D. Mga Layunin ng Pag-aaral

Ang mga ispesipikong layunin ng pag-aaral na ito ay ang sumusunod :


10

1. Alamin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbibigay katuituran sa


mga bahagi ng panalita.
2. Alamin kung may nagaganap na inter-language phenomenon sa paglalapi ng
mga mag-aaral.
3. Alamin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa paglalapi sa tulong ng
isang pre-test.
4. Alamin ang positibong pagbabago sa antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa
paglalapi matapos sumailalim sa isang modyular na pagtuturo gamit ang pragmatikong
pagdulog at mabigyan ng ebalwatib test.

E. Kahalagahan ng Pananaliksik (Significance of the Study)

Inaasahan na ang pag-aaral na ito ay magiging makabuluhan sa sumusunod:

Sa mga mag-aaral. Na ang pag-aaral na ito ay maging daan tungo sa pagkakaroon


ng panuruan na kung saan ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng kalinangan sa
paglalapi.

Sa mga guro. Na ang pag-aaral na ito ay magbukas ng kanilang kamalayan ukol


sa isyung kinasasangkutan ng mga mag-aaral patungkol sa kahirapan sa paglalapi .
Maaari itong makatulong sa paglikha ng kanilang sariling teorya at metodo na
maaaring maisapraktika sa loob ng klasrum.

Sa mga administrador ng paaralan. Na ang resulta ng pag-aaral na ito ay


maging daan sa pagbalangkas ng kursong tutugon sa pagtataguyod ng wika at iba
pang pag-aaral kaugnay sa pagpapaunlad ng wika.

Sa mga mananaliksik. Na ang kwantitatatibong pag-aaral na tulad nito ay maging


batayan para sa iba pang pag-aaral patungkol sa paglinang sa wika patungkol sa
usapin ukol sa balarila.

F. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral (Scope and Limitations)

Limitado lamang ang naturang kwantitibong pag-aaral na ito sa 50 mag-aaral na


kumukuha ng kursong Sining ng Pakikipagtalasatasan sa unang semester ng taong
aralang 2015-16 ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
Ang pokus ng pag-aaral ay nakatuon sa usapin hinggil sa kaalaman ng mga mag-
aaral sa paglalapi.
Hinihingi ng mananaliksik ang pag-unawa ng mga mambabasa sa aspeto ng
pagsama ng ilang mga literatura at/ o pag-aaral na kinuha mula 2000 pababa. Ito ay sa
kadahilanang ang mga naturang literatura at/ o pag-aaral ay pinaniniwalaan ng
kasalukuyang mananaliksik na malaki ang impluho sa naturang pag-aaral. Isa na ring salik
ang kakulangan o kasalatan ng pag-aaral ukol sa isyu ng paglalapi.
11

G. Kahulugan ng mga Terminolohiya (Definition of Terms)

Ang sumusunod na salita na ginamit sa pag-aaral ay binigyang kahulugan base


sa kanilang punsyunal na gamit.

Ang simulain sa mabuting pagtuturo = saklaw nito ang: aktibong pagkatuto,


paggamit ng maraming metodo, pagganyak, balanseng kurikulum, pagkilala sa
indibidwal na pagkakaiba, banghay-aralin, pagpapasigla (encouragement),
remedyal na pagtuturo, demokratikong kalakaran, istimulasyon, integrasyon o
paglalapat, at pangyayaring kawangis sa totoong buhay.

Linggwistika o dalubwikaan = ang pag-aaral sa wika ng tao .

Linguista o linggwista = tawag sa mga taong nagpapakadalubhasa sa wika o


dalubhasa rito.

Morpema = ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.

Morpolohiya = ang sangay ng linggwistika na nag-aaral ng morpema (morpheme)


o ang pinakamaliit na yunit ng tunog na may kahuluguhan. Pinag-aaralan dito ang
sistema ng pagsasalansan ng mga morpema upang makabuo ng salita na may
payak o kumplikadong kahulugan.

Pagkamalikhain = isang katangiang nakikita ng mga mag-aaral sa kanilang guro


sa pagpapatupad ng huli sa kanyuang mga gampanin, ito ay tumutukoy sa pagiging
mapanlikha o pagtataglay ng mapanlikhang talino at ng isang malikhaing guniguni.

Paglalapi = ang proseso ng paglalagay ng panlapi sa isang salitang-ugat.

Panlapi = isa sa apat na anyo ng morpema na kinakatawan ng isang pantig na


ikinakabit sa isang salitang-ugat upang magbigay ng panibagong kaisipan.

Sining ng Pakikipagtalastasan = Ang Filipino 1 ay patungkol sa metalingwistik


na pag-aaral ng Filipino bilang isang dinamikong wika na ginagamit sa pasulat at
pasalitang komunikasyon. Sa interaktib na pamamaraan, sa tulong ng iba’t ibang
teksto at konteksto, at sa pagbibigay tuon sa estruktura, gamit, katangian, at
kahalagahan ng wikang Filpino sa akademikong larangan; lilinangin ang apat na
makrong kasanayan sa wika na kinapapalooban ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa,
at pagsulat tungo sa lalong mataas na komunikasyon at kritikal na pagdidiskurso.

Teorya = nauukol sa palagay o pala-palagay kung paanong ang isang isyu ay


maaaring matugunan sa isang praktikal na kaparaanan.
12

YUNIT II
Pagsusuri ng Mga Kaugnay na Panitikan at Pag-aaral
(Review of Related Literature and Studies)

A. Ukol sa Paglalapi

Sa aklat ni Pappas (2004) na Variation and Morphosyntatic Change in Greek :


From Clitics to Affixes tinalakay rito ang mga mayoryang teoretikal at deskriptib na isyu
na kinakaharap ng isang historikal na linguist. Ipinakita ng manunulat ang isang
variationist analysis ng isang mahinang paglalagay ng objek ng panghalip sa Griyego sa
panahon ng transisyunal na yugto ng wika noong ang mga elemento nito ay kapwa
nagpakita ng mala-clitic at mala-panlapi na katangian. Ang istatistikal na pagsusuri ng mga
datos ay nakapagbigay ng kauna-unahang paglalarawan ng patern ng baryasyon na
ginmamit upang ipakita na ang kasulukuyang pag-aaral ay nagkulang sa pagbibigay ng
kabuuang pagpapaliwanag. Isang alternatibong kaparaanan ang kailangan upang muling
bigyang pagsusuri ang papel na ginagampanan ng paglalahat sa pagbibigay ng
linggwistikong kapaliwanagan.

Sa aklat naman ni Rachel Wojdak (2008) na The Linearization of Affixes :


Evidence from Nuu-chan-nulth Studies in Natural Language and Linguistic theory
siniyasat ang suliranin ukol sa linearization sa tulong ng isang bagong pananaw : ang
linearization of affixes o ang linyarisasyon ng mga panlapi. Ang proposisyon ng manunulat
ay ang paglalapi ay nagbibigay ng kaparaanan kung paano matutugunan ang unibersal na
kahingian na malinyarays ang mga lingwistik na awtput . Ang proposisyon na ito ay
sinubok gamit ang orihinal na datos mula sa Nuu-chah-nulth ("Nootka"; Wakashan family),
isang nanganganib o endangered na wikang Amerindian na kamangha-mangha dahil sa
taglay nitong komplikadong morpolohiya.

Sa tesis ni Salazar, Kara P. GRAMMATICAL ERRORS IN THE ESSAYS OF


THIRD YEAR ENGLISH MAJOR STUDENTS OF BENGUET STATE UNIVERSITY (MA
English as a Second Language, April 2008) tinignan ang mga kamaliang nakokomit ng
mga mag-aaral sa gramar sa kanilang mga sanaysay na ginawa. Ispesipikong inalam ng
naturang pag-aaral ang karaniwang pagkakamali sa gramar sa sanaysay ng mga mag-
aaral at ang epekto ng mga baryabol sa gramatikal eror. Ang mga baryabol na ito ay ang
sumusunod : kasarian, wikang sinasalita sa bahay / unang wika, preperens sa mga
babasahin, at atityud sa pagsulat. Kinategorya ang mga kamalian sa gramar base sa
morpolohikal, sintaktik, at leksikal gamit ang modelo ni Hendrickson. Upang maisalarawan
ang mga baryabol, frequency count , percentage, weighted mean at rank ang ginamit.
Ang test on proportion ay ginamit upang malaman ang epekto ng kasarian sa gramatikal
na pagkakamali.

Sa papel naman ni BUÑAG, ALVIN G. na PAGLILIHIS-PAKSA NG MGA GURO


NG FILIPINO SA IKAAPAT NA TAON NG PALAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL (MA
13

Filipino, Mayo 2008) sinuri ang paglilihis-paksa ng mga guro ng Filipino sa ika-apat na
taon ng Palawan National High School. Sinabi ng mananaliksik na : “ Nilalayon ng pag-
aaral na: 1) Matukoy ang mga paraan ng paglilihis-paksa ng mga guro ng Filipino sa ika-
apat na taon ng Palawan National School. 2) Masuri ang mga dahilan ng paglilihis-paksa
ng mga guro ng Filipino sa ika-apat na taon ng Palawan National High School. 3) Masuri
ang antas ng persepsyon ng mga estudyante sa paglilihis-paksa ng mga guro ng Filipino
ayon sa: (a) unang wika; (b) kasarian.

Sa pamamagitan ng nakateyp na aktwal ng pagkaklase ng mga guro ay tinukoy,


sinuri at inalam ang paraan, dahilan at persepsyon ng mga estudyante sa paglilihis-paksa
ng mga guro ng Filipino. Ang modelo ni Hughes (1979) sa mga pampagtuturong tungkulin
ang ginamit na katanungan. Ang mga ito ay hinango sa pag-aaral ni Espique (2005). Ang
mga natukoy na paraan ng paglilihis-paksa ng mga guro ng Filipino, ginamitan ng Z-test
na may 5% level of significance at computed Z-value na 2.24. Ang pagtukoy sa dahilan ng
paglilihis-paksa ay ginamitan ng t-test na may 1% level of significance. Samantala sa
pagtukoy naman ng persepsyon ng mga estudyante sa paglilihs-paksa ng mga guro ayon
sa unang wika at kasarian, ginamit ang F-test na may 5 point iskala na 5 (palagi), 4
(malimit), 3 (paminsan-minsan), 2 (bihira) at 1 (hinding-hindi).

Sa isinagawang pag-aaral natuklasan ang mga sumusunod: a) Ang mga paraan ng


paglilihis-paksa ng mga guro ng Filipino sa ikaapat na taon ng Palawan National High
School ay pagkontrol, pagtatakda, pagpapaunlad ng nilalaman, pagtutugon, positibong
pagpapahalaga at negatibong pagpapahalaga ayon sa pagkakasunud-sunod. b) Ang mga
dahilan ng paglilihis-paksa ng mga guro ng Filipino sa ikaapat na taon ng Palawan
National High School ay pinangunahan ng pagbibigay ng positibong pagpapahalaga.
Sumunod ang pagpapaunlad sa nilalaman ng paksa, pagtugon, pagtatakda tulad ng
pagbibigay ng pangaral, pagkontrol sa kaugalian ng mga estudyante at ang pinakahuli ay
pagbibigay ng negatibong pagpapahalaga. Batay sa pagsusuring estatistika, lumalabas na
may makabuluhang pagkakaiba ang mga dahilan ng paglilihis-paksa ng mga guro ng
Filipino. c) Sa pagsusuri sa persepsyon ng mga estudyante sa paglilihispaksa ng mga
guro ayon sa unang wika at kasarian, lumalabas na ang unang wika ay may kabuluhan
samantalang ang kasarian ay walang kabuluhan.”

Sa papel ni F. Bautista na pinamagatang Pagsusuri ng Pagbabagong


Morpoponemiko sa Impleksyon ng Filipino: Ang Kaso ng Paglalapi ng mga Alomorf
ng Unlaping Mang (kinuha sa https://www.academia.edu/8820866/ noong Hulyo 19,
2015), sinang-ayunan niya ang sinabi nina Roxas at Mula, 2008 na mahalaga ang papel
ng impleksyon sa mga wika ng Pilipinas, kabilang na ang Tagalog at Filipino. Gumagamit
ito ng hindi matatawarang kombinasyon ng mga panlapi o afiks (i.e. unlapi, gitlapi, hulapi,
kabilaan, at laguhan) maging ang pag-uulit-ulit ng mga panlaping ito sa mga salita.

Dagdag pa ni Bautista : “ Ang ganitong katangian ng istrukturang morpolohiko


ng ating mga wika ay kapansin-pansin lalo sa mga nabuong diksiyunaryo para rito.
Halimbawa, sa pagsasangguni sa diksiyunaryo para maunawaan ang kahulugan ng isang
salitang may impleksyon sa Filipino o Tagalog, kailangan munang matukoy ang salitang
ugat na siyang pangunahing entri sa listahan. Ang pagbabago sa mga salitang ugat dahil
14

sa impleksyon ay nangangahulugan ng pagbabago sa kawawaan ng salitang dinagdagan


ng impleksyonal na morpema. Ito ang dahilan kaya dapat masusing kilalanin ang mga
morpema na kinakabit sa salitang ugat o rut.”

Sa PAGSUSURING MORPO-SOSYOLINGGWISTIKA SA MGA PILING AKDA


NG GAY NI ROS, WINSTON N. (MA Filipino, Abril 2008) na kinuha sa
http://www.eisrjc.com/documents/College_Of_Arts_and_Sciences_1325748116.pdf ,
lumabasa sa naturang pag-aaral ang sumusunod : na kongklusyon: 1. Ang salitang
karaniwang ginagamit ng mga gay ay hango sa Ingles, pinapalitan lamang ang mga
salita sa pamamagitan ng paglalagay ng panlapi o pagdaragdag ng iba pang salita
upang maiba ang bigkas at di lantad ang ipinapakahulugan nito. 2. Ang
pagpapahayag ng mga gay ay ginagawa sa paraang makulay at masining kaya ito ay
ginagamitan ng mga tayutay tulad ng pagtutulad at pagmamalabis. 3. a) Kapansin –
pansin na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa lubusang tanggap ang mga gay sa
lipunan at palasak ang diskriminasyon. Palaging kinukutya at iniintriga ang kanilang
pagkilos at pagkatao. b) Ang mga gay ay humaharap sa suliraning pampamilya.
Naniniwala ang mga magulang na magiging kawawa sila sa kanilang pagtanda, kaya,
ipinagpilitan nilang sila ay maghanap ng makakasama sa buhay kahit na labag sa kanilang
kalooban.

Sa Komparatibong Presentasyon ng Dalawang Pag-aaral sa Ponemik/Ponetik:


Isang Prajek para sa Ortograpiya1 Francis Bautista na kanyang ipinasa bilang huling
rekwayrment sa kursong Fil 201 (Kasaysayan ng mga Pag-aaral na Gramatikal ng Wikang
Pambansa) kay Prop. Althea Enriquez ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng
Pilipinas, Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Ipinasa ang papel noong huling bahagi ng
unang semester ng 2012, binanggit niya sa kanyang Introduksyon ang sumusunod :

“ Hindi na lingid sa ating kaalaman na mahalagang sangkap ang ponolohiya


sa pag-aaral ng pagbibigay-kahulugan sa wika. Sa kabilang banda, siyang basehan
din ang ponolohiya upang madetermina ang palabaybayan ng isang umiiral na
wika. Ang pag-aaral ng tunog ay may mahalagang papel upang madebelop ang
katatasan. Ang mga elemento gaya ng pagbigkas at diin sa kabuuan ay may
kontribusyon sa pagkontrol sa limitasyon ng wika. Ang ponolohiya ay pundamental
sa linggwistiks. Ang klasipikasyon at imbentaryo ng tunog ay sentral upang
bigyang-liwanag ang morpolohiya, sintaks, semantiks, at pragmatiks. Ang
ortograpiya, na isang erya sa gamiting linggwistiks, ay tumutukoy sa pag-aaral sa
istandardisadong sistema ng pagsulat o iskrip ng partikular na wika (Seidenberg,
1992). Ang ortograpiya ay higit na nakapokus sa ispeling at sa relasyon ng ponema
at grapema sa isang wika. Ito ay naglalarawan at nagpapakahulugan sa mga
simbolo na ginagamit sa wika, at sa mga tuntunin tungkol sa kung paano ginagamit
ang mga simbolong ito. Karamihan sa mga natural na wika ay nadebelop bilang oral
o sinasambit na wika. Ang mga sistema ng pagsulat ay dinisensyo at niyakap
upang magrepresenta ng mga sinasambit na wika. Upang magkaroon ng kaisahan
sa mga manggagamit ng panulat, nangangailangang gawin itong istandardisado at
umaayon sa napagkasunduang “katamaan”. Bagamat ang ortograpiya ay nakasalig
sa formalismo ng katamaan ng pagsunod sa kumbensyon, hindi maiwawaglit ang
15

siyentipikong pag-unawa sa mga katangian ng ponolohiya na siyang nagpapatibay


sa pagiging lehitimo nito. Ang ortograpiya ay nagpapahiwatig ng dikotomiya ng
preskriptiv na tama. Sa korespondensya ng ponolohiya at ortograpiya, isinasaalang-
alang ang mga pananaw ukol sa etik at emik. Ang una ay dulog ukol sa kung
paanong ang sistema ay ginagamit, habang ang ikawala naman ay tungkol sa
pagtingin ng mga tagagamit ng wika hinggil sa pagiging tama, na tila ba’y katumbas
ng moral na esensya ng tama o mali.”

B. Ukol sa Pagbibigay Motibasyon sa Mga Mag-aaral

Ayon kay Tolentino (2001), ang pagpili kung ano ang ituturo at kung ano ang
payayabungin ay kabilang sa mga pang-araw-araw na desisyong isinasagawa ng isang
guro. Para kina Lardizabal (1996), ang paglilipat ng kaalaman ay isinasakatuparan sa
tulong ng metodo.

Iminungkahi ni Morgan (1993) ang lapit sa pagtuturo na nakasentro sa mag-aaral.


Marapat daw na ang kurso ay makatutugon sa partikular na interes at kakayahan ng mga
mag-aaral.

Nang pag-aralan ni Tulib (1996) ang “ Status of Muslim Religious Education


(Madaris) in the Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) in Southern
Philippines 1995 ” , kanyang natuklasan na ang persepsyon ng mga Madrasang guro at
mag-aaral ay nakadepende sa kanilang sosyo-demograpikong katangian tulad ng
kasarian, estado sa buhay, kinabibilangang etnikong grupo, lugar ng pag-aaral, edad, at
iskedyul ng klase. Ang ilang mga rekomendasyon ng kaniyang pananaliksik ay : 1) Dapat
tignan nang malalim ang kurikulum ng Madrasa upang matugunan di lamang ang
espiritwal kundi maging ang praktikal na pangangailangan ng mga mag-aaral; 2) Dapat
repasuhin ng mga administrador at namumuno ang bisyon, misyon ng Madrasa. Dahil
kung hindi ito gagawin, hindi ito makaaalpas sa tradisyunal nitong imahe o katayuan na
“isa lamang lugar upang matutunan ang pagbasa at pagsaulo ng banal na Qur’an ; 3)
Dapat malaman ng mga tagagawa ng palisi ang iba’t ibang pangangailangan ng Madrasa.
Dagdag pa rito, dapat itong ituring na isang pormal na institusyong edukasyunal yaman din
lamang na mas pinili ng mga magulang na Muslim na ipasok ang kanilang mga anak dito ;
at 4) Mas malawak pang pag-aaral ang maaaring gawin sa ideal ngunit praktikal na
kasaklawan ng edukasyong Islam at sa pagtataya ng bisyon, at misyon ng pagtuturo nito.

Para kay Alcala (1997), mananatiling mahalagang salik ang guro sa proseso ng
pagtuturo at pagkatuto sa kabila ng mga teknikal na pag-unlad. At dahil ang pagtuturo
ayon kay Liongson (1998) ay isang bagay na kung saan ang buhay at kamatayan ay
nakasalalay, hindi lamang ito dapat ipagkatiwala sa mga lubos na may kahandaang
propesyunal, manapa’y sa mga mapagkalinga, may pananagutan at matwid na mga
kalalakihan at kababaihang may taglay na bisyon na mapanumbalik ang sigla at buhay ng
humanidad. Ito ay sinusugan ni Chan (1994) nang kanyang puntuhin ang
pangangailangan sa mga pakultad na may kakayahan at nagtataglay ng makatangiang
16

kailangan at nag-aangkin ng tatlong sangkap sa matagumpay na pagtuturo: ang


pedagodyi, motibasyon at pag-uugali.

Para sa mananaliksik at edukador na si Mathew, sinabi niya sa kanyang papel na


“Education : The Means to Divinity ” (2006), na may mahalagang papel na ginagampanan
ang pagganyak (motivation) sa mga mag-aaral sa kanilang araw-araw na klase dahil
tumutulong itong maikintal sa kanilang isipan ang mga kasabihan (proverb/quotation) na
maaari ring maging talakayang-aralin. Ganito rin ang pananaw ni Blanchard (2005) na
naging pangalawang kalikasan na ang paggamit ng mga kasabihan sa kanyang pagtuturo
ng pamumuno at pangangasiwa ( leadership and management) upang matandaan ng
kanyang mga tagapakinig ang mahahalagang bahagi ng kanyang lektyur.

Para kay Agcaoili (2000) , ang wikang pambansa ay isang conditio sine qua non ng
mapagpalayang kamalayan. Sa isang bansang nangangailangan ng kaligtasan,
kailangang-kailangan ang tuluy-tuloy na pag-akda ng panitikang mapagpalaya dahil aniya,
tanging ang isang produktibong semiotiks ang may kakayahang maglarawan ng mabuting
buhay para sa lahat.

Sa ginawang pag-aaral ni Peregrino, Jovy M. sa kanyang Pagsipat sa mga


Nagawang Pananaliksik sa Larang ng Wika noong 1996-2007 Tungo sa Pagbuo ng
Isang Agenda sa Pananaliksik na kinuha noong Marso 25, 2016 sa
http://journals.upd.edu.ph/index.php/phr/article/download/4741/4277, kanyang sinabi na :

“ Sa pitong area sa larangan ng wika (pagpaplanong pangwika, estruktura,


leksikograpiya, pagsasalin, pragmatics, rehiyonal na wika, at internasyonal na
Filipino), marami pang dapat isagawang pananaliksik na umaayon sa itinatakda ng
bisyonmisyon ng DFPP sa usapin ng wika. Bagamat nakikita sa dami ng
pananaliksik na nagawa mula 1996-2007 ay nagiging subarea na lamang ng
estruktura ang leksikograpiya. Napabayaan ang pananaliksik sa area ng rehiyonal
na wika at internasyonal na Filipino. Sa pitong area na ito ng larang ng wika, ang
pagpaplanong pangwika, estruktura, at pagsasalin lamang ang opisyal at kinikilala
bilang degree sa wika. “

Sintesis (Synthesis)

Naging makabuluhan ang bawat panitikan at pag-aaral para sa kasalukuyang


isinasagawang pag-aaral ukol sa paglalapi.

Sa aklat ni Pappas (2004) na Variation and Morphosyntatic Change in Greek :


From Clitics to Affixes bagamat ito ay naiiba dahil sa innoper nitong variationist
analysis, nakapagkintal ito sa isipan ng kasalukuyang mananaliksik patungkol sa
paggalugad ng isang alternatibong kaparaanan upang muling bigyang pagsusuri ang
papel na ginagampanan ng paglalahat sa pagbibigay ng linggwistikong kapaliwanagan.
17

Sa aklat naman ni Rachel Wojdak (2008) na The Linearization of Affixes :


Evidence from Nuu-chan-nulth Studies in Natural Language and Linguistic theory na
sumiyasat sa suliranin ukol sa linearization sa tulong ng isang bagong pananaw : ang
linearization of affixes o ang linyarisasyon ng mga panlapi, nabuo ang isang kaisipan para
sa kasalukuyang mananaliksik na gumawa ng isang modyular ng pamamaraan ng
pagtuturo ng panlapi para sa mga mag-aaaral.

Sa tesis ni Salazar, Kara P. GRAMMATICAL ERRORS IN THE ESSAYS OF


THIRD YEAR ENGLISH MAJOR STUDENTS OF BENGUET STATE UNIVERSITY (MA
English as a Second Language, April 2008) na gumamit ng mga baryabol na kasarian,
wikang sinasalita sa bahay / unang wika, preperens sa mga babasahin, at atityud sa
pagsulat sa pagtingin sa mga kamaliang nakokomit ng mga mag-aaral sa gramar sa
kanilang mga sanaysay na ginawa; nagawa nitong ituon ang isipan ng kasalukuyang
mananaliksik upang alamin ang kahusayan ng mga mag-aaral sa pagbibigay katuturan sa
mga bahaig ng panalita , paglalapi, at sa pagsipat kung tama o mali ang kanilang
ginawang paglalapi sa tulong ng paggamit ng mga salitang nalikha sa makabuluhang
pangungusap.

Sa papel naman ni BUÑAG, ALVIN G. na PAGLILIHIS-PAKSA NG MGA GURO


NG FILIPINO SA IKAAPAT NA TAON NG PALAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL (MA
Filipino, Mayo 2008) sinuri ang paglilihis-paksa ng mga guro ng Filipino sa ika-apat na
taon ng Palawan National High School, nakahango ng kaisipan ang kasalukuyang
mananaliksik kung paanong makalilihis sa tradisyunal na pagtuturo ng paglalapi tungo sa
isang praktikal na pagdulog na mas kapaki-pakinabang at makabuluhan para sa mga mag-
aaral.

Sa papel ni F. Bautista na Pagsusuri ng Pagbabagong Morpoponemiko sa


Impleksyon ng Filipino: Ang Kaso ng Paglalapi ng mga Alomorf ng Unlaping Mang
(kinuha sa https://www.academia.edu/8820866/ noong Hulyo 19, 2015), sinang-ayunan
niya ang sinabi nina Roxas at Mula, 2008 na mahalaga ang papel ng impleksyon sa mga
wika ng Pilipinas, kabilang na ang Tagalog at Filipino. Gumagamit ito ng hindi
matatawarang kombinasyon ng mga panlapi o afiks (i.e. unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan, at
laguhan) maging ang pag-uulit-ulit ng mga panlaping ito sa mga salita. Napag-isip-isip ng
kasalukuyang mananaliksik ang pagbibigay laya sa mga mag-aaral upang magamit ang
iba’t ibang hulwaran ng paglalapi sa kanilang pagbuo ng salita.

Sa PAGSUSURING MORPO-SOSYOLINGGWISTIKA SA MGA PILING AKDA


NG GAY NI ROS, WINSTON N. (MA Filipino, Abril 2008) na kinuha sa
http://www.eisrjc.com/documents/College_Of_Arts_and_Sciences_1325748116.pdf,
tumimo sa kaisipan ng kasalukuyang mananaliksik ang unang kongklusyon sa naturang
pag-aaral na : 1. Ang salitang karaniwang ginagamit ng mga gay ay hango sa Ingles,
pinapalitan lamang ang mga salita sa pamamagitan ng paglalagay ng panlapi o
pagdaragdag ng iba pang salita upang maiba ang bigkas at di lantad ang
ipinapakahulugan nito; ito ang lalong nagpatibay sa kaisipan na : “ Hindi
mapapasubalian na ang paglalapi ang siyang pinakamabungang paraan sa pagbuo ng
mga salita sa wikang Filipino.”
18

Ang naturang kaisipan ay sinusugan naman Sa Komparatibong Presentasyon


ng Dalawang Pag-aaral sa Ponemik/Ponetik: Isang Prajek para sa Ortograpiya ni
Francis Bautista na kanyang ipinasa bilang huling rekwayrment sa kursong Fil 201
(Kasaysayan ng mga Pag-aaral na Gramatikal ng Wikang Pambansa) kay Prop. Althea
Enriquez ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Unibersidad ng Pilipinas
Diliman; sa kanyang pagsasabi na :

“ Ang mga elemento gaya ng pagbigkas at diin sa kabuuan ay may


kontribusyon sa pagkontrol sa limitasyon ng wika. Ang ponolohiya ay pundamental
sa linggwistiks. Ang klasipikasyon at imbentaryo ng tunog ay sentral upang
bigyang-liwanag ang morpolohiya, sintaks, semantiks, at pragmatiks.”

Sa konklusong ibinigay ni Kiko Bautista ukol sa papel na kanyang ipinasa kay


Prop. Althea Enriquez para sa kursong Fil 201 sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman na
Paglalagom ng Makabagong Balarila ng Pilipinoni Teresita Ramos na kinuha sa
https: //up-dilima.academia.edu/FrancisBacon Bautista noong Marso 20, 2016 kanyang
binanggit ang sumusunod :

“ Isang mahalagang bagay na dapat itanong sa sarili ay kung paanong ang


teorya ay bumebenta sa isang dalubwika. Ito ba ay patungosa makabuluhang
direksyon kung saan naipakikilala ang mga hindi hayag na impormasyon hinggil
sinusuring gramar? Ito ba ay maaaring maging instrument sa pagkatuto?
Sa loob ng mahabang panahon na sinuri ang mga wikang uniiral sa bansa,
masasabing sa Tagalog/Pilipino/Filipino na ang pinakamalaking interes ng mga
nag-aral ng wika. Sa mga punto na inilatag ni Ramos hinggil sa simuno,
mababanaag ang relasyon nito sa pokus ng mga ibang awtor sa kung alin ang
simuno ng pangungusap. Ayon kay Bloomfield at mga linggwista noong panahon ng
Amerikano, ang nominative case na “ang” ang siyang naghuhudyat ng simuno.
Sinasabi naman nina Schachter at Otanes, walang simuno (sabjek) ang Tagalog
kundi paksa. Ayon naman sa mga mas bagong awtor, ang aktor na siyang
tagaganap ng kilos ang siyang simuno. Ang ebolusyon ng sabjek ay nagsisimula sa
pormalistikong pagtrato ng tradisyunal na gramaryan sa simuno patungo sa
kakayahan ng bawat aktor (mapa-tagaganap o tagatanggap) na maging simuno.

Kapansin-pansin sa naging pagtrato ni Ramos sa simuno ang layon at gamit


ng wika. Sinasabing gaya ng aspekto ng Tagalog na hindi nakakulong sa
pangkaraniwang dimensyon ng oras (i.e. naganap, nagaganap, magaganap), ang
simuno ng Tagalog ay hindi nakakulong sa (1) mga nominal na pangngalan at (2)
tagaganap ng kilos. Dalawa sa mga halimbawang magpapatotoo (naka-italize ang
simuno) ay:

Nawala ang nasa kanya. (pariralang pang-ukol ang simuno)


Bilhin mo ang tinapay. (tagatanggap ang simuno)
19

Ang mga argumentong naipresenta ni Ramos, na kumakawala sa tumbasan,


ay lubhang nakatutulong sa mga mag-aaral ng wika na magprodyus ng maayos na
pasalita at pasulat na wika nang hindi nag-iisip sa Ingles. Sinusuportahan nito ang
gamit ng functional grammar na gabay sa paghahayag ng saloobin (Woods, 2001).

Ang isang suliranin na kinakaharap ng mag-aaral ng wika sa functional


grammar ay ang malawak na bilang ng mga aktibidad na dapat isaalang-alang ng
wika. Paano babasahin ng mag-aaral ang konteksto kung ang pag-alam niya sa
basikong istruktura ay problematiko?

Magkagayunman, hindi naman mahirap na unawain kung bakit ang lingk ng


mga elemento ng wika sa konteksto ng mananalita ay kaakit-akit sa isang
gramaryan ng Tagalog. Ang surface structure ng isang payak na pangungusap sa
Tagalog ay malapit sa deep structure na ipinaliliwanag sa functional linguistics.

Nais kong tapusin ang artikulong ito sa pagsasabi na ang aklat ni Teresita
Ramos ay may pagtingin sa kailan, paano, at kanino ang mga pormang inilakip sa
kanyang materyal. Ang Makabagong Balarila ay naging matagupay sa paggalugad
sa makabagong teknik kung saan mas matimbang ang kakayahang
makipagtalastasan kaysa pormalidad. “

Ang kasalukuyang mananaliksik ay kumakatig sa sinabi ni Bautista nang kanyang


banggitin sina Halliday at Webster (2009), patungkol sa isyu na may kahirapan sa
pagpapanatili ng balanseng perspektiba ng wika. Ito ay dahil ang pokus ng manggagamit
ng wika ay lumilipat mula sa mga partikular na sitwasyon hanggang sa mga sistemang
nasa ilalim nito.

Kanya namang binigyan ng liwanag ito sa pagsasabing magkagayunman ang


sitwasyon , ang sistema, partikular ang sistema ng semiotics (pilosopikal na teorya ng mga
simbolo), ay nagpapahiwatig ng relasyon ng sistema sa mga kumplikadong aspektong
pisikal, fisyolohikal, sikolohikal, at kultural. Sa functional na pag-aaral ng gramar, tinuturing
ang konteksto ng mga gamit bilang kaisa ng sistemang linggwistiko. Ang mga problemang
kinakaharap ng manggagamit ng wika ay hindi lamang ng usapin ng kawalan niya ng
kakayahang sumunod sa sistema, kundi maging sa pagbabasa niya ng (kon)teksto.

Hinggil naman sa pagbibigay motibasyon, nakatulong ng malaki ang sumusunod na


pahayag mula sa iba’t ibang otoridad.

Mahalaga para sa isang guro na taglayin ang mga katangiang pundamental sa


pagtuturo. Ang mga katangiang tulad ng hinango ni Lardizabal (1997) mula kay Shipley na
patungkol sa personalidad ng guro (kung saan may ginawang talaan si Lardizabal noong
1996 hinggil sa propesyunal na pag-uugali na inaasahan sa isang guro) at sa simulain
(principle) ng mabuting pagtuturo ay masasabing may pinag-ugatan mula sa mga tala ni
Freeman ukol sa mga personal na kahingian ng pagtuturo. Mahuhulo nating ang pagtuturo
bilang isang propesyon ay hindi biru-biro.
20

Sa larangan naman ng pagtuturo, ang pagganap ng guro sa kanyang tungkulin ay


nakikita ng mga mag-aaral sa dalawang aspeto. Ang positibo, kung saan ayon sa pag-
aaral ni Domingo (1989) lumabas na ang mga guro ay mapagkikilalang malikhain ayon sa
pananaw ng mga mag-aaral. Ang negatibo na ayon sa isinagawang pag-aaral naman ni
Padilla (1997) na kung saan napaghulo (perceived) ng mga mag-aaral na hindi lahat ng
mga guro ay ginagampanan ang kanilang mga tungkulin nang maayos at bunga nito,
kailangang magpunyagi ang mga guro upang maipakita na kanilang ginagampanan nang
maayos ang nakaatang sa kanilang tungkulin. Tunay ngang, hindi magagawa ng isang
guro na mabigyang lugod ang lahat. Kung gagamitin ang kasabihan ni Santo Tomas
upang biigyang analohiya ang kalagayang ito ng guro; masasabing para sa mga
naniniwala sa guro walang paliwanag ang kailangan, at para naman sa mga di naniniwala
sa guro, walang paliwanag ang sasapat.

Ang guro na gumaganap ng iba’t ibang mahahalagang tungkulin sa loob ng silid-


aralan ay kinilala ni Bustos (1985) bilang mahalagang salik sa pagkatuto ng mga mag-
aaral. Ang mga gurong ito para kay Ordoñez (1997), ay mga manlilikha ng hinaharap
dahil sa taglay nilang mahalagang papel sa pagsasalin ng etikal na pamana at
pagpapahalaga sa susunod na salinlahi na tulad ng idinidikta ng Pambungad na
Talaasalan para sa mga Propesyunal na Guro (Preamble of the Code of Ethics for
Professional Teachers, 1996). Itinatanghal ang mga guro bilang mga lisensyadong
propesyunal na nagtataglay ng dignidad at reputasyon na may mataas na
pagpapahalagang moral at teknikal at propesyunal na kakayahan.

Bilang pagkilala ni Ballesteros (1988) sa kahalagahan ng mga guro, siya ay


nagrekomenda ng mga hakbanging makapaghihikayat sa propesyon ng pagtuturo. Sa
pag-aaaral ni Gschwend (1999), lumitaw na ang pagpapahalaga ng guro at ang mga
intrinsikong motibasyon ang nakapagtutulak sa mga gurong may mataas na epikasi upang
malagpasan ang mapaghamong kalagayang pagtuturo. Huwag naman sanang humantong
sa pinangambahan ni Douglas (1992) na ang propesyon ng pagtuturo ay bumaba dahil sa
kawalan ng sigasig at interes ng mga guro na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
Pinatingkad ni Thurow (1997), sa pagbanggit sa kanya ni Tolentino (2001) ang
kahalagahan ng edukasyon at kakayanan ng mga manggagawa na para kay Senge
(1992) ay pagbibigay-kapangyarihan sa mga guro na itinuturing nina Kemder at Gew
(1994) na hindi lamang mga pinuno kundi mga tagapangasiwa at tagapagganyak.

Magkaisa sa paniniwala sina Sibayan (1995) at Torralba (1998) na ang mga guro
ay mahalagang salik ng lipunan dahil sa misyon nilang ginagampanan. Ayon kay Tolentino
(2001), ang pagpili kung ano ang ituturo at kung ano ang payayabungin ay kabilang sa
mga pang-araw-araw na desisyong isinasagawa ng isang guro. At sa tulong ng metodo,
ang ang paglilipat ng kaalaman ayon kina Lardizabal (1996), ay maisasakatuparan.
Kung naniniwala sa Nemenzo (1991) na ang ideal na lugar ng pagkatuto ay ang global na
klasrum, pinaniniwalaan naman ni Alcala (1997), na mananatiling mahalagang salik ang
guro sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto sa kabila ng mga teknikal na pag-unlad. Ngunit
ang guro para kay Liongson (1998) ay hindi lamang basta nagtataglay ng kahandaang
propesyunal,dapat rin na siya ay mapagkalinga, may pananagutan at matwid na may
taglay na bisyon na mapanumbalik ang sigla at buhay ng humanidad. Tatlong sangkap
21

naman ayon kay Chan (1994) ang kailangan upang matamo ang matagumpay na
pagtuturo: ang pedagodyi, motibasyon at pag-uugali.

Naniniwala ang kasalukuyang pag-aaral sa kahalagahan ng guro, kahalagahan na


pinatitingkad sa kanyang mga nakaatang na tungkulin na ang pagsasakatuparan ay
nakasalalay sa kanyang mga kakayahan at pananagutan para sa propesyong ito, Sadyang
hindi natatapos ang gampanin ng isang guro sa loob ng silid-aralan.

Ang mahalagang papel na ginagampanan ng pagganyak sa pagkintal sa isipan ng


mga mag-aaral ng mga kasabihan na maaari ring maging talakayang-aralin., para kina
Blanchard (2005) at Mathew (2006) ay hindi matatawaran.

Hindi maikakaila na malaking tulong ang naiambag ng mga panitikan at mga pag-
aaral na nabanggit para sa kasalukuyang pag-aaral na umaasang sa tulong isang
modyular na pagtuturo sa paglalapi ay magagawang mapataas ang kaalaman ng mga
mag-aaral sa unang taon na kumukuha ng kursong Sining ng Komunikasyon sa unang
semester ng taong panuruang 2015-16.
22

YUNIT III

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
(METHODOLOGY)

A. Disenyo sa Pananaliksik (Research Design)

Ang pananaliksik na isang kwantitatibong pag-aaral na maikakategorya


bilang isang action research ay gumamit ng disensyong deskriptib upang
mailarawan ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa larang ng paglalapi.
Gagamit din ito ng eksperimental na pamamaraan upang malaman kung
magkakaroon ng positibong pagbabago sa kaalaman sa paglalapi ng mga mag-
aaral pagkatapos maturuan sa tulong ng isang modyular na kaparaanan sa
paglalapi gamit ang pragmatikong pagdulog na susukatin naman gamit ang isang
ebalwatib test.

B. Lugar ng Pananaliksik(Research Locale)

Ang pag-aaral ay isinagawa sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila sa


Intramuros, Maynila kung saan ang mga mag-aaral sa unang taon ng kolehiyo na
kumukuha ng kursong Sining ng Komunikasyon sa unang semester ng taong
panuruang 2015-16 ang gagamiting sabjek ng pag-aaral.

C. Pagkuha ng Populasyon (Samples and Sampling Technique Used)

Ang sampling metod na ginamit sa isinagawang pag-aaral ay simple


sampling . Sa tatlong klase na kumukuha ng kursong Sining ng Komunikasyon sa
unang semester ng taong panuruang 2015-16, kukuha ang mananaliksik ng
limampu ( 40) na bilang ng mga mag-aaral.
50% + 1 ang gagamiting pormula sa pagkuha ng sampol para sa BSHHHM
1-1 na may 38 bilang ng mga mag-aaral, kumuha ng 20 ( 19 +1) ang mananaliksik.
23

Tig –sampu (10) ang kukunin para ; para sa BS-Psy 1-3 na may 32 bilang ng mga
mag-aaral at sa BSE- 1-2 na may 23 bilang ng mga mag-aaral.
Sa pre-test na ibibigay sa mga mag-aaral ng bawat seksyon, isa-shuffle ng
mananaliksik ang mga papel at ang nakaasayn na bilang ng mga mag-aaral sa
bawat seksyon ang siya lamang kukunin.
.
D. Instrumentasyon (Instrumentation)

Ang mga ginamit na instrumento sa kwantitatibong pag-aaral na ito ay ang


pre-test, at ebalwatib test na ibibigay sa mga mag-aaral matpos dumaan sa isang
modyular na pagtuturo ng paglalapi gamit ang pragmatikong pagdulog bilang isang
interbensyon na programa. Frequency distribution lamang ang gagamiting
istatistikal na instrument upang mailarawan ang antas ng kaalaman ng mga mag-
aaral ukol sa paglalapi.

E. Paraan sa Pangangalap ng Datos (Procedures)

1. Una, bibigyan ng pre-test ang mga napiling sampol na bilang ng mga mag-aaral
gamit ang simple sampling na sinunod sa pormula na 50% + 1 para sa di ikokontrol
na grupo at tig-sampu para sa ikokontrol na grupo.
2. Susuriin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa tatlong seksyon
( BSHHHM 1-1, BS-Psy 1-3 at BSE- 1-2 ) sa larang ng paglalapi. Titignan din kung
may nagaganap na inter-lanaguage phenomenon ukol sa pagbabago sa gramar.
3. Bibigyan ng interbensyon ang mga mag-aaral mula sa dalawang seksyon ( BS-
Psy 1-3 at BSE- 1-2 ) gamit ang isang modyular na pagtuturo ng paglalapi sa isang
pragmatikong pagdulog .
4. Bibigyan ng ebalwatib test ang mga mag-aaral mula sa tatlong seksyon at
ipagkukumpara ang kanilang mga nakuhang iskor sa ebalwatib test ( ang kinontrol
na baryabol BS-Psy 1-3 at BSE- 1-2 kumpara sa di kinontrol na baryabol na
BSHHHM 1-1) upang alamin kung mayroong positibong pag-unlad sa aspeto ng
kanilang paglalapi .
24

Mga Batis :

A. Aklat

Aguilar, Reynaldo L. et al (2009) Sining ng Komunikasyon. Grandwater Publications.


Makati City.
Ball, Donald A., and Wendell H. McCulloch. International Business , 1985
2nd ed., Dallas: Business Publications, Inc.

Batnag, Aurora E. at Minda M. Laraya, editor, Tungo sa Ibayong Pagyabong ng


Wikang Filipino, Mga Teorya at Praktika 1991 - Linangan ng mga Wika sa
Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports Republika ng
Pilipinas., National Bookstore, Inc. 701 Rizal Avenue, Sta. Cruz, Metro Manila

Mga Nakapaloob :

Constantino, Ernesto, Pangunahing Papel : Theories for Development and


Enrichment of Language, pp. 23-30.
Hornedo, Florentino, Reflections on Some Theme Concerning the
Maintenance and Development of Filipino as the National Languange,
pp. 33-40.
Santiago, Alfonso O., Reaksyon sa Panayam ni Dr. Ernesto Constantino,
pp.63- 71.
.
Beebe, Leslie and Howard Giles. (1984). “Accomodation Theory : A Discussion in
Terms of Second Language Acquisition.” Nasa International Journal of the
Sociology of Language. Vol. 46, pp. 5-32.
Bernstein, Basil. (1972) . Social Class, Language and Socialization. Nasa Giglioli, pp.
157-178.
Bernales, Rolando A. et al (2009). Mabisang Komunikasyon sa Wikang Pang-akade-
miko . Mutya Publishing House Inc. Malabon City.

Bernales, Rolando A., Komunikasyon sa Makabagong Panahon Batayan at


Sanayang - Aklat sa Filipino 1, Antas Tersaryo, 2001 Mutya Publishing
House #6 Baltazar St., Pacheco Village, Balubaran, Valenzuela City .

Buwan ng Wikang Pambansa 2006 Pampinid na Palatuntunan. Philippine


Columbian Association, Maynila. Agosto 31, 2006 Komisyon sa Wikang Filipino.
Catacata, Panfilo D. Ed. (2004). Metamorfosis ng Wikang Filipino : Sulyap at Titig ni
Ponciano B.P. Pineda, Ph.D. Makati City : Grandwater Publications.

Constantino, Pamela C. “Tagalog, Pilipino, Filipino : May Pagkakaiba Ba?” Nasa


Bernales, pp. 63-66.
25

Constantino, Pamela C. Pluraridad Tungo sa Identidad: Ang Barayti ng Wikang Filipino


sa Pagbuong Wika at Kamalayang Pambansa ; Papel na Binasa sa Ika-5ng
Pambansang Seminar-Worksyap sa Wika at Panitikang Filipino : Paglinang sa
Pambansang Kultura at Kamalayan : Teorya, Metodo at Pagsasapraktika sa
Klasrum. Kolehiyo ng Miriam. Nobyembre 22-24, 2000.
Dabine, Louise. (1993). Some Aspects of Multilingual & Its Educ. Implications. Nasa
Khoo, Rosemary, et al., eds. pp. 73-90.

Dekker, Diane and Catherine Young, “Bridging the Gap: The Development of
Appropriate Educational Strategies for Minority Language Communities in
the Philippines,” Current Issues in Language Planning, vol. 6. no. 2 2005.

Dittmar, Norbert. (1976). Sociolinguistics. London : Edward Arnold.


Ellis, Rod. (1997). Second Language Acquisition. New York : Oxford University Press.
Giglioli, Pier Paolo. (1972) . Language and Social Context. G. Britain : Cox & Wyman
Ltd.

Gonzales, Andrew B. and Maria Lourdes S. Bautista, Language Surveys in the


Philippines (1966-1984) 1996.Manila: De La Salle University Press.

Gonzales-Garcia, Lydia F., “Mga Tungkulin ng Wika” The Filipino Teacher 1989,
vol. XLIV, no.5 Quezon City Bookman Publishing House.
Gregory Michael and s. Carrole. (1978) . Language and Situation . Language Varieties
and Their Social Contexts. London : Routledge & Kegan Paul.

Gronbeck, Bruce E., Raymie E. McKerron, Douglas Ehninger and Allan H. Monroe.,
Principles and Types of Speech Communication. 1997., New York:
Addison, Wesley EducationalPublishers, Inc.

Halliday, M.A.K. (2009). Language and Education: v. 9 (Collected Works of M.A.K.


Halliday). London: Continuum International Publishing Group Ltd.

Khoo, Rosemary, et al., eds. (1993) . Languages in Contact In A Multilingual Society &*
Implications. For Language Teaching & Learning. Singapore SEAMEO Reg.
Language Center.

Korth, Christopher M., International Business : Environment and Management


1985 2nd ed., Englewood Cliffs, New York Prentice Hall Inc.

Labov, William . (1970) . The Study of Language In Its Social context. Nasa Giglioli, Pier
Paolo, pp. 283-308.
26

___________. (1972). The Logic of Nonstandard English. Nasa Giglioli, pp. 179-216.
Lorenzo, Carmelita et al, Sining ng Pakikipagtalastasang Panlipunan 1994,
Echanics Press, Inc.
Massie, Joseph L., Essentials of Management 1987 Prentice Hall, Inc.
A division of Simon and Schuster Englewood Cliffs, New Jersey

Möller, Armin (2012). “Palaugnayan ng Wikang Filipino”. Kinuha sa


<http://www.germanlipa.de/wika/ug_J.htm#UB>

Montgomery, Martin. (1986). An Introduction to Language and Society . London & New
York : Methuen.
Nettle, David and Romaine s. Vanishing Voices : the Extinction of the World's
Languages. 2000., New York : Oxford University Press.
Nolasco, Ricardo Ma. Duran, Ang Pagkaergatibo at Pagkatransitibo ng mga Wikang
Pilipino: Isang Pagsusuri sa Sistemang Bose, 2003 . Ph D
Dissertation, Unibersiad ng Pilipinas, Diliman, Quezon City.

Nolasco, Ricardo Ma. Duran, Kung Bakit Isang Malaking Pakinabang sa


Pilipinas ang Pagkakaroon Nito ng Maraming Wika, Pambungad na
Pananalita sa Pagbubukas ng Buwan ng Wika2006.

Pappas (2004) na Variation and Morphosyntatic Change in Greek : From Clitics to


Affixes. Palgrave Studies in Language History and Language Change.
Palgrave Macmillan UK

Romaine, Suzanne. (1982) . Sociolinguistic Variation in Speech Communities. London :


Edward Arnold.
Rugman, Allan M. , Donald J. Lecron, and Laurence D. Booth, International
Business 1985 New York : Mc Grac- Hill Book Company, Inc.

Ryan, Ellen B. & Howard Giles. (1997). Attitudes Toward Language Variation . London :
Edward Arnold.

Wojdak, Rachel (2008) The Linearization of Affixes : Evidence from Nuu-chan-


nulth Studies in Natural Language and Linguistic theory . UCLA.

B. Tesis / Mga Papel

Aliweng, Leety I. WRITING PROFICIENCY LEVEL OF FRESHMAN STUDENTS AT


BSBT COLLEGE, BAGUIO CITY. (MA English as a Second Language,
October 2008) . Baguio city.

Bautista, Francisco Kiko . Pagsusuri ng Pagbabagong Morpoponemiko sa Impleksyon


ng Filipino: Ang Kaso ng Paglalapi ng mga Alomorf ng Unlaping Mang- na
27

kinuha sa https://www.academia.edu/8820866/ noong Hulyo 19, 2015.

Bunag, Alvin G. PAGLILIHIS-PAKSA NG MGA GURO NG FILIPINO SA IKAAPAT NA


TAON NG PALAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL BUÑAG, ALVIN G. (MA Filipino,
Mayo 2008) College of Arts and Sciences Research Journal, Volume XVI – 2008
Edition 71.

Ramos, Bernardo F. Report on Language of Instruction --- English or Filipino?


isang papel na isinumite bilang kahingian sa DEASMCUIN : Seminar in
Curriculum and Instruction sa ilalim ni Dr. Teresita P. Salvador noong
Agosto 23, 2009. PLM, INtramuros, Maynila.

ROS, WINSTON N. PAGSUSURING MORPO-SOSYOLINGGWISTIKA SA MGA PILING


AKDA NG GAY (MA Filipino, Abril 2008) na kinuha sa
http://www.eisrjc.com/documents/College_Of_Arts_and_Sciences_1325748116.pdf

Salazar, Kara P. (MA English as a Second Language, April 2008) GRAMMATICAL


ERRORS IN THE ESSAYS OF THIRD YEAR ENGLISH MAJOR STUDENTS OF
BENGUET STATE UNIVERSITY .Benguet, Baguio. Kinuha noong Marso 25,
2016 sa
http://www.eisrjc.com/documents/College_Of_Arts_and_Sciences_1325748116.pdf
28

Hugpong

Pamantasan ng Lungsod ng Maynila


Intramuros, Maynila

College of Humanities, Arts, and Social Sciences

Huling Sulit sa Komunikasyon sa Filipino 1


Unang Hati ng Taong Aralang 2015-16

Ang eksaminasyon na ito


ay pinondohan ng PLM .

Paalala : Matutunghayan sa ibabang bahagi ng pahina 3 ng pagsusulit na ito ang dahong


sagutan.

Basahin ang akda at pagkatapos ay sagutin ang mga kaugnay na tanong sa


ibaba.
Ang Buhay ng Isang Mag-aaral
ni Bernardo F. Ramos

1. Isang binata na hindi pa kumakain ng hapunan ang atubiling lumapit sa kanyang ina
upang magbukas ng kanyang dibdib.
2. “Inay, hindi ko na po kayang ipagpatuloy pa ang aking pag-aaral. Hirap na hirap na po
ako…”
3. Nabigla man ang ina’y nagawa pa rin nitong payuhan ang anak.
4. “Anak, huwag kang basta susuko. Ano ba ang problema mo? Sabihin mo sa akin at ako
ay makikinig.”
5. “Ibinagsak ko po ang lahat ng aking pagsusulit. Ilang araw na rin po akong hindi
pumapasok. Wala po akong interes sa mga itinuturo sa akin ng aking mga propesor. Wala
pong kawawaaan para sa akin ang kaalamang kanilang ibinabahagi. “
6. “At paano mo naman nasabi ang mga bagay na iyan?”
7. “Dahil po sa hindi kaya ng aking isip liripin ang kalaliman ng kanilang mga itinuturo.
Dahil sa hindi ko masumpungan ang kahalagahan at kaugnayan ng kanilang disiplina sa
aking buhay.”
8. “Tignan n’yo na lang po ang pagsusulit na gaya nito :

Sa ¼ na papel, lapian ang salitang basa Gamitin din sa pangungusap ang


(wet/read) upang maging : bawat nabuong salita.
1.Pangngalan (noun) Hal : Gamit ang salitang buo
2.Panghalip (pronoun) 1. Pangngalan
3.Pandiwa (verb) 1a. buo > Pag + buo = pagbuo
1b. Sa pagbuo ng salita sa
4.Pang-uri (adjective)
Filipino, may alituntuning
5.Pang-abay (adverb) sinusunod.
29

9. “At ang babasahing tulad nito :

Pagsasara ng Buhay
Bfr

Habang ako ay nakasakay sa isang fx, napansin ko na ang mga taong tulad
ko na nakasakay sa likurang bahagi ay panay ang pabukas ng pintuan. Nang
binubuksan ko ang pintuan, napansin ko na ang pihit nito ay pakaliwa. Bumalik sa
aking alaala ang pagkakataong ako ay nagluluto ng ulam gamit ang LPG. Ang
pagbukas nito ay pakaliwa rin. Nang ako ay dumating sa PLM, napansin ko naman
na ang mga pintuan din ay nabubuksan sa pamamagitan nang pagpihit pakaliwa.

Ngunit nang ako ay nasa faculty lounge na, ako ay napatingin sa orasan.
Aking napuna na ang kamay ng orasan ay may kakaibang ikot. Ito ay ikot pakanan.
Nabuo sa aking isipan ang ganitong konsepto : “Hindi kaya ang orasan ay isang
pagsasara ng buhay? Na sa bawat segundo at minutong lumilipas ay nababawasan
ang ating pananatili sa mundong ito.”

10.“Ano ang balak mong gawin ngayon aking anak?’


11. “Ibig ko pong sundin ang sinasabi ng aking damdamin . Magsusundalo na po ako…”
12. “Mahabaging langit! Hindi mo nalalaman ang iyong sinasabi? Ano ba ang iyong
hinahanap?”
13. “Ang kahulugan po ng aking buhay.”
14. “Kahulugan ng buhay? Diyos na mahabagin…Paano pa natin mabubuo ang ating
pangarap? Marurugtungan pa ba ang kasaysayan ng ating pamilya?”
15. At tuluyan nang hinimatay ang kanyang Ina habang ang binata ay tuliro sa kung ano
ang gagawin…

I. Pag-unawa at Pagsusuri sa Binasa :

A. Ukol sa Teksto : Hanguin sa binasa at sa pagsusuri sa binasa ang sagot para


sa sumusunod na katanungan.
1.Pang-abay na makikita sa 6.Maaari o hindi ba maaaring makabuo ng pang-
pangungusap bilang 1 abay mula sa salitang basa?
2.Idyomang matutunghayan sa 7. Mayroon o wala kayang salitang pang-uri na
teksto? mabubuo mula sa paglalapi sa salitang basa?
3. Anong bahagi ng panalita ang 8.Makabubuo o hindi ba makabubuo ng mga salita
salitang pag-aaral? gamit ang lahat ng
4. Kabaligtaran ng aktibong pag- hulwaran ng paglalapi para sa salitang binata?
iisip? 9. Kasingkahulugan ng subuking alamin?
5.Mayroon o wala bang ginamit na 10.Kasingkahulugan ng salitang itinuturo
paningit sa pangungusap bilang 2?

B. Ukol sa Pagsusulit : Ibigay ang titik ng tamang sagot .


30

11. Base sa pagsasalin na ibinigay (na nakalagay sa panaklong), anong bahagi ng


panalita (part of speech) ang pwedeng ipalit o ipanghalili sa pangngalan? (a. panghalip b.
pandiwa c. pang-uri d. pang-abay )
12. Bakit kaya ipinagamit pa ng dalubguro ang nabuong salita sa isang pangungusap? Ito
ay nauukol sa anong aspeto?
a. aplikasyon b. komprehensyon c. sintesis d. ebalwasyon
13. Ang salitang basa ay maaaring isang?
a. pangngalan at / o pang-uri c. pang-uri at / o pandiwa
b. panghalip at / o pang-abay d. pang-uri at / o pang-abay
14. Anong malalaman ng isang mag-aaral kapag ginamit niya ang nabuong salita sa isang
pangungusap?
a. kung tama ang salitang nabuo c. kung tama ang pagtukoy niya sa bahagi
ng panalita
b. kung tama ang diwa ng pangungusap d. wala sa a, b, at c
15. Sa iyong palagay, mayroon kayang mabubuong panghalip mula sa paglalapi ng
salitang basa?
a. Mayroon b. wala c. depende sa pangungusap d. depende sa
paglalapi
16.Ang salitang lapian ay nangangahulugang? (a. isama sa partido b. lagyan ng panlapi
c. pahabain d. dugtungan)
17. Ilang bahagi ng panalita ang makikita sa panuto sa itaas? (a. 4 b. 5 c. 6 d. 7 )
18. Ilang hakbang ang gagawin ng mag-aaral upang masunod ang panutong ibinigay ng
dalubguro? (a. 1 b. 2 c. 3 d. 4 )
19. Malamang sa hindi, kung susundin at pagbabatayan lamang ng mga mag-aaral ang
halimbawa o pormat na ginawa ng dalubguro, anong klase kayang paglalapi ang
magaganap? (a. puro unlapi b. puro gitlapi c. puro hulapi d. puro kabilaan )
20. Ilang pangungusap ang dapat gawin ng mga mag-aaral para sa pagsasanay sa itaas?
( a. 4 b. 5 c. 6 d. 7 )

C. Ukol sa Pagsasara ng Buhay : Ibigay ang titik ng tamang sagot.

21. Ang piniling paksa sa paglalarawan ay ? (buhay b. orasan c. fx d. pintuan )


22. Ang panauhan ang piniling pananaw sa naturang paglalarawan ? (una b. pangalawa
c. pangatlo d. pang-apat )
23. Ang pangunahing larawang nabuo sa teksto ay naisagawa sa tulong ng?
(pagkukwento b. analohiya c. direksyon d. isipan)
24. Paano isinaayos ng may-akda ang mga sangkap sa kanyang paglalarawan? (a.
pagkukwento b. analohiya c. direksyon d. isipan)
25. Ano ang pangunahing larawan sa akda?
a. Ang buhay ay parang LPG . c. Ang buhay ay biyaya.
b. Ang buhay ay nagbubukas at nagsasara. d. wala sa mga nabanggit

II. Ebalwayson : Sabihin kung tama o mali ang ginagawang pagsagot ng mag-aaral para
sa pagsusulit sa itaas.
26. Pagbasa para sa nabuong salita para sa pangngalan. 31. Ang pagbabasa ay
masaya. (pangungusap para sa pangngalan)
31

27. Kabasa para sa nabuong salita para sa panghalip. 32. Siya ay aking kabasa.
(pangungusap para sa panghalip)
28. Binasa para sa nabuong salita para a pandiwa. 33. Binabasa ko ang aklat ko sa
Filipino. (pangungusap para sa pandiwa)
29. Basang-basa para sa nabuong salita para sa pang-uri 34. Ang nabasang aklat ay sa
akin. (pangungusap para sa pang-uri)
30. Pabasa para sa nabuong salita para sa pang-abay 35. Ang gabasang labahin ay
mabango. (pangungusap para sa pang-abay)

III. Pag-aala-ala: Alalahanin at tukuyin ang sumusunod:

36. Ang pag-aaral ng mga paraan o sistema ng pagbuo ng mga salita sa pamamagitan
ng morpema.
37. Pinakamaliit na yunit ng isang salita na may dalang kahulugan
38. Tinatawag itong malayang morpema.
39. Affix ito sa wikang Ingles.
40. Ito ay nagbibigay ng pagbabago sa kahulugan ng salita partikular sa aspetong
kasarian.
41. May ilang hulwaran ng paglalapi sa Filipino?
42. Ang pagkakama ng panlapi sa salitang-ugat ay tinatawag na?
43. Ang dalawang magkaibang salita na pinagsama upang makabuo ng bagong salita na
may bagong kahulugan ay produkto ng ?
44. Nabubuo ang isang salita na walang pinaghanguan ngunit nagiging palasak ang gamit
sa pana-panahon. Ito ay tinatawag na?
45. Tinatawag na acronym sa Ingles. Iba ito sa pagdadaglat.

IV. Aplikasyon :

A. Tukuyin ang paningit na kapag inilagay sa gitna ng pangungusap na “Kakain siya.”


ay kukumpleto sa kahulugang ibinigay sa bawat pangungusap. Hindi maaring maulit
ang sagot.

46. Gusto niya palang kumain kaso pinagligpitan mo na siya (nagtampo tuloy). A. muna
47. Bago niya gawin ang pinagagawa mo, ito muna ang aatupagin niya. B. daw
48.Magbibihis lang siya, pagkatapos, kakain na siya. C. kaya

49. Hindi kasi masarap ang ulam, baka hindi siya kumain. D. ba
50. Sabi mo kakain siya, e mukhang matutulog na siya e! E. pala

B. Tukuyin kung A ng o B nang ang dapat ilagay sa sumusunod na pangungusap.

51. Kumuha __ aklat si Christian. .


52. Sila ay dumating ___ kayo ay lumisan.
53. Mag-aral kang mabuti ____ikaw ay pumasa.
54. Iwasan mo ang tumakbo ______tumakbo.
55. Siya ay tumakbo _____ mabilis.
32

C. Initiman ng mag-aaralan ang sa isip niya ay nagpamali sa sumusunod na


pangungusap. Sabihin kung siya ay A tama o B Mali .

56. Nahuli na ng maykapangyarihan ang nagpatay sa kanyang kapatid. Walang Mali.


57. Mahal ang bigas ngayon. Ilan ba ang halaga na isang kilo? Walang Mali.
58.May-ani sila ng mais tuwing buwan ng Mayo. Walang Mali .
59. Mababa ang kanyang marka dahil hindi siya nag-aral nang mabuti. Walang Mali.
60. Ang kaarawan ni Manuel Luis Quezon ay ginugunita taon taon. Walang Mali.

D. Isulat ang A kung tama ang unang pagpipilian at B naman kung pangalawa, C kung
ang pangatlo, at D kung ang pang-apat. .

61. Kailangang ______________ (pagawa, ipagawa, pagawain, gawin ) ang bahay bago
sumapit ang tag-ulan.
62. Sino ba ang __________( sumuot, nagsuot, sinuot, isuot ) ng t-shirt na ito?
63. Ayon sa balita, may sundalo na naman daw na _________(nagpakamatay, namatay,
pumatay, napatay) sa kabayanan.
64. __________ (Nagtanong, Tinanong, Itinananong, tumanaong) ko sa aming guro kung
kailan ang simula ng bakasyon.
65. __________ ( Pakiusapan, Pakiusap, Kausapin, Ipakiusap) mo naman sa nanay na
pahayagan akong sumama sa piknik.

E. Tukuyin ang tamang kahulugan ng pangungusap na :

66. -70. Nahulog ang bata sa duyan.

a. Ang batang nakasakay sa duyan ay nahulog. c. Nahulog ang duyan sa


bata. e. Wala sa pagpipilian
b. Nahulog (sa sahig) ang bata mula sa duyan. d. Ang kinabagsakan ng bata
ay duyan at hindi iba pang lugar.

F. Ayusin sa wastong pagkakasunud-sunod ang mga pangungusap na magkakakugnay


upang mabuo ang isang talataan.

a. Ang mga pananim sa iba’t ibang lalawigan ay maaaring masira rin sanhi naman ng
La Nińa .
b. Ayon kay Felipe Medalla, ang ekonomiya at agrikultura ay lalong di uunlad sanhi ng
La Nińa .
c. Tinanggihan niya ang mungkahi ng IMF hinggil sa pagpapautang.
d. Ang Pilipinas at iba pang bansa ay nakararanas ng mga epekto ng El Nińo tulad ng
pagkatuyo ng lupa at pagkawasak ng mga panananim.

71. Ano ang nararapat na simula ng talata?


72. Ano ang kasunod na pangungusap ?
73. Alin ang ikatlogn pangungusap?
33

74. Alin ang ikaapat na pangungusap?

a. Ito ang tinatawag na Santakrusan.


b. Isa ito sa mga natatanging bahagi ng pagpapakita ng aspektong panrelihiyon lalo ng
mga Kristyano.
c. Ang Santakrusan ay pagdiriwang sa paghahanap sa Banal na Krus.
d. Tuwing sasapit ang buwan ng Mayo, may isang tradisyong Pilipino na ginagawa sa
maraming pook sa ating bansa?

75. Alin ang unang pangungusap? 77. Alin ang ikatlo?


76. Alin ang ikalawa? 78. Alin ang ikaapat?

G. Ano ang nawawalang salita?

79. manghahalal: kandidato :: inampalan : __________(a. Kalahok b. Kasapi c. kasali d.


kasama)
80. mithiin : pangarap : : _________ : ___________
a. balak : panukala c. talino : katangian
b. hilik : gawain d. pangako : katuparan

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ __ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ __ _ _ _ _ _
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ __ _ _ _ _ _ _ _ _ _

Pangalan : Kurso at Seksyon : Iskedyul ng Klase :


Dalubguro : Iskor :
1. 11. 21. 31. 41. 51. 61.
2. 12. 22. 32. 42. 52. 62.
3. 13. 23. 33. 43. 53. 63.
4. 14. 24. 34. 44. 54. 64.
5. 15. 25. 35. 45. 55. 65.
6. 16. 26. 36. 46. 56. 66.
7. 17. 27. 37. 47. 57. 67.
8. 18. 28. 38. 48 58. 68.
9. 19. 29. 39. 49. 59. 69.
10. 20. 30. 40. 50. 60. 70.

You might also like