You are on page 1of 6

Wikang Filipino sa

mga Larangan ng
Inhenyeriya

Marquez, Eadrix
Laylo, Frank
Mendoza, Mark Laurence G

CS 1201
Inhinyeriya
Ang wika ay salamin ng kultura. Sa sariling wika lamang lubos na maipapahayag
ng isang tao ang kanyang sarili, at sa wikang ito lamang siya lubos na mauunawaan ng
iba. Kahit pa sabihing tayong mga Filipino ang pangatlong bansa sa buong mundo na
may pinakamaraming mamamayan na nakakaintindi at nakapagsasalita sa Ingles, mahirap
pa ring mag-isip at magsalita sa wikang hindi naman natin kinagisnan at hindi ginagamit
sa pang-araw-araw na pakikisalamuha sa ating kapwa Filipino.
Makakatulong ang turong salin sa wikang Filipino lalo na sa mga di gaanong
nakakaintindi ng Ingles. Kaya’t masasabing malaki talaga ang maiaambag ng wikang
Filipino sa larangan ng Inhenyeriya.
Ang pag-gamit ng sariling wika o ng Filipino sa larangan ng Inhinyeriya ay lubos
na makakatulong sa mga Pilipino, sapagkat ito ay nasasalin sa wikang ating kinagisnan.
Lubos nilang mauunawaan ang ibig sabihin ng larangan ng Inhinyeriya. Dahil sa mga
malalalim na Ingles nahihirapan ang iba na maintindihan ang ibig ipahiwatig ng sinasabi
sa larangan ng Inhinyeriya. Narito ang halimbawa ng mga larangan sa Inhinyeriya.

Inhinyeriyang Sibil
Nakakatulong ang wikang Filipino sa larangan ng Inhinyeriyang Sibil, sapagkat
mas maiintindihan ng mga Pilipino kung sariling wika na nakamulatan ang gagamitin.
Mas maiipaliwanag ng maayos dahil lubos na nagkakaunawaan.

Inhinyeriyang Mekanikal
Malaki din ang maiitulong ng wikang Filipino sa larangan ng Inhinyeriyang
Mekanikal, maraming mga termino na Ingles na hindi masyadong maintindihan. At yan
ang naiiambag ng wikang Filipino sa larangan ng Inhinyeriyang Mekanikal, ang mas
maintindihan ng mga Pilipino kung ano ang talagang ibig sabihin.

Inhinyeriyang Industriyal
Sa larangan ng Inhinyeriyang Industriyal, hindi ganon kadaling maintindihan ang
nilalaman ng larangang ito, lalo na kung ito ay nakasaad sa Ingles. Kaya ginamatan ito ng
wikang Filipino para matulungan ang mga Pilipino o mga estudyante na kumukuha ng
Inhinyeriyang Industriyal na maunawaan at mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman
tungkol sa larangan ng Ihinyeriyang Industriyal.
Ngunit kahit na madaming katulungan ang wikang Filipino sa iba’t ibang
larangan ay may pagkakataon din kahit na sa sariling wika natin ginamit ang salita ay
hindi natin maintindihan at mas naiitindihan pag Ingles.
Ilan lamang iyan sa mga larangan ng Inhinyeriya.Ginagamit ang wikang Filipino
hindi lamang para lubos na maunawaan ng mga tao ang mga ibig sabihin, kundi
nakakatulong ito upang mabawasan ang pagka walang gana, dahil hindi lubos na
naiintindihan ang isinasaad ng larangan. Kaya’t kung naiintindihan ang mga ginagawa sa
larangan ay maaaliw kang magsiyasat pa lalo tungkol sa iba’t ibang larangan ng
Inhinyeriya.

Mga halimbawa ng terminolohiya sa larangan ng Inhinyeriya


Adiabatic – adyabatik
Chemical Reaction – reaksyong kemikal
Combustion – kombustyon
Engine – makina
Turbine – turbayn o turbine

Ang Filipino ay may likas na talino sa wika. Madali siyang matuto ng kahit anong
wika kung kinakailangan. At hindi naman natin kailangang mawala ang Ingles sa atin.
Gusto lang nating padalin ang proseso ng pag-intindi sa larangan ng inhinyeriya sa
pamamagitan ng wikang Filipino. At isipin natin, kung ang isang aralin ay
maipapaliwanag at maiintindihan nang maigi sa Filipino.
Wikang Filipino sa Larangan ng
Entrepreneurship o
Pagnenegosyo

Ulat nina:
Plata, John Patrick
Campued, Meloney Ira
Rivera, Ellaine Marie

CS 1201
Entrepreneurship
Ang Entrepreneurship o ang pagnenegosyo ay ang nakatutulong upang umunlad
ang pamumuhay ng isang indibidwal. Bilang ito ay nakatutulong upang umunlad ang
pamumuhay ng tao, ito ay may malaking maitutulong sa mga mahihirap.
Isa sa layunin ng entrepreneurship o pagnenegosyo ay ang makapagbigay ng
mapagkakakitaan na lubos na makatutulong sa pag-unlad ng pamumuhay ng isang
indibidwal. Ang lubos na makikinabang sa ideya ng pagnenegosyo ay ang mga mahihirap
at ang mga walang trabaho pati na din ang mga hindi nakapag-aral. Kaya't makatutulong
ang gamitin ang wikang Filipino upang maintindihan ng mga nais magnegosyo na hindi
lubos na nakaiintindi ng Ingles ang mga maaaring gawing negosyo.
Isa pa sa layunin ng entrepreneurship o pagnenegosyo ay ang mabigyan ng ideya
ang mga nagnanais kumita kahit magsimula sa maliit na negosyo sa pamamagitan ng mga
seminar. Kadalasan sa mga isinasagawang seminar ay Ingles ang pinag-uusapan at
maging ang mga tagapagsalita ay nagamit ng Ingles para maipaliwanag ang tinatalakay sa
seminar bilang pagiging pormal.
Dahil dito, kadalasan ay hindi nakakamit ng entrepreneurship seminar ang layunin
kung bakit isinagawa ang seminar, sapagkat ang nagiging resulta ay hindi din
naiintindihan ng mga dumalo ang mga ipinaliwanag at mga bagay na may kaugnayan sa
pagnenegosyo.
Sa pamamagitan ng paggamit ng Wikang Filipino sa disiplinang Entrepreneurship
o Pagnenegosyo, ang suliranin na ito ay matutugunan ng solusyon sapagkat ang sektor na
kadalasang pinadadalo sa seminar na tungkol sa pagnenegosyo ay ang mga mamamayan
na walang trabaho sa kadahilanang hindi nakapag-aral.
Ang Wikang Filipino din ay makatutulong sa pagtuturo ng Entrepreneurship sa
paaralan, magkakaroon ng maayos na pagkakaintindi ang mga mag-aaral sa
pagnenegosyo at magkakaroon sila ng pasimulang kaalaman tungkol sa industriya ng
pagnenegosyo. Ito ay upang magkaroon na sila ng kaalaman sa kung paano at ano ang
mayroon sa pagnenegosyo.
Samakatuwid, ang Wikang Filipino ay epektibong wikang maaaring gamitin sa
disiplinang Entrepreneurship o pagnenegosyo sapagkat ang wikang ito ang lubos na
naiintindihan ng mga mamamayan na higit na nangangailangan ng kaalaman kung paano
magkakaroon ng magpagkakakitaan.
Ito rin ay makatutulong upang hindi maging kumplikado ang pagnenegosyo para
sa mga mamamayan na hindi nakapag-aral at matulungan ang mga ito na magkaroon ng
posibleng pagsisimulan ng kanilang pag-unlad.
Ang pag-unlad ng bansang Pilipinas ay nakasasalay sa mga mamamayan nito.
Upang makamit ang ng bansa ang progresyon sa pagnenegosyo, kailangan muna nating
makamit ang ating mga sari-sariling wikang pangkaunlaran.
Ang matagumpay na entreprenyur ay nangangailangan hindi lamang sa swerte at
salapi. Mahalaga rin ang entreprenyur ang pagiging malikhain, mapagsapalaran at
mahusay sa pagbubuo ng desisyon.
Ang Entrepreneur ay hango sa salitang French na "entreprende"
na nangangahulugang isagawa. Ang isang entrepreneur ay isang indibidwal na
nagsasaayos, nangangasiwa,at nakikipagsapalaran sa isang negosyo. Sa kasalukuyan,ang
isang entrepreneur ay isa ring innovator at developer na napagtatanto ang kahalagahan ng
mga oportunidad. Kailangan ng motibasyon,kaalaman sa negosyo, at marketing skills ng
isang entrepreneur upang ang mga produkto ay maging mahusay.
Wikang Filipino ang pinakamainam na lenggwaheng maaaring gamitin sa
pakikipag-negosyo. At higit sa lahat, ang patuloy na mapagyaman ang sariling wika sa
moderno at kasalukuyang mundo ng entreprenyur sa bansa.
Masasabing magalang at magiliw ang dating at daloy ng pakikipag-usap kung
sariling wika ang gagamitin. Sa ganitong paraan ng pagkakaintindihan, higit na malalim
na pagkakaibigan at pagkakaunawaan ang mabubuo sa mga magkakasapi sa negosyo.
Makatutulong din ang paggamit ng wikang Filipino para sa entreprenyur sapagkat
ang mga taong tumatangkilik o ang kanyang mga consumers ay kadalasang mga nasa
mababang sektor lamang ng lipunan dahil ang kanyang negosyo ay maliit lamang. Kaya't
sa pamamagitan ng pakikipag-usap at pagpapaliwanag ng tungkol sa kanyang negosyo ay
maiintindihan ito ng mga consumers niya at maaaring tangkilikin ang kanyang produkto.

You might also like