You are on page 1of 13

www.proseware.

com
PANGKAT LIMA
FILIPINO O INGLES: KOMPARATIBONG PANANALIKSIK
TUNGO SA MAS MALALIM NA PAG-UNAWA SA MGA
PALATANDAAN NG PAMPUBLIKONG
TRANSPORTASYON
PANIMULA
Ang wika ay nakapalibot sa atin sa
tekstuwal na porma na makikita natin sa
bintana ng mga tindahan, mga karatulang
pangkomersiyo, mga poster, mga opisyal na
paunawa, mga pantrapikong sign, at iba pa
(Gorter, 2013); kaya naman sinabi ni (Burdick,
2012) na ang wika at lugar ay matagal nang
magkaugnay. Ayon pa kay (Gorter, 2013), Kaya
nga lamang hindi napapansin ng mga tao ang
tanawing pangwikang nakapaligid sa kanila.
Ito ay isang bahagi ng pang-araw-araw na
karanasan na hindi nabibigyang-halaga bilang
isang uri ng kaugaliang panlipunan
(Torkington, 2009)
4
Ayon kay (Akindele, 2011), ang mga sign
ay ginagamit upang magpakalat ng mga
impormasyon para sa kapakanan ng
publiko katulad ng mga topograpikong
impormasyon, direksyon, mga babala, at
iba pa. Ang ilang mga kumpanya ay
mayroong mga regulasyon upang
masiguro na sila ay naglalagay ng mga
karatulang pangkaligtasan kung saan ang
panganib sa kaligtasan at kalusugan ay
hindi maiiwasan ng ibang paraan (Health
and Safety Executive, 2009).
SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pananaliksik na ito ay
sumasaklaw sa kaalaman ng mga mag-
aaral tungkol sa mga Palatandaan sa
Pampublikong Transportasyon na
nakasalin sa Wikang Ingles at sa
Wikang Filipino. Ang mga respondente
ay ang mga mag-aaral ng kursong
Bachelor of Science in Accountancy sa
Polytechnic University of the
Philippines Santa Maria Bulacan
Campus. Ang pananaliksik na ito ay
nagsimula sa ikalawang semester ng
unang taon sa kolehiyo, taong
dalawang libo't labing siyam.
PAGLALAHAD NG LAYUNIN
Layunin ng pag-aaral na ito na masuri kung ano ang mas epektibong palataandaan

sa pampublikong transportasyon, kung ito ba ay nakasalin sa Wikang Ingles o sa

Wikang Filipino.

• Mga Tiyak na Layunin:

1. Malaman ang bilang ng mga mag-aaral na nagsasabing mas epektibo ang

Wikang Ingles sa Wikang Tagalog at bise bersa.


2.Masuri ang importansya sa pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga
Palatandaan sa Pampublikong Transportasyon.

3. Matukoy kung anong salin ng wika tungkol sa mga Palatandaan sa


Pampublikong Transportasyon ang mas naiintindihan ng mga mag-aaral.
REBYU NG KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Ayon kay (Francisco, 2017), nagbibigay ang mga palatandaan ng
pampublikong transportasyon ng mahalagang impormasyon sa mga drayber
at iba pang mga gumagamit ng kalsada. Kinakatawan nila ang mga patakaran
na nasa tamang lugar upang mapanatili kang ligtas, at makatutulong upang
maiparating ang mga mensahe sa mga drayber na maaaring mapanatili ang
kaayusan at mabawasan ang mga aksidente.
Karamihan sa mga palatandaan ay gumagamit ng mga larawan, sa halip na
mga salita, upang sila ay madaling maunawaan at maaaring bigyang
kahulugan ng mga taong nagsasalita ng iba't ibang wika. Para sa kadahilanang
ito, mahalagang malaman mo kung ano ang kinakatawan ng bawat larawan, at
ginagamit mo ang mga ito upang ipaalam sa iyong pagmamaneho. Ang
kabiguang gawin ito ay maaaring magresulta sa isang malubhang aksidente o
multa (Francisco, 2017).
METODOLOHIYA
Ang kabanatang ito ay nagpapahiwatig

ng mga pamamaraan ng pananaliksik,

paglalarawan sa disenyong nais gamitin, at

ang pamamaraan sa pangangalap ng datos ng

nasabing pag-aaral. Sa pananaliksik na ito ay

magagamit ang iba’t ibang metodolohiya

upang masuri kung ano ang mas epektibo


METODOLOHIYA
sa mga mag-aaral ng Polytechnic

University of the Philippines Santa Maria

Bulacan Campus partikular na ang kursong

Bachelor of Science in Accountancy patungkol

sa paggamit ng Wikang Filipino o Wikang

Ingles bilang instrumento sa palatandaan ng

pampublikong transportasyon.
Salamat!
PANGKAT LIMA:

CyrusFlores KatrinaBorcena
KyleMiranda JanajaudimeGabriel

You might also like