You are on page 1of 41

Bago dumating ang mga mananakop sa ating

bansa ay mayroon ng Sining at Panitikan ang


mga Pilipino. May sariling pamahalaan
(barangay), batas, sining, panitikan at wika
ang mga katutubo noon.
Ang mga gawa ng mga katutubo noon ay sinunog ng
mga kastila dahil ito raw ay gawa ng demonyo,

Pinatunayan ni Padre Chirino ang kalinangan ng Pilipinas


sa kiyang Relacion de las Islas Filipinas (1604). Sinabi niya
na may sariling sistema ng pagsulat ang mga katutubo
noon at ito ay tinatawag na Baybayin.
pagsumusulat sila ng
baybayin gumagamit sila ng
matulis na bakal na kung
tawagin ay SIPOL.
Ang Konsepto ng Baybayin

• Nilalagyan ng(.)sa ibabaw kapag bibigkasing “be o


bi”
• Sa ilalim naman kapag bibigkasing “bo o bu”.
• Ang(+)sa tabi kapag nawawala ang bigkas na “a”
gaya ng
• Ang // ang nagpapahayag ng tuldok.
• Ang ginagamit na sulatan ay mga dahon at balat ng
kahoy at ang panulat naman ay matulis na bakal na
tinatawag na sipol.
Ang Konsepto ng Baybayin

• Ang salitang baybayin ay isang katagang pangkalahatan sa wikang


Tagalog na tinutukoy ang lahat ng titik na ginagamit sa pagsulat ng
isang wika.

• Ibig sabihin, isang “alpabeto” – subali't mas kahawig ito ng isang


"syllabary" o palápantigan.

• Nakatala itong pangalan ng lumang sulat sa isa sa mga unang


talasalitaang inilathala sa Pilipinas, ang Vocabulario de Lengua
Tagala noong taong 1613.

• Ito'y mula sa ugat na “baybay” na nangangahulugang ispeling. Sa


mga sulatin ng mga unang Espanyol, ang karaniwang tawag nila sa
baybayin ay ang mga “titik o sulat ng mga Tagalog.”
Ang isinaalang-alang na ang unang
pananakop ng mga Espanyol sa ating
kapuluan ay ang pananatili rito ni
Miguel Lopez De legazpi noong 1565.
Siya ang kauna-unahang Espanyol na
gobernador-heneral sa Pilipinas.
Nang ilagay sa ilalim ng koronang
Kastila ang kapuluan, si Villalobos ang
nagpasya ng ngalang "FELIPINAS"
bilang parangal sa Haring Felipe II nang
panahong yaon, ngunit dila ng mga tao
ay naging "FILIPINAS"
LAYUNIN NG MGA KASTILA sa PAGSAKOP (3G's)

pinalaganap ang Maraming likas bilang karangalan


Kristyanismo sa yaman ang ating sa mga nasakop
mga Pilipino bansa na bansa
Pilipinas lang ang dating
kolonya ng Espanya na di
natutong magsalita ng
Espanyol (maliban sa mga
intelektwal na nasa alta
sociedad at gitnang
uri/middle class).
Ayon sa mga Espanyol nasa
kalagayang barbariko, di
sibilisado at pagano ang mga
katutubo noo.
Itinuro ng mga kastila ang
Kristiyanismo upang maging
sibilisado diumano ang mga
ito
Naniniwala ang mga Espanyol noong
mga panahon iyon na mas mabisa ang
paggamit ng katutubong wika sa
pagpapatahimik sa mamamayan kaysa
sa libong sundalong Espanyol.
Ang pamayaman ay pinaghati-hati
sa apat na ordeng misyonerong
Espanyol na pagkaraay naging
lima. ang mga ordeng ito ay
Agustino, Pransiskano, Dominiko,
Heswita at Rekolekto upang
pangasiwaan ang pagpapalaganap
ng kristiyanismo.
Upang mas maging epektibo ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo, ang
mga misyonerong Espanyol mismo ang
nag-aral ng wikang katutubo dahil mas
madaling matutuhan ang wika ng isang
rehiyon kaysa ituro sa lahat ang wikang
Espanyol.
Nabatid nilang sa pagpapalaganap ng kanilan Relihiyon, mas
magiging kapani-paniwala at mas mabisa kung ang mismong
banyaga ang magsasalita ng wikang katutubo.

Dahil dito, ang mga prayle ay nagsulat ng mga


diksyonaryo, aklat-panggramatika, katekismo at mga
kumpensyonal para mas mapabilis ang pagkatutu nila
ng katutubong wika.
Arte Y Reglas de la Lengua Tagala
Sinulat ni Padre Blacas de San Jose at isinalin ni Tomas Pinpin noong 1610

Compendio de la Lengua Tagala


Inakda ni Padre Gaspar de San Agustin noong1703

Vocabulario de la Lengua Tagala


Kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog na sinulat ni Padre Pedro de San
Buenaventura noong 1613

Vocabulario de la Lengua Pampango


Unang aklat pangwika sa Kapampangan na sinulat ni Padre Diego Bergano
noong 1732
Ito ang kauna-unahang aklat na nailimag sa
Pilipinas sa pamamagitan ng silograpiko
Ito ang kauna-unahang aklat na nailimag sa
Pilipinas sa pamamagitan ng silograpiko
BARLAAN AT JOSAPHAT
Ito ang ikatlong aklat na nalimbag sa
Pilipinas na batay sa mga sulat sa Griyego
si Juan Damasceno

Taon: 1780
Salin ni Padre Antonio de Borja
Ang mga prayle ay nagsulat ng mga diksyunaryo at
aklat-pang gramatika, katekismo para sa mabilis na
pagkatuto nila ng katutubong wika.
Nasa kamay ng mga misyonerong nasa ilalim ng
pamamahala ng simbahan ang edukasyon ng
mga mamamayan noon panahon ng mga
Espanyol. naging usapin ang wikang panturong
gagamitin sa mga Filipino
Inutos ng Hari na gamitin ang
wikang katutubo sa pagtuturo indi
naman ito nasunod.
Padre Chirino (1604)
sa Tagalog niya nakita ang mga katangian ng
apat na pinakadakilang wika ng daigdig: ang
wika at hirap ng Ebreo, ang pagiging natatangi
ng salita ng Griyego lalo na sa mga
pangngalang pantangi, ang pagiging buo ng
kahulugan at pagkaelegante ng Latin, at ang
pagiging sibilisado at magalang ng Espanyol.
Gobernador Francisco Tello De Guzman

Iniatas niya na dapat turuan ang


mga Indio ng wikang Espanyol
kailangang maging bilinggwal
daw ang mga Pilipino.
Kailangang may kakayahan at
kasanayan sila sa paggamit
ng wikang katutubo at
Kastila.
Iminungkahi ituro ang Doctrina
Christiana gamit ang Wikang
Espanyol

Sa huli, napalapit ang mga


katutubo sa mga prayle dahil
sa wikang katutubo ang
ginamit nila samantalang
napalayo sa pamahalaan
dahil sa wikang Espanyol ang
gamit nila.
Muling inulit ang utos tungkol
sa pagtuturo ng wikang
Espanyol sa lahat ng katutubo
noong ika-12 ng Marso, 1634

Nabigo ang nabanggit


sa kautusan.
Disyembre 29, 1792
Lumagda ng isa pang
dekrito na nag-uutos na
gamiti ang wikang
Espanyol sa lahat ng
paaralang itinatag sa
pamayanan ng mga Indio
Nagtatag ang Hari ng Espanya ng mga
paaralang magtuturo ng wikang kastila sa
mga Pilipino ngunit ito ay tinutulan ng mga
prayle
Upang mas maging epektibo ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo, ang mga
misyonerong Espanyol mismo ang nag-aral ng
mga wikang katutubo dahil mas madaling
matutuhan ang wika ng isang rehiyon kaysa sa
ituro sa lahat ang wikang Espanyol.
Ang mga misyonaryo ng kastila mismo ang nag-aaral ng
mga wikang katuturo.

1. Mas madaling matutuhan ang wika ng isang rehiyon


kaysa ituro ito sa lahat ng Espanyol.

2.Higit na magiging kapani-paniwala at mabisa


kung ang banyaga ay nagsasalita ng katutubong
wika.
Mababatid sa parte ng kasaysayang ito na nanganib
ang wikang katutubo. Sa panahon ito, lalong
nagkawatak-watak ang mga filipino. Matagumpay
na nagapi at nasakop ng mga espanyol ang mga
katutubo.

Hindi nila itinanim sa isipan ng mga nasakop ang


mga filipino ang kahalagaan ng isang wikang
magbibigkis ng kanilang damdamin
Isa sa mga tampok na atas-pangwika na
ipinalabas ng monarkiya ng Espanya ay ang
Dekretong Esdukasyonal ng 1863 na nag-
aatas ng pagtatatag ng primaryang paaralan
sa bawat pueblo sa Maynila upang
mabigyan ng edukasyon sa Espanyol ang
mga anak ng mga katutubo.

Itinakda rin nito na Espanyol lamang ang


gagamiting midyum ng pagtuturo dahil ang
pangunahing layunin g kurikulum ay ang
pagkakaroon ng literasi sa Espanyol
Isinasaad pa sa dekreto na hindi pahihintulutang
humawak ng anumang katungkulan sa pamahalaan ang
mga katutubong hindi marunong magsalita, bumasa, o
sumulat sa espanyol, apat na taon makaraan ang
puublikasyon ng batas upangmapilitan ang mga Pilipino
na pag-aralan ang wika ng mga mananakop.
• Sa kabila ng pagnanais ng monarka na mabigyan
ng sapat na edukasyon ang mga katutubo at maituro
sa kanila ang Espanyol, nabigo ito dahil sa
paghadlang ng mga prayle. Ayon nga sa bayaning si
Marcelo H. del Pilar, sinabotahe ng mga relihiyoso
ang programang pangwika.
• Sila ang may kasalanan kung bakit
nananatiling mababa ang kalagayang
pang-edukasyon ng Pilipinas. Ito ay dahil
natatakot ang mga prayle na maging
kolonyang Hispano ang mga Pilipino sa
halip na kolonyang monastiko (Catacataca
at Espiritu, 2005).

You might also like