You are on page 1of 3

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan.

Kalipunan ito ng mga


simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng
kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa
pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan
ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang
kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang
binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa
ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.

Kahalagahan
Kung wala ang wika, mawawalan ng saysay ang halos lahat ng gawain ng
sangkatauhan, sapagkat nagagamit ito sa pakikipag-ugnayan katulad ng sa
pakikipagkalakalan, sa diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan, at
pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa agham, teknolohiya at industriya.

Etimolohiya
Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa
Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding
salita ang wika. Katulad ng language – tawag sa wika sa Ingles – nagmula ang
salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang
“dila“, sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga
tunog, samakatuwid ang “wika” – sa malawak nitong kahulugan – ay anumang anyo
ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas
kadalasang mayroon.[1]

Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita. (Tingnan
ang mga sining na pangwika). Subalit kabilang din rito ang pagsusulat, mga wikang
pasenyas, larangan ng musika, sining ng pagpipinta, pagsasayaw, at maging ang
matematika. “Wika” ang lahat ng mga ito kung gagamitin ang malawakan na
kahulugan ng wika.[1] Sa ilang pagkakataon, tinatawag ding dila (piguratibo), salita,
diyalekto, o lingo (sariling-wika ng isang grupo, [bigkas: ling-gow, mula sa Ingles])
ang wika.

Kasaysayan at teorya
Hindi lubos na nalalaman kung saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng
wika. Subalit mayroong mga hinuha at kuru-kuro ang mga dalubhasang nagsipagaral
ng paksang ito. Isa sa mga teoryang ito ang nagsasabing “ginaya ng mga sinaunang
tao ang mga tunog na narinig niya sa kalikasan.” Halimbawa ng mga tunog na ito ang
mga kahol ng mga asong-gubat o ng mga bumubukal na sapa. Dahil sa iba’t ibang
interpretasyon o gawi sa paggaya ng mga “tunog ng kalikasan” na ito kaya nagkaroon
ng maraming mga wika sa mundo.[1]

You might also like