You are on page 1of 22

Yunit I

Yaman ng Wika Natin, Halina’t Tuklasin


Aralin 1

Ang Mga Batayang


Kaalaman
sa Wika
Layunin ng Talakayan
matukoy ang kahulugan, kahalagahan, at kalikasan ng wika;

makilala ang dalawang opisyal na wika ng Pilipinas;

makapagbigay ng sariling pakahulugan sa wika; at

makapagtala ng mga sitwasyong nagpapakita ng


magkahiwalay na gamit ng dalawang opisyal na wika ng
Pilipinas.
Daloy ng Talakayan
 Kahulugan ng wika;

 Kahalagahan ng wika;

 Kalikasan ng wika;

 Ilan pang kaalaman hinggil sa wika,; at

 Dalawang opisyal na wika ng Pilipinas.


Kahulugan Ng Wika
Ayon kay:
 Henry Gleason (mula sa Austero et al. 1999)
Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang
kultura.

 Bernales et al. (2002)


Ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.
Kahulugan Ng Wika
 Mangahis et al. (2005)

May mahalagang papel na ginagampanan ang wika sa


pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at
pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.

 Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra


(2000)
Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng
pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapag-usap ang isang
grupo ng mga tao.

 Bienvenido Lumbera (2007)


Parang hininga ang wika. Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang
bawat pangangailangan natin.
Kahulugan Ng Wika

 Alfonso O. Santiago (2003)

Wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap, damdamin,


kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad, paniniwala,
at mga kaugalian ng tao sa lipunan.

 UP Diksiyonaryong Filipino (2001)

Ang wika ay lawas ng mga salita at sistema ng paggamit sa mga ito na


laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura at pook na
tinatahanan.
Katangian Ng Wika

1. Tunog ang batayang sangkap ng wika


2. Ang wika ay arbitraryo
3. Ang wika ay masistema
4. Ang wika ay komunikasyon
5. Ang wika ay nakabatay sa kultura
6. Ang wika ay dinamiko
7. Ang wika at kaisipan ay hindi nagpaghihiwalay
Kahulugan Ng Wika
Sa pangkalahatan…
Ano nga ba ang wika?

Ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog na


binibigkas o sinasalita at ng mga simbolong isinusulat.

Ang salitang wika ay nagmula sa wikang Malay,samantalang ang


salitang lengguwahe naman ay nagmula sa Latin at isinalin sa Ingles
bilang language.

Wika- Ang wika ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o


ekspresyon,may tunog man o wala.

Anumang tunog na may kahulugan ay maituturing na wika.


Mga Teorya sa Pagkatuto ng wika

1. Teoryang Behaviorism o behaviorst Approach

Si B.F. Skinner ( 1904-1990) na isang tagapagtaguyod na teoryang


ito ay naniniwalang ang pagkatuto ng wika ay pag-uugaling napag-aralan.
Pinaniniwalaang ng mga behaviorist na ang kilos at gawi ng isang tao ay
maaaring hubugin sa pamamagitan ng pagkokontrol ng kapaligiran.

Halimbawa:
Sa isang bata na natututo pa amang magsalita,ang guro o magulang
ay maaaring gumamit ng negatibo o positibong pagganyak o reinforcement
gaya ng pabuya o parusa habang itinuturo ang wika.
Mga Teorya sa Pagkatuto ng wika

2. Teoryang Innative o Nativist Approach

Si Noam Chomsky (1928) na nagtaguyod ng teoryang ito ay


nagbigay katawagan sa likhang isip na aparato na kung tawagin ay language-
acquisition device o LAD
Ayon sa teoryang ito,lahat ng tao ay may likas na kakayahang
matuto at matutunan ang wika dahil sa paniniwalang lahat ay ipinapanganak
ay taglay na kaalaman.

Halimbawa:
Habang lumalaki ang bata ay patuloy itong gumagamit ng wika,na siyang
nagpapaunlad naman nito.
Mga Teorya sa Pagkatuto ng wika

2. Teoryang Kognitib

Nakasalig ang teoryang ito sa pananaw ni Jean Piaget (1896-


1980).Ayon sa kanya ang pagkatuto ng wika ng isang bata ay nakaugnay sa
kakayahang nitong mag-isip.

3. Teoryang Makatao
Ang pananaw na ito ay nakasalig sa teorya ni Stephen Krashen
(1941)
Sa teoryang ito sinasabi na mas mapapabilis ang pagkatuto ng wika kung
may positibong saloobin ang isang tao na matutunan ito.

Halimbawa:
Kung ang isang tao ay may takot sa pagkatuto ng wika dala ng
kapaligiran o sitwasyon,ang pagkatuto ay hindi lubusang matatamo.
Pinag-ugatan ng Wika

• Teoryang Bow-wow
Naninindigan ang teoryang ito na ang wika ay nagsimula sa
pamamagitan ng panggagaya ng tao sa mga tunog ng kalikasan.

• Teoryang Pooh-pooh
Lumilikha ang tao ng tunog sa pamamagitan ng pagpapalabas ng
kasihian ng kaniyang damdamin tulad ng galit,galak,lungkot,takot at
iba pa.
• Teoryang Dingdong
May kaugnayan sa teoryang bow-wow subalit ito ay hindi
limitado sa
tunog ng kalikasan, maging ang mga bagay na likha ng tao.

• Teoryang Yum-yum
Ito ay pinaniniwalaan na ang wika ay nagmula sa
pamamagitan ng paggamit sa ibat-ibang bahagi ng
katawan ng tao.

• Teoryang Ta-ta.
Ang wika ay nag-ugat sa paggaya ng dila sa
iba’t- ibang galaw ng kamay.
• Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay.
Ang unang wika ay nag-ugat sa mga bulong mula
sa mga sinaunang tao kapag sila ay nagsasagawa ng
ritwal.

• Teoryang Sing-song
Ayon sa teoryang ito,ang wika ay nabuo sa pamamagitan
ng mga awitin at pagsasayaw ng mga sinaunang tao.
• Teorya ni Darwin
Nagsimula ang wika sa mga kumpas at indayog ng mga
kamay.
• Teorya nina Pythagoras,Plato, at Estoico
Ito ay ang paniniwala na ang wika ay nalikha dahil sa likas
na pangangailangan o ng kalikasan ng tao.
• Teorya nina Democrete,Aristoteles at ng mga
Epikuno
Ito ay pinaniniwalaan na ang wika ay nagsimula
sa pamamagitan ng isang kasunduan.
Kahalagahan ng Wika
 Isa sa mga pangunahing gamit o kahalagahan ng wika ang pagiging instrumento
nito sa komunikasyon.

 Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng


kultura ng bawat grupo ng tao.

 Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang bansa, nangangahulugang ito ay
malaya at may soberanya.

 Wika ang nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga karunungan at


kaalaman.

 Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang tulay para magkausap at
magkaunawaan ang iba’t ibang grupo ng taong may kani-kaniyang wikang
ginagamit.

 Hindi matatawaran ang kahalagahan ng wika sa pakikipagtalastasan at


pakikipagugnayan tungo sa pagkakaunawaan at pagkakaisa.
Kalikasan ng Wika

 Ang wika ay may masistemang balangkas.

 Ang wika ay arbitraryo.

 Ginagamit ang wika ng pangkat ng mga taong kabilang sa isang


kultura.
Ilan pang Kaalaman Hinggil sa Wika

Heterogenous ang Ang Tagalog, Ang


sitwasyong pangwika Sinugbuanong Binisaya, bilingguwalismo ay
Ilokano, Hiligaynon, tumutukoy sa dalawang
sa Pilipinas dahil
Samar-Leyte, wika.
maraming wikang Pangasinan,
umiiral dito at may Bikol, at iba pa ay mga Ngayon, hindi na
mga diyalekto o varayti wika. bilingguwalismo kundi
ang mga wikang ito. multilingguwalismo
Ang diyalekto ay ang pinaiiral na
Homogenous ang nangangahulugang patakarang pangwika
sitwasyong pangwika varayti ng isang wika, sa edukasyon.
sa isang bansa kung hindi hiwalay na wika.
iisa ang wikang
Bernakular ang tawag
sinasalita ng sa wikang katutubo sa
mga mamamayan dito. isang pook.
Dalawang Opisyal na Wika – Filipino at Ingles

Gagamitin naman ang


Gagamitin ang Filipino
bilang opisyal na wika sa Ingles bilang isa pang
pag-akda ng mga batas at opisyal na wika ng
mga dokumento ng Pilipinas sa pakikipag-
pamahalaan. usap sa mga banyagang
nasa Pilipinas at sa
pakikipagkomunikasyon
sa iba’t ibang bansa sa
daigdig.
Pagsasanay
• Panuto: Sa isang papel, tukuyin kung aling teorya ng
pinagmulan ng wikamai-kaklsipika ang mga sumusunod na
salita/pangyayari.

Tumatahol na aso
• Aray ko!
• Aaaaaah! (nagulat)
• Pumapadyak na paa
• Bumubuhat ng timba
• Kumakaway na bata
• Alis! (gesture ng kamay)
• Twit-twit ng ibon
• Makikiraan po (punso)
• Chooo…Chooo…Chooo..(tren)
• Miyaw! Miyaw
• Yehey!!!
• Sumusuntok ang binata
• Dayu-dayu apo! Pwera bati! (haaaaaa!)
• Shsssssssshh!!
• Unga… ungaaaaa
• Bell ringing
• Nagkakarate ang bata
• Sumusuntok na binata
• Kundiman

You might also like