You are on page 1of 30

Aralin 1: Wika: Kahulugan, Kabuluhan at

Katangian Nito

Ang Wika
Mula sa pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo at tuntunin ay nabubuo ang mga
salitang nakapagpapahayag ng kahulugan o kaisipan. Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap
at pagpaparating ng mensahe sa isa’t isa.
Ang salitang Latin na Lingua ay nangangahulugang “dila” at “wika” o “lengguwahe”. Ito ang
pinagmulan ng salitang Pranses na langue na nangangahulugan ding dila at wika. Kalaunan ito’y
nagiging language na siya na ring ginamit na katumbas ng salitang lengguwahe sa wikang Ingles. Ang
wika ay may tradisyunal at popular na pagpapakahulugang sistema ng arbitraryong vocal-symbol o
mga sinasalitang tunog na ginagamit ng mga miyembro ng isang pamayanan sa kanilang
pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan sa isa’t isa.
Maraming dalubhasa sa wika ang nagbigay ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa wika.
Ayon kina Paz, Hernandez at Peneyra (2003:1), ang wika ay tulay na ginagamit para
maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin. Ito ay behikulo ng ating
ekspresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit.
Ang wika ay isang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal ayon kina Bernales et al., 2002.
Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at
mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog at kabuuan din ito ng mga
sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at
nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.
Mula kina Mangahis et al. (2005), ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan sa
pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng
mensahe na susi sa pagkakaunawaan.
Ayon sa mga edukador na sina Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (2000), ang wika ay
isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para
magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao.
Binanggit ng Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura na si Bienvenido Lumbera (2007) na
parang hininga ang wika. Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang bawat pangangailangan natin.
Para naman sa lingguwistang si Alfonso O. Santiago (2003), “wika ang sumasalamin sa mga
mithiin, lunggati, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan,
moralidad, paniniwala at mga kaugalian ng tao sa lipunan.”
Mula sa diksiyonaryo, ang wika ay sistema ng komunikasyon ng mga tao sa pamamagitan ng
mga pasulat o pasalitang simbolo.

1
Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino (2001), ang wika ay lawas ng mga salita at sistema ng
paggamit sa mga ito na laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura at pook
na tinatahanan.
Ayon kay Archibald A. Hill, ang wika ay ang pangunahin at pinakadetalyadong anyo ng
simbolikong gawaing pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato
sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na
istruktura.
Ayon naman kay Henry Allan Gleason Jr., isang lingguwista at propesor emeritus sa University
of Toronto, ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao sa pakikipagtalastasan na nabibilang sa iisang kultura.
Samantalang, ang siyentipikong si Charles Darwin ay naniniwalang ang wika ay isang sining
tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake o ng pagsusulat. Gayumpama’y naiiba ito sa mga
pangkaraniwang sining dahil ang tao’y may likas na kakayahang magsalita tulad ng nakikita natin sa
paggakgak ng mga bata; wala kasing batang may likas na kakayahan gumawa ng serbesa, mag-bake
o sumulat. Walang philologist ang makakapagsasabing ang wika ay sadyang inimbento; sa halip, ito
ay marahan at hindi sinasadyang nalinang sa pamamagitan ng maraming hakbang o proseso.
Nakapagpapahayag ang tao ng mga saloobin sa pamamagitan ng wika kaya’t nararapat lang
na pagyamanin at gamitin nang naaayon sa angkop na layunin.
(Sinipi mula sa aklat nina Alma M. Dayag-Pluma, Dolores R. Taylan-Rex at Ma. Luisa M. Cantillo-
Sikhay)

➢ 180 ang wikang sinasalita sa Pilipinas


Alam ➢ Heterogenous ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas dahil maraming wikang
mo ba?
umiiral at may mga diyalekyo o barayti ang mga wika.
➢ Homogenous ang sitwasyong pangwika sa isang bansa kung iisa ang wikang
sinasalita ng mga mamamayan ditto.

Katangian ng Wika

Ang Wika ay Tunog

Kapag tayo ay nagsasalita, gumagamit tayo ng mga berbal na simbolo upang ipahayag ang mga
kaisipan o bagay na ating tinutukoy. Ang berbal na mga simbolong ito ay ang mga tunog na bumubuo
ng wika. Halimbawa, ang mga tunog na /a:so/ ay nagsisimbolo sa isang hayop na may apat na paa,
may buntot at kumakahol. Ang bawat wika ay may paraan ng pagsasama-sama ng mga tunog na ito
upang kumatawan sa mga bagay, ideya o isang function. Ang mga simbolong ito ay ang mga tunog na
bumubuo ng wika.
Ang mga tunog ng isang wika ay nirerepresenta ng mga letra. Sa Filipino, may 21 tunog na
ginagamit sa mga katutubong salita; samantalang may 28 letra naman ang alpabetong Filipino.

2
Ang Wika ay Arbitraryo

Ang salitang arbitraryo ay ang pagbuo ng mga simbolo at tunog na kumakatawan sa kahulugan
ng bagay, ideya at kaisipan buhat sa mga taong may sosyal na relasyon, ugnayan o interaksyon sa
isa’t isa. Ang mga taong kabilang sa isang tiyak na pook o pamayanang gumagamit ng wika ang
nagpapasya at nagkasundo sa mga salitang gagamitin at tuntuning dapat sundin. Kaya magkakaiba
ang mga salitang ginagamit sa iba’t ibang pook kahit kargado ito ng magkatulad na kahulugan.
Halimbawa: Tagalog-ibon Cebuano-langgam
Ilokano-bilit Bikolano-gamgam

Ang Wika ay Masistema

Ang batayang sangkap ng wika ay tunog; samakatuwid binubuo ang wika ng mga tunog. Ngunit
walang kahulugan ang tunog kung ito’y nag-iisa. Sa pagsasama-sama ng mga tunog sa isang tiyak na
ayos ay lalo itong nagiging makahulugan sapagkat nabubuo ang makabuluhang yunit ng mga salita
(morpema) na maaaring magkarga ng bago o ibang kahulugan kung ito’y isasama sa iba pang mga
salita. Sa pagsasama-sama ng mga salita sa isang tiyak na ayos ay lalo itong nagiging makabuluhan
sapagkat nakabubuo ang mga ito ng mga pangungusap. Samakatuwid, may sinusunod na istruktura o
tuntuning gramatikal ang wika na nakatutulong sa pagbuo ng isang maayos at mabisang
pagpapahayag. Sinasabing anumang wika sa daigdig ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na
balangkas o patern. Kaya kung ihahambing ang sistematikong balangkas sa pagbuo ng parirala o
pangungusap ng wikang Filipino sa wikang Ingles, makikita ang pagkakaiba nito.

Halimbawang parirala:
Filipino: batang malusog
(pangngalan+pang-uri)
malusog na bata
(pang-uri+pang-angkop+pang-uri)

Ingles: healthy child

Halimbawang pangungusap:
Filipino: Binasa ni Juan ang mga aklat.
(panaguri+simuno)
Ang mga aklat ay binasa ni Juan
(simuno+panaguri)

Ingles: Juan read the books.


(subject+predicate)
The books were read by Jose
(subject+predicate)

3
Ang Wika ay Sinasalita

Ang mga tunog ng isang wika ay nabubuo sa tulong ng iba’t ibang sangkap ng pagsasalita tulad
ng labi, dila, ngipin, ilong, lalamunan at iba pa. Bagaman, maraming tunog sa paligid na makahulugan,
ang kulog halimbawa (na maaaring ipakahulugang malapit nang umulan), hindi ito maituturing na wika
sapagkat hindi ito nabubuo sa pamamagitan ng mga sangkap sa pagsasalita. Kung gayon, may
pagkakataon na may wika na hindi sinasalita.

Ang Wika ay Kabuhol ng Kultura

Ang kultura ay tumutukoy sa isang Sistema kung saan ang mga taong kabilang sa lipunan ay
kabahagi ng paniniwala, pananaw, kaalaman, pag-uugali at pagpapahalaga. Ang mga nabanggit ay
nagsisilbing gabay upang maisagawa ng tao ang kanilang mga gawain sa katanggap-tanggap na
paraan. Masasabi din na ang kultura ay nagbibigay sa wika ng isang tagpuan upang ito ay umunlad,
makaimpluwensiya, at mabigyang pagpapakahulugan. Ang kultura ay naisasalin sa pamamagitan ng
wika ngunit hindi maaaring isalin sa isang tao o grupo ng taong hindi kabilang sa isang lipunan o
komunidad. Ang wika ay kabuhol ng kultura kung kaya ito’y nakalaan lamang sa isang tiyak na lipunan
at sa mga taong gumagamit nito. Kapansin-pansin din na may mga kaisipan o salita sa isang wika
ang walang maipanapat na katumbas sa ibang wika sapagkat wala sa kultura ng wikang ito ang salita
o kaisipang iyon.
Halimbawa:
Eskimo-may labimpitong (17) iba ‘t ibang tawag sa salitang snow Maggay, 2002
Arabo-may anim na libong (6,000) salita na may kaugnayan sa kamelyo
Katutubo sa Sahara-may dalawang daang (200) salita para sa prutas na
dates at dalawampung (20) paraan ng paglalarawan
ng buhangin sa disyerto (Yousef, 1975)

Ang Wika ay Nagbabago o Dinamiko

Ang wika ay patuloy na nagbabago dala ng panahon at ugnayan ng mga tao sa isa’t isa. Habang
tumatagal ang panahon ay mas dumarami ang mga taong nagnanais na makiugnay sa isa’t isa dala
ng panlipunang pangangailangan. Ang pangangailangang ito ay nagtutulak sa isang tao upang
makihalubilo o makisangkot sa kaniyang lipunang ginagalawan. Wika ang ginagamit ng tao sa
pakikipag-ugnayan at pakikisangkot na nagdudulot kadalasan ng pag-usbong ng mga bagong salita
na nagmumula sa iba’t ibang grupo ng tao. Ang sensiya at teknolohiya ay isa rin sa dahilan ng
pagbabago ng wika. Kung dati ang salitang selfie ay hindi kasama sa ating leksikon, ngayon ay
isinama na sapagkat tinanggap na ito ng nakararami at naging bahagi na ng ating pang-araw-araw na
pamumuhay.

Ang Wika ay Malikhain

Ang wika ay malikhain dahil walang limitasyon ang bilang ng mga salitang maaaring mabuo. Sa
tuwing tayo’y magsasalita, ipinapahayag natin ang ating mga salita iba’t ibang paraan. Ito, ayon kay
Chomsky (1965) na binanggit nina Paz, et. al. (2003) ang dahilan kung bakit sinasabing ang wika ay
pantao lamang. Ang pamamaraan ng ekspresyon ang pinaka-distinct at pinakamahalagang aspekto
ng wika ng tao. Ibig sabihin, ito ay katangiang tao lamang ang may taglay. Ang wika ay hindi isang
kasanayan na matututuhan ng tao sa pamamagitan lamang ng pagkopya o paggaya sa iba. Tulad
halimbawa ng mga loro. Sila ay natuturuang bumigkas ng mga salita batay sa panggagaya sa
pagbigkas ng mga tao, subalit ang mga salitang kanilang natutuhan ay bibigkasin lamang nila kapag
4
sila ay inudyukan ng kanilang mga trainer. Hindi nila ito ginagawang kusa. Samantala, depende sa
sitwasyon o pagkakataon, naipapahayag ng tao ang kanyang saloobin, damdamin at naiisip gamit ang
wikang kanyang nakagisnan at natutuhan. Pag-aralan natin ang dalawang pangungusap sa Filipino:

a. Hindi ko siya naipagtanggol. Ibig sabihin nito, may hangaring gawin ang pagtatanggol
pero hindi siya nabigyan ng pagkakataon.

b. Hindi ko siya ipinagtanggol. Ibig sabihin nito, bagama’t may pagkakataon ay sadyang
hindi niya ginawa.

May kakayahan din ang wika na makabuo ng mga bagong salita ayon sa pangangailangan ng
gagamit nito.

Ang Wika ay Makapangyarihan

Sinuman ang epektibong gumagamit ng wika ay nakapagtatamo ng malaking impluwensiya o


kapangyarihan, makaapekto sa kaisipan at pagkilos ng isang tao at makaapekto sa polisiya at
pamamaraan ng mga tao. Narito ang mga halimbawa:
a. Binago ni Abraham Lincoln ang Amerika sa kanyang 267-salitang
talumpati: “The Gettysburg Address.”
b. Ipinahayag ni Shakespeare ang ideyal na kondisyong pantao sa
kanyang obra-maestrang Hamlet lalo’t higit sa kanyang kilalang
linyang: “to be, or not to be.” Ito ay 363 salita.
c. Marami sa ating dakilang relihiyon ay nananatili sa pagtupad sa
isang komprehensibong kodang pangmoral sa 297 salita: “The Ten
Commandments.”

Aralin 2:

Teorya sa Pagkatuto ng Wika

Marami nang ginawang pag-aaral sa kung paano natutuhan ng isang tao ang unang wika o
wikang nakagisnan (L1). Ang mga dalubhasa sa wika ay nagpapaiba-iba din ng pagtingin hinggil sa
usaping ito:
• Natututo ang tao ng wika sa pamamagitan ng likas na kakayahan nito.
• Natututo ang tao sa pamamagitan ng panggagaya ng mga naririnig na mga salita o ito ay
kanilang inaaral.
• Natututo ang tao sa walang humpay na pakikipag-ugnayan sa isa’t isa upang
magampanan ang pangangailangang panlipunan.
5
Ang mga sumusunod ay mga teoryang nagmula sap ag-aaral ng sikolohiya na pinaniniwalaang
may malaking kaugnayan sa pagkatuto ng wika.

1. Teoryang Behaviorism o Behaviourist Approach

Si B.F. Skinner (1904-1990) na isang tagapagtaguyod na teoryang ito ay naniniwalang ang


pagkatuto ng wika ay pag-uugaling napag-aaralan. Pinaniniwalaan ng mga behaviorist na ang kilos at
gawi ng isang tao ay maaaring hubugin sa pamamagitan ng pagkokontrol ng kapaligiran. Sa madaling
salita, ang paghahantad sa isang bata sa mga bagay na palaging ginagawa ay may malaking
impluwensiya upang matutuhan ang wika. Halimbawa, sa isang bat ana natututo pa lamang na
magsalita, ang guro o magulang ay maaaring gumamit ng negatibo o positibong pagganyak o
reinforcement gaya ng pagbibigay ng pabuya o parusa habang itinuturo ang wika. Pinanaligan din ng
mga behaviorist na mahalaga ang obserbasyon at imitasyon sa pagkatuto ng wika.

2. Teoryang Innative o Nativist Approach

Ayon sa teoryang ito, lahat ng tao ay may “likas” na kakayahang matuto at matutuhan ang wika
dahil sa paniniwalang lahat ng ipinapanganak ay taglay ang isang built-in device o isang likhang-isip
na aparato na kung tawagin ay “black box” na kung saan ito ang reponsable sa pagkatuto ng wika.
Nalilinang ang wika habang nagkakaroon ng ugnayan ang tao sa kaniyang kapaligiran.
Si Noam Chomsky (1928- ) na tagapagtaguyod ng teoryang ito, ay nagbigay katawagan sa
likhang-isip na aparato na kung tawagin ay language-acquisition device o LAD. Ayon sa kanya, ito ang
tumatanggap ng mga impormasyon mula sa kapaligiran sa anyong wika kung kaya likas ding natutuhan
ng mga bata ang lingguwistikong katangian ng wika. Pinaniniwalaan din ng mga nativist na habang
lumalaki ang bata ay patuloy itong gumagamit ng wika at ang wika ay patuloy na umuunlad dahil sa
pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa.

3. Teoryang Kognitib

Nakasalig ang teoryang ito sa pananaw ni Jean Piaget (1896-1980). Ayon sa kanya, ang
pagkatuto ng wika ng isang bata ay nakaugnay sa kakayahan nitong mag-isip. Pinaniniwalaan din ng
teoryang ito na kung ang bata ay may pag-unawa sa mga konseptong nakalantad sa kanyang
kapaligiran mas madali niya itong magagamit sa pagsasalita. Ayon din sa pananaw na ito, ang wika ay
sumasalamin sa prosesong pangkaisipan ng isang bata. Ang pag-unlad ng kognitibong kakayahan ay
pag-unlad din ng pagkatuto ng wika. Ang dalawang ito ay parehong nalilinang sa pamamagitan ng
interaksyong nagaganap sa kapaligiran.

4. Teoryang Makatao

Ang pananaw na ito ay nakasalig sa teorya ni Stephen Krashen (1941) mula sa kaniyang teorya
na Affective Filter Hypothesis. Sinasabing mapapabilis ang pagkatuto ng wika kung may positibong
saloobin ang isang tao na matutuhan nito. Sa madaling salita, binibigyang-pansin ng teoryang ito ang
kahalagahan ng damdamin at emosyon ng isang tao. Kung ang isang tao ay may takot o pag-
aalinlangan sa pagkatuto ng wika dala ng kapaligiran o sitwasyon, ang pagkatuto ay hindi lubusang
matatamo.

6
Antas ng Wika

May ilang dalubhasa sa pag-aaral ng wika ang nagsabing walang antas o grado ang wika.
Nagkakaiba-iba ang mga salitang ginagamit ng mga taong nagsasalita sapagkat ang sinasalita nila ay
ibinabagay sa sitwasyon ng pag-uusap, sa taong kausap, sa lugar na pinangyarihan ng pag-uusap sa
paksa o mensaheng nais na maiparating at sa panahon ng paggamit ng wika. Ayon kay Dr. Jose Villa
Panganiban, naging director ng SWP, may apat na kaantasan ang wika na nahahati sa dalawang
kategorya:

1. Pormal. Ito ay ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakararami lalo na sa mga nakapag-aral ng wika.
a. Pampanitika – Ito ang wikang ang ginagamit ay matalinghaga at masining na
kadalasang gamit sa iba’t ibang akdang pampanitikan. Ang madalas na gumagamit ng
ganitong uri ng antas ay mga malikhaing manunulat.
Halimbawa: -nagmumurang kamatis
-nagtataingang kawali
b. Pambansa – Ito ang wikang ginagamit sa pamahalaan at paaralan.
Ang mga salit pangwika ang ginagamit ay makikita rin sa mga aklat pangwika at
babasahing ipinalalabas sa buong kapuluan o sa sirkulasyong pangmadla.
Halimbawa: -pilosopiya -kagawaran
-edukasyon -tagapagpaganap

2. Impormal. Ito ay ang wika na karaniwan, palasak at gamit sa kaswal na usapan sa pang-araw-araw.
a. Lalawiganin – Ito ay mga salitang pangrehiyunal at kadalasang nakikilala sa
pamamagitan ng puntong ginamit ng nagsasalita.
Halimbawa:
Tagalog Ilokano Cebuano Bikolano
kaibigan gayyem Higala amig
aalis pumanaw Molakaw mahali

b. Kolokyal – Ito ay nagmula sa pormal na mga salita na naglaon ay naasimila na dala


ng mga taong gumagamit nito. Ito ay madalas na ginagamit sa umpukan o ordinaryong mga
usapan kung kaya hindi pinapansin ang wastong gamit ng gramatika, ngunit tinatanggap
naman ng nakararami. Isang katangian nito ay ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang
titik sa salita.
Halimbawa: -nasa?, pa’no?, sa’kin?, kelan?
-Meron ka bang dala?

c. Balbal – Umusbong ang mga salitang ito sa mga lansangan at kadalasang ginagamit
ng mga masa ngunit nang lumaon ay ginamit na rin ng ibang tao. Iba’t ibang pangkat ng tao
ang kadalasang gumagamit nito katulad ng mga taong nasa ikatlong kasarian gaya ng mga
bakla, upang bumuo ng sarili nilang koda na sila lamang ang nagkakaintindihan.
Halimbawa: - istokwa -borlog
-barat -tisoy

7
Aralin 3: Wikang Pambansa, Opisyal at Panturo

Wikang Pambansa
Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng iba’t ibang pangkat ng mga Pilipinong gumagamit
ng iba’t ibang wika at diyalekto. Humigit-kumulang 150 wika at diyalekto ang umiiral sa ating bansa.
Ang kalagayang ito ang naging pangunahing dahilan kung bakit kinailangang magkaroon tayo ng isang
wikang wikang mauunawaan at masasalita ng karamihan sa mga Pilipino. Ang wikang ito ang
magbubuklod sa atin bilang mamamayan ng bansang Pilipinas at tatawaging wikang Pambansa.

1934: Dahil nga sa pagkakahiwa-hiwalay ng ating bansa sa iba’t ibang pulo at sa dami
ng wikang umiiral ditto, naging isang paksang mainitang pinagtalunan, pinag-isipan at
tinalakay sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1934 ang pagpili sa wikang ito.
Marami sa mga delegado ang sumang-ayon sa panukalang isa sa mga umiiral na wika
sa bansa ang dapat maging wikang Pambansa subalit sinalungat ito ng mga maka-
Ingles na naniniwalang higit na makabubuti sa mga Pilipino ang pagiging mahusay sa
wikang Ingles. Subalit naging matatag ang grupong nagmamalasakit sa sariling wika.
Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang Pambansa ay dapat ibatay sa
isa mga umiiral na wika sa Pilipinas. Ang mungkahing ito ay sinusugan ni Manuel L.
Quezon na noo’y Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas.

1935: Ang pagsusog na ito ni Pangulong Quezon ay nagbigay-daan sa probisyong


pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 na nagsasabing:

“Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang


pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi itinatakda ng
batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling opisyal na wika.”

Batay sa probisyong ito ng Saligang Batas ng 1935 ay nagkaroon ng maraming talakayan kung
anong wika ang gagamiting batayan sa pagpili ng wikang Pambansa. Ito ay nagresulta sa
pagkakaroon ng isang batas na isinulat ni Norberto Romualdez ng Leyte, ang Batas Komonwelt Blg.
184 na nagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP). Pangunahing tungkulin nito ang “mag-
aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang
pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika ayon sa balangkas, mekanismo at panitikan
na tinatanggap at sinasalita ng nakararaming Pilipino.” Batay sa pag-aaral na isinagawa ng Surian,
napili nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa dahil ang naturang wika ay tumugma sa
mga pamantayang kanilang binuo tulad ng sumusunod:

8
“ang wikang pipiliin ay dapat…….
▪ wika ng sentro ng pamahalaan;
▪ wika ng sentro ng edukasyon;
▪ wika ng sentro ng kalakalan; at
▪ wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan.”

1937: Noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang
wikang Tagalog upang maging batayan ng Wikang Pambansa batay sa
rekomendasyon ng Surian sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134.
Magkakabisa ang kautusang ito pagkaraan ng dalawang taon.

1940: Dalawang taon matapos mapagtibay ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.


134, nagsimulang ituro ang wikang Pambansa na batay sa Tagalog sa mga paaralang
pampubliko at pribado.

1946: Nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang ating Kalayaan, sa Araw ng


Pagsasarili ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag ding ang mga wikang
opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570.

1959: Noong Agosto 13, 1959, pinalitan ang tawag sa wikang Pambansa. Mula Tagalog ito
ay naging Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E.
Romero, ang Kalihim ng Edukasyon noon. Sa panahong ito’y higit na binigyang halaga at
lumaganap ang paggamit ng wikang Pilipino. Ito ang wikang ginamit sa mga tanggapan, gusali
at mga dokumentong pampamahalaan tulad ng pasaporte at iba pa, gayundin sa iba’t ibang
antas ng paaralan at sa mass media tulad ng diyaryo, telebisyon, radio, magasin at komiks.
Sa kabila nito ay marami pa rin ang sumasalungat sa pagkakapili sa Tagalog bilang batayan
ng wikang Pambansa.

1972: Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyunal


noong 1972 kaugnay ng usaping pangwika. Sa huli, ito ang mga naging probisyong
pangwika sa Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksiyon 3, Blg. 2:

“Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at


pormal na magpapatibay sa isang panlahat na wikang pambansang kikilalaning Filipino.”

Dito unang nagamit ang salitang Filipino bilang bagong katawagan sa wikang Pambansa ng
Pilipinas. Gayunpama’y hindi naisagawa ng Batasang Pambansa ang pormal na pagpapatibay tulad
ng itinatadhana ng Saligang Batas.

9
1987: Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na
binuo ni dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang
Filipino. Nakasaad sa Artikulo XIV, ang probisyon tungkol sa wika na nagsasabing:

SEKSIYON 6. “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay


dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga
wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng
pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”

SEKSIYON 7. “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wika ng rehiyon
ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing opisyal na pantulong na
midyum ng pagtuturo. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.”

SEKSIYON 8. “Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa
mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.”

SEKSIYON 9. “Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na


binubuo ng mga kinatawan ng iba’t-ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-
uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at
pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika.”

Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 na nilagdaan ni Pang. Corazon Aquino nalikha
ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) na sa pumalit sa SWP. Malulusaw pagkaraan ang LWP
nang pagtibayin at pairalin ang Saligang Batas ng 1987 dahil iniaatas nito ang pagtatatag ng isang
komisyon ng pambansang wika. Naisakatuparan ito nang maipasa ang Batas Republika 7104 noong
14 Agosto 1991, na nagtatag sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWP).

Napakalayo na nalakbay ng ating wikang Pambansa upang maging isa itong wikang
nagbubuklod sa mga Pilipino. Marami itong pagsubok na nalagpasan hanggang sa maisabatas at
magami ng lahat ng mga Pilipino sa nakaraan, sa kasalukuyan at maging sa hinaharap upang lalo pa
tayong magkaintindihan at mapalawig ang ating pagkakaisa tungo sa pag-unlad at pagtatagumpay.

Wikang Panturo
Bukod sa pagiging pambansang wika ng Pilipinas, iniaatas din ng Konstitusyon ng 1987 ang
paggamit sa Filipino bilang wikang panturo. Sa ikalawang bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon 6, nakasaad
na, “Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasiya ng Kongreso, dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang iataguyod ang paggamit
ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.
Maraming sikolohista sa wika ang naniniwala na ang katulong ng utak sa pagpoproseso ng
kaalaman ay ang wikang nauunawaan ng tao. Mahalaga kung gayon na gamitin ang Filipino sa

10
pagtuturo hindi lamang para sa mas epektibong pagtuturo kundi pati na rin sa mas makabuluhang
pagkatuto ng mga estudyante.

Opisyal na Wika
Tinatawag na opisyal na wika ang isang wika na binigyan ng natatanging pagkilala sa
konstitusyon bilang wikang gagamitin sa mga opisyal na transaksiyon ng pamahalaan. May dalawang
opisyal na wika ang Pilipinas – ang Filipino at Ingles.
Ayon sa itinatadhana ng ating Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 7, mababasa ang
sumusunod:
“Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon
ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong na mga wikang
panturo roon.”
Bilang mga opisyal na wika, may tiyak at magkahiwalay na gamit ang Filipino at Ingles.
Gagamitin ang Filipino bilang opisyal na wika sa pag-akda ng mga batas at mga dokumento ng
pamahalaan. Ito rin ang wikang gagamitin sa mga talakay at diskurso sa loob ng bansa, halimbawa,
sa mga talumpati ng pangulo, mga deliberasyon sa kongreso at senado, pagtuturo sa mga paaralan,
mga paglilitis sa korte at iba pa. Mahalaga ang paggamit ng Filipino sa mga talumpati ng pangulo at sa
mga talakay at diskurso upang maunawaan ng mga mamamayan ang mahahalagang usapin ng bansa.
Bukod sa pagiging pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas, gumaganap din ang
Filipino bilang lingua franca o tulay ng komunikasyon sa bansa. Kapag may dalawang taong mag-
uusap na may magkaiba o magkahiwalay na kultura at sosyolingguwistikong grupo, halimbawa, ang
isa ay Kapampangan at ang isa naman ay Bikolano, gagamitin nila ang Filipino para magkaunawaan.
Samantala, gagamitin naman ang Ingles bilang isa pang opisyal na wika ng Pilipinas sa
pakikipag-usap sa mga banyagang nasa Pilipinas at sa pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang bansa
sa daigdig. Ingles ang itinuturing na lingua franca ng daigdig. Ito ang ginagamit ng mga tao mula sa
iba’t ibang bansa para mag-usap at magkaunawaan.

Alam
mo ba? Ayon kay Virgilio Almario (2014:12) ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng
batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang
wikang maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong
nakasulat, sa loob at sa labas ng alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno. Ang
wikang panturo naman ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito
ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa
pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid-aralan.
Sa pangkalahatan nga ay Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika at wikang panturo sa mga
paaralan. Sa Pagpasok ng K to 12 Curriculum, ang Mother Tongue o unang wika ng mga mag-aaral
ay naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga paaralang
pampubliko at pribado man. Tinawag itong Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE).

11
Ayon kay DepEd Secretary Brother Armin Luistro, FSC, “ang paggamit ng wikang ginagamit din
sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng
mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural.”
Pinatunayan ng mga isinagawang pag-aaral na lokal at internasyonal na ang paggamit ng
wikang kinagisnan sa mga unang taon ng pag-aaral ay nakalilinang sa mga mag-aaral na mas mabilis
matuto at umangkop sa pag-aaral ng pangalawang wika (Filipino) at maging ng ikatlong wika (Ingles).
Ang wikang Filipino at Ingles ay gagamitin at ituturo pa rin sa mga paaralan. Ang magiging pokus
sa kindergarten at unang baitang ay katatasan sa pasalitang pagpapahayag. Sa ikalawa hanggang
ikaanim na baitang ay bibigyang-diin ang iba’t iba pang komponent ng wika tulad ng pakikinig,
pagsasalita, pagbasa at pagsulat. Sa mas matataas na baitang ay Filipino at Ingles pa rin ang mga
pangunahing wikang panturo o medium of instruction.

Aralin 4: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo


at Multilingguwalismo

Monolingguwalismo

Monolingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng


isinasagawa sa mga bansang England, Pransya, South Korea, Hapon at iba pa kung saan iisang wika
ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. Maliban sa edukasyon, sa
sistemang monolingguwalismo ay may iisang wika ring umiiral bilang wika ng komersiyo, wika ng
negosyo at wika ng pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw na buhay.

Bilingguwalismo

Binigyang-pagpapakahulugan ni Leonard Bloomfield (1935), isang Amerikanong lingguwista


ang bilingguwalismo bilang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang
ito ay kanyang katutubong wika. Ang pagpapakahulugang ito ni Bloomfield na maaaring mai-kategorya
sa tawag na “perpektong bilingguwal” ay kinontra ng pagpapakahulugan ni John Macnamara (1967),
isa pa ring lingguwistang nagsabing ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa
apat na makrong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa at
pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika. Sa pagitan ng dalawang magkasalungat
na pagpapakahulugang ito ay may iba pang pagpapakahulugan ang naibigay tulad ng kay Uriel
Weinreich (1953), isang lingguwistang Polish-American, na nagsasabing ang paggamit ng dalawang
wika nang magkasalitan ay matatawag na bilingguwalismo at ang taong gagamit ng mga wikang ito ay
bilingguwal. May mga tanong sa ganitong pagpapakahulugan ni Weinreich dahil hindi nabanggit kung
gaano ba dapat kadalas o kung gaano ba dapat kahusay ang isang tao sa ikalawang wika upang
maituring siyang bilingguwal. (Cook at Singleton: 2014).
Maituturing na bilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang ikalawang wika nang
matatas sa lahat ng pagkakataon. Sa pananaw na ito, dapat magamit ng mga bilingguwal ang
dalawang wika nang halos hindi na matutukoy kung alin sa dalawa ang una at ang pangalawang wika.
Balanced bilingual ang tawag sa mga taong nakagagawa nang ganito at sila’y mahirap mahanap

12
dahil karaniwang nagagamit ng mga bilingguwal ang wikang mas naaangkop sa sitwasyon at sa taong
kausap. (Cook at Singleton: 2014).

Bilingguwalismo sa Wikang Panturo

Makikita sa Artikulo XV, Seksiyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973 ang probisyon para sa
bilingguwalismo o pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa mga paaralan at wikang opisyal na
iiral sa lahat ng mga pormal na transaksiyon sa pamahalaan man o sa kalakalan.
“Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pormal na paggamit ng pambansang wikang Filipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang
Ingles at Filipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas.”

Ayon kay Ponciano B.P. Pineda (2004:159) ang probisyong ito sa Saligang Batas ang naging
batayan ng Surian ng Wikang Pambansa sa pagharap sa Kalihim ng Edukasyon at Kultura ng
kahilingang ipatupad ang patakarang bilingual instruction na pinagtibay ng Board of National
Education (BNE) bago pa umiral ang Martial Law. Ang patakarang iyon ay alinsunod sa Executive
Order No. 202 na bubuo ng Presidential Commission to Survey Philippine Education (PCSPE) tungkol
sa dapat maging katayuan ng Pilipino at ng Ingles bilang mga wikang panturo sa paaralan.
Dahil sa pagsusumikap ng Surian ng Wikang Pambansa ay nilagdaan ang isang
makasaysayang patakaran tungkol sa bilingual education sa bisa ng Resolusyon Blg. 73-7 na
nagsasaad na “ang Ingles at Pilipino ay magiging midyum ng pagtuturo at ituturo bilang
asignatura sa kurikulum mula Baitang 1 hanggang antas unibersidad sa lahat ng paaralan,
publiko o pribado man.”
Noong Hunyo 19, 1974, ang Department of Education ay naglabas ng mga panuntunan sa
pagpapatupad ng edukasyong bilingguwal sa bansa sa bisa ng Department Order No. 25, s. 1974. Ang
ilan sa mahahalagang probisyon sa nasabing kautusan ay ang sumusunod:
➢ Makalinang ng mga mamamayang Pilipinong matatas sa pagpapahayag sa wikang
Pilipino at Ingles
➢ Ang pariralang bilingual education ay binigyang katuturan sa magkahiwalay na paggamit
ng Pilipino at Ingles bilang mga wikang panturo mula Baitang 1 pataas sa mga tiyak na
asignatura. Ang mga asignatura o araling dapat ituro sa Pilipino ay Social Studies/Social
Science, Work Education, Character Education, Health Education at Physical Education.
Ingles naman ang magiging wikang panturo sa Science at Mathematics. Ang Pilipino at
Ingles bukod sa gagamiting mga wikang panturo ay ituturo pa rin bilang mga asignaturang
pangwika. Wala sa patakaran subalit itinatakda ng mga panuntunang magagamit na
pantulong na wikang panturo ang bernakular sa pook o lugar na kinaroroonan ng
paaralan.

Multilingguwalismo

Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Karamihan sa atin, lalo na sa mga nakatira sa
labas ng Katagalugan, ay nakapagsasalita at nakauunawa ng Filipino, Ingles at isa o higit pang wikang
katutubo na karaniwang ang wika o mga wikang kinagisnan.
Gayumpama’y nananatiling laganap sa nakararaming batang Pilipino ang paggamit ng unang
wika sa halip na Filipino at Ingles. Kaya, sa pagpapatupad ng DepEd ng K to 12 Curiculum, kasabay
na ipinatupad ang probisyon para sa magiging wikang panturo partikular sa kindergarten at sa Grades
1,2 at 3. Tinawag itong MTB-MLE o Mother Tongue Based – Multilingual Education. Ang mga
pamantayan sa pagpapatupad nito ay nakasaad sa DO 16, s. 2012 na kilala rin bilang Guidelines on
13
the Implementation of the Mother Tongue Based – Multilingual Education (MTB-MLE). Nakalahad dito
na simula sa araling taon 2012 at 2013, ipatutupad ang MTB-MLE sa mga paaralan. Naaayon ito sa
maraming pag-aaral na nagsasabing mas epektibo ang pagkatuto ng mga bata kung unang wika ang
gagamitin sa kanilang pag-aaral.
Sa unang taon ng pagpapatupad ng MTB-MLE unang nagtalaga ang DepEd ng walong
pangunahing wika o lingua franca at apat na iba pang wikain sa bansa upang gamiting wikang panturo
at ituturo din bilang hiwalay na asignatura. Ang walong pangunahing wika ay ang sumusunod:
Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Ilokano, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray at ang apat na
iba pang wikain ay ang Tausug, Maguindanaoan, Maranao at Chavacano. Pagkalipas ng isang taon,
noong 2013 ay nagdagdag ng pitong wikain kaya’t naging labinsiyam (19) na ang wikang ginagamit
sa MTB-MLE. Ito ay ang sumusunod: Ybanag para sa mga mag-aaral na Tuguegarao City, Cagayan
at Isabela; Ivatan para sa mga taga-Batanes; Sambal sa Zambales; Aklanon sa Aklan, Capiz; Kinaray-
a sa Antique; Yakan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao at ang Surigaonon para sa lungsod
ng Surigao City at mga karatig-lalawigan nito.
Isang malaking hakbang ang ginawa ng ating bansa sa pagkakaroon ng pambansang polisiya
para sa multilingguwal na edukasyon. Ito ay isang magandang modelo ng pagtuturo para sa isang
bansang tulad natin na may heograpiyang pinaghiwa-hiwalay ng mga pulo at mga kabundukan at may
umiiral na napakaraming pangkat at mga wikain sapagkat mapalalakas muna nito ang pagkatuto ng
mga mag-aaral sa kani-kanilang unang wika. Inaasahang higit nilang mauunawaan at kalulugdan ang
mga aralin kung ito’y ituturo sa wikang matatas na sila at lubos na nilang nauunawaan. Ito ngayon ang
magiging tulay upang kasunod na mapalakas at mapalusog ang pagkatuto ng ating wikang
Pambansa, ang Filipino at gayundin ang wikang Ingles.

Aralin 5: Barayti ng Wika

Barayti ng Wika

Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng barayti ng wika dahil sa pakikipag-ugnayan ng tao sa


kapwa tao mula sa ibang lugar na may naiibang kaugalian at wika. Mula sa pag-uugnayang ito ay may
nalilinang na wikang may pagkakaiba sa orihinal o istandard na pinagmulan nito.
Sa kasalukuyan panahon ay pinag-aaralan ang isang wika sa loob ng kapaligiran at karanasan
ng mga nagsasalita nito. Ito ang nagbubunga ng sitwasyon at mga pangyayaring nagreresulta sa
tinatawag na divergence, ang dahilan kung bakit nagkaroon ng iba’t ibang uri o barayti ng wika (Paz,
et. al. 2003)
Ipinahayag ni Alonzo (2002) na ang barayti ng wika ay isang maliit na grupo o pormal o
makabuluhang katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyonal. Ayon kay
Catford may dalawang malalaking uri ng barayti. Una, ang humigit-kumulang ay permanente para sa
tagapagsalita/tagabasa (performer). Ikalawa, humigit-kumulang ay pansamantala dahil nagbabago
kung may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag.

Dayalek o Diyalekto

Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular
na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon o bayan. Maaaring gumagamit ang mga tao ng isang wikang
katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono, may magkaibang katawagan para sa

14
iisang kahulugan, iba ang gamit na salita para sa isang bagay, o magkakaiba ang pagbuo ng mga
pangungusap na siyang nagpapaiba sa dayalek ng lugar sa iba pang lugar.
Halimbawa:
palitaw (Tagalog sa Rizal) diladila (Tagalog sa Teresa,
Morong, Cardona at Baras)

Magkain tayo sa mall. (Tagalog-Bisaya)


Kumain tayo sa mall. (Tagalog-Maynila)

Idyolek

Sa barayting ito, lumulutang ang katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita.


Sinasabing walang dalawang taong nagsasalita ng isang wika ang bumibigkas nito nang
magkaparehong-magkapareho. Dito lalong napatunayang hindi homogenous ang wika sapagkat may
pagkakaiba ang paraan ng pagsasalita ng isang tao sa iba pang tao batay na rin sa kani-kanyang
indibidwal na estilo o paraan ng paggamit ng wika kung saan higit siyang komportableng magpahayag.
Halimbawa:
Ang estilo ni Marc Logan, Kris Aquino at Mike Enriquez sa pagsasalita

Sosyolek

Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng
mga taong gumagamit ng wika. Kapansin-pansing ang mga tao ay nagpapangkat-pangkat batay sa
ilang katangian tulad ng kalagayang panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad at iba pa.
May pagkakaiba ang barayti ng nakapag-aral sa hindi nakapag-aral; ng matatanda sa mga kabataan;
ng mga maykaya sa mahihirap; ng babae sa lalaki o sa bakla; gayundin ang wika ng preso; wika ng
tindera sa palengke at ng iba pang pangkat.
Ayon kay Rubrico (2009), ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan ng istratipikasyon ng
isang lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob
dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan. Para
matanggap ang isang tao sa isang grupong sosyal, kailangan niyang matutuhan ang sosyolek nito.
Halimbawa:
Gay lingo – wika ng mga beki
• bigalou (malaki)
• givenchy (pahingi)

Conyospeak/coño/coñotic – wika ng mga sosyal o pasosyal (Taglish)


• Let’s make kain na.
• Wait lang. I’m calling Anna pa.

Jejemon – wika ng mga kabataang jologs


• MuZtah (Kumusta?)
• iMiszqcKyuh (I miss you)

15
Etnolek

Ito ay barayti ng wika mula sa mga etnolongguwistikong grupo. Ang salitang etnolek ay nagmula
sa pinagsamang etniko at dialek. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi ng pagkakakilanlan ng
isang pangkat-etniko.
Halimbawa:
➢ ang vakkul na tumutukoy sa gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init man o sa ulan
➢ ang kalipay na ang ibig sabihin ay tuwa o ligaya
➢ ang paggamit ng mga Ibaloy ng SH sa simula, gitna at dulo ng salita tulad ng shuwa
(dalawa), sadshak (kaligayahan), peshen (hawak)

Register

Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit
niya sa sitwasyon at sa kausap. Tumutukoy din ito sa mga salitang ginagamit ng mga taong nasa
isang ispesipikong larangan o disiplina. Ang mga tao o grupong ito ay gumagamit ng jargon (tumutukoy
sa mga teknikal na salita) na kailangan sa isang tiyak na trabaho o propesyon.
Tatlong kategorya ng register ng wika ang nagmula kay Michael Halliday, isang lingguwista sa
kanyang Registry Theory:

Field – tumutukoy sa paksa o larangang pinag-uusapan. Ang paksa ng diskurso ay


maaaring hinggil sa mga teknikal o espesyalisadong salita na ginagamit ng mga taong nasa
partikular na disiplina o larangan.
Halimbawa:

Tenor of discourse – tumutukoy sa kung sino ang kausap at ano ang relasyon ng mga
taong nag-uusap sa isang sitwasyon. Ang relasyon ng mga taong nag-uusap ay
nakaimpluwensiya nang malaki sa paggamit ng pormalidad ng wika.

Mode of discourse – tumutukoy sa paraan o kung paano nag-uusap ang mga


tagapagsalita – pasulat o pasalita. Sa pasulat, madalas ay pormal ang mga salitang ginagamit
kung ihahambing sa pasalita.

16
Pidgin

Ito ang umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na ‘nobody’s native language’ o
katutubong wikang di pag-aari ninuman. Nangyayari ito kapag may dalawang taong nagtatangkang
mag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya’t ‘di magkaintindihan dahil hindi
nila alam ang wika ng isa’t isa. Halimbawa’y ang nangyari nang dumayo ang mga Espanyol sa
Zamboanga at makipag-usap sila sa mga katutubo roon. Dahil pareho silang walang nalalaman sa
wika ng bawat isa kaya nagkaroon sila ng tinatawag na makeshift language.

Creole

Ang wikang ito na nagsimula bilang pidgin ay naging likas na wika o unang wika na ng batang
isinilang sa komunidad ng pidgin. Nagamit ito sa mahabang panahon, kaya’t nabuo ito hanggang sa
magkaroon ng pattern o mga tuntuning sinunod na ng karamihan. Ito ang wikang nagmula sa isang
pidgin at naging unang wika sa isang lugar. Halimbawa, ang sinimulang wika ng mga Espanyol at
wikang katutubo sa Zamboanga ay pidgin subalit nang maging unang wika na ito ng mga batang
isinilang sa lugar, nagkaroon ng sariling tuntuning panggramatika at tinawag na Chavacano (kung
saan ang wikang katutubo ay nahaluan na ng impluwensiya at bokabularyo ng wikang Espanyol o
Kastila) at ito ngayon ay naging creole na.

Alam Walang buhay na wika ang maituturing na homogenous dahil ang


mo ba? bawat wika ay binubuo nang mahigit sa isang barayti. Masasabi lang kasing
homogenous ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng
gumagamit ng isang wika (Paz, et. al. 2003). Subalit hindi ganito ang wika
sapagkat nagkakaroon ito ng pagkakaiba-iba sanhi ng iba’t ibang salik
panlipunan tulad ng edad, hanapbuhay o trabaho, antas ng pinag-aralan,
kasarian, kalagayang panlipunan, rehiyon o lugar, pangkat-etniko o
tinatawag ding etnolingguwistikong komunidad kung saan tayo’y nabibilang
at iba pa. Ipinakikita ng iba’t ibang salik panlipunang ito ang pagiging
heterogeneous ng wika.

Aralin 6: Konseptong Pangwika

Ang Unang Wika ay ang wikang katutubo na kinagisnan at natamo mula sa pagkasilang
hanggang sa oras na magamit at maunawaan ng isang indibidwal. Sinasabi ring wikang taal ang
unang wika sapagkat ito’y umusbong sa isipan ng bawat indibidwal mula sa loob ng isang tahanan at
komunidad. Ito rin ay sinasabing likas, ang wikang nakagisnan, natutuhan at ginagamit ng pamilyang
nabibilang sa isang linggwistikong komunidad. Ang grupo ng mga mamamayan na naninirahan sa
iisang lugar na gumagamit ng iisang wika, na hindi lamang sinasalita bagkus mayroong
pagkakaunawaan, ugnayan at interaksyon sa bawat isa.

Ang Unang Wika ay tinatawag ring mother tongue, katutubong wika o sinusong wika. Ang
wika kung saan nakilala at pamilya ang isang indibidwal kaya nagkaroon ng kakayahang maangkin ito
sa tulong ng kinalakhang komunidad. Sa kasalukuyan ang Mother Tongue ay hindi lamang unang

17
wika bagkus ay isa sa mga asignatura mula sa Baitang 1 hanggang 3 upang maging daluyan ng higit
na pagkatuto at pagkaunawa sa ikalawang wika.
Ayon sa artikulo ni Lee nailathala noong 2013, “The Native Speaker” narito ang mga gabay
upang matukoy kung ang isang tao ay katutubong tagapagsalita ng isang wika.
1. Natutuhang indibidwal ang wika sa murang edad.
2. Ang indibidwal ay may likas at instruktibong kaalaman at kamalayan sa wika.
3. May kakayahan ang indibidwal na makabuo ng mataas at importansyang
diskurso gamit ang wika.
4. Mataas ang kakayahan sa komunikasyon ng indibidwal gamit ang wika.
5. Kinilala ang sarili bilang bahagi at nakikilala bilang kabahagi ng isang
lingguwistikong komunidad.

Ayon sa saliksik nina Aguilar, Jennifor L. et al. 2016 mula sa katha ni Krashen (1982), ang
Pangalawang Wika ay naiiba sa unang wika, sapagkat ito ay hindi taal o likas na natutuhan ng isang
indibidwal sa kanyang tahanan at kinabibilangang linggwistikong komunidad. Ito ay wikang natutuhan
sa paaralan o sa pakikipagugnayan sa ibang tao na may kakayahang gamitin ito. Natutuhan ito ng
isang indibidwal, matapos siyang mahasa ang kakayahan sa paggamit ng unang wika. Kung gayon,
ang pangalawang wika ay mga karagdagan sa mga wikang natutuhan at pinag-aaralan sa mga
paaralan. Kung mayroon mang pangunahing distinksyon o kakanyahan ang pangalawang wika (L2)
ito ay walang iba kundi ang pagtataglay ng katangiang maaaring matutuhan (learnability) o natutuhan
(learned) sa mulat o malay na paraan ng pagsasalin ng prosesong komunikatibo.
Isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng kultura at kasaysayan ng isang lugar ang wika. Ito ang
nagsisilbing tatak at simbolismo ng pagkatao ng bawat indibidwal na
nakatira dito. Sa pamamagitan ng wika ay naipapahayag ng bawat tao ang kanyang saloobin at
opinyon. Nakalilikha tayo ng mga awit, tula, mga kwento at pati ng mga kanta gamit ang ating wika.
Ang wika ay sandata ng kahit sino mang tao sa ating lipunan.
Sa paglipas ng iba’t ibang saling-lahi at sa pagsibol naman ng mga makabagong henerasyon,
tayo ay nagkaroon ng maraming barayti at baryasyon ng wikang Pilipino. Linggwistikong Komunidad
ang tawag sa mga wikang ito.
Sa isang komunidad ay may sari-saring uri ng indibidwal na nakatira. Bawat tao o
grupo ng tao ay may kanya-kanyang diyalekto na ginagamit. May mga gumagamit ng mga katutubong
salita, depende sa lugar na kanilang pinanggalingan.

Halimbawa nito ay ang gamit ng salitang Waray ng mga taga Bisaya, Ibaloy ng mga taga Mountain
Province, Ilocano ng mga taga Ilocos, at Zambal ng mga taga Zambales. May mga ibang grupo naman
na ang gamit ay ang makabago at naimbento lamang na mga salita. Meron ding gumagamit ng
pinaghalong Ingles at Tagalog o mas kilala sa tawag na “ Konyo”. May ilan ding mga kabataan na
gumagamit ng jejemon at bekimon naman ang linggwahe ng mga bading.
Sa larangan din ng mga propesyonal sila ay meron din sariling linggwistikong komunidad. Ang
mga doctor, abogado, enhinyero at iba pa ay gumagamit ng partikular na salita ayon sa grupo ng
propesyon na kanilang kinabibilangan. Bawat indibidwal ay may natatanging uri ng wika na kung saan
ay sila-sila rin lang ang nagkakaintindihan. Naiiba rin ang uri ng linggwistikong komunidad ang gamit
ng mga tao na nasa mataas na antas ng ating sosyodad.

Ikalawang wika ang tawag sa mga salitang paulit-ulit na naririnig at unti-unti natututuhan ang
wikang ito hanggang sa magkaroon ng sapat na kasanayan at husay at magamit sa pagpapahayag at
sa pakikipag-usap sa ibang tao. (L2)

18
Ikatlong wika ang tawag sa wikang naririnig at nakikilala na kalauna’y natututunan at nagagamit
na sa pakikipagtalastasan sa mga tao sa paligid. Nagagamit ang wikang ito sa pakikiangkop sa
lumalawak na mundong kanyang ginagalawan at magiging L3 ng tao.
Ang Lingguwistikong Komunidad ay isang termino sa sosyolinggwistiks na tumutukoy sa
isang grupo ng mga taong gumagamit ng iisang uri ng barayti ng wika at nagkakaunawaan sa mga
espesipikong patakaran o mga alituntunin sa paggamit ng wika.
Ayon kay William Labov, 1927, ang Lingguwistikong komunidad ay isang pangkat ng mga
taong nagkakaunawaan sa layunin at estilo (salita, tunog, ekspresyon) ng kanilang pakikipag-ugnayan
sa paraang sila lamang ang nakakaalam.
Ito ay komunidad ng mga taong kabilang sa isang patakaran at pamantayan ng isang barayti ng
wika na ginagamit sa komunikasyon at pakikipag-unawaan , ayon kay Dell Hymes (1927-2009).
Mula kay Harriet Joseph Ottenheimer, ito ay grupo ng mga taong kabilang sa paggamit ng isa o
higit pang mga barayti ng wika. Kung saan sila ay nagkakasundo sa patakarang ito, na ginagamit nila
sa pag-araw-araw tuwing makikipagkomunikasyon.

Aralin 7: Gamit ng Wika sa Lipunan


Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan. Isang magandang ehemplong magpapatunay rito ang
kuwento ni Tarzan. Mga tunog ng hayop ang kanyang unang natutunan dahil ito ang wika ng mga
kasama niyang hayop sa gubat. Ang isang batang walang ugnayan sa ibang tao ay mahihirapang
matutong magsalita dahil wala naman siyang kausap. Maging ang isang taong bagong lipat lang sa
isang komunidad na may ibang wika, kung hindi ito makikipag-ugnayan sa iba, ay hindi matututo ng
ginagamit nilang wika. Kung gayun, ang isang taong hindi nakikipag-ugnayan o nakikisalamuha sa
isang komunidad ay hindi matututong magsalita sa paraan kung paano nagsasalita ang mga
naninirahan sa komunidad na iyon. Sadyang ang wika nga ay isang sistema ng pakikipag-ugnayan na
nagbubuklod sa mga tao. Hindi matatawaran ang mahalagang gamit nito sa lipunan.
Marami-rami na rin ang nagtangkang i-kategorya ang mga tungkulin ng wika batay sa gampanin
nito sa ating buhay, isa na rito si M.A.K. Halliday na naglahad sa pitong tungkulin ng wika na mababasa
sa kanyang aklat na Explorations in the Functions of Language (Explorations in Language Study,
1973).
Naniniwala si Halliday na may gampanin ang wika sa pagbubuo ng panlipunang realidad at
mahalaga ang panlipunang gamit nito sa pagbibigay-interpretasyon sa wika bilang isang Sistema. Ibig
sabihin, ang wika bilang potensiyal sa pagpapakahulugan ay naisasagawa sa pamamagitan ng
pagsusuri sa partikular na panlipunang lunsaran ng komunikasyon.

Instrumental
Layunin nitong makipagtalastasan para tumugon sa pangangailangan ng tagapagsalita.
Ginagamit ang wika para tukuyin ang mga preperensiya, kagustuhan at pagpapasiya ng tagapagsalita.
Ginagamit din ito sa paglilinaw at pagtitiyak ng pangangailangan.

Halimbawa: liham pangangalakal, liham sa patnugot at patalastas tungkol


sa gamit at halaga ng produkto

19
Regulatoryo
May kakayahang makaimpluwensiya at magkontrol sa pag-uugali ng iba. Magagamit ng
tagapagsalita ang kapangyarihan ng wika upang makapanghikayat, mag-utos at humiling sa kaniyang
kausap o sinuman sa kaniyang paligid. Madalas, may negatibong konotasyon ang ideya ng pagkontrol,
ngunit maaari naming isagawa ito sa positibong paraan ng angkop na paggamit ng wika. Maaari din
itong gamitin sa mga aktuwal na karanasan ng pagbibigay ng panuto, batas at pagtuturo.

Halimbawa: pagbibigay ng direksyon, resipe, panuto at tuntunin

Interaksiyonal
Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa maging
berbal man o di-berbal na pakikipagtalastasan.

Halimbawa: liham pangkaibigan

Personal
Ito ay tumutukoy sa pagpapahayag ng damdamin, opinyon at indibidwal na identidad.

Halimbawa: Pasalita- pormal o di-pormal na talakayan, debate o pagtatalo


Pasulat- Editoryal o Pangulong-tudling, Liham sa Patnugot, Pagsulat ng
Suring-basa, Suring-Pelikula, Pagsulat ng Talaarawan at Journal

Heuristiko
Tungkulin ng wika na nakatuon sa pagkalap ng impormasyon o kaalaman tungkol sa kapaligiran
ng nagsasalita.

Halimbawa: pag-iinterbyu, pakikinig sa radio, panonood sa telebisyon, pagbabasa ng


pahayagan, magasin, blog at mga aklat

Impormatibo ang kabaliktaran ng heuristiko. Ito ay tungkulin ng wika na nagbibigay ng impormasyon.

Representasyunal o Representatibo
Nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo o sagisag.

Halimbawa: Pasalita: Pagpapahayag ng Hinuha, Pahiwatig sa mga simbolismo ng


isang bagay o paligid
Pasulat: Anunsiyo, Patalastas at Paalala

Imahinatibo
Ang pagiging malikhain ng tao ay tungkuling nagagampanan niya sa wika. Nalilikha ng tao ang
mga bagay-bagay upang maipahayag niya ang kaniyang damdamin.

Halimbawa: Pasalita: Pagbigkas ng Tula at Pagganap sa Teatro


Pasulat: Pagsulat ng akdang pampanitikan

20
Si Michael Alexander Kirkwood Halliday o mas kilala sa taguri na M.A.K.
Alam Halliday ay isang bantog na iskolar mula sa Inglatera. Ibinahagi niya sa nakararami
mo ba? ang kanyang pananaw na ang wika ay isang panlipunang phenomenon. Naging
malaking ambag niya sa mundo ng lingguwistika ang popular niyang modelo ng
wika, ang systemic functional linguistics.

Aralin 7.1: Paraan ng Pagbabahagi ng Wika

Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)


Saklaw nito ang pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at emosyon.

Panghihikayat (Conative)
Ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng
pag-uutos at pakiusap.

Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)


Ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.

Paggamit bilang sanggunian (Referential)


Ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng
kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.

Paggamit ng kuro-kuro (Metalingual)


Ito ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang
kodigo o batas.

Patalinghaga (Poetic)
Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan,
prosa, sanaysay at iba pa.

Si Roman Jakobson ay isa sa mga pinakamagaling na dalubwika ng


Alam Ikadalawampung siglo. Isa siya sa mga nagtatag ng Linguistic Circle of New
mo ba? York. Ang kanyang bantog na Functions of language ang kanyang naging
ambag sa larangan ng Semiotics.
Ang Semiotics ay ang pag-aaral sa mga palatandaan at simbolo at kung
paano ito gamitin.

21
Aralin 8: Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Panahon ng Katutubo

Bago pa man dumating ang mga Kastila’y may sarili nang kalinangan ang Pilipinas. Mayroon
nang sariling pamahalaan (sa kaniyang barangay), may sariling batas, pananampalataya, sining,
panitikan at wika. Ang bagay na ito’y pinatutunayan ng mga mananalasysay na kastilang nakarating
sa kapuluan. Isa na sa nagpatunay sa kalinangan ng Pilipinas si Padre Perdro Chirino sa kaniyang
Relacion de las Islas Filipinas (1604). Sinabi niyang may sariling wika sa Pilipinas at ang mga
naninirahan dito’y may sistema ng pagsulat na tinatawag na alibata.
Sang-ayon din kay Padre Chirino, ang paraanng pagsulat ng mga
katutubo’y patindig, buhat sa itaas pababa at ang pagkakasunod- sunod
ng mga talata ay buhat sa kaliwa, pakanan.

Ang ginagamit na pinakapapel noon ay ang mga biyas ng


kawayan, mga dahon ng palaspas o balat ng punongkahoy at
ang pinakapanulat nila’y ang mga dulo ng matutulis na bakal
o iyong tinatawag sa ngayong lanseta. Sa kasamaang palad,
ang mga katibayan ng kanilang pagsulat noo’y hindi na matatagpuan
sapagkat sinunog ng mga mananakop na Kastila dahil ang mga iyon
daw ay gawa ng mga diyablo.
Mayaman sa mga kuwentong-bayan ang Pilipinas. Ito ang kabang- yaman ng ating panitikan.
Dito nasasalamin ang naging buhay ng ating mga ninuno.
Ang panahon ng kuwentong bayan ay kinabibilangan ng mga (a) kuwentong- bayan,(b)
kantahing- bayan (c)karunungang bayan, at isinasama rin dito ang (d) bulong.

a. Kuwentong bayan- batay sa artikulong isinulat ni D. Damiana Eugenio na kilala sa larangan


ng Folklore sa Pilipinas, ang “Legends and Folklores” na binasa niya sa Ateneo University noong tag-
init ’79, tatlo ang mahahalagang pangkat ng mga kuwentong bayan ( folk narratives): ang (1)mito,
(2)alamat at(3) salaysayin (folktales)

(1) Mito- tuluyang pagsasalaysay ma itinuturing na totoong nagaganap sa lipinang iyon


noong mga panahong nagdaan. Pinaniniwalaan ito sapagkat tinutuan silang ito’y
paniwalaan. Nasa mito ang dogma at karaniwang itinuturing na sagrado. Karaniwang
kaugnay ito ng teolohiya at rituwal. Ito ang naglalahad ng ibang daigdig tulad ng langit at
ilalim ng lupa. Kinapapalooban din ito ng simula ng daigdig, ng tao, ng kamatayan, ng mga
katangian ng mga ibon, hayop o pisikal na kaanyuan ng lupa. Maaari rin itong kuwentong
tungkol sa mga diyos at diyosa.

Halimbawa: Mito ng mga Maranao “Ang Pinagmulan Nitong Daigdig”

(2) Alamat- Ang mga tuluyang pagsasalaysay na kaiba sa mito sapagkat itinuturing ang
alamat na titii ng mga nagkukuwento at ng mga nakikinig. Higit na una ang mito kaysa
alamat. Masasabing katulad ng daigdig ngayon ang daigdig ng alamat hindi ito itinuturing
na sagrado. Tao ang pangunahing tauhan. Isinasalaysay naman dito ang migrasyon,
digmaan at tagumpay na nagawa ng mga bayani, hari o datu at ng mga sumunod na
22
nagungulo sa bayan. Nabibilang dito ang ang tungkol sa mga natatagong kayamanan,
mga santo, mga engkanto at mga multo.

Nahahati sa dalawa ang pangkati ng mga alamat: ang mga tinatawag na (a) etiological o mga
nagpapaliwanag na mga alamat na sumasagot sa tanong na kung paano pinangalanan ang mga bagay
o pook at kung bakit nagkaganoon at sa (b) non-etiological na nauukol sa mga dakilang tao at sa mga
pagpaparusa ng malaking kasalanan. Kasama rin dito ang tungkol sa mga alamat ng santo, mga
supernatural na nilikha tulad ng aswang, tikbalang, engkantado, multo at mga ibinaong kayamanan.

Halimbawa: Ang Alamat ng Ilog- Cambinlew


Ang Alamat ng Adjong
Ang Alamat at mga Milagro ng Nuestra senora del Pilar o Fort Pilar sa
Lungsod ng Zamboanga.

(3) Salaysayin- maaaring pabula, mga kuwentong engkantado, mga kuwentong


panlinlang, katusuhan, kapilyuhan o katangahan at iba pa.

Kabilang dito ang iba’t ibang kuwento tungkol kay Juan. Hindi lahat ng kuwento kay Juan ay ang
katamaran, may iba’t ibang Juan sa mga salaysayin sa iba’t ibang pook. Kung palabasa ng mga
kuwentong bayan ang mga taga-ibang bansa, mapapansing ang mga kuwentong Juan ay nakakatulad
ng mga kuwentong Indones o Malayo.

B. Kantahing Bayan

Ang kantahing bayan ang oral na pagpapahayag ng damdamin ng mga katutubo. May iba’t
ibang uri ito batay sa iba’t ibang okasyong pinaggagamitan ng mga ito. May mga para sa pagpapatulog
ng mga sanggol na tinatawag na oyayi, may sa pamamangka na kilala sa tawag na soliranin o talindaw,
may diona o awiting pangkasal, may kumintang o awit pangdigma, may kundiman o awit ng pag-ibig
at iba pa.

C. Karunungang- bayan:

Bugtong o palaisipan
Binubuo ng mga parirala o pangungusap na patula at patalinghaga ang mga bugtong at
palaisipan. Iba’t ibang bagay ang ginagawa ng bugtong ng mga ninuno. Mga bagay na nakikita araw-
araw sa kanilang kapaligiran, mga bagay na may malaking kaugnayan sa kanilang buhay

Halimbawa:

Munting palay,
Pinuno ang buong bahay (ilaw)

Dala mo, dala ka


Dala ka ng iyong dala (sinelas)

D. Bulong
Ginagamit na pangkukulam o Pange-engkato ang tinatawag na bulong. Ang halimbawa nito’y
ang sinasabi kapag may nadaanang punso sa lalawigan na pinaniniwalaaang tinitirhan ng mga
duwende o nuno.
23
Panahon ng Kastila

Ang isinasaalang-alang na ang unang pananakop ng mga Kastila sa ating kapuluan ay ang
pananatili rito ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1565 1898 (333 taong pananakop), bilang kauna-
unahang Kastilang gobernador-heneral. Nang ilagay sa ilalim ng koronang Kastila ang kapuluan, si
Villalobos ang nagpasiya ng ngalang “Felipinas o Felipinas” bilang parangal sa Haring Felipe II nang
panahong yaon, ngunit dila ng mga tao ay naging “Filipinas.”
Ayon sa mga Espanyol, nasa kalagayang barbariko, ang mga katutubo noon. Itinuro ng mga
Kastila ang Kristiyanismo sa mga katutubo upang maging sibilisado diumano ang mga ito.Naniniwala
ang mga Espanyol noong mga panahong iyon na mas mabisa ang paggamit ng katutubong wika sa
pagpapatahimik sa mamamayan kaysa sa libong sundalong Espanyol.
Ang pamayanan ay pinaghati-hati sa apat na ordeng misyonerong Espanyol. Ang mga ordeng
ito ay Agustino, Pransiskano, Dominiko, Heswita, upang pangasiwaan ang pagpapalaganap ng
Kristiyanismo. Ang paghahati ng pamayanan ay nagkaroon ng malaking epekto sa pakikipagtalastasan
ng mga katutubo. Upang mas maging epektibo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo, ang mga
misyonerong Espanyol mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo dahil mas madaling matutuhan
ang wika ng isang rehiyon kaysa sa ituro sa lahat ang wikang Espanyol. Nabatid nilang sa
pagpapalaganap ng kanilang relihiyon, mas magiging kapani- paniwala at mas mabisa kung ang
mismong banyaga ang nagsasalita ng wikang katutubo.

Mga Akdang Pangwika


• Arte Y Reglas de la Lengua Tagala Sinulat ni Padre Blancas de San Jose at isinalin ni Tomas
Pinpin noong 1610 (sining sa wikang tagalog)
• Compendio de la Lengua Tagala Inakda ni Padre Gaspar de San Agustin noong 1703.(Pang
unawa sa wikang tagalog)
• Vocabulario de la Lengua Tagala kauna-unahang (talasalitaan sa Tagalog) na sinulat ni Padre
Pedro de San Buenaventura noong 1613.
• Vocabulario de la Lengua Pampango unang aklat pangwika sa (talasalitaan sa wikang
Kapampangan) na sinulat ni Padre Diego Bergano noong 1732.
• Arte de la Lengua Bicolana unang aklat pangwika sa Bikol na sinulat ni Padre Marcos Lisboa
noong 1754.(sining sa wikang bicolano)
• Arte de la Lengua Iloka kauna-unahang balarilang Iloko na sinulat ni Francisko Lopez.

Mga Unang Aklat


• Doctrina Christiana Ito ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Taon ng
pagkakalathala: 1593 May-akda: Padre de Placencia at Padre Domingo Nieva nilalaman: Pater
Noster, Ave Maria, Regina Caeli, Sanmpung Utos ng Diyos, Mga Utos ng Sta. Iglesya Katoliko,
Pitong kasalanang Mortal, Pangungumpisal at Katesismo.
• Nuestra Señora del Rosario Ito ang ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Taon ng
pagkakalathala: 1602 May-akda: Padre Blancas de San Jose nilalaman: Talambuhay ng mga
santo, nobena at mga tanong at sagot sa relihiyon.
• Barlaan at Josaphat Ito ang ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas na batay sa mga sulat sa
Griyego ni San Juan Damasceno. Taon: 1780 Salin ni Padre Antonio de Borja.
• Urbana at Felisa Naglalaman ito ng pagsusulatan ng makapatid na sina Urbana at Felisa. Sinulat
ng tinaguriang “ Ama ng Klasikang Tuluyan sa Tagalog” na si Padre Modesto de Castro
• Pasyon Ito ay aklat na natutungkol sa buhay at pagpapasakit ni Hesukristo. Binabasa ito tuwing
Mahal na Araw. (Nagkaroon ng apat na bersiyon: Version de Pilapil (Mariano Pilapil) Version de

24
Belen (Gaspar Aquino de Belen) Version de la Merced (Aniceto de la Merced) Version de Guia
(Luis de Guia)
• Mga Dalit kay Maria (1865) ni Padre Mariano Sevilla, isang paring Filipino. Humalaw siya sa
mga awit na “Mese de Maggio” (Buwan ng Mayo). Pagpaparangal at pagpupuri sa Mahal na
Birhen.

Panahon ng Rebulusyong Pilipino

Sa panahong ito, marami na ring mga Pilipino ang naging matindi ang damdaming
nasyonalismo. Nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng mga karunungan. Nagkaroon din ng
kilusan ang mga propagandista noong 1872 na siyang simula ng kamalayan upang maghimagsik. ANG
TALUKTOK NG PROPAGANDA(Jose Rizal, Marcelo del Pilar at Graciano Lopez Jaena). Nagkaroon
ang mga propagandista ng kilusan noong 1872 na siyang naging simula ng kamalayan upang
maghimagsik sa panahong rebolusyon, sumisibol sa mga maghihimagsik ang kaisipang "Isang Bansa,
Isang Diwa" Laban sa mga espanyol.
Sa panahong rebolusyon, sumisibol sa mga maghihimagsik ang kaisipang "Isang Bansa, Isang
Diwa" Laban sa mga espanyol. Pinili nila ang Tagalog sa pagsusulat ng mga sanaysay, tula, kuwento,
liham at talumpati. Masidhing damdamin laban sa mga Espanyol ang pangunahing paksa ang kanilang
sinulat.
Si Jose Rizal ay naniniwala na ang wika ay malaking Bagay upang mapagbuklod ang kanyang
mga kababayan.
• Noli Me Tangere •Ang nobela ni Rizal ay tumatalakay sa mga kinagisnang kultura ng Pilipinas
sa pagiging kolonya nito ng Espanya.
• La Solidaridad- opisyal na pahayagan noong Panahon ng Himagsikan.
• El Filibusterismo inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza

Konstitusyon ng Biak-na-bato noong 1897, ginawang opisyal na wika ang Tagalog, ngunit
walang isinasaad na ito ang ang magiging wikang pambansa ng republika.
ANDRES BONIFACIO ang nagtatag ng Katipunan, wikang Tagalog ang ginagamit nila sa mga
kautusan at pahayagan. Ito ang unang hakbang sa pagtataguyod ng wika.
EMILIO AGUINALDO Itinatag ang unang republika kung saan isinasaad sa konstitusyonal na
ang pag gamit ng wikang Tagalog ay opsyonal. Sa mga nangangailangan lamang ng wikang Tagalog
ito gagamitin.

Panahon ng Amerikano

Dumating ang mga Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey. Ingles ang naging wikang
panturo noong panahong ito. Ang mga sundalo ang kinikilalang unang guro at tagapagturo ng Ingles
na kilala sa tawag na Thomasites. Pilit nilang pinakalimutan sa mga katutubo ang wikang bernakyular
at sapilitang ipinagamit ang wikang Ingles.

Tinanggap ng ating mga ninuno sa kadahilanang:


1. Uhaw ang ating mga katutubo sa edukasyong liberal.
2. Mabuti ang pakikitungo ng mga Amerikano sa mga katutubo.

Nagpatayo sila ng pitong pampublikong paaralan sa Maynila na kung saan ang mga Sundalong
Amerikano ang kanilang naging unang guro.

25
➢ Monroe Educational Comission(1925) – nagsasaad na mabagal matuto ang mga batang Pilipino
kung Ingles ang gamitin wikang panturo sa paaralan.
➢ Panukalang Batas Blg. 577(1932) – gamitin pangturo sa mga paaralang primarya ang mga
katutubong wika mula taong panuruan 1932 – 1933.

Panahon ng Pagsasarili

➢ Saligang Batas ng 1935, Artikulo XIV, seksyon 3 – ang kongreso ay gagawa ng hakbang tungo
sa pagpapatibay at pagpapaunlad ng isang wikang Pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral
na katutubong wika sa kapuluan.
➢ Batas Komonwelt Blg. 184(1936) na nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na
binibigyan ng kapangyarihan na gumawa ng mga pag-aaral sa lahat ng mga sinasalitang wika
sa kapuluan
➢ Nobyebre 9, 1937 – isinumite ng surian ng wikang Pambansa kay pangulong Quezon ang
kanilang rekomendasyon Tagalog ang gagamiting batayan sa pagpili ng wikang Pambansa.
➢ Disyembre 30, 1937 – nagkabisa ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na wikang tagalog
ang gawing batayan sa pagpili ng wikang Pambansa ng Pilipinas.
➢ Disyembre 13, 1939 – Nailimbag ang kauna-unahang Balarilang Pilipino na siyang bunga ng
walang pagod na pagsusumikap at pagmamalasakit sa wika ni G. Lope K. Santos.
➢ Abril 01, 9140 Dito ipinalimbag ang disyunaryong Tagalog – Ingles at ng Balarila ng Wikang
Pambansa upang magamit sa mga paaralan sa buong kapuluan.
➢ Hunyo 19, 1940. Dito sinimulang ituro ang pambansang wika na nakabatay sa tagalog sa mga
paaralang pribado at publiko.

Panahon ng Hapon

Sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdigan at nasarado sandali ang mga paaralan.
Pagkatapos ng digmaan ay binuksan ang mga paaralan at ipinagamit ang wikang katutubo bilang
wikang panturo at pinakalimutan ang wikang Ingles. Naging maunlad sa panitikan ang Pilipinas.
Inalis sa kurikulum ang wikang Ingles at sapilitang ipinaturo ang wikang Pambansa at wikang
Niponggo. Binigyang diin ang Niponggo sa mga paaralan at institusyon.

➢ Nobyembre 30, 1943 – Naglagda si Pangulong Jose P. Laurel ng Kautusang Tagapagpaganap


Blg. 10 na nagtakda ng ilang repormang pang-edukasyon, isa sa mga iyon ay ang pagtuturo ng
wikang Pambansa sa lahat ng publiko at pribadong paaralan ng sekondaryo, kolehiyo at
unibersidad.
➢ Enero 3, 1944 – Binuksan ang isang Surian ng Tagalog na tulad ng Surian ng Niponggo upang
ituro ang Tagalog sa mga gurong di-tagalog

Panahon ng Republika

➢ Hulyo 04, 1946 – Ipinalabas sa Batas Komonwelt Blg. 570 na ang wikang Pambansa ay isa ng
wikang opisyal sa Pilipinas.
➢ 1946 - ang wikang pambansa ay tatawaging “Wikang Pambansang Pilipino.”
➢ 1951 – Ang wikang pambansa ay tatawaging “Wikang Pilipino”

26
➢ Proklamasyon Blg. 13 Noong Marso 26 1954 ay nilagdaan ni pangulong Magsaysay ang ang
tungkol sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika tuwing ika 29 ng Marso hanggang ika 4 ng Abril
➢ Proklamasyon Blg. 186 noong ika 23 ng Setyembre taong 1955 na nagsasabing inilipat ang
petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa ika 13 – 19 ng Agosto na kung saan itinapat ang
huling araw ng pagdiriwang sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon na binigyang
karangalang “Ama ng Wikang Pambansa”
➢ Kautusang Tagapagpaganap Blg. 7 noong ika 13 ng Agosto taong 1959 na nagsasabing ang
wikang Pambansa ay Pilipino
➢ Kautusang Pangkagawaran Blg. 96 (1967) na pangalanan sa Pilipino ang mga Gusali, edipisyo
at tanggapan ng ating pamahalaan
➢ Resolusyon Blg. 70 (1970) ay nagsasabing ang wikang Pambansa ay naging wikang panturo
sa antas ng Elementarya
➢ Memorandum Sirkular 488, ika 29 ng Hulyo 1971 humiling sa lahat ng tanggapan ng
pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa
tuwing Agosto 13 – 19.

Panahon ng Bagong Lipunan

➢ Resolusyon Blg. 73 (1973) iniluwal ang patakarang billingwal. Ito ay ang paggamit ng Ingles at
Pilipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga tuyak na aralin at bilang hiwalay na asignatura sa
kurikulum mula unang baitang ng mababang paaralan hanggang kolehiyo sa lahat ng paaralan.
➢ 1974-75 ay sinimulang ipatupad ang Patakarang Edukasyong Bilinggwal
➢ Memorandum sirkular 77 (1977) pagsasanay ng mga kawani ng pamahalaang local sa paggamit
ng Wikang Pilipino sa mga transakyon, komunikasyon at korespondensya
➢ Kautusang Pangministri Blg. 22 (1978) na nag-uutos ng pagkakaroon ng 6 na unit na Pilipino sa
lahat ng kurso sa tersyarya at 12 na unit sa mga kusong pang-edukasyon
➢ Kautusang Pangministri Blg. 40 (1979) ang mga estudyante sa medisina, dentista, abogasya at
paaralang gradwado ay magkakaroon na rin ng asignaturang Pilipino pati na rin mga
estudyanteng dayuhan
➢ Memorandum Sirkular Blg. 80 – 86 (Nobyembre 1980) nag-aatas sa lahat ng ng mga
gobernadora at mayor ng Pilipinas sa isa-Pilipino ang mga sagisag-Opisyal
➢ Kautusang Pangministri Blg. 102 nagtatakda ng mga Sentro sa Pagsasanay ng mga guro sa
Pilipino bilang midyum ng pagtuturo sa antas ng tersyarya
➢ Constittutional Commission (Setyembre 10, 1983) – nagpatibay na ang Pilipino ay gagwin bilang
wikang Pambansa

Panahon ng kasalukuyan

➢ (Oktubre 12, 1986) – Pinagtibay ang implementasyon ng paggamit ng Filipino bilang


pambansang wika, gaya ng isinasaad sa sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas (Artikulo XIV, sekyon
6) “ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika.
➢ Kautusang tagapagpaganap Blg. 117 (Enero 1987) ang dating Surian ng Wikang Pambansa
(SWP) ay pinalitan ng Linangan ng mga wika sa Pilipinas(LWP)
➢ Kautusang Pangkagawaran Blg. 84 (1988) nag-aatas sa lahat ng opisyal sa DECS na
isakaturapan ang kautusang tagapagpaganap Blg. 335 na nag-uutos na gamitin ang Filipino sa
lahat ng komunikasyon at transakyon ng pamahalaan.
27
➢ (Marso 19, 1989) – kautusang Pangkagawaran blg. 21 na nagtatagubilin na gamitin ang Filipino
sa Pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas at sa bayan natin.
➢ Batas Rupublika Blg. 7104 (Agosto 14, 1991) nilikha nag Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
bilang alinsunod sa Artikulo XIV, Seksyon 9 ng 1987 Komstitusyon.
➢ CHED Memorandum Blg. 59 (1996) nagtatadhana sa panuntunan sa pagpapatupad ng New
General Education Curriculum(NGEC) para sa antas ng Tersyarya, 9 na yunits para sa mga
esdutyante ng kursong Humanities, Social Sciences and Communication (HUSOCOM), 6 na
yunits para sa mga estudyante sa kursong Engineering, Marine, Science, Mathematics,
Business, Agriculture, atbp. At nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng gma kurso sa Filipino
1 (Sining ng Pakikipagtalastasan) Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa iba’t ibang Disiplina) at
Filipino 3 (Retorika).
➢ Hulyo 15, 1997 – Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklamasyon Blg.
1041 na nagpapahayag ng taunang Pagdiriwang ng Buwan ng Wika Pambansa mula Agosto 1-
31 na dating Linggo ng wika.
➢ Taong 2001 ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang awtput ng proyekto. Nirebisa
ang 1987 patnubay sa Ispeling ng 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang
Filipino.

Ebolusyon ng Alpabetong Filipino

Nang dumating ang mga Kastila, may sarili nang palatitikan ang ating mga ninuno, ang Alibata
o Baybayin, na binubuo ng 14 katinig at 3 patinig. Pinalitan ito ng mga Kastila ng alpabetong Romano.
➢ 1940 – binuo ni Lope K. Santos ang Abakada, na may 20 titik: a, b, k, d, e, g, h, i, I,
m, n, ng, o, p, r, s, t, u, w, y.
➢ Oktubre 4,1971 – pinagtibay ng Sanggunian ng SWP ang pinayamang alpabeto, na
binubuo ng 31 letra: a, b, c, ch, d, e, f, g, h, i, j, k, l, ll, m, n, ñ, ng, o, p, q, r, rr, s, t, u,
v, w, x, y, z
Matapos ang Repormang Ortograpiko, nabuo ang sumusunod na Alpabetong Filipino, na may
28 letra: a, b, c, d, e, f, g, h, i, j, k, I, m, n, ñ, ng, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x, y, z
➢ 2001 – muling nagkaroon ng rebisyong alpabetong Filipino. Itinaguyod nito ang leksikal na
pagpapayaman ng Filipino sa pamamagitan ng pagluluwag sa panghihiram ng salita at
pagsasalin, karamihan mula sa Ingles at Kastila, gamit ang walong karagdagang letra ng
alpabeto, ang mga letrang c, f, j, ñ, q, v, x, z.
➢ Oktubre 9, 2006 – sa kahilingan ng KWF, ang DepEd ay nagpalabas ng isang memorandum na
pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng “2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay
sa Ispeling ng Wikang Filipino”.
➢ Agosto, 2007 – inilabas ng KWF ang borador ng Ortograpiya ng Wikang Pambansa.
➢ Mayo 20, 2008 – inilabas ng KWF ang Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa.

Ebolusyon ng Wikang Pambansa

➢ Disyembre 30, 1937, iprinoklama ng Pangulong Quezon na ang wikang Tagalog ang magiging
batayan ng Wikang Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang taon matapos
itong mapagtibay.

➢ Noong 1940, ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang pambansa sa lahat ng pampubliko at


pribadong paaralan sa buong bansa.
28
➢ Simula Hunyo 4, 1946, nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagproklama na ang
Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal.

➢ Noong 1959 ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang


Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawagin nang Pilipino
upnag mailagan na ang mahabang katawagang “Wikang Pambansang Pilipino” o “Wikang
Pambansa Batay sa Tagalog”.

➢ Ngayon, Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa, alin-sunod sa Konstitusyon ng 1987 na


nagtatadhanang "ang wikang pam-bansa ng Pilipinas ay Filipino." Ito ay hindi pinaghalu‑halong
sangkap mula sa iba't ibang katutubong wika; bagkus, ito'y may nukleyus, ang Pilipino o
Tagalog.

Aralin 9: Cohesive Device


Ang mga cohesive device ay maraming gamit tulad ng pagpapaliwanag sa pagbibigay-
halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan.
Iba pang gamit ng cohesive device ay pagpapahayag ng pagdaragdag na madalas makita sa
unahan ng pangungusap bagama’t makikita rin sa gitna ng pangungusap bilang pang-ugnay sa
dalawang sugnay. Halimbawa: ganoon din, gayundin, at/at saka, bilang karagdagan, dagdag pa
rito/riyan/roon.
May pagdaragdag din sa tulong ng at/at saka, hindi lamang…., pati na.
Pagpapahayag ng kabawasan sa kabuuan tulad ng maliban sa, sa mga, kay, kina, bukod sa
mga, kay, kina.
Pagpapahayag ng dahilan na resulta ng isang pangyayari o kaganapan tulad ng kaya/kaya
naman, dahil/dahil sa, sa mga, kay/kina, pagkat/sapagkat, dahil dito, bunga nito.
Pagpapahayag ng kondisyon na bunga ng kinalabasan tulad ng sana, kung, kapag, sa
sandalling, basta’t.
Pagpapahayag ng taliwasan/salungatan/contrast tulad ng pero, ngunit, sa halip, kahit (na).
Pagpapahayag ng di-pagsang-ayon, pagsang-ayon at di-ganap na pagsang-ayon tulad ng kung
gayon, kung ganoon, dahil dito, samakatuwid, kung kaya.
Pagpapahayag ng pananaw/punto-de-bista tulad ng mula sa paningin ng, ng mga, alinsunod sa,
ayon sa, para kay, sa paningin nina, batay sa.
Pagpapahayag ng probabilidad, kakayahan o paninindigan tulad ng maaari, puwede, possible,
marahil, siguro, sigurado, tiyak, malaki ang posibilidad.
Pagpapahayag ng pagbabago ng paksa o tagpuan tulad ng gayunman, ganoon pa man,
gayunpaman, sa kabilang dako, sa isang banda, samantala.

29
Pagpapahayag ng pagbibigay-linaw sa isang ideya, pagbubuod at paglalahat tulad ng, sa
madaling salita, sabi, bilang paglilinaw, kung gayon, samakatuwid, kaya, bilang pagwawakas, bilang
kongklusyon.
Pagpapahayag ng halimbawa tulad ng bilang halimbawa, ilan sa mga halimbawa.
Pagpapahayag ng patunay tulad ng bilang pagpapatunay, patunay nito.
Pagpapahayag ng kabaligtaran at taliwasan tulad ng kataliwas nito, rito, riyan, taliwas sa ulat,
paniniwala, bagkus.
Pagpapahayag ng pag-uugnayan ng mga pangungusap o talata tulad ng kaugnay nito, riyan.
Pagpapahayag ng sabay na kalagayan o pangyayari tulad ng kasabay nito, niyan, kaalinsabay
nito/niyan.
Pagpapahayag ng pagsusunuran ng kalagayan o pangyayari tulad ng kasunod nito/niyan.

TALASANGGUNIAN

Ballesteros, T. W. et. al. (2014). Komunikasyon sa Makabagong Filipino. Intramuros,


Manila. Mindshapers Co., Inc.

Cantillo, ML. M. et. al. (2016). SIKHAY Aklat sa Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City. St. Bernadette Publishing House
Corporation.

Dayag, A. M. et. al. (2016). Pinagyamang Pluma. Quezon City. Phoenix Publishing
House, Inc.

Jocson, M. O. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


Quezon City. Vibal Group, Inc.

Taylan, D. R. et. al. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino. Sampalok, Manila. Rex Book Store, Inc.

30

You might also like