You are on page 1of 47

MGA

KATANGIAN NG
WIKA
Wika
Nagsisilbing mahalagang instrument upang
magkaunawaan ang bawat mamamayan sa
isang bansa.
Ito rin ang salik na nakatutulong sa pag-unlad
ng isang bansa at mabisang sandata upang
labanan ang kamangmangan
Hindi magaganap ang komunikasyon
kung wala itong magiging daan, may
tagapagsalita man, may mensahe
man, at tagatanggap man. Ang wika
ang daam o instrument ng
komunikasyon sa tulong na rin ng mga
senyas kung minsan.
Kung gayon, kailangang
taglayin ng isang wika
ang sumusunod na mga
katangian;
Dinamiko ang wika
Patuloy itong
nagbabago, dumarami,
at nadaragdagan.
May lebel o antas
Ang wika ay
maaaring pormal o di
pormal.
Ang wika ay komunikasyon
Sinasalita ang tunay na wika. Dapat
nating tandaan na ang wikang
pasulat ay paglalarawan lamang ng
wikang sinasalita. Samakatwid,
mahalagang gamitin ang wika sa
pakikipagtalastasan
Ang wika ay malikhain at
natatangi
Walang dalawang wikang
magkatulad. May kani-kaniyang
katangian ang mga ito na dahilan
upang mamukod at maiba sa
karamihan
Ang wika ay kaugnay
ng kultara
Ang iba’t ibang larangan ng sining,
paniniwala, kaugalian, karunungan, at
kinagawian ang bumubuo sa kultura. Ang
mga taong kabahagi sa isang kultura ay
lumilinang ng isang wikang naaangkop sa
kanilang mga pangangailangan sa buhay.
Ang wika ay gamit sa lahat ng
uri ng disiplina o propesyon
May isang paartikular na wikang
ginagamit sa bawat disiplina o
propesyon. Ito ang nagpapalawak
sa gamit ng wika upang maging
mabisang instrument sa pagsulong
ng isang lahi.
Bilang isang mag-aaral, sa
paanong paraan mo
maipakikita ang pagmamahal
sa ating wika? Magbigay ng
limang paraang madali mong
magagawa.
na katangian ng wika.
Ipaliwanag ang bawat
isa sa pamamagitan ng
paglalapat sa isang
sitwasyon
Gumupit ng isang balita na nasusulat sa
Filipino mula sa isang pahayagan. Suriin
kung nasasalamin dito ang nasasalamin
dito ang anim na katangian ng wika na
tinalakay sa araling ito. Ipaliwanag ang
iyong sagot.
Mga
Konseptong
Pangwika
Ano ang
wika?
Ang wika, ayon kay Jose Villa Panganiban
na isang leksikograpo at lingguwista, ay
paraan ng pagpapahayag ng damdamin
at opinyon sa pamamagitan ng mga salita
upang magkaunawaan ang mga tao.
Karaniwan naming maibibigay
ang depinisyong inilahad ng
lingguwistang si Henry Gleason,
ang wika ay masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog
na isinaayos sa paraang
arbitraryo.
1. Masistemang Balangkas
2. Sinasalitang tunog
3. Pagiging arbitraryo
4. Gamit sa komunikasyon
5. Kakabit ng kultura
Masistemang Balangkas
Wika
Anyo
Pangungusap
sintaktik
Sinasalitang tunog
Ang mga tunog (sounds) ay hinuhugisan
o binibigyan ng mga makabuluhang
simbolo (titik) na pinagsama-sama
upang makabuo ng mga salita (words)
na gamit sa pagbuo ng mga kaisipan
(thoughts)
Ang wika ay
arbitraryo:
Nangangahulugang ito na ang mga
tunog na binibigkas sa wika ay pinili
para sa layunin ng mga gumagamit nito.
Isinaayos ang mga tunog sa paraang
pinagkasunduan ng mga pangkat ng
taong gumagamit nito.
sumusunod na
katangang
makapagpapakilala sa
wika
1. Sistema ng mga rule o tuntunin
2. Sistema ng mga arbitraryong
vocal symbol
3. Malikhain
4. May gramatikang pantay-pantay
5. Nagbabago
May sistema
ng mga
tuntunin
1. Dinala nang patago sa Senado ang
akusado
2. Dinala sa patago ang Senado sa
akusado
May sistema ng mga tuntunin
May kakayahang ayusin ng taong gumagamit ng wika ang kanyang
pagpapahayag kahit gamit ang sub-malay na akwisisyon. Ito ay dahil sa
ang wika ay nagtataglay ng sistema ng mga tuntunin.
Halimbawa:
Pinaratang ng saksi ang akusado.
Pinaratang ng akusado ang saksi.
May sistemang arbitaryong-
simbolo
Sa usapin ng napagkakasunduang kultura, iba-iba ang
imahen at kaisipang malilikha kung mababanggit ang mga
salitag bahay (Filipino), casa (Kastila), at house (Ingles).

Ang Filipino rin ay onomatopoeic. Sa simbolong


kumakatawan sa wika, taglay nito ang tunog o paghimig.
Maibibilang na halimbawa ang lagaslas, kumakaripas,
palakpak at iba pa.
Sa pagiging arbitaryo ng wika, may ilalahad na
tao lamang ang nakagagamit ng wika sapagkat
nilika na may aparato o salik sa paglikha ng
tunog sa pagsasalita. Kinabibilangan ito ng
mga bahaging baga na pinanggagalingan ng
lakas o enerhiya, kumakatal na bagay o
artikulador at patunugan o resonador.
ang Wika
Ang malikhaing aspekto ng wika ay makikita sa
paggamit nito. Maibibigay na halimbawa upang
maipakita ito ay sa pamamagitan ng lexical cohesion.
Ito ay ugnayan ng sementika sa mga pangungusap.
Nakatulog ako habang isinasagawa ang paglilitis.
Tinulugan ko ang paglilitis.
Malinaw ring makikita ang pagiging malikhain ng wikang
neolohismo.

Mula sa etimolohiya sa wikang Griyego na neo na


nangangahulugang bago, ang terminong ito ay tinutukoy
sa bagong salita na nilikha upang maglahad ng bagong
konsepto, magbigay ng bagong kahulugan mula sa
kombinasyon ng mga pantig o kayaay salita, akronim,
panghihiram at pagpapaikli, paglalapi, paggamit ng
pangalan, ng ngalan ng produkto (Batnag & Petras, 2009)
Baryasyon
ng Wikang
Filipino
May Gramatikang Pantay-
pantay
May kakayahan at nalalaman ang
tao sa kanyang wika kaya taglay
niya ang gramatika ng wika. Ito
ang makapagpapatunay na may
universal grammar ang wika ng
tao. Mailalahad dito na tunay nga
na walang superyor na wika.
Nagbabago ang Wika
Naniniwala akong hindi sa utak ng
paham tumutubo at umuunlad ang
mga salita… kundi sa “bibig ng
madla”
-Lope K. Santos
Malaki rin ang gampanin ng
nagpapabago-bagong teknolohiya
sa dibersidad ng wika.

Hal. i-twit, unli, wifi, pa-load, blog


at iba pa.
Patuloy ang pagbabago ng wika. Hangga't
may gawain ang tao - ginawa, ginagawa at
gagawin, nagiging hudyat ito ng walang
katapusang buhos ng modipikasyon ng
wika.
Nagiging midyum ang panghihiram ng wika para magkaroon ng
bagong kahulugan.

Querida (pinakamamahal na babae) – Kerida (iba pang


pinakamamahal)
Boundary (limitasyon) -bawnderi (ang dapat na kitain
sa pamamasada)
Leche (gatas) -letse (pag-uyam sa sinuman)
Inday (pinakamahalagang babae) -inday (suhetibong
iniuugnay sa katulong)
Ang wika ay ekspresyon ng mga gawain ng
tao. Maaaring malay o hindi malay ang tao
sa pagbabago ng wika. Maraming
itinatawag ang tao sa kanyang mga
nakaugaliang gawin at mga bagay na
pinanghahawakan at pinaniniwalaan niya.
Multikultural ang bansa
Hal.
Dyip, kompyuter, komiks, lider, iskolar at iba pa.
Bansa, maharlika, mukha, bathala, katha at iba
pa.
Debuntante, madam, kudeta, morge, bulletin at
iba pa.

Halimbawa:
Querida (pinakamamahal na babae) - kerida
(iba pang pinakaminamahal)
Leche (gatas) –
letse (pag-uyam sa sinuman)
Inday (pinakamahalagang babae) –
inday (suhetibong iniuugnay sa katulong)
Hal.
Bana – Hiligaynon at Cebuano
Butanding – Bicol
Imam – Tausug
Canao – Igorot
Gahum – Cebuano, Hiligaynon at waray
midyum sa
komunikasyon
Ang anumang uri ng komunikasyong berbal ay
ginagamitan ng wika. Kaugnay nito ang mga
kasanayang reseptibo at produktibo na ayon sa
pagtawag ni Nunan (2009).
Ang wika ay nakapaghahatid ng iba't ibang emosyon,
positibo man o negatibo. Napapagalaw nito ang isip,
napasisigaw nito ang puso at napasusunod nito ang
tao.
Quiz
1. Naglalahad na ang wika ay mula sa
paggagaya sa tunog na mula sa kalikasan.
2. Ito’y teorya na mula sa tunog na
naiuusal ng tao kapag nakararamdam ng
mataas na emosyon.
3. Pinaniniwalaan na ditto na ang wika ay
nagmula sa tunog na likha ng mga bagay.
4. Tunog na nalilikha ng puwersang pisikal
5. Pinaniniwalaang mula sa paggalaw ng
mga bahagi ng katawan, katulad nga ng
pagpapaalam kasabay ang pagtaas at
pagbaba ng kamay.
6.-10. Isa-isahin ang mga katangian ng wika
ayon sa kahulugan ni Henry Gleason.
Tukuyin ang iba’t ibang baryasyon ng wika
sa mga pahayag sa bawat bilang.

11. Sipnayan 17. KathNiel


12. I-Raffy Tulfo 18. Astig
13. Na-Gerald
14. Bida Bida
15. CP
16. Party! Party!
19. May kakayahan at nalalaman ang tao sa kanyang
wika kaya taglay niya ang gramatika ng wika.

A. Ito ang makapangyarihang


midyum sa komunikasyon
B. Nagbabago ang Wika
C. May Gramatikang Pantay-pantay
20. Ang anumang uri ng komunikasyong berbal ay
ginagamitan ng wika. Ito ay nakapaghahatid ng iba't
ibang emosyon, positibo man o negatibo.

A. Ito ang makapangyarihang midyum sa


komunikasyon
B. Nagbabago ang Wika
C. May Gramatikang Pantay-pantay

You might also like