You are on page 1of 25

WIKA

KAHALAGAHAN AT KAKANYAHAN
NG
WIKA
Sa akrostik na pamamaraan bigyan natin
ng kahulugan ang salitang WIKA.

• W-
• I-
• K-
• A-
TALAKAYIN NATIN!!!!

• Sa ikaanin na araw ang paglikha ng diyos sa sanlibutan,


nilikha rin ang tao na sinasabing pinakamagandang hayop
sa balat ng lupa. Nilikha niya ang lalake at babae na
nakalarawan niya at binigyan ng kapangyarihang mamahala
sa lahat ng iba pa niyang nilikha tulad ng mga halaman,
puno, isda, mga ibon at lahat ng mga hayop maging maamo
man o mailap, Malaki man o maliit.
• Simula dito’y nakalikha ang tao at nakapagpalabas
ng kanilang mga damdamin o saloobin. Subalit ang
tao ng kanyang nilikha ay sadyang malikhain din
tulad niya sa kinalauna’y nakapagwika sa tulong ng
pinagsama-samang mga tunog na narinig nila sa
kapaligiran.
• Wika ang simbolo ng isang bansa na nagsilbing kaluluwa na
nagpapakilala sa kanilang pinagmulan. Ayon kay Pamela
Constantino, aang wika ay isang panlipunang phenomenon sapagkat
mahalaga ito hindi lamang sa indibidwal kundi lalo na sa lipunang
kanyang ginagalawan. Ito rin ang simbolo ng ating pagkatao. May
mga pagkakataong naisip natin “kung ano ang wika mo, yun ka”
isang pahayag na sadyang makatotohan sapagkat makilala natin ang
isang tao, di lamang sa kanyang kilos, kundi sa kanyang pananalita.
Gamit ang wika’y nalalaman natin ang kasaysayan ng mundo.
Naisalaysay ang mga pangyayari sa nakaraan lalo na ang mga
hahahalagang detalye.
Ang pinagmulan ng tao at ang
patutunguhan ng tao ay batid na
rin natin sa tulong nito-wika. Kung
walang wika mahihirapang
makipag-ugnay ang tao sa kanyang
kapwa. Kung walang wika, hindi
mailarawan ang kahandahan ng
sanlibutan at hindi natin
maipapahayag ang nilalaman ng
ating puso at isipan sa pinaka
madaling paraan. Wika ang hinga
ng bansa at ito ang ginagamit
upang lapatan ang mga
nakalimbag ng mga titik upang
mabasa at bigyan ng kahulugan.
KAHULUGAN

• Ayon kay Webster, ang wika ay isang Sistema ng komunikasyon sa pagitan


ng mga sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo.

• “ Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang mga pamamaraan


ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o
makapagkumyunikeyt ang isang grupo ng mga tao” (Constantino at
Zafra)
• Ayon kay Archibald Hill ang wika ay pangunahin at pinakamabusising
anyo ng gawaing pananagisag ng tao.
KAHALAGAHAN

• 1. Ang wika ay kasangkapan ng pagtuklas ng


karunungan, mahalaga ang wika sa larangan ng
edukasyon upang mapaunlad ang sarili at
mapalawak ang kaalaman. Kung naihanda na ang
sarili sa edukasyon, higit na maraming oportunidad
na magkaroon ng magandang hanapbuhay dahil
higit na malawak at maunlad ang kaalaman.
KAHALAGAHAN

• 2. Ang wika ang pangunahing kasangkapan sa


komunikasyon dahil naipahayag nang maayos, tiyak
at simple ang kaisipan at damdamin.
KAHALAGAHAN

• 3. Ang wika ay daan sa pagkakaisa at pagbubuklod


ng bayan. Ilang beses na napatunayan ang mga
Pilipino na ang wika ay susi ng pagkakaisa ng bayan.
Noong panahon ng katipunan, na pagkaisahan na
magkaroong ng opisyal na wika kaya sila nagkaisa
upang labanan ang mga dayuhang nanakop sa ating
bayan.
KAHALAGAHAN

• 4

• 4. Ang wika ay lumilinang at nag-iingat ng kultura at


kasaysayan ng bansa. Nababakas ang panahon, kaunlaran,
karanasan at kabihasnan ng bayan sa pamamagitan ng wika na
ginagamit ng mamamayan, ito ay totoo sa lahat ng wika.
Nasasalamin ang kasaysayan o panahon ng bayan iba na lang
ang kanyang dahilan bago na ang ating pagkatao at
kabihasnan.
KAHALAGAHAN

• 4

• 5. Ang wika ang daan sa kaunlaran ng bayan. Sa wika


nababakas ang kaunlaran ng bayan at ang pagsulong ng
pamumuhay ng mga mamamayan. Laging kasabay ng tao ang
pag-unlad ng wika dahil nababago ang kayang kinlalagyan. Ang
wika ay dapat lumago kasabay ng pagsulong ng ating kaunlaran
at kabihasnan upang maunawan at maintindihan, maiangkop
ang wastong katawagan para sa intelektwalisasyon ng wika.
KATANGIAN NG WIKA
• Batay sa mga inilahad na kahulugan ng
wika na nabasa sa unang teksto ang
wika ay isang Sistema na binubuo ng
mga tunog na isinasaayos sa paraang
arbitraryo na ginagamit ng mga tao sa
pakikipagtalastasan.
• Ang wika ay masistemang balangkas. Lahat ng wika sa
daigdig ay may sistematikong nakaayos sa isang tiyak na
balangkas. Walang wika ang hindi nakaayon sa balangkas
na ito. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog. Fonema
(ponema) ang tawag sa makahulugang tunog ng isang wika
samantala. Fonoloji (ponolohiya) naman ang tawag sa
makaagham na pag-aaral ng mga ito. Kapag ang mga
Ponemang ito ay pinagsama, maaring makabuo ng maliit
nay unit ng salita na tinatawag na morfema (morpema)
• 1. Ang morpema mabubuo ay maaring isang
salitang-ugat, panlapi o morpemang ponema /a/ na
sa wika natin ay maaring magpahiwatig ng
kasariang pambabae. Morfoloji ( morphology)
naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng
mga morfema. Samantala, kapag ang mga salita ay
ating pinag-ugnay, maari naman tayong makabuo ng
mga pangungusap. Sintaks naman ang tawag sa
makaagham ng pag-aaral ng mga pangungusap.
Kapag nagkaroon nang makahulugang palitan ng
mga pangungusap ang dalawa o higit pa ito ay
nagkaroon nang tinatawag na diskors. Aling wika
ang hindi sumusunod sa balangkas na ito? Mayroon
bang nalilikhang mga salita nang walang tunog?
Maaari bang magkaroon ng diskors nang walang
pangungusap?
• 2. Ang wika ay sinasalitang tunog. Hindi lahat ng
tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay
may kahulugan. Sa tao, ang pinakamakahulugang
tunog na nalikha natin at kung gayo’y
kasangkapan ng komunikasyon sa halos lahat
kung hindi naman lahat ng pagkakataon ay ang
tunog na sinasalita. Samakatuwid, ito ang mga
tunog na nalikha n gating aparato sa pagsasalita
na nagmumula sa hanging nanggagaling sa baga
o ang pinangalingang lakas o enerji, nagdaan sa
pumapalag na bagay na lumilikha ng tunog o
artikulador at minodifay ng resonador.
• 3. Ang wika ay pinipili at sinasaayos. Sa lahat
ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang
ating gagamitin, madalas ang pagpili ay
nagaganap sa ating subconscious na pag-
iisip. Bakit lagi nating pinipili ang wikang
ating gagamitin? Ang sagot: upang tayo’y
maunawaan n gating kausap. Indi niya
maaring pagpilitan ang wikang hindi natin
batid tayo an gating kausap o pareho ay
kailangang pumili ng komong wika kung saan
tayo nagkakaunawaan.
• Samantala upang maging mabisa naman ang
komunikasyon, kailangang isaalang-alang natin ang
mga konsiderasyon sa mabisang komunikasyon ayon
kay Dell Hymes na maari natin maging batayan sa
pagsasaayos ng paggamit ng wika.
• Hal: Kapag nakita mong bukas ang blaws ng iyong
kaharap na babae ano ang sasabihin mo?
• Bb, may nakita ako hindi ko sasabihin.
• Bb, bumukas ang blaws mo.
• Bb, iyan na ba ang uso ngayon?
• Bb, tumaba ka ano?
• 4. Ang wika ay arbitraryo. Kung ipinalagay na ang wika ay
arbitraryo ano ang paliwanag as pahayag na ito? Ayon kay
Archibald A. Hill, just that sounds of speech and their connection
with entities of experience are passed on all members of any
community by older members of that community. Kung gayon,
ang isang taong walang ugnayan sa isang komunidad ay hindi
matutong magsalita kung paano ang mga naninirahan sa
komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika
ay panlipunan. Ngunit, samantalang ang bawat komunidad ay
nakabuo ng mga sariling pagkakakilanlan sa paggamit ng wika
na ikinaiiba nila sa iba pang komunidad, bawat indibidwal ay
nakadepeblop din ng sariling pagkakakilanlan sa pagsasalita na
ikinaiiba sa iba pa. sa pagkat bawat indibedwal ay May sariling
katangian, kakayahan at kaalamang hindi maaring katulad sa
iba. After all, no two individual are exactly alike.
• 5. Ang wika ay ginagamit. Ang wika ay
kasangkapan, kailangan patuloy itong
ginagamit. Ang isang kasangkapang
hindi na ginagamit ay nawawalan na ng
saysay, hindi ba? Gayon din ang wika.
Idagdag pa na kapag ang wika ay hindi
ginagamit ito ay unti-unting mawawala
at tuluyang mamamatay, ano ang
saysay ng patay na wika? Wala.
• 6. Ang wika ay nakakabatay sa kultura. Paanong
nagkaiba ang mga wika sa daigdig? Ang sagot, dahil
sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at
mga pangkat. Ito ang paliwanag kung bakit may mga
kaisipan sa isang wika na walang katumbas sa ibang
wika sapagkat wala sa kultura ng ibang wika ang
kaisipang iyon ng isang wika. Pansinin natin ang
pagkakaiba ng Ingles at Filipino. Ano-ano ang mga
iba’t ibang anyo ng ice formation sa Ingles? Ano ang
katumbas ng mga iyon sa Filipino? Maaaring yelo at
nyebe lamang. Ngunit ano ang katumbas sa ingles ng
ating palay, bigas at kanin? Rice lamang hindi ba?
Bakit limitado ang vokabularyong Ingles sa
pagtutumbas ng mga salitang kargado ng kulturang
agricultural? Ang sagot: hindi iyon bahagi ng kanilang
kultura.
• 7. Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito
maaring tumangging magbago. Ang isang wika, stagnant ay
maaring ring mamatay tulad ng hindi paggamit niyon. Paano
nagbabago ang wika? Ang isang wika ay maaring nadaragdagan
ng mga bagong vokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng
mga tao. Maari sila ay nakalilikha ng mga bagong salita. Ang
pinakamahusay na halimbawa rito ay ang mga katawan ng mga
produkto ng pag-unlad ng teknolohiya at agham. Bunga rito,
ang ating wika ay nadaragdagan ng mga bagong salita na hindi
umiiral noon. May mga salita ring maaring nawawala na
sapagkat hindi na ginagamit. Samantala, may mga salita
namang nagkakaroon ng bagong kahulugan. Halimbawa, ano
ang orihinal na kahulugan ng salitang bata? Sa ngayon, ano-
ano ang mga iba pa niyong kahulugan? Ang mga iyan ay mga
patunay na ang wika ay nagbabago.
Halimbawa

• Maraming namatay sa bombing sumabog noong panahon ng


digmaan.
• Sumakit ang braso ng matandang babae sa kabobomba makaipon
lamang ng tubig sa panlaba.
• Tinangkilik ng mga lalaki ang mga pelikulang bomba noon.
• May pasabugin daw na bomba tungkol as isang senador.
• Kunin mo ang bomba para hipan ng hangin ang sumabog na
gulong.
Susunod ay ating pagsusuli!!!

PAGPALAIN TAYO!!!!

You might also like