You are on page 1of 11

Ang wika ang pinakamabisang instrumento ng

komunikasyon. Ito rin ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan


na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng mga simbolo,
tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais
sabihin ng kaisipan.

Gaano man katanyag ang paggamit ng mga kilos at


simbolo upang kumatawan ng mga mensahe, ang paggamit pa
rin ng wika ang pinakatiyak na paraan ng paghahatid nito.
MGA ANYO NG WIKA
Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o
pagsasalita.
Subalit kabilang din rito ang , mga wikang pasenyas, musika, pagsasayaw, pagpipinta
pagsusulat , at maging
matematika.
Maraming samu’t saring pag-aaral hinggil sa katuturan at
kalikasan ng wika. Bawat dalubwika ay may kani-kaniyang
palagay maging sa pagpapaunlad, pagtuturo at pagkatuto nito.

Ayon kay Henry Allan Gleason, isang amerikanong linggwistiko,


“Ang wika ay ang pinagsama-samang makabuluhang tunog na isinaayos
sa sistemang arbitraryo, at sinasalita ng mga taong kabilang sa isang
partikular na kultura.”

Arbitraryo- salita na binibigkas sa wika na pinili para sa mga


gumagamit.
MAHAHALAGANG KONSEPTO SA
WIKA
1. Ang wika ay binubuo ng mga makabuluhang tunog o ang mga
tinatawag sa larangan ng linggwistika na ponema.

Bawat wika ay may kani-kaniyang set na mga sinasalitang tunog. Ang mga tunog na ito ay
makabuluhan dahil maaaring makapagpabago ito ng kahulugan.

Tulad na lamang ang tunog na


/a/
 sa Filipino. Kapag ang salitang
/doktor/
 ay sinamahan ng
/a/
sa hulihan nito, ito ay naghuhudyat ng kaibhan sa kasarian ng sa una. Ang salitang
/doktora/
 ay nagpapakita ng kasariang pambabae samantalang ang nauna ay panlalaki.
3. Ang bawat wika ay tagapaglarawan ng kultura. Kung ano ang mga
salitang bumubuo sa wika ay gayon din ang sinasaklaw ng kanyang
kultura.

Tulad halimbawa ng katagang po at opo na tanging natatagpuan sa wikang Filipino subalit


walang katumbas sa anumang wika.

Gayundin naman ang mga pagkain sa iba’t ibang lalawigan sa Pilipinas. Ang Ilokano ay may
pinakbet samantalang ang Bikol ay may laing.
 Ang mga ito ay tanging nagmula sa kanila sapagkat bahagi at tagapaglarawan ito ng
kanilang kultura.

Katulad din naman ng mga pagkaing hindi saatin ngunit patuloy paring tinatangkilik nating
mga pinoy. Hindi nilalagyan ng katumbas sa Filipino ang mga salitang ito, bagamat
kinagigiliwan nang kainin ng mga Pilipino, ay hindi parin maitatatwang ito ay mga salitang
hiram sa labas.
ANG KONSEPTO NG WIKANG FILIPINO
 Ang konsepto ng wikang Filipino, ayon kay Ernesto Constantino, ay nahahati sa pitong
mga sangay na konsepto.

1. Ang pagiging natural ng wika


2. Buhay na wika
3. Ang wikang Filipino ay demokratiko
4. Ang wikang Filipino ay dapat isag egalitarian na wika.
5. Ito ay isang dinamikong wika.
6. Ang wikan Filipino ay wika ng pambansang pagkakaisa.
7. Ang wikang Filipino ay dapat na gampanan ang tungkulin ng isang wikang pambansa.
MGA PANANAW SA WIKA
1. ISTRUKTURAL

•  Ang wika ay arbitraryong sistema ng mga anyong linggwistik.


 
•  Pinagsasama-sama ang mga sangkap o aytem nito sa mga karaniwang paraan
upang lumikha ng pangungusap.
 
•  Binibigyang-diin sa pag-aaral ng wika ang pagbuo ng mga bahaging
panlinggwistika: ponema, morpema, sintaksis at semantics.

2. KOGNITIVIST

• Isang prosesong mental ang wika.


• May unibersal na gramatika at sa mataas na abstrak na antas, may magkakatulad
na katangiang linggwistik ang lahat ng mga wika.
3. MGA SOSYOLINGGWISTIKO

• Isang bukas at buhay na sistema ang wika na nakikipag-interaksyon, binabago at


bumabago ng kapaligiran bilang bahagi ng kultura ng grupong gumagamit nito.

• Ang wika ay isang kasanayang panlipunan at makatao.


Ano ang kahalagahan ng wika sa pakikipag-ugnayan
sa kapwa?
Ito ang batay ng pakikipag-ugnayan
tungo sa pagkakaunawaan sa
sangkatauhan. Naipapahayag natin ang
Malalaman natin kung ano ang
saloobin at kaisipan sa kapwa.
nais ipahiwatig ng ating kausap.

Malalaman natin kung anong


Mabuting kasangkapan sa WIKA kultura at panahon ang
pagpapalaganap ng kaalaman. kaniyang kinabibilangan.

Magkakaroon ng mas madaling


gamit ng pakikipag
komunikasyon at pakikipaugnay
sa kapwa.
Magsaliksik ng sampung salita sa tagalog na may
ibang kahulugan kung sa ibang rehiyon ginamit.
 Lobo • Bulak
Sa tagalog – laruang lumilipad Tagalog- malambot na bagay
Batangueño- pagkulo ng tubig
Bisaya- Ibon
 Bangaw • Balak
Tagalog- Insektong lumilipad Tagalog- Plano
Cebuano- Bahaghari
Ilo-ilo- Tula
 Daga • Sanggol
Tagalog- hayop na mahilig sa Tagalog- batang kapapanganak
keso Bacolod- Tandang/ lalaking manok
Bikolano- lupa
• Bitin
 Lumiban
Tagalog- kapos
Tagalog- hindi pumasok Kapampangan- ahas/sawa.
Batangueño- tumawid
 Pandak • Baba
Tagalog- pinakaibabang bahagi ng
Tagalog- maliit, unano mukha.
Pangasinense- gusto Kapampangan- bibig

You might also like