You are on page 1of 11

DIVINA PASTORA COLLEGE

Basic Education Department (2020-2021)

SELF-LEARNING PACKET (SLP) in KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK

QUARTER 2, WEEK 2

PANGALAN: ________________________________ MARKA:___________/

TAON/PANGKAT: ___________________________ PETSA:____________

Panginoon maraming salamat sa panibagong pagkakataong ipinagkaloob Mo

upang maging makabuluhan ang araw na ito para sa aming pagkatuto. Salamat sa mga
biyayang ipinagkakaloob Ninyo sa amin, sa walang sawang paggabay at biyayang
aming natatanggap. Patawad Panginoon sa aming mga pagkakasala sa isip, sa salita
at sa gawa. Hinahangad namin Panginoon ang aming proteksyon laban sa
pandemyang aming kinahaharap, nawa ay magwakas na rin ang pagsubok na dulot
nito upang makabalik na kami sa aming normal na pamumuhay. AMEN.

Sa pagtatapos ng SLP na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. Maiklasipika ang mga salita ayon sa disiplina o larang na pinaggagamitan
nito.
2. Makapagtala ng mga halimbawa ng register ayon sa iba’t-ibang larang o
disiplina.
3. Sumulat ng maikling pahayag gamit ang iba’t-ibang barayti ng wika.
4. Pahalagahan ang kakayahan ng bawat isa sa iba’t-ibang disiplina.

Ang ating aralin sa linggong ito ay ukol sa pagkakaiba-iba o mga barayti. Ating
umpisahan ang talakayan sa pamamagitan ng isang gawain na makatutulong sa iyo
upang mas makilala pa ang lokalidad kung saan ka kabilang.
Bilang isang Novo Ecijano, alam mo ba ang kasaysayan ng iyong lokalidad? May
alam ka ba sa Tradisyon, kaugalian at kultura nito? Sa gawaing ito na aking inihanda,
nais kong balikan mo ang mga natatanging tradisyon, kaugalian at kultura ng iyong
lokalidad.
Sa kahon na nasa ibaba, magtala ng mga tradisyon ng iyong lokalidad at isulat ang
mga katangian ng nasabing tradisyon.
KOMPAN, Q1W3;SALVADOR, L. 1
Tradisyon katangian

Nakakatuwang alamin ang tradisyon na mayroon ang iyong lokalidad, hindi ba?
Nakakatulong ito upang mas makilala mo ang iyong sarili sapagkat bilang isang
mamamayan nararapat lamang na alam mo ang mga kaganapan sa iyong
kinabibilangang grupo. Hindi lamang ang mga tradisyon at kultura ang may mga barayti
kundi ang wika. Sa linggong ito ating alamin ang mga register at barayti ng wika.
Register ng wika
Ang Register ng wika ay tumutukoy sa mga salitang ginagamit sa iba’t-ibang disiplina.
Karaniwan ito ay hindi nauunawaan ng mga taong hindi kabilang sa lipunang kaniyang
ginagalawan. Nagkakaroon ng pagbabago ang register kung naiiba na ang kausap ng
taong gumagamit ng register na nasa iba’t-ibang larangan. Tulad ng mga salitang
ginagamit sa pagbabangko, medisina, negosyo, militar, teknolohiya, at iba pa. Espesyal
na katangian ng mga Register ang pagbabago ng kahulugang ginagamit na sa iba’t-
ibang disiplina o larang.
Halimbawa na lamang kapag narinig mo ang mga salitang class record, lesson plan,
grading sheet, sa iyong palagay anong larang o disiplina kabilang mga salitang
nabaggit? Hindi ba’t iisipin mo na pang guro ang bterminong mga ito? Sa pamamagitan
ng mga termino na ating naririnig maikakaklasipika na nating kung saang larang o
disiplina kabilang ang isang salita.
Ang Register ay maaaring magkaroon ng iba’t-ibang kahulugan ayon sa larang o
disiplinang pinaggagamitan nito. Register ang tawag sa ganitong uri ng mga termino.
Bawat propesyon ay may Register o espesyalisadong salitang ginagamit. Iba ang
Register ng wika ng guro sa abogado. Iba rin ang inhinyero, computer programmer,
game designer, at iba pa. Samantala, ang doktor at nars ay pareho ang register
sapagkat iisa ang kanilang propesyon o larang – ang medisina. Suriin ang mga
halimbawang nasa ibaba.
Salita Larangan Pagpapakahulugan

KOMPAN, Q1W3;SALVADOR, L. 2
Party Lipunan kasayahan
pulitika Partidong kinaaaniban sa
politika
Ambon kalikasan Mahinag pag-ulan
Salitang kanto Nabigyan ng hati
nakadelihensya
chord Musika Kuwerdas ng gitara

gamit sampayan
Naranasan mo na ba na magamit ang isang salita na parehas ang pagbaybay? Katulad
na lamang ng mga halimbawa na nasa itaas subalit magkaiba ang kahulugan depende
sa paggagamitan nito.
Tubo at tubo paano nagkaiba sa kahulugan subalit magkaparehong salita? Tignan ang
halimbawa na nasa ibaba.
Halimbawa,
“Uy mare, nabalitaan mo ba ang pagkakaaksidente ni pareng Ronnie sa
kanyang pagmomotorsiklo? Balita ko ay lalagyan na sya ng tubo mamaya dahil
medyo malubha daw ang kalagayan niya”.

“ Inay, bakit parang mahina ang pagdaloy ng tubig sa ating gripo? Palagay ko ho
ay may bumara na naman sa tubo nito.”

Napansin mo ba sa halimbawa sa itaas? Ginamit ang salitang tubo sa magkaibang

pamamaraan? Magkaparehas man ang ginamit na mga salita subalit nagkakaroon ng
pagkakaiba-iba sa paggamit nito.

Malinaw na ba sa iyo ang Register ng wika? Ngayon ay dumako na tayo sa mga

Barayti ng wika. Kung ang Register ng wika ay nagkakaiba-iba base sa larangan o
paggagamitan ng mga salita, kapag sinabi nating Barayti ng wika nagkakaroon naman
ito ng pagkakaiba-iba ng bawat indibidwal at naka base sa grupo na kanilang
kinabibilangan.

Barayti ng wika
Ang barayti ng wika ay ang paggamit ng salita ayon sa pangangailanagn ng tao.
Taglay nito ang pagkakapareho ng kahulugan sa lahat ng diyalekto ng Pilipino maging
sa paraan ng paggamit nito. Nagkaroon ng barayti ng wika ayon sa pagkakaiba-iba ng
bawat indibidwal at ng grupong kanilang kinabibilangan, interes, at lugar na kanilang
kinalalagyan. Halimbawa nito ay paggamit ng Tagalog sa Morong, Angono,
Marinduque, Batangas, Quezon, at kamaynilaan.
Ang pagtatanong ng mga taga-Batangas , “ Nakain ka na ng pating?” na ang ibig
sabihin ay “kumain ka na ng pating?”. Sa Morong, Rizal naman, ang salitang
nagtataglay ng titik “d” ay pinapalitan ng “r”, halimbawa nito ay:
Sandok-sanrok
Dingding-ringring
Madulas-marulas

KOMPAN, Q1W3;SALVADOR, L. 3
Sa pamamagitan ng mga halimbawa na ito ay nakita ng pagkakaroon ng barayti ng
wika, ibig sabihin mayroong pagkakaiba-iba ang mga salita o pagbaybay sa mga salita
ngunit magkakaparehas lamang ang mga kahulugan ng mga ito.
Dahil napakaraming wikang ginagamit sa Pilipinas masasabing multilinggual ang
Pilipinas. Bawat lalawigan ay may kani-kaniyang katutubong wika na siyang nagiging
Inang Wika ng bawat lalawigan o rehiyon.
Uri ng Barayti ng Wika
1. Idyolek- Nakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng isang indibidwal o ng
isang pangkat ng mga tao na gumagawa ng isang komon na wika o pananalita.
Halimbawa ng lamang sa pangkat ng tao, sa parteng bisaya, ang mga waray
ang parang nagagallit o nakikipag-away kapag sila ay nagsasalita samantalang
ang mga naninirahan naman sa Ilo-Ilo ay kahit nagagalit na ay napananatili parin
nila ang kalambingan sa kanilang pananalita. Sa pamamagitan ng halimbawa na
ito ay naipapakita ang pamamaraan ng isang pangkat ng tao.
Sa indibidwal nakakikitaan ng pagkakaiba ang isang tao sa pamamaraan ng
kaniyang natatanging pagsasalita. Sa pamamagitan ng mga halimbawa sa ibaba
ay nakikilala natin ang isang taoo kahit hindi natin ito makita subalit kapag narinig
na natin kung paano ito magbitaw ng mga salita ay malalaman na natin kung
sino ang partikular na ito iyon sapagkat karamihan sa atin ay may kanya-
kanyang pamamaraan ng pagsasalita.

Halimbawa,
“Magandang Gabi Bayan”- Noli de Castro
“Hoy Gising”- Ted Failon
“Hindi kita tatantanan”- Mike Enriquez
“Di umano’y”- Jessica Soho

2. Dayalek- ang dayalek ay isang barayti ng wika nag tumutukoy sa mga salita at
paraan ng pananalita ng mga tao ayon sa kanilang likasyong heograpikal. Sa
Pilipinas, dahil pulo-pulo ang pagkakahati ng mga lugar, nabuo ang iba’t-ibang
wikang lokal o dayalekto. Impluwensiya ng dayalek ang kinaroroonan ng bayan o
lalawigan. Pansinin ang halimbawa na nasa ibaba hindi ba’t magkaiba ang salita
na ginamit sa dalawang partikular na lalawigan ngunit magkatulad lamang ang
mga ibig sabihin nito.

Halimbawa

Tagalog- “Mahal kita”

Bikolano-“Namumutan ta ka”
3. Sosyolek- ang barayti ng wika na nabubuo sa paggamit ng isang tiyak na
pangkat ng tao tulad ng mga salitang ginagamit ng mga istambay sa kanto o
magbabarkadang tinedyer gaya ng haybo, etneb, tapue, olats, yosi, baryabels.
Ang barayti ng wika ay hindi nananatili sa mahabang panahon ayon sa pangkat
na gumagamit nito. Pansinin ang unang halimbawa na nasa ibaba, sa tingin
ninyo anong grupo o pangkat mayroon sa pangungusap? Kapag nakarinig ka ng
ganyang usapan hindi ba’t matutukoy mo na ang pangkat na kanilang
KOMPAN, Q1W3;SALVADOR, L. 4
kinabibilangan? Sapagkat kapag narinig mo ang salitang beshy at goorabels ay
may maiisip kana kaagad kung anong grupo sila.Dumako naman tayo sa
pangalawang halimbawa, mapapansin na ang panungusap ay pinaghalong
Ingles at Filipino, kapag narinig ka ng ganyang usapan ano ang mapapansin
mo?
Halimbawa,
“Mga beshy goorabels na tayo sa balay”.
“Oh my gosh! It’s so mainit naman dito”.

4. Ekolek- ang mother tounge ay ang sinaunang salita na ating nakagisnan sa loob
ng ating tahanan. Mga salita na tuwinay laging sambit ng ating mga magulang
kung kaya’t nagagawa natin ang mga ito. Sinasabi na ang Ekolek ay ang wika na
ginagamit natin sa loob ng tahanan na kung saan bawat pamilya ay may
partikular na salita na ginagamit sa ibang mga pangyayari o bagay.
Pansinin ang mga halimbawa sa ibaba, ang palikuran at banyo ay pareho
lamang ng kahulugan hindi ba? ngunit maaring sa bawat tahanan ay magkaiba
ang tawag sa bagay na yan katulad din ng iba pang halimbawa iisa lamang ang
kahulugan ngunit magkaiba ng tawag sapagkat bawat tahanan ay may
kinagisnang salita partikular sa isang bagay o pangyayari.

Halimbawa:
Palikuran-banyo o kubeta
Papa- ama/tatay/daddy
Mama- nanay/ina/mommy
5. Pidgin- Ang Pidgin ay walang pormal na estraktura at tinatawag ding
“lenggwahe ng wala ninuman”. Ginagamit ito sa mga tao na nasa ibang lugar o
bansa.
Pansisin ang mga halimb awa sa ibaba, sa iyong palagay tama ba ang
pagbaybay ng mga salita? Hindi diba? Sapagkat ang tinutukoy ng pidgin ay ang
maling estraktura ng mga salita ngunit kung iyong titiganan ay maiintindihan mo
ang ibig sabihin, partikular ang barayting ito ng wika sa mga dayuhan na
pumupunta sa ating bansa.

Halimbawa:
“Ako punta banyo”
“Ikaw patay ilaw”.
“You kill the light”.

A. Para sa unang gawain, iklasipika ang mga salita ayon sa disiplina o larang na
pinaggagamitan nito. Iklasipika kung saan kabilang na mga larang o disiplina na
nasa ibaba. Piliin sa loob ng kahon ang mga salitang kabilang sa iisang
larangan. (1 puntos bawat bilang)

KOMPAN, Q1W3;SALVADOR, L. 5
Pamahalaan akda produkto pananalapi
Korte kampus korapsiyon prosa
Salaysay batas enrollement pamilihan
Class record kongreso tauhan awit
Awtor pagsusulit senado puhunan
Konsumo mitolohiya kalakal kurikulum
Akademiks eleksyon pananalapi kita

Ekonomiks Politika
1._________________ 1._________________
2._________________ 2._________________
3._________________ 3._________________
4._________________ 4._________________
5._________________ 5._________________
6._________________ 6._________________
7._________________ 7._________________

Edukasyon Literatura
1._________________ 1._________________
2._________________ 2._________________
3._________________ 3._________________
4._________________ 4._________________
5._________________ 5._________________
6._________________ 6._________________
7._________________ 7._________________
B. Bigyang kahulugan ang larang na ginamit sa pangungusap at tukuyin kung saan
pang larang o disiplina maaring gamitin ang salita. Isulat ang kahulugan ng salita base
sa ginamit na pangungusap at sa napiling larang o disiplina.
Halimbawa: Ang aming kapit-bahay na si Aling linda ay na stroke dala nang mainit na
panahon.
stroke
Larang: medisina Kahulugan: isang uri ng karamdaman
Larang: pagguhit Kahulugan: isang pamamaraan ng pagguhit

1. Nagtungo ang aking ama sa hardware upang bumili ng kagamitan sa aming

ginagawang bahay.
hardware
Larang: Kahulugan:
Larang: Kahulugan:

2. Ang pamilya Donato ay nag donate ng bagong organ na gagamitin sa simbahan.

organ
Larang: Kahulugan:
KOMPAN, Q1W3;SALVADOR, L. 6
Larang: Kahulugan:

3. Pinalitan na ni Arnold ang kanyang lumang mouse bago pa man magsimula ang
online class.

mouse
Larang: Kahulugan:
Larang: Kahulugan:

4. Kilalang kilala ang batikang mang aawit na si Jose Marie Chan sa kanyang mga
pamaskong komposisyon.

komposisyon
Larang: Kahulugan:
Larang: Kahulugan:

5. Mas naging katakam takam ang pinagmamalaking recipe ni Ana dahil husay sa
nito sa pag de-dressing.

dressing
Larang: Kahulugan:
Larang: Kahulugan:

6. Ang mga mag-aaral ng DPC ay hinangaan sa kanilang pagsayaw sapagkat

napakahusay ng kanilang beat.

beat
Larang: Kahulugan:
Larang: Kahulugan:

Nalalaman mo ba kung ilan na ang iyong bokabularyo? Palagay ko ay hindi mo

na mabilang sapagkat mula pagkabata hanggang sa kasalukuyan, padami ng padami
ang bokabularyo ng isang tao. Sa gawaing ito ay magagamit mo ang pagiging
multilinggwal nating mga Pilipino.
Sumulat ng maikling usapan gamit ang iba’t-ibang barayti ng wika. Salunnguhitan ang
bawat salita na nagpapakita ng iba’t-ibang barayti ng wika. (3 puntos bawat bilang)
Pamantayan ng pagmamarka:
Katumpakan ng mga sagot 3puntos

1. Idyolek

KOMPAN, Q1W3;SALVADOR, L. 7
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________.
2. Dayalek

3. Sosyolek

4. Ekolek

5. Pidgin

Ating natalakay ang pagkakaiba-iba ng wika sa mga barayti at register nito

subalit kahit may pagkakaiba-iba man bilang isang Pilipino nararapat na mahalin natin
ang wika bilang nakatira sa iisang bansa. Hindi lamang sa wika may baryasyon hindi
ba? Tayong mga tao ay iba-iba din hindi lamang sa wika, tradisyon, kultura ngunit iba-
iba din tayo ng pagkatao. Ika nga “no individual is exactly alike”
Napansin mo ba na kakaiba ka sa lahat? Minsan ba ay naisip mo na maging katulad
at kasing husay ka ng iba? Minsan ba ay naisip mong maging kasing ganda o kasing
gwapo ng iba? O naisip mo na lamang na sana’y maging ikaw na lamang sila? Sa
puntong ito ng iyong gawain, nais kong iaangat mo ang iyong sarili. Nais kong
ipagmalaki at pahalagahan mo ang iyong pagkatao na hindi ikinukumpara sa iba.

KOMPAN, Q1W3;SALVADOR, L. 8
Sa gawaing ito, sulatan ang sarili ng mga magagandang katangian na mayroon ka
sa iba’t-ibang paraan.
Pamantayan ng Pagmamarka:
Nilalaman 15puntos

Sa aking sarili,
_____________________________________________________________________

_______________________________________.

KOMPAN, Q1W3;SALVADOR, L. 9
Paano mo babaunin ang mga bagay na iyong natutunan sa linggong ito?

Mayroon ka bang puna, karagdagang tanong o mungkahi sa pagpapaunlad ng

ating aralin? Isulat ang mga ito sa kolum na Para sa Guro.
Para sa Mag-Aaral Para sa Magulang Para sa Guro

Maria, Ina ng Mabuting Pastol, ipanalangin Mo kami.

Hesus, Ikaw ang aking Panginoon, ang kasiyahan ko ay nasa sa Iyo lamang.

KOMPAN, Q1W3;SALVADOR, L. 10
Taylan, D. R., et.al, 2019. Komunikasyon at Pananaliksik Tungo sa Wika at Kultutrang
Pilipino. Rex Book Store, Inc., Quezon City.
Bernales, R. A., et.al, 2002. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Mutya Publishing
house, Valenzuela City.

“Register at barayti ng wika.”

https://www.youtube.com/watch?v=fKS_11lZp38.
Please write the Honor Code Pledge Here:
(On my honor I pledge that I completed this task without giving or
receiving any unauthorized assistance.)

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

___________________ ___________________
Signature of Student Signature of Parents

KOMPAN, Q1W3;SALVADOR, L. 11

You might also like