You are on page 1of 5

Ang wika ay maaring nagagamit ng tao sa dalawang kaparaanan:

• Pagtamo – ay nagaganap nang hindi namamalayan at katulad ito halos kubg paano natin natutuhan ang
ating unang wika
• Pagkatuto – isang binalak na proseso kung saan pinag-aralan ang wika sa isang organisadong paraan
at may sinusunod na isang tiyak na programa o silabus

 Debelopmental Linggwistiks – Sinasabi na ang pag-iisip at ang wika ay magkalapit ang kanyang
debelopment ay magkasabay din. Ito ang yugto ng pagkatuto ng wika kung saan naitatanong
mo sa iyong sarili kung ano ang una mong nabanggit na salita o paano ka natuto magsalita.
 Echoic stage – Ito ang yugto ng pagkatuto ng wika kung saan ginagaya mo ang sinasabi ng
mga taong nasa iyong paligid.

 Rene Descartes – Hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung kaya’t likas sa kaniya ang
gumamit ng wika na aangkop sa kaniyang kalikasan bilang tao.
 Plato – nalikha ang wika bunga ng pangangailangan. Necessity is the mother of all invention
 Jose Rizal – Kung bakit likas na bagay ay galling sa Poong Maykapal, bakit hindi ang wika?
Naniniwala ang pambansang bayani na kaloob at regalo ng Diyos ang wika sa tao
 Charles Darwin – nakipagsapalaran ang tao kaya nabuo ang wika. Ito ay nakasaad sa aklat na
lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”
 Wikang Aramean – May paniniwala na ito ang kauna-unahang wikang ginamit sa daigdig. Sila
ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia.
 Haring Psammatichos – Sinasabi sa paniniwalang ito na bilang hari ng Ehipto, gumawa ng isang
eksperimento si Psammatichos kung paanonga ba nakapagsalita ang tao. May dalawang
sanggol siyang pinalaki sa loob ng kuweba agt mahigpit na ipinag-tos na hindi ito dapat
makarinig ng anumang salita. Sa tagal ng panahon nakapagsalita raw ng “Bekos” ang dalawang
bata na ang ibigsabihin ay tinapay. Sa maikling sabi, likas na natututuhan ng tao ang wika kahit
hindi ituro ang pinaghahawakan ng teoryang ito.

4 na paniniwala kung paano natutunan ng isang tao ang wika


1. Paniniwala ng mga Behaviorist – ayon sa kanila ang mga bata ay pinanganak na may
kakayahan na sa pagkatuto ng wika at ang kanilang kilos at gawi maaring hubugin sila ng
kanilang kapaligiran.
2. Paniniwala ng mga Inavist –nayon sa kanila ang mga bata ay ipinanganal na “likas na salik” may
sa pagtamo ng pagkatuto sa wika. Ipinapaliwanag na ang kakayahan sa wika ay kasama na
pagkaanak at likas itong nalilinang habang ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang
kapaligiran.
3. Paniniwala ng Cognitivist – ayon sa kanila ang pagkatuto ng wika ay isang dinamikong kung
saan ang mga mag-aaral ng wika ay kailangang palagiang mag-isip at gawing may saysay ang
bagong tanggap na kaalaman at impormasyon mula dito mas napapaunlad nila ang pagkatuto
nila sa wika.
4. Paniniwalang Makatao – ang paniniwala nila ay nakapokus sa damdamin at emosyon ng isang
tao. Dagdag pa dito, mas mabilis nila natututuhan ng tao ang wika at siyang pag-alinlangang
gamitin ito at malaya niyang nailalahad ang kanyang saloobin.

Alin sa mga teoryang ito ang wasto?


Hindi natin matutukoy kung alin sa mga ito ang wasto, dahil ito nga ay mga teorya o mga haka-haka
lamang na mahirap husgahan at patunayan.

MGA TEORYA SA PINAGMULAN NG WIKA

Kahulugan – Ang wika ang ating nagiging instrument sa pakikipag-komunikasyon,


pakikipagtalastasan, at pagpapahayag ng saloobin at kaisipan sa ibang tao

Kabuluhan – Makabuluhan ang wika dahil ito ay nakakatulong upang magkaroon ng


pagkakaisa, pagkakaintindihan, at ugnayan ang bawat tao sa isang lipunan.

Pag-aaral – Ang pag-aaral ng wika ay mahalaga upang lubos nating maintindihan at magamit
ang ating wika na siyang upang ang bawat tao sa isang bansa o lipunan ay magkaunawaan at
magkaisa.

Biblikal – Ipinapakita ditto na ginawang magkakaiba ng Diyos ang wika ng tao dahil sa hindi
magagandang ugali ng tao, tulad na lamang ng sa teorya ng babel na nag-ambisyon ang mga
tao na maabot ang langit, na siyang di nagustughan ng Diyos. Kaya naman ay ginawa nito na
magkakaiba ang wika ng bawat isa. At dahil sa sila’y di magkaintindihan, naghiwahiwalay ang
mga ito ayon sa wikang kanilang sinasalita.

Siyentipiko – Ayon naman sa ibang teorya o siyentipikong teorya, ang wika ay maaring
nagmula sa tunog ng kalikasan, mga bagay-bagay sa paligid, emosyon ng tao, at iba pang
posibleng teorya na batay sa kaalaman o obserbasyon ng tao.

KONSEPTONG PANGWIKA

Ginagampanang papel ng wika sa ating pang-araw araw na buhay:

- Ginagamit ito upang makipag-ugnayan at mapanatili ang interaksyon sa kapwa


- Ito rin ang ginagamit natin upang ating maipahayag ang ating mga saloobin tungkol sa
isang usapin maaring sa pamaraang pasalita o pasulat
- Wika rin po ang behikulo upang magkaroon tayo ng pagkakaunawaan sa kabila ng
ating pagkakaiba
 Sa pamamagitan ng wika naipapahayag natin ang malawak nating kaisipan,
paniniwala o maging ang ating mga adbokasiya makakapagpabago ng isang sistema o
kaya’y makapagbubuklod ng isang adhikain.
 Wika rin ang tagapag-ingat ng kasaysayan at tagapag bantayog ng ating kultura
 Ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan natin bilang kasapi ng lipunan na ating
kinabibilangan

KONSEPTONG PANGWIKA – Wikang pambansa, Wikang opisyal at Wikang panturo

Katangian ng Filipino:

1 DE FACTO AT DE JURE

 DE JURE (naaayon sa batas) , DE FACTO (sa katunayan)

2 WIKANG FILIPINO

 Ang wika ay ginagamit at malawakang sinasalita saan mang panig ng Pilipinas at ito rin
ay kinikilala at binibigyang-halaga ng maraming batas

3 WIKANG PAMBANSA

 Daan sa pagkakaisa at simbolo ng mga kaunlaran ng isang bansa


 Essensyal na maunawaan ang mga alintuntuning ito upang higit na mapayabong at
mapagtibay natin ang wikang Filipino bilang sagisag ng ating pambansang
pagkakakilanlan bilang mga Pilipino

4 OPISYAL NA WIKA

 Wika ng komunikasyon, transaksiyon o pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa


sambayanan
- Naganap ang kaunaunahang pagkilala sa tagalog noong ika-isa ng Nobyembre 1897 ng
itakda itong opisyal na wika ng ayon sa Artikulo 8 ng pamahalaang rebolusyunaryo
- Batid ng dating pangulong Manuel L. Quezon ang pangangailangan ng Pilipinas na
magkaroon ng isang wikang sagisag n gating pagka Pilipino, kung kaya inatasan niya
ng kongreso na gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng
isang wikang pambansa.
- Pinili at ipiniroklama ni pangulong Quezon ang tagalog bilang batayan ng bagong
pambansang wika dahil:
1 Ang Tagalog ang wika ng Maynila. Ang kabiserang pampolitika at pangekonomiya sa
buong bansa
2 Wikang ginamit ng Rebolusyon
3 Ang Tagalog ay hindi nahahahti sa hiwa-hiwalay ng wika
4 Mas maraming aklat pampanitikan na nasusulat sa tagalog
5 Nasa estadong Lingua Franca o nauunawaan ng maraming mamamayan sa Pilipinas
- Artikulo XIV Seksyon 6 ng SB 1987 – ang nagpatibay sa pangangalaga sa Wikang
Pambansa ng Pilipinas
 Tinawag ang wikang pambansa ng Filipino. Ito ay upang higit na maging katanggap-
tanggap sa mga hindi tagalog. Ang hakbang ng pagpapalit katawagan tungong Filipino
ay upag mapawi ang pagkakahati-hati dala ng mentalidad ng mga rehiyonalista.
Gayundin, ang Filipino ang angkop na katawagan sa wika ng bansang Pilipinas dahil
tayo ay Pilipino
 Ito ang wikang makapagbubuklod ng mithiin, ideyalismo, at pangarap ng lahat ng
Pilipino.

5 WIKANG PANTURO

 Nauukol sa wika ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral

ANO ANG IBIGSABIHIN NG KALIKASAN NG WIKA?

 Ang wika ay masistemang balangkas, may sinasalitang tunog, arbitaryo, ginagamit ng


mga tao, dinamiko, natatangi, walang wikang superior, kabuhol ng kultura, simbolo

BAKIT MAY KATANGIAN O KALIKASAN ANG WIKA?

 Ito ay may katangian o kalikasan dahil sa pamamagitan nito ay mas nauunawaan ang
isang wika, at maging ang kahulugan at gamit nito.

NAGBABAGO BA ANG WIKA? PAANO?

 Oo, ang wika ay nagbabago sa paglipas ng panahon, o mas napapaunlad pa sa bawat


henerasyon. Dahil sa iba’t ibang bagay sa nakaiimpluwensiya rito, tulad ng mga
bagong kaisipan o ideya ng mga tao, masasabi kong ang wika ay napapabuti,
umuunlad o nagbabago.

KASUNDUAN

1. ANO ANG DALAWANG KATEGORYA NG WIKA? ANO ANG PAGKAKAIBA NG


DALAWANG ITO? ANO ANG MGA HALIMBAWA?

Ang dalawang kategorya ng wika ay ang pormal at di-pormal na wika:

 Ang Pormal na wika ay may sinusunod na istandard sa wika. Masasabing pormal wika
kung ito ay makikita sa diksyunaryo at ginagamit ito sa mga pagsulat ng mga
akademikong sulatin.
Halimbawa: kabataan (pambansa), bukas palad (pampanitikan)
 Ang Di- pormal na wika ay ang mga salitang karaniwan at palasak sa mga pang-araw-
araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala o kaibigan.
Halimbawa: kan-on (lalawiganin), ewan (kolokyal), erpat (balbal)

2. ANO MGA URI O ANTAS ANG SAKLAW NG BAWAT KATEGORYA? ANO ANG
PAGKAKAIBA NG MGA ITO? ANO ANG MGA HALIMBAWA?

Dalawang uri ng pormal na wika:

Pambansa – Ito ang karaniwang gamit ng mga manunulat ng aklat o nagtuturo ng


wika, at karaniwang makikita sa libro at may tamang balarila.
Halimbawa: kabataan, pamahalaan, paaralan, edukasyon
Pampanitikan – Ito ang antas ng wika na ginagamit sa malikhaing pagsulat. Kadalasan
itong makikita sa mga akda, at kadalasan ito ay may idyoma at tayutay.
Halimbawa: Bukas palad (handang tumulong), mababaw ang luha (madaling
umiyak)

Tatlong uri ng impormal na wika:


Lalawiganin – Ito ang wika ng mga taong nakatira sa isang partikular na lalawigan.
Halimbawa nito ay ang mga dayalekto o mga rehiyunal ng wika.
Halimbawa: Danum(Ilocano) –tubig, kan-on (Bisaya) - kanin
Kolokyal – Antas ng wika na ginagamit sa pang-araw-araw o mga sitwasyong di-
pormal. Ito rin ang mga pinapaikli na mga salita.
Halimbawa: bakit – bat, mayroon – meron
Balbal – Ito ang wikang panlansangan o ginbgamit sa kalye. Ito rin ang
pinakamababang antas ng wika.
Halimbawa: sigarilyo – yosi, mismo – omsim

KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO AT PAGLILINAW SA WIKANG TAGALOG,


PILIPINO AT FILIPINO

 Ang Wikang Pambasa ay nagmula sa salitang tagala, mula sa malayo-polenesyo, dala


ng malay dito sa ating pulo, at ginawa ni Legaspi na wikang ‘Tagalog’ na mula sa
salitang “taga-ilog”. At ito’y naging wikang pambansa noong panahon ni Manuel Luis
Quezon 1935, at noong 1959 dahil sa isyu ng tagisan ng galing sa wika, ginawang
wikang pambansa ay Pilipino. At noong 1987 sa isyu ng intelekwalisasyon at
pagpapaunlad ng wika, noong 1987 sa pangunguna ng pangulo Corazon Aquino,
ginawang wikang pambansa ay Filipino.

Tagalog
 Wikang Dayalekto ng Calabarzon
 Isang wikang natural na wikang tagala ang pinagmulan
 Kinilala bilang pangunahing wika noong 1935
 Piniling batayan ng wikang pambansa

Pilipino
 Tawag sa mamamayan ng Pilipinas
 Lope K. Santos – ama ng balarilang tagalog
 Upang maayos ang isyu sa wika noon, ginawang ‘Pilipino’ ang wikang pambansa
Filipino
 Ang ating wikang pambansa
 Tinatawag na Ligua Franca (lahat nakakaunawa, nakakaintindi at gumagamit)
 Pinaka medium ng komunikasyon

 Walang bansa ang umuunlad na hindi gumagamit ng sariling wika


 Hindi dapat ipagwalang bahala ang Filipino, dahil sa wikang ito tayo
nagkakaintindihan, dito tayo umuunlad, at hindi dapat ito tanggalin kundi ay dapat na
mas lalo pa itong payamanin at palawakin. Dahil lahat ng bansa na gumagamit ng
sariling wika ay umuunlad at patuloy na umuunlad.

Paano natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad
ng wikang pambansa?

 Upang matiyak natin ang mga sanhi at bunga na may kaugnayan sa pag-unlad ng
wikang pambansa, kinakailangan nating magsaliksik at humanap ng mga
impormasyon tungkol sa saan ito nagmula at paano umunlad at patuloy na umuunlad
ang ating wika. Kailangan nating alamin ang mga dahilan sa pag-unlad ng wikang
Filipino at kung ano ang mga naging epekto ng pag-unlad nito.
At maaring ang ilan sa mga sanhi ng pag-unlad ng wikang pambansa ay dahil sa
modernisasyon, at ang pagnanais ng dating pang. Manuel Quezon na magkaroon ng
sariling wika ang ating bansa upang magkaintindihan ang bawat mamamayan. At ang
naging bunga nito ay pagkakaroon at pag-unlad ng ating wikang pambansa.
ARALIN 1

“Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.”
-Jose Rizal
“Ang wika ay susi ng puso at diwa, tuluyan ng tao’t ugnayan ng bansa.” –Marisol Molina
“Ang wika ay siya nagpapahayag ng mga kaisipan at mithiin ng isang bayan.” -Manuel
Quezon
Manuel Luis M. (Molina) Quezon: 1st Commonwealth Pres. of the Philippines , 2nd
President of the Rep. of the Philippines
 Bakit sinikap na magkaroon ng wikang pambansa?
-Naramdaman ni Manuel Quezon ang pagiging isang banyaga sa sariling bansa kung saan sa
tuwing may lugar siyang pupunta ay kakailanganin pa niya ng interpreter.
-Naniniwala rin siya na walang bansa ang walang sariling wika

ARALIN 2

Tagalog – Kautusan Tagapagpaganap Blg. 134 – Ika 30 ng Disyembre, 1937 nang nilagdaan
ni Pang. Manuel Luiz Quezon na ang wikang pambansa ay magiging Tagalog
Pilipino – Agosto 13, 1959: Pagkaraan ng 20 taon
– Kalihim Jose E. Romero ng Edukasyon at Kultura, ang memorandum
Pangkagawaran Blg. 7 ay ang wikang pambansa ay magiging Pilipino na
– Agosto 13, 1959 na nag-aatas sa paggamit ng katawagang “Pilipino”.
Filipino – Konstitusyon ng 1973 – nagtatadhana na dapat magsagawa ng mga hakbang ang
Batasang Pambansa tungo sa paglihang at formal na pagpapatibay ng isang panlahat ng
wikang pambansa na tatawaging “Filipino”. At hangga’t walang ibang itinatadhana ang
batas, Ingles at Filipino ang magiging wikang opisyal

Aralin 3: Paano nagsimula ang Wikang Pambansa

Konstitusyon ng 1935 – Artikulo XIV Seksyon 3


– Nagsasabing ang Pambansang Asemblea ay magsasagawa ng hakbang tungo sa paglinang
at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na mababatay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika.
Nobyembre 13, 1936 – Batas Komonwelt Blg. 184
– Pinagtibay ng Pambansang Asemblea ang Batas Komonwelt Blg. 184 noong Nobyembre
13, 1936 na nagtatag sa ‘Surian ng Wikang Pambansa’ na ang isa sa mga pangunahing
tungkulin ay pumili ng isang katutubong wika na gagamiting batayan sa paglinang at
pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas, na pangunahing isaalang-alang ang wika na
higit na maunlad sa kayarian nito, mekanismo at panatikan at tinatanggap at ginagamit ng
higit na nakararaming Pilipino.

Bakit Tagalog ang napiling batayan ng Pambansang Wika?

 Tagalog ang napiling batayan ng Pambansang WIka, dahil gaya na lamang ng nakasaad sa
resolusyon ng Surian ng WIkang Pambansa (SWP), ang Tagalog ang tumutugon sa lahat ng
pangunahing kailangan ng Batas 184. Lumitaw sa pag-aaral ng Surian ng Wikang Pambansa
(SWP) na ang Tagalog ang wikang pinakamaunlad sa estraktura, mekanismo, at panitikan,
at bukas sa pagpapayaman. Ito rin ang pinakakatanggap-tanggap at wikang ginagamit ng
nakararaming mamamayan.

You might also like