You are on page 1of 1

Wikang Pambansa - Ang wikang pambansa ay isang wika (o iba baryedad ng wika , hal.

diyalekto) na
may ilang koneksyon kasama ang mga tao at ang teritoryo na sakop nila.

Wikang panturo - Ang wikang panturo ay wikang ginagamit ng guro at ng mga nasa akademiya para sa
kanilang pagtuturo sa loob ng silid-aralan at paaralan. Kasama rin rito ang wikang ginagamit sa mga libro,
gayundin ang wikang ginagamit sa mga pagsusulit, exams, instructions para sa mga gawain at
pananaliksik.

Wikang opisyal - Ang opisyal na wika ay isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus
sa saligang batas ng mga bansa, mga estado, at iba pang teritoryo. Ito ang wikang kadalasang ginagamit
sa lehislatibong mga sangay ng bansa, bagama't hinihiling din ng batas sa maraming bansa na isalin din sa
ibang wika ang mga dokumento ng gobyerno.

Bilinggwalismo - Ang mga bilinggwalismo o bilingual ang mas malimit na itawag sa mga taong
gumagamit ng dalawang wika.

Multilinggwalismo - Ang multilinggwalismo o multilingual ay mga tao na nakikipag-ugnayan gamit ang


dalawa o higit pang bilang ng wika/lenggwahe, pasulat o pasalita man. Tinatawag din silang polyglot.

Heterogenous na Wika – wikang iba-iba ayon sa lugar, grupo, at pangangailangan ng paggamit nito.
Nagkakaroon ng maraming baryasyon na wika.Ang naging batayan ng mga linggwistiko para magkaroon
ng heterogeneous na wika ay ang mga masususing pag-aaral at pananaliksik tungkol sa sosyolohikal at
linggwistika. Ito ay ang mga uri ng wikang karaniwang ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa pang-araw-
araw na buhay.

Homogeneous na Wika – nagsasabing ang wikang “pormal” ay iba sa “naimbentong” wika.Ang


homogeneous na wika ay nabuo at patuloy na ginagamit ng mga tao sa kasalukuyan.Ito ay
nangangahulugan na may mga salitang magkakatulad ngunit dahil sa paraan ng pagbaybay at intonasyon
o punto ay nagkakaroon ng bagong kahulugan.

Linggwistikong Komunidad - Nangangahulugan ito ng pagwiwika o pagsasabi ng higit sa tatlong wika o


lenggwahe sa isang komunidad. Maaari din itong mangahulugan ng mga wika o dayalekto na ginamit sa
nakalipas na kasaysayan ng isang komunidad.

Unang wika - Ang unang wika ay mas kilala sa tawag na KATUTUBONG WIKA o INANG WIKA ay
arteryal na wika na natututunan natin mula ng tayo ay ipinanganak. Batayan para sa pagkakakilanlang
sosyolinggwistika ang unang wika.

Pangalawang wika - Ang pangalawang wika, ayon sa dalubwika, ay tumutukoy sa alinmang wikang
natutuhan ng isang tao matapos niyang maunawaang lubos at magamit ang kanyang sariling wika.

You might also like