You are on page 1of 23

Ano ang Kakayahang Lingguwistiko?

Tumutukoy ang kakayahang lingguwistiko sa abilidad ng isang tao na makabuo at


makaunawa ng maayos at makabuluhang pangungusap. Pinag-liba ng mga lingguwista
at mananaliksik sa wika ng bata ang nasabing kakayahan sa tinatawag na kakayahang
komunikasibo, na nangangahulugan namang abilidad sa angkop na paggamit ng mga
pangungusap batay sa hinihingi ng isang interaksiyong sosyal- (Hymes 1972).
Sa pananaw ng lingguwistang si Noam Chomsky (1965), ang kakayahang lingguwistiko
ay isang ideyal na sistema ng di-malay o likas na kaalaman ng tao hinggil sa gramatika na
nagbibigay sa kaniya ng kapasidad na gumamit at makaunawa ng wika. Pumapaloob dito
ang kaalaman ng tao na pag-ugnayin ang tunog o mga tunog at kahulugan nito. Iba ito
sa isinasaad ng lingguwistikong pagtatanghal (linguistic performance) o ang aplikasyon ng
sistema ng kaalaman sa pagsusulat o pagsasalita.

Hindi maipaghahalintulad ang kakayahang lingguwistiko at lingguwistikong pagta-


tanghal dahil ang huli ay maaaring kapalooban ng mga interperensiya o sagabal. Halim-
bawa, ang pagkautal ng isang tagapagsalita habang nagbibigay ng talumpati ay hindi
masasabing kawalan o kakulangan sa kakayahang lingguwistiko. Maaaring ito ay dulot
ng kaniyang kaba na maituturing na sagabal sa kaniyang lingguwistikong pagtatanghal.
Kinakailangang sanayin ng isang tao ang kaniyang kakayahang komunikasibo upang
mapaimbabawan ang mga sagabal na ito na nagsisilbing puwang sa kaniyang pag-unawa
at aksiyon.

Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino


Kakabit ng kakayahang lingguwistiko ng Pilipino ang wastong pagsunod sa tuntunin
ng balarilang Filipino. Sa kasaysayan, dumaan na sa maraming pagbabago at reoryentasyon
ang ating wikang pambansa na nagbunga ng pagbabago sa matandang balarila. Tinukoy
nina Santiago (1977) at Tiangco (2003) ang sampung bahagi ng pananalita sa makabagong
gramatika na napapangkat sa sumusunod:

A. Mga Salitang Pangnilalaman:


1.Mga nominal
A. Pangngalan - nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian
pangyayari, at iba pa
B. Panghalip - pamalit o panghalili sa pangngalan

2. Pandiwa - nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa pangkat ng mga salita


3. Mga panuring
A. Pang-uri - nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip
B. Pang-abay - nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at kapuwa pang-abay

Mga Salitang Pangkayarian:


1. Mga Pang-ugnay
A. Pangatnig - nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay (halimbawa
at, pati, ni, subalit, ngunit)
B. Pang-angkop – katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan (halimbawa na,ng)
C. Pang-ukol- nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita(halimbawa sa,ng)

2. Mga pananda
A. Pantukoy- salitang lagging nangunguna sa pangngalan o panghalip (halimbawa si,ang,mga)
B. Pangawing o Pangawil- salitang nakakawing ng paksa o simuno at panguri(halimbawa ay)

Bukod sa mga bahagi ng pananalita, mahalagang matutuhan din ang wastong pala-
baybayan o ortograpiya ng wikang Filipino. Mula sa mga naunang gabay sa ortograpiya
(1976, 1987, 2001, 2009), inilathala ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang 2014 edisyon
ng Ortograpiyang Pambansa. Tunghayan natin ang ilang tuntunin sa pagbaybay na pasalita
at pasulat:
A. PASALITANG PAGBAYBAY
Paletra ang pasalitang pagbaybay sa wikang Filipino na nakaayon sa tunog-Ingles
ng mga titik, maliban sa N (enye) na tunog-Espanyol. Ibig sabihin, isa-isang binibigkas
sa maayos na pagkakasunod-sunod ang mga titik na bumubuo sa isang salita, pantig,
agham, at iba pa.daglat, inisyal, akronim, simbolong pang-agham, at iba pa.

PASALAMAT PASALITA
it /ay-ti/
PANTIG pag /pi-ey-dyi/
kon /key-o-en/
trans /ti-ar-ey-en-es/

PASULAT PASALITA
bansa /bi-ey-en-es-ey/
SALITA plato /pi-el-ey-ti-o/
Fajilan /kapital ef -ey-dyey-ay-eley-en/
Jihad /kapital dyey- ay-eyts-ey-di/

PASULAT PASALITA

MWS /kapital em- kapital dobulyu- kapital


AKRONIM (metropolitan Waterworks and es- kapital es/
Sewerage System)

ASEAN /kapital ey- kapital es kapital i-


(Association of Southeast Asean kapital ey- kapital en/
Nations)

PASULAT PASALITA

PAGASA /kapital pi- kapital ey- kapital


(Philippine Atmospheric, dyi- kapital ey- kapital es-
Geophysical, and kapital ey/
AKRONIM Astronomical Services
Administration)

HIV /kapital eyts- kapital ay- kapital vi/


(Human Immunodeficiency
Virus)

PASULAT Pasalita

Bb. (Binibini) /kapital bi-bi tuldok/

G. (Ginoo) /kapital dyi tuldok/


Gng. (Ginang) kapital dyi-en-dyi tuldok/
Dr. (Doktor) /kapital di-ar tuldok/
PASULAT PASALITA
MLQ /kapital em-kapital el-kapital
(Manuel L. Quezon) kyu/
TKO /kapital ti-kapital key-kapital o/
INISYAL Technical Knockout)
KKK /kapital key- kapital key-kapital
(Kataas-taasang Kagalang key /
galangang Katipunan)

MRT /kapital em- kapital ar


(Metro Rail Transit) kapital ti/
UCC /kapital yu- kapital si- kapital si/
(University of Caloocan City)

Pasulat Pasalita

Fe (iron) /kapital ef-i/


Simbolong
Pang-agham/ kg. (kilogram) /key-dyi tuldok/
Pangmatematika H,O (water) /kapital eyts-tu-kapital of
V (velocity) /kapital vi/

B. PASULAT NA PABAYBAY
Narito naman ang ilang tuntunin sa pagbaybay ng mga salita, particular sa paggamit ng walong dagdag
na titik(c, f, j, `n, q v, x,z) para sa:

1. Pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita mula sa mga katutubong wika sa
pilipinas.
HALIMBAWA:
palavvun(ibanag)bugtong
kazzing(itawes)kambing
jambangan(Tausug)halaman
safot(Ibaloy)sapot ng gagamba
masjid(Tausug,maranaw) gusaling sambahan ng mga muslim

2. Mga bagong hiram na salita sa mga wikang banyaga. Ang mga dating hiram na salitang lumaganap na
sa baybay na ayon sa abakada ay hindi na saklaw ng panuntungang ito.
HALIMBAWA;
selfie
digital detox
3. Mga pangngalang pantangi na hiram sa wikang barryaga, katawagang slyenti-piko at teknikal, at mga
salang mahirap na dagliang ireispel.
Halimbawa:

Jason Zeitgeist cauliflower


Mexico quorum bouquet
Nueva Vizcaya valence flores de mayo

Bukod sa pagbaybay, pansinin natin ang mga tuntunin hinggi sa (1) pagpapalt ng D tungo sa R; (2)
paggamit ng "ng" at "nang"; at (3) wastong gamit ng gitling, na kadalasang ipinagkakamali sa pagsulat:

1. Sa kaso ng din/rin, daw/raw, ang Day napapalitan ng R kung ang sinusundan nitong sallia ay
nagtatapos sa patinig O sa malapatinig na W at Y (halimbawa: malaya rin, mababaw rawl. Nanatin ito sa
D kung sa katinig naman nagtatapos ang sinusundany salita (halimbawa: aalis din, malalim daw).
Gayundm, nananatili ang D kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa -ra, -ri, -raw, o -ray
(halimbawa: maaari din, araw-araw daw).

2. May mga limang tiyak na paggamit ng nang:


A. bilang kasingkahulugan ng noong (halimbawa. "Nang dumating ang mga amerikano sa Pilipinas,
kaagad silang nagpatayo ng mga paaralan"]
B. bilang kasingkahulugan ng upang o para (halimbawa: "\ikinulong ni Ana ang aso nang hindi na ito
makakagat pa.")

C. katumbas ng pinagsamang na at ng (halimbawa, "Malapit nang makauwi ang Kaniyang tatay mula sa
Saudi Arabia")
D. pagtukoy sa pang-abay na pamaraan at pang-abay na pan odano (halimbawa: "Iniabot nang palihim ni
Carl ang liham kay Christine." tumaas nang sobra ang presyo ng langis.")
E. bilang pang-angkop ng inuulit na salita (halimbawa: "Pabilis nang pabilis ang ikot ng elisi ng
eroplano.")

Maliban sa limang ito, sa ibang pagkakataongang gamitin ang ng.


3. Wastong gamit ng gitling (-):
a. sa inuulit na salita, ganap man o hindi(halimbawa:araw-araw, gabi-gabi, para-paraan)
b. sa isahang pantig na tunog o onomatopeya(halimbawa:tik-tak, brum-brum
c. sa paghihiwalay ng katinig at patinig (halimbawa: pag-aaral, mag-asawa)
d. sa paghihiwalay sa sinusundang pangngalang pantangi (halimbawa: Marikina, maka-Pilipino)
e. sa paghihiwalay sa sinusundang banyagang salita na nasa orihinal nabaybay (halimbawa: mag-
compute, pa-encode)
f. sa pantig na may kakaibang bigat sa pagbigkas, partikular sa sinaunang Tagalog at sa iba pang wika sa
Pilipinas (halimbawa: gab-i, mus-ing, lab-ong)
g. sa bagong tambalang salita (halimbawa: lipat-bahay, amoy-pawis)
h. sa paghihiwalay ng numero sa oras at petsang may ika- (hal. ika-12 ng tanghali, ika-23 ng Mayo) at sa
pagbilang ng oras, numero man o salita, na ikinakabit sa alas- (halimbawa: alas-2 ng hapon, alas-dos ng
hapon)
i. sa kasunod ng "de" (halimbawa: de-lata, de-kolor)
j. sa kasunod ng "di" (halimbawa: di-mahawakan, di-kalakihan)
k. sa apelyido ng babaeng nagasawa upang maipakita ang orihinal na apelyido noong dalaga pa
(halimbawa: Genoveva Edroza-Matute)

LAYAG-DIWA
A. Mula sa naging talakay, ipaliwanag sa sariling pananalita kung paano nagkakaiba ang kakayahang
lingguwistiko at lingguwistikong pagtatanghal, Isulat ang paliwanag sa mga kahong nakalaan sa ibaba.

Kakayahang Lingguwistiko Lingguwistikong Pagtatanghal

B. Lagyan ng tsek () ang kahon sa unahan ng bawat salita kung tumutugon ito sa wastong pagbaybay.
Lagyan naman ng ekis (X) kung hindi at ibigay ang wastong baybay. Ipaliwanag din ang dahilan ng
pagwawasto.

Kalookan carinosa

Felina kompyuter

seroks Nuweba Esiha

vakuL Mosque

shampoo CT scan

Magsaliksik sa aklatan, e-book, at Internet hinggil sa sumusunod. Magbigay ng mga halimbawa at iulat sa
klase ang iyong nasaliksik.

1. paggamit ng orihinal na baybay, partikular ng mga salitang mula sa iba't ibang rehiyon at propesyon
2. pagbaybay sa mga salitang hinuhulapian (kaso ng -an at -han; -in at -hin)
3. paghuhulapi sa mga salitang may "o" sa huling pantig (halimbawa: gulo, pasok) at nagtatapos sa "e"
(halimbawa: babae, suwerte);
4. panghihiram sa Espanyol at sa Ingles
5. paggamit ng pang-angkop na "nang" at "ng’’

LAMBAT-LIKHA
Tamang baybay. Sumipi o gumupit ng isang artikulo sa magasin o pahayagang nakasulat sa
wikang Filipino. Basahin at suriin ang kawastuan sa gramatika ng mga pahayag ayon sa
itinatakda ng 2014 edisyon ng Ortograpiyang Pambansa ng Komisyon sa Wikang Filipino
na tinalakay sa aralin.
Sundin ang pormat sa ibaba sa isa o higit pang maikling bond paper:

Idikit o ilagay rito ang kopya ng artikulo

PANGALAN:_____________________________________________

ARALIN 10
Kakayahang Sosyolingguwistiko

ABOT-TANAW
Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

*naipaliliwanag ang kahulugan ng kakayahang sosyolingguwistiko;


*nauunawaan ang sitwasyong komunikationbatay sa pagtukoy sa sino, paano, kailan, saan,
at bakit nangyari ang gawaing pangkomunikasyon; at
*nakabubuo ng mga pahayag na angkop sa iba't ibang kontekstong sosyoling-guwistiko.

Buuin ang paunawa ng pamahalaanghinggil sa pag-iwas sa sunog sa panahon


ng Pasko sa pamamagitan ng pagpili ng naangkop na salita o parirala mula sa
mga nasa loob ng kahon. Ipaliwanag ang naging batayan ng pagpili.

_________________ ang ilan sa mga bagay na dapat tandaan at isabuhay ng mamamayan


upang makaiwas sa sunog:
*Mag-ingat sa mga nabibiling pekeng Christmas lights at ________________________lamang ang
may mga marka ng Philippine Standards (PS) at Import Commodity Clearance(ICC).
* Suriin ang____________________________ na Christmas lights at siguraduhing walang sira o
damage sa mga kable nito.
Iwasang mag-overload ang electrical outlets. Kadalasan, ang mga outlet ay may kakayahan
lamang na__________________________ ng hanggang tatlong appliances. Tandaan, kapag ang
kable ng kuryente ay mainit, ito ay overloaded na at maaaring magdulotNng kapahamakan.
Gumamit ng mga non-flammable o hindi madaling_____________________________na dekorasyon
at ilayo rin ang mga ito sa mga bagay na maaaring magdulot ng sunog.

TANGKILIKIN NARITO MASIRA GINAGAMIT KUHANIN


HUMAWAK MAG-HANDLE ITO NA NGA MAGLIYAB PINAPAANDAR

LUSONG-KAALAMAN

Isadula Natin. Bumuo ng limang pangkat. Magsadula ang bawat pangkat ng isang
eksenang tatagal nang lima hanggang sampung minuto na nakaayon sa lunan at mga tiyak
na tauhan sa ibaba:
Pangkat 1 - tahanan: tatay, nanay, ate, kuya, bunso, kapitbahay
Pangkat 2 - paaralan: punongguro, guro, estudyante, kaklase
Pangkat 3 - palengke: mamimili, tindera, negosyante
Pangkat 4 - ospital: doktor, nars, pasyente, kamag-anak ng pasyente
Pangkat 5 - opisina: boss, sekretarya, iba pang empleyado

Pansinin ang mabubuong diyalogo sa pagitan ng mga tauhan. May pagkakaiba-


iba ba kanilang paggamit ng wika? Talakayin sa klase ang obserbasyon.

GAOD-KAISIPAN
Kakayahang Sosyolingguwistiko: Paglikha ng Angkop na Pahayag sa Tiyak
na Sitwasyon.

Paano ka nakikipag-usap sa iyong magulang, guro, at iba pang nakatatanda?


Katulad lamang ba ito ng pakikipag-usap mo sa iyong mga kaibigan at
kaklase?
Sa lahat ba ng lugar at pagkakataon ay malaya kang magsalita nang
magsalita ng anomang iyong nais sabihin o may mga sitwasyong
nangangailangan ng pagtitimpi? Ang mga tanong na ito, at marami pang iba,
ang siyang isasaaalang-alang natin sa paglilinang ng kakayahang
sosyolingguwistiko.

Ano ang Kakayahang Sosyolingguwistiko?


Tinutukoy ng kakayahang sosyolingguwistiko ang kakayahang gamitin ang
wika nang may naaangkop na panlipunang pagpapakahulugan para sa isang
tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon. Halimbawa, inaasahan sa atin ang
paggamit ng pormal na wika (halimbawa: "Magandang araw po! Kumusta po
kayo?") sa pakikipag-ugnayan sa mga nakatatanda at may awtoridad, kaiba sa
paggamit natin ng impormal na wika (halimbawa "Uy! Kumusta ka naman?")
sa ating mga kaibigan at kapareho ng estado. Kadalasan, para sa mga taal na
tagapagsalita ng isang wika (halimbawa, ang mga tao na Tagalog ang unang
wika ay tinatawag na taal na tagapagsalita ng Tagalog), nagiging natural
lamang o hindi na kailangang pag-isipan ang paggamit ng naaangkop na
pahayag ayon sa sitwasyon. Gayunman, para sa hindi taal na tagapagsalita,
dapat niyang matutuhan kung paano "lumikha at umunawa ng wika sa iba't
ibang sosyolingguwistikong konteksto, na may pagsasaalang-alang sa mga
salik gaya ng estado ng kausap, layunin ng interaksiyon, at itinatakdang
kumbensiyon ng interaksiyon" (Freeman at Freeman 2004).

Nilinaw ng sosyolingguwistang sl Dell Hymes (1974) ang nasabing mahah


alik ng lingguwistikong interaksyon gamit ang kaniyang modelong SPEAKING:

S- Setting and Scene: Saan ang pook ng pag-uusap o ugnayan? Kailan ito
nangyari;
P- Participants: Sino-sino ang kalahok sa pag-uusap?
E- Ends: Ano ang pakay, layunin, at inaasshang bunga ng pag-uusap?
A - Act Sequence. Paano ang takbo o daloy ng pag-uusap?
K - Key: Ano ang tono ng pag-uusap? Seryoso ba o pabiro?
I- Instrumentalities: Ano ang anyo at estilo ng pananalita? Kumbersasyonal
ba o may mahigpit na pagsuned sa pamantayang panggramatika?
N - Norms: Ano ang umniiral na panuntunan sa pag-uusap at ano ang
reakslyon dinto ng mga kalahok? Malaya bang nakapagsasalita ang mga
kalahok o nalilimitahan ba ang pagkakataon ayon sa uri, lahi, kasarian, edad,
at iba pang salik?
G - Genre: Ano ang uri ng sitwasyon o materyal na ginagamit
(halimbawa:interbyu"panitikan, liham)?

Nakapaloab ang modelong nasa itaas sa tinatawag ni Hymes na etnograpiya ng


komunikasyon. Ang salitang etnograpiya ay nangangahulugang sistematikong pag-aaral sa
tao at kultura sa pamamagitan ng personal na pagdanas at pakikipag-ugnayan sa mga
kalahok sa kanilang natural na kapaligiran. Kung ilalapat ito sa komunikasyon, sinasabi na
ang pag-aaral sa wika ay nararapat na nakatuon sa paglalarawan at pagsusuri sa kakayahan
ng tagapagsalita na gamitin ang wika sa tunay na sitwasyon (Farah 1998). Isang kahingian,
kung gayon, na pahalagahan ang mya salik na nababanggit sa modelong SPEAKING tungo
sa mas maayos at mabisang komunikasyon sa tiyak na konteksto.

Pagkilala sa Mga Varayting Wika


Bahaging kakayahang sosyolingguwistiko ang pagkilala sa mga pagbabago sa wika at pag-
aangkop ng gamit nito ayon sa lunan at sitwasyon. Sa mga naunang aralin ay natalakay na
natin ang mga varayting wika. Ang mga varayti na ito ay nagpapahiwatig ng;

pormalidad at impormalidad ng sitwasyon - maaaring maging pormal o impormal ang


pananalita depende sa kung sino ang kinakausap;

ugnayan ng mga tagapagsalita - may pagkakapareho sa paraan ng pagsasalita ang mga


magkakaibigan. Nailalangkap din nila ang mga biruan at pahiwatigan na hindi
mauunawaan ng hindi kabilang sa kanilang grupo;

pagkakakilanlang etniko at pagkakapaloob sa isang pangkat – gumagamit ng lokal na wika


at/o diyalekto sa kausap na nagmula sa kaparehong bayan ng tagapagsalita; at

awtoridad at ugnayang pangkapangyarihan - tinitiyak ang pormalidad kaangkupan ng


salita sa harap ng guro, magulang, at iba pang nakakatanda at may awtoridad.

lipunan at itinatalastas sa kausap o grupo ng mga tao. Sa ganitong kalagayan ay nakabubuo


ng iba't ibang konteksto ng paggamit sa wika dulot na rin ng paglahok ng mga tao na may
iba't ibang gawain, papel, interes, at saloobin sa proseso ng komunikasyon. Kaya naman,
masasabing katangian din ng wika ang pagiging heterogeneous o pagkakaroon ng iba't
ibang anyo bunga ng lokasyong heograpiko, pandarayuhan, sosyo-ekonomiko, politikal, at
edukasyonal na kaangkinan ng partikular na komunidad na gumagamit ng
wika(Constantino 2002).

Bilang halimbawa, pansininin ang humigit-kumulang na anyo ng diyalektong Cebuano-


Filipino, dulot ng hindi pag-uulit ng pantig gaya ng Tagalog at hindi paggamit ng panlaping
um na hinahalinhan ng panlaping ma-:
‘’Huwag kang magsali sa laro."
‘’Madali ang pagturo ng Filipino."
Dahil ang Cebuano (o Sugbuanong Binisaya) ay isang tiyak na wikang nagsisilbing unang
wika ng tagapagsalita sa mga halimbawa sa itaas, nakaiimpluwensiya ito sa kaniyang
pagkatuto at pagsasalita ng pambansang wikang Filipino. Ito ang tinatawag na interference
phenomenon na siyang lumilikha ng iba pang natatanging varayti ng Filipino-llokano-
Filipino, Bikolnon-Filipino, Kapampangan-Filipino, Hiligaynon-Filipino, at iba pa. Dahil din
sa kaalaman sa mga wika, sa proseso ay nababago ng tagapagsalita ang gramatika sa
pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas, at pagbabago ng alituntunin
(Constantino2002). Kilala ito bilang interlanguage o mental grammar ng tao. Halimbawa
nito ang mga salitang gaya ng malling, presidentiable, at senatoriable na hindi matatagpuan
sa "standard"na Ingles.

Mahalagang maunawaan na ang ganitong varayti ng Filipino ay hindi maituturing na


pagkakamali. Sa pananaw ng sosyo-sikolohistang si William Labov, na siyang nagtaguyod
ng variability concept, likas na pangyayari ang pagkakaiba-iba ng anyo at pagkakaroon ng
mga varayti ng isang wika. Kung gayon, nararapat kilalanin ang pagkakapantay-pantay ng
mga varayti-walang maituturing na mataas o mababang anyo ng wika. At sa kaso ng wikang
Filipino, nangangahulugan itong lahat tayo ay may gampanin sa pagpapaunlad ng ating
wika bilang isang bansang may sariling pagkakakilanlan.

LAYAG-DIWA
A. Tukuyin ang ibig sabihin ng sumusunod.
1.etnograpiya ng komunikasyon -
2. wika bilang panlipunang penomenon -
3. interference phenomenon -
4. interlanguage -
5. variability concept-

B. Gamit ang graphic organizer na Tic-Tac-Toe, bumuo ng angkop na pahayag para sa


kinakausap na nakatalaga sa bawat kahon batay sa sitwasyong nasa kabilang pahina.

pahayag batay sa iba't ibang sitwasyon (Lightbown at Spada 2006). Halimbawa, ang
tanong na, "Sa iyo ba ang bag na iyan?" ay maaaring mangahulugan ng: (1) pagtitiyak sa
kung sino ang nagmamay-ari ng bag; (2) papuri o pagkutya sa estilo ng bag; o (3)
pagkainis sa nakakalat na bag.
Ang ganitong kakayahang komunikasibo ang nais nating itampok sa araling ito, sa
pamamagitan ng pag-unawa sa kakayahang pragmatiko.
Ano ang Kakayahang Pragmatiko?
Ayon kina Lightbown at Spada (2006), ang pragmatiko ay tumutukoy sa pag-aaral sa
paggamit ng wika sa isang partikular na konteksto upang magpahayag sa paraang
iretsahan o may paggalang, Ibig sabihin, ang isang taong may kakayahang pragmatiko
ay mabisang nagagamit ang yaman ng wika upang makapagpahayag ng mga intensiyon
at kahulugang nadayon sa konteksto ng usapan at gayundin, natutukoy ang
ipinahihiwatig ng sinasabi, di-sinasabi, at ikinikilos ng kausap. Kadikit ng paglinang sa
kakayahang pragmatiko ang konsepto ng speech act. Para sa pilosopo sa wika na si J. L.
Austin (1962; sipi kay Hoff 2001), ang pakikipag-usap ay hindi lamang paggamit ng
mga salita upang maglarawan ng isang karanasan kundi"paggawang mga bagay gamit
ang mga salita" o speech act. Halimbawa nito-ay pakikiusap, pagtanggi,
pagpapaumanhin, pangangako, at iba pa.

May tatlong sangkap ang speech act: (1) ang sadya o intensiyonal na papel nito o
illocutionary force; (2) ang anyong lingguwistiko o locution; at (3) ang epekto nito sa
taga-pakinig o perlocution:
SANGKAP KAHULUGAN HALIMBAWA
illocutionary force sadya o intensiyonal na pakiusap, utos, pangako
papel
locution anyong lingguwistiko patanong, pasalaysay
perlocution epekto sa tagapakinig pagtugon sa hiling,
pagbibigay-
atensiyon

Tingnan natin ang isang senaryo. Isang kostumer sa restoran ang nagpahayag sa weyter
ng ganito: "Mayroon ba kayong tubig na walang yelo?" Sa nasabing halimbawa, ang
illocutionary force ng kostumer ay ang paghiling na madalhan siya ng inuming tubig na
walang kasamang yelo. Ipinadaloy niya ito sa locution na patanong. Ang epekto nito, o
perlocution, ay ang pagsunod ng weyter sa kaniyang kahilingan.
Sa kaso ng pagkatuto ng ikalawang wika, tinatawag na interlanguage
pragmatics(Bardovi-Harlig 1999; sipi kay Lightbown at Spada 2006) ang pag-aaral sa
kung paano ang mga hindi taal na tagapagsalita ng partikular na wika at nagsisimulang
matuto nito ay umuunlad ang kakayahan sa pagpapahayag ng kanilang intensiyon sa
pamamagitan ng iba't ibang speech act.
Bahaging larangang ito ang pananaliksik na isinagawa nina Bardovi-Harlig at
Hartford 1993) hinggil sa paraan ng pagtanggi at pagbibigay-suhestiyon ng mga
estudyanteng Taal at di-taal na tagapagsalita ng Ingles sa ma sesyon ng akademikong
pagpapayo sa pakikipag-usap na ginagawa ng mga estudyanteng taal at di-taal na
tagapagsalita
isang unibersidad sa Amerika. Naobserbahan nila sa pag-aaral na ito ang pagkakaiba
pakikipag -usap na ginagawa ng mga estudyanteng taal at di-taal na tagapagsalita ng
ingles sa kanilang mga propesor hinggil sa pagpili ng kukuning kurso anila kapansin -
pansin ang pagiging pasibo ng di-taal na tagapagsalita sa usapin ng pagbibigay ng
sunestiyong ibinibigay ng tagapayong propesor ng mga di-taal na tagapagsalita. Dagdag
pa ritodirektang ipinahayag ng di-taal tagapagsalita ang kaniyang pagtanggi kumpara
taal na tagapagsalita na ipinadadaan sa isang alternatibong suhestiyon ang hindi
pagsang ayon. Halimbawa, sa mungkahing kurso ng tagapayo, ang isang di-taal na
tagapagsalita Ingles ay magpapahayag ng, "I think I am not interested in that course," na
kaiba sa sasabihis ng taal na tagapagsalita na nagbibigay pa ng suhestiyon sa anyong, "I
think this other course would better meet my needs . "

Sa nabanggit na sitwasyon, mahihinuha kung gaano kahalagang linangin ang kaka


yahang pragmatiko upang umayon sa hinihingi ng konteksto at makamit ang
inaasahang resulta mula sa kausap.

Berbal at Di-Berbal na Komunikasyon


Sa paglilinang ng kakayahang pragamatiko, mahalagang isaisip ang pag-iral ng
dalawang uri ng komunikasyon-ang berbal at di-berbal na komunikasyon.

Ang berbal na komunikasyon ay ang uri ng komunikasyong gumagamit ng salita sa


anyong pasalita at/o pasulat man. Nagagawa ang paraang oral sa pamamagitan no
pakikipag-usap sa kaanak, kaibigan, at kakilala, pakikipagtalastan sa klase, at paglahok
sa mga usapan sa kumperensiya at seminar. Pasulat naman itong napadadaloy sa mga
sulatin sa klase, paglikha ng blogpost, pagbuo ng manifesto at bukas na liham, at iba pa.

Isa pang uri ng komunikasyon ang di-berbal na komunikasyon. Ayon sa mga pag-aaral,
lubhang napakalaki ng elementong di-berbal sa pakikipag-usap sa mga
taongnnapapaloob sa sariling kultura. Sa katunayan, tinatayang 70 porsiyento ng isang
karaniwang kumbersasyon ang binubuo ng di-berbal na elemento (Maggay 2002). Ang
iba't ibang anyo ng di-berbal na komunikasyon ay ang sumusunod;

1. Kinesika (Kinesics) - tumutukoy sa kilos o galaw ng katawan. Bahagi nito ang


ekpresyon ng mukha, galaw ng mata, kumpas ng mga kamay, at tindig ng katawan.
2. Proksemika (Proxemics) - tumutukoy sa oras at distansi oras ay maaaring pormal
gaya ng isinasaad ng relo, o impormal na karaniwang nakadikit sa kultura gaya ng mga
terminong "ngayon na," "sa lalong madaling panahon, ‘’at’’ mamaya na. ‘’ Ang distansiya
naman ay nagbabago rin depende natamong ugnayan sa kausap. Kapansin-pansing ang
mga bagong magkakilala may mas malaking distansiya kumpara sa mga taong matalik
na magkakaibigan
3. Pandama o Paghawak (Haptics) - itunuturing na isa sa mga pinakaunang anyo
komunikasyon. Kadalasang nagsasaad ito ng positibong emosyon o pakikira sa mga
hindi magandang karanasan. Halimbawa nito ay pagtapik sa balik pagyakap sa kausap.
4. Paralanguage - tumutukoy sa tono ng tinig at kalidad at bilis ng pagsasalita

5. Katahimikan o Kawalang-Kibo - lubhang makahulugan na karaniwang ginagawa


upang mag-isip at paghandaan ang sasabihin, o dili kaya ay magparating ng tampo o
sama ng loob.
6. Kapaligiran - tumutukoy sa pinagdarausan ng pakikipag-usap at ng kaayusan nito.
Mahihinuha ang intensiyon ng kausap batay sa kung saang lugar makipag-usap.

Ang Kagawiang Pangkomunikasyon ng mga Pilipino


Nakapaloob sa kakayahang pragmatiko ang pagkilala sakagawiang pangkomunikasyon
ng mga tagapagsalita ng wikang pinag-aaralan. Sa pamamagitan nito, natatantiya ng
isang mag-aaral ng wika kung ang kaniyang sasabihin ay maaaring maging lubhang
tuwiran o napapalooban ng tamang pagkilala at paggalang sa kausap. Sa pag-aaral sa
kultura at komunikasyon na isinagawa ni Maggay (2002), kaniyang binigyang-diin ang
pagiging high context ng kulturang Pilipino. Ibig sabihin, mataas ang ating
pagbabahaginan ng mga kahulugan kahit sa pamamagitan ng pahiwatig. Mapapansin ito
sa kung paano nating itinuturing ang katahimikan o kawalang-kibo bilang malalim na
pag-iisip at kung gayon ay lubhang makahulugan.

Dagdag pa niya, ang pahiwatig ang maituturing na pinakalaganap at pinakabuod ng


kulturang pangkomunikasyon. Ito ay "isang katutubong pamamaraan ng pagpapahayag
na di-tuwirang ipinaaabot ngunit nababatid at nahihiwatigan sa pamamagitan ng
matalas na pakikiramdam at matunog na pagbabasa ng mga himaton; o ng mga verbal
na palatan-daang kaakibat nito" (p. 25). Maaaring ang pagpapahiwatig ay berbal, di-
berbal, o kombi-nasyon nito. Kadalasang ginagawa ito bilang pagsasaalang-alang sa
damdamin at dangal ng isang tao.

Narito ang ilang mga salitang kaugnay ng pahiwatig (Maggay 2002):


1. Mga salitang di-tuwirang pagtukoy o palihis na pagpapatama o pagpupuntirya:
a. pahaging - isang mensaheng sinadyang magmintis at ipinaalingawngaw lamang sa
paligid.
b. padaplis - isang mensaheng sadyang linis sa layuning matamaan nang bahagya ang
kinauukulan nito.
2. Mga salitang ang pinatatamaan ng mensahe ay hindi ang kausap kundi ang mga taong
nasa paligid at nakaririnig ng usapan:
a. parinig - malawakang ginagamit upang maiparating ang naisasaloob, hindi sa kaharap
na kausap kundi sa sinomang nakikinig sa paligid
b. pasaring - mga berbal at di-berbal na pagpaparating ng puna, paratang, at iba pang
mensaheng nakasasakit sa mga nakaririnig na kunwari ay labas sa usapan.
3. Mga salitang kumukuha ng atensiyon sa pamamagitan ng pandama:
a. paramdam - isang mensaheng ipinaaabot ng tao, o maging ng espiritu, sa
pamamagitan ng mga ekspresyong nararamdaman gaya ng pagdadabog, pagbabagsak
ng mga kasangkapan, malakas na pagsasara ng pinto, kos, at iba pa.

Ano ang Kakayahang Diskorsal?


Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino (2010), ang diskurso ay nangangahulugan no "pag-
uusap at palitan ng kuro"(2010). Mula rito, mahihinuha na ang kakayahang diskorsal ay
tumutukoy sa kakayahang umunawa at makapagpahayag sa isang tiyak na wika.
Dalawa sa karaniwang uri ng kakayahang diskorsal ay ang kakayahang tekstuwal at
ang kakayahang retorikal. Tumutukoy ang kakayahang tekstuwal sa kahusayan ng isang
indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba't ibang teksto gaya ng mga akdang
pampanitikan, gabay instruksiyonal, transkripsiyon, at iba pang pasulat na
komunikasyon. Sa kabilang banda, ang kakayahang retorikal ay tumutukoy naman sa
kahusayan ng isang indibidwal na makibahagi sa kumbersasyon. Kasama rito ang
kakayahang unawain ang iba't ibang tagapagsalita at makapagbigay ng mga pananaw o
opinyon.

Kung ang isang bisita sa programang pantelebisyon ay sumasagot lamang nang paisa
sang salita sa mga tanong ng tagapanayam, mahuhusgahan siyang mahina sa
kakayahang diskorsal, partikular sa kakayahang retorikal, at malamang ay hindi na
muling maimbitahan. Gayundin naman, ang isang taong hindi binibigyan ng
pagkakataon ang iba na magsalita palagiang nagpapahayag hinggil sa paksang taliwas
sa pinag-uusapan ay masasabi ring may suliranin sa ganitong kakayahan. Ayon kay
Grice (1957, 1975; sipi kay Hoff 2001), may dalawang batayang panuntunan sa
pakikipagtalastasan. .Ang unang tuntunin ay ang pagkilala sa pagpapalitan ng pahayag.
Ang ikalawa naman ay ang pakikiisa, na kinapapalooban ng mga panuntunan hinggil sa
kantidad, kalidad, relasyon, at paraan ng kumbersasyon :

Panuntunan sa Kumbersasyon (Grice 1957, 1975)


Gawing impormatibo ang ibinibigay na
KANTIDAD impormasyon ayon sa hinihingi ng pag-
uusap-hindi lubhang kaunti o lubhang
daming impormasyon.
Sikaping maging tapat sa mga pahayag;
KALIDAD iwasang magsabing kasinungalingan o ng
anomang walang sapat na batayan.
RELASYON Tiyaking angkop at mahalaga ang
sasabihin.
Tiyaking maayos, malinaw, at hindi
PARAAN lubhang mahaba ang
asabihin.

Sa pagtamo ng mataas na kakayahang diskorsal, mahalagang sangkap sa paglikha ng


mga pahayag ang kaugnayan at kaisahan. Ang kaugnayan ay tumutukoy sa kung
paanong napagdidikit ang kahulugan ng mga pangungusap o pahayag sa paraang
pasalita o pasulat. Tingnan ang halimbawa:
A: Ang kalat naman dito!
B: Aayusin ko lang ang mga libro.
Mapapansin sa senaryo na walang pang-ugnay na gramatikal o leksikal ang mga
pahayag. Gayunman, ang palitan ng pahayag ay may kaugnayan dahil naunawaan ni B
ang pagkadismaya ni A at mula rito ay tumugon nang nararapat.

Tumutukoy ang kaisahan sa kung paano napagdidikit ang dalawang ideya sa


lingguwistikong paraan. Nakapaloob dito ang paggamit ng mga panghalip (halimbawa:
siya, sila, ito) bilang panghalili sa mga natukoy na sa simula ng pahayag at pagdaragdag
ng mga kataga, panuring, at kumplemento upang pahabain ang mga pangungusap.
Gayundin, maaari ding pagtambalin ang mga payak na pangungusap o sugnay.

1. Pagpapahaba sa Pangungusap- napahahaba ang pangungusap sa


pamamagitan ng mga katagang gaya ng pa, ba, naman, nga, pala, at iba pa.

Halimbawa:
May ulam.
May ulam ba?
May ulam pa.
May ulam pa ba?
May ulam pa nga pala.
May ulam naman pala.

2. Pagpapahaba sa pamamagitan ng panuring - napahahaba ang pangungusap sa


tulong ng mga panuring na na at ng.
Halimbawa:
Siya ay anak.
Siya ay anak na babae.
Siya ay anak na bunsong babae.

3. Pagpapahaba sa pamamagitan ng komplemento - napahahaba ang


pangungusap sa pamamagitan ng komplemento o ang bahagi ng panaguri na nagbibigay
ng kahulugan sa pandiwa. Ang iba't ibang uri ng komplemento ng pandiwa ay
tagaganap, tagatanggap, ganapan, dahilan o sanhi, layon, at kagamitan.
a. Komplementong tagaganap - isinasaad ang gumagawa ng kilos. Pinangungu-nahan ng
panandang ng, ni, at panghalip
Halimbawa:
Ibinalot ni Jay ang mga tirang pagkain.
Ibinalot niya ang mga tirang pagkain.
Ibinalot ng kaniyang kaibigan ang mga tirang pagkain.

b. Komplementong tagatanggap - isinasaad kung sino ang nakikinabang sa kilos.


Pinangungunahan ng mga pang-ukol na para sa, para kay, at para kina.
Halimbawa:
Naghanda ng regalo si Thea para sa kaniyang kapatid.
Bumili ng laruan si Bryan para kay Jave.
Nagpaluto ng pansit si Will para kina Eugene at Elyrah.

C. Komplementong ganapan - isinasaad ang pinangyarihan ng kilos. Pinangungunahan ng


panandang sa at mga panghalili nito.
Halimbawa:
Namalagi sila sa evacuation area.
Namalagi sila rito
Namalagi sila roon.

d. Komplementong sanhi - isinasaad ang dahilan ng pangyayari o ng kilos. Pina-


ngungunahan ng panandang dahil sa o kay at mga panghalili nito.
Halimbawa:
Nabaon sa utang si Delia dahil sa pagkakalulong sa sugal.
Dahil kay Alvin, naparusahan ni Michelle.

e. Komplementong layon - isinasaad ang bagay na ipinahahayag ng pandiwa.


Pinangungunahan ng panandang ng.
Halimbawa:
Regular na umiinom ng gamot ang aking lola.
Naglalako ng turon si Aling Pising tuwing hapon.

f. Komplementong kagamitan - isinasaad ang instrumentong ginamit upang


maisakatuparan ang kilos. Pinangungunahan ng pariralang sa pamamagitan ng at mga
panghalili nito.
Halimbawa:
Sa pamamagitan ng Internet, napapabilis ang pagkuha ng impormasyon.
Magkakasundo lamang sila sa pamamagitan mo.

4. Pagpapahaba sa pamamagitan ng pagtatambal - napagtatambal ang dalawang


payak na pangungusap sa pamamagitan ng mga pangatnig na at, ngunit, datapwat, subalit,
saka, at iba pa. Ang mabubuong pangungusap ay tinatawag na tambalang pangungusap.
Halimbawa:
Nagtatrabaho -sa pabrika ang kaniyang tatay at nagtitinda sa palengke ang
kaniyang nanay.
Matagal siyang mag-aral ng aralin subalit tiyak namang matataas ang kaniyang
marka sa mga pagsusulit.
TYPES OF SPEECHES

1. MANUSCRIPT SPEECH

What is MANUSCRIPT SPEECH?


When speaking from a manuscript, you write and deliver a speech word for
word. The question is, for whom is the manuscript method most advantageous?
1. Public figures. Since public figures are always constrained by a hectic
schedule, they need ghost writers. Consequently, they would have to read the
text of the speech as it is. The President's State of the Nation Address (SONA) is
a concrete example of this situation.
2. Media personalities. Speakers on radio and television always battle with time
limits. For example, a televised panel discussion about a social issue ma
require radio and TV anchors to critically choose and refine the words of
their speech in advance.
3. Spokespersons for government and private organizations. This public
speaking role requires a great deal of contemplation and preparation. For
example, we have speeches of different country's spokespersons in an
TIPS IN USING MANUSCRIPT SPEECH?
1. Practice! Practice delivering the speech several times. Mark the text. Even if it's a
manuscript, know the speech by heart. Only if you do these can you keep frequent eye
contact with the audience.
2. Adapt! Even if you have a manuscript, feel free to modify the text when the situation
demands it. If you observe that your audience is bored, you may use shorter yet more
vigorous words. If your audience is impatient, add words of strong motivational power. If
your audience is anxious, share personal anecdotes to lighten the mood.

TIPS IN USING MANUSCRIPT SPEECH?


1. Prepare! Keep your text easy to use by neatly composing it in triple space.
2. Mark! Own your manuscript by highlighting key words and phrases. This way you will be
guided during the speech delivery.
3. Practice! You can make a lot of notes on the draft of your manuscript during the first few
rehearsals, but make sure to reprint your script, especially if you make too many changes.
4. Practice some more! Read the text over and over orally. This will help you avoid
mispronounced words, faulty starts, and wrong pauses. As you practice, vary the volume,
rate, and pitch of your voice during appropriate points in the speech.
5. Concentrate! Concentrate on keeping eye contact, but do not stare at only one section of
the audience. It is best if you familiarize yourself with the most important parts of your
speech. If you do this, you will be more confident in looking at your audience during the key
points of the speech.
6. Act it out! Use a lectern or a podium when practicing the speech. If you can find one
before the actual speech delivery, practice using it so that you will be used to laying your
notes flat on the podium and looking at them once in a while.

2. MEMORIZED SPEECH

What is MEMORIZED SPEECH?


A memorized speech requires you to commit the speech to memory so that you do not
bring your notes when delivering it. As with the manuscript speech, you also run the risk of
sounding mechanical during a memorized delivery. For this reason, keep your memorized
speech short and work harder on your facial expressions and the tone of your voice.
TIPS IN MEMORIZED SPEECH?
1. Break it down! You cannot memorize a speech in one sitting. If your speech has four
paragraphs, you should focus on one paragraph at a time. Once you have memorized the
first paragraph, focus on the next one.
2. Build it up! After memorizing the speech in snippets, you need to put them together.
Recite the first paragraph and move on to the second. After this, recite the first and second
paragraphs and move on to the third. The next thing you know, you have completed your
speech.
3. Speak out! Do not memorize the speech silently. When you recite your speech over and
over while memorizing it, your brain multitasks and aids your memory retention.
4. Identify keys! Identify a key point in every paragraph. Even if you miss out some of the
words in the actual speech delivery, you can easily expound on the key points.
5. Have a break! After memorizing some parts of your speech, take a break for some hours
or for a day. After this, recite the speech again. This will test how well you can recall what
you think you have memorized.
6. Record and listen! Record yourself delivering the speech and listen to it over and over
again. Like a song, the speech will get stuck in your head.
7. Use note cards! Write one key point on one note card. Bring these note cards wherever
you go and take them out whenever you have extra time to memorize, especially during
idle times of the day.

3. IMPROMPTU SPEECH

WHAT IS IMPROMPTU SPEECH


Impromptu speeches are delivered with little or no time for preparation. In most instances,
you are called to speak at the spur of the moment because you are expected to be
knowledgeable about the subject.

4. EXTEMPORANEOUS SPEECH

What is EXTEMPORANEOUS SPEECH?


An extemporaneous speech is a planned and prepared speech. Unlike memorized or
manuscript speeches which are delivered word-for-word, an extemporaneous speech is
delivered with the help of short notes and a clear outline. Most people who speak in public
often prefer the extemporaneous method of delivery. Although it might look more
challenging than the manuscript or memorized speeches, it is more spontaneous and
personal.
TIPS IN EXTEMPORANEOUS SPEECH?
1. Reinforce! You may explore other main points, but always refer back to your thesis. This
will greatly help your audience remember your message.
2. Capture! State the central idea of your extemporaneous speech in one declarative
sentence. Keep your sentence specific. Ask yourself what you want your audience to know
exactly.
3. Develop! Now that you have a clear central idea, you are ready to map out the supporting
points in an outline.
4. Introduce! In the introduction, make sure you:
*grab the attention of the audience with a striking one-liner.
*give a short background by explaining why they have to listen.
*state your thesis.
5. Check! Develop at least three main points and check each of them with these questions:
. Does each point have one single idea?
. Does each point reiterate the thesis statement?
. Does each point prepare the discussion of the next main point?
6. Supply! Make sure that each main point has enough examples, testimonies, statistics, or
cases. In doing this, you give the audience new information or views to learn from.
7. Conclude! Reinforce your introduction by coming up with a closing attention-getter that
is related to your opening. Connect the needs and interest of your audience with the theme
of your speech. Restate your thesis or review your main points.

5. ENTERTAINMENT SPEECH

What is ENTERTAINMENT SPEECH?


An entertainment speech aims to share goodwill, joy, and pleasure to the audience. The
purpose of an entertainment speech is not to educate, inform, or inspire because the
primary goal is to make the audience relax, enjoy, and even laugh. This means that you, the
speaker, are expected to be friendly and relaxed, but still courteous during the speech
delivery. Moreover, you should know your audience well in order to entertain them
effectively.
6. INFORMATIVE SPEECH
informative speech can first be defined as a speech based entirely and exclusively on facts.
Basically, an informative speech conveys knowledge, a task that every person engages in
every day in some form or another.

7. PERSUASIVE SPEECH
Persuasive speaking is the form of communication that people of diverse backgrounds
mostly engage in. This kind of speech can center on any arguably interesting topic under
the sun. When you deliver your persuasive speech, your primary goal is to influence the
thoughts, feelings, actions, and behaviors or attitudes of your listeners
(Gamble & Gamble, 2012). Likewise, you also aim to change their perception and convince
them that your argument is more important, practical, attainable, or feasible. In essence,
you-as a persuasive speaker-advocate for whatever your message is.

You might also like