You are on page 1of 4

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Kakayahang Lingguwistiko: Pangunahing Sangkap sa Pagkatuto ng Wika


Simula sa unang baiting sa paaralan, hinahasa na ang mga mag-aaral sa ibat-bang pagsasanay sa
gramatika tungo sa pagbubuo ng mahuhusay na pangungusap, talata, at pahayag. Ang ganitong mga aralin
ay bahagi ng paglinang sa kakayahang lingguwistiko ng isang tao.
Tumutukoy ang kakayahang lingguwistiko sa abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng
maayos at makabuluhang pangungusap. Pinag-iiba ng mga lingguwista at mananaliksik sa wika ng bata
ang nasabing kakayahan sa tinatawag na kakayahang komunikatibo, na nangangahulugan naming abilidad
sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng isang interaksyong sosyal. (Hymes
1972)
Sa pananaw ng lingguwistang si Noam Chomsky (1965), ang kakayahang lingguwistiko ay isang
ideyal na sistema ng di-malay o likas na kaalaman ng tao hinggil sa gramatika na nagbibigay sa kaniya ng
kapasidad na gumamit at makaunawa ng wika. Pumapaloob dto ang kaalaman ng tao nap ag-ugnayin ang
tunog at kahulugan nito. Iba ito sa isinasaad ng lingguwistikong pagtatanghal (linguistic performance) o
ang aplikasyon ng sistema ng kaalaman sa pagsulat o pagsasalita.
Hindi maipaghahalitulan ang kakayahang lingguwistiko at lingguwistikong pagtatanghal dahil sa
huli ay maaaring kapalooban ng mga interperensiya o sagabal. Halimbawa, ang pagkautal ng isang
tagapagsalita habang nagbibigay ng talumpati ay hindi masasabing kawalan o kakulangan sa kakayahang
lingguwistiko. Maaaring ito ay dulot ng kanyang kaba na maituturing na sagabal sa kanyang
lingguwistikong pagtatanghal. Kinakailangang sanaying ng isang tao ang kaniyang komunikatibo upang
mapaimbabawan ang mga sagabal na ito na nagsisilbing puwang sa kaniyang pag-unawa at aksyon.
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino
Kakabit ng kakayahang lingguwistiko ng Pilipino ang wastong pagsunod sa tuntunin ng
bararilang Filipino. Sa kasaysayan, dumadaan na sa maraming pagbabago sa matandang balarila.
Tinutukoy nina Santiago(1977) at Tiangco(2003) ang sampung bahagi ng pananalita sa makabagong
gramatika na napapangkat sa sumusunod:
A. Mga Salitang Pangnilalaman:
1. Mga Nominal:
a. Pangngalan (Noun) – nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian,
pangyayari at iba pa.
b. Panghalip (Pronoun)– pamalit o panghalili sa pangngalan
2. Pandiwa (Verb)– nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa pangkat ng mga salita
3. Mga panuring
a. Pang-uri (Adjective)– nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip
b. Pang-abay (Adverb) – nagbibigay turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at
kapwa pang-abay
B. Mga Salitang Pangkayarian
1. Mga Pang-ugnay (Connectors)
a. Pangatnig – nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay (halimbawa: at, pati,
ni, subalit ngunit)
b. Pang-angkop – katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan
(halimbawa: na, -ng)
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

2. Mga pananda
a. Pantukoy – salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip (halimbawa: si,
ang, ang mga)
b. Pangawing o pangawil – salitang nagkakawing paksa o simuno at panaguri
(halimbawa: ay)
Bukod sa mga bahagi ng pananalita, mahalagang matutunan din ang wastong palabaybayan o
ortograpiya ng wikang Filipino. Mula sa mga naunang gabay sa ortograpiya, inilathala ng
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang 2014 edisyon ng Ortograpiyang Pambansa. Tunghayan
natin ang ilang tuntunin sa pagbaybay na pasalita at pasulat:
A. Pasalitang Pagbaybay
Paletra ang pasalitang pagbaybay sa wikang Filipino na nakaayon sa tunog-Ingles
ng mga titik, malibansa Ñ (enye) na tunog-Espanyol. Ibig sabihin, isa-isang
binibigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ang mga titik na bumubuo sa isang
salita, pantig, daglat, inisyal, akronim, simbolong pang-agham, at iba pa.

Pasulat Pasalita
it /ay-ti/
pag /pi-ey-dyi/
Pantig
kon /key-o-en/
trans /ti-ar-ey-en-es/

Pasulat Pasalita
bansa /bi-ey-en-es-ey/
plato /pi-el-ey-ti-o/
Salita
Fajilan /kapital ef-ey-dyey-ay-el-ey-en/
Jihad /kapital dyey-ay-eyts-ey-di/

Pasulat Pasalita
MWSS /kapital em- kapital dobolyu-
(Metropolitan Waterworks and kapital es- kapital es/
Akronim Sewerage System)
/kapital ey- kapital es- kapital i-
ASEAN
kapital ey- kapital en/

Pasulat Pasalita
Bb. (binibini) /kapital bi – bi tuldok/
G. (ginoo) / kapital dyi tuldok/
Daglat
Gng. (ginang) / kapital dyi – en – dyi tuldok/
Dk. (doctor) / kapital di – key tuldok/
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Pasulat Pasalita
/kapital em- kapital el- kapital
MLQ
kyu /
(Manuel L. Quezon)
Inisyal
TKO
/kapital ti- kapital key- kapital o/
(Technical Knockout)

Pasulat Pasalita
Fe (binibini) /kapital ef – i/
Simbolong Pang-agham/ kg. (ginoo) / key – dyi tuldok/
Pangmatematika
V (velocity) / kapital vi/

B. Pasulat na baybay
Narito naman ang ilang tuntunin sa pagbaybay ng mg salita, particular sa paggamit
ng walong dagdag na titik (c, f, j,Ñ, q, x, s)
1. Pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsusulat ng mga salita mula sa mga
katutubong wika sa Pilipinas.
Halimbawa:
palavvun (Ibanag) bugtong
kazzing (Itawes) kambing
jambangan (Tausug) halaman
safot (ibaloy) sapot ng gagamba
masjid (Tausug, Meranaw) gusaling sambahan ng mga muslim
2. Mga bagong hiram na salita sa mga wikang banyaga. Ang mga dating hiram na
salitang lumalaganap na sa baybay na ayon sa abakada ay hindi na saklaw ng
panuntunang ito.
Halimbawa : selfie
Digital detox
3. Mga pangngalang pantangi na hiram sa wikang banyaga, katawagang siyentipiko
at teknikal, at mga salitang mahirap na dagliang ireispel.
Halimbawa:
Jason zeitgeist cauliflower
Mexico quorum bouquet
Nueva Vizcaya valence flores de mayo
Bukod sa pagbaybay, pansinin natin ang mga tuntunin hingil sa (1) pagpapalit ng D tungo sa R;
(2) paggamit ng “ng” at “nang”; at (3) wastong paggamit ng gitling, na kadalasang ipinagkakamali sa
pagsulat:
1. Sa kaso ng din/rin/raw, ang D ay napapalitan ng R kung ang sinusundan nitong salita ay
nagtatapos sa patinig o sa malapatinig na W at Y (halimbawa: Malaya rin, mababaw raw).
Nanatili ito sa D kung sa katinig naman nagtatapos ang sinusundang salita (halimbawa: aalis
din, malalim daw). Gayundin, nananatili ang D kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa
-ra, -ri, -raw, o -ray. (halimbawa: maaari din, araw-araw daw)
2. May limang tiyak na paggamit ng “nang”:
a. Bilang kasingkahulugan ng “noong” (halimbawa: Nang dumating ang mga
Amerikano sa Pilipinas ay kaagad silang nagpatayo ng mga paaralan)
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

b. Bilang kasingkahulugan ng upang o para (halimbawa: Ikinulong ni Ana ang aso nang
hindi na ito makakagat pa.
c. Katumbas ng pinagsamang na at ng (halimbawa: Malapit nang makauwi ang
kaniyang tatay mula sa Saudi Arabia.)
d. Pagtukoy sa Pang-abay na pamaraan at pang-abay na panggano (halimbawa: “Inabot
nang palihim ni Carl kay June ang papel.” , Tumaas nang sobra ang presyo ng langis)
e. Bilang pang-angkop ng inuulit na salita (halimbawa: Pabilis nang pabilis ang ikot ng
elisi ng eroplano)
Maliban sa limang ito, sa ibang pagkakataon ay kailangan gamitin ang “ng”.
3. Wastong paggamit ng gitling (-)
a. Inuulit na salita, ganap man o hindi (halimbawa: araw-araw)\
b. Sa isahang pantig na tunog o onomatopeya (halimbawa: tik-tak, brum-brum)
c. Sa paghihiwalay ng katinig at patinig (halimbawa: mag-asawa, pag-aaral)
d. Sa paghihiwalay sa sinusundang pangngalang pantangi (halimbawa: pa-Marikina,
maka-Pilipino)
e. Sa paghihiwalay sa sinusundang banyagang salita na nasa orihinal na baybay
(halimbawa: mag-compute, pa-encode)
f. Sa pantig na may kakaibang bigat sa pagbigkas, partikular sa sinaunang Tagalog at sa
iba pang wika sa Pilipinas (halimbawa: gab-i, mus-ing, lab-ong)
g. Sa bagong tambalang salita (halimbawa: lipat-bahay, amoy-pawis)
h. Sa paghihiwalay ng numero sa oras at petsang mga ika- (ika-isa) at sa pagbilang ng
oras, numero man o salita, na ikinakabit sa alas- (alas-dos)
i. Sa kasunod ng “de” (de-lata. De-kolor)
j. Sa kasunod ng “di” (di-pareho)
k. Sa apilyedo ng babaeng nag-asawa upang maipakita ang orihinal na apilyedo noong
dalaga pa (Juana Edroza-Dela Cruz)
Taylan, D. etal. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

You might also like