You are on page 1of 70

KAKAYAHANG

KOMUNIKATIBO NG
MGA PILIPINO
KAKAYAHANG
LINGGUWISTIKO
LAYUNIN
•Naipaliliwanag ko ang
kahulugan ng kakayahang
lingguwistiko.
GAWAIN 1
Panuto: Subukin ang kakayahan sa pagkilala
sa gamit ng wika (Instrumental, Regulatoryo,
Hueristiko, Interaksiyonal, Personal,
Representatibo). Tukuyin ang pangunahing
gamit ng wika sa mga pahayag sa ibaba. Kung
mayroon pang nakikitang ibang gamit ng wika
sa pahayag, kilalanin at ipaliwanag ito sa
pamamagitan ng pagbibigay ng tiyak na
sitwasyon. Isulat ang mga sagot sa patlang.
GAWAIN 1
1) Kay gandang pagmasdan ng mga tanawin sa Boracay!
2) Pinapayuhan ang lahat ng residenteng nakatira sa
mababang lugar na maging alerto, maghanda at lumikas sa
posibleng panganib na dala ng pagbaha.
3) Kilala ko ang aking katawan at hindi ako maililigaw nito,
paikutin man akong paulit-ulit sa umpukan ng palengke at
parke.
4) Nilalabag ng Visiting Forces Agreement ang pambansang
soberanya at panteritoryong integridad ng Pilipinas.
5) Kumusta naman ang Buhay mo riyan sa Thailand?
GAWAIN
6) Sa pamamagitan ng Unang Pambansang Asemblea,
1
naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa noong
Nobyembre 13, 1936.
7) Nasasabik akong marating ang lalawigan ng aking mga
magulang.
8) Kapag kumukulo ang sabaw, isama ang bataw, sigarilyas,
sitaw, at puso ng saging.
9) Kayo ang boss ko, kayo ang lakas, kayo ang gumagawa ng
pagbabago – kaya kayo rin ang magpapatuloy nito.
10)Hindi ba’t nakalipas na ang araw ng pagpapasa ng
takdang aralin?
GAWAIN 2
Angkop na gamit. Humanap ng kapareha at
suriin ang mga pangungusap sa ibaba.
Salungguhitan ang angkop na salita sa loob ng
panaklong upang mabuo ang pangungusap.
Ipaliwanag ang nagging batayan ng pagpili.
GAWAIN 2
1) (Pahirin, Pahiran) mo ng mantekilya ang pandesal.
2) Pakidala ang pagkaing ito (kina, kila) Nelia at Pat.
3) (Mayroon, May) ba siyang pasalubong mula sa
Batangas?
4) Nariyan na yata ang Tatay! Buksan mo na ang
(pinto, pintuan)!
5) (Ooperahin, Ooperahan) si Maria bukas ng
umaga.
GAWAIN 2
6) Si Bryan ay (tiga-, taga-) Aklan.
7) (Punasan, Punasin) mo ang pawis sa iyong noo.
8) Ngayong bakasyon, (susubukin, susubukan) kong
mag-aral na magluto.
9) Nagmamadali niyang inakyat ang (hagdan,
hagdanan).
10)Halika nga rito at (walisin, walisan) mo ang mga
tuyong dahon sa bakuran.
GAWAIN 1
1) Kay gandang pagmasdan ng mga tanawin sa Boracay!
INTERAKSYONAL
2) Pinapayuhan ang lahat ng residenteng nakatira sa mababang
lugar na maging alerto, maghanda at lumikas sa posibleng
panganib na dala ng pagbaha. REGULATORYO
3) Kilala ko ang aking katawan at hindi ako maililigaw nito, paikutin
man akong paulit-ulit sa umpukan ng palengke at parke.
PERSONAL
4) Nilalabag ng Visiting Forces Agreement ang pambansang
soberanya at panteritoryong integridad ng Pilipinas.
REPRESENTATIBO
5) Kumusta naman ang Buhay mo riyan sa Thailand? INTERAKSYONAL
GAWAIN
6) Sa pamamagitan ng Unang Pambansang Asemblea,
1
naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa noong
Nobyembre 13, 1936. REPRESENTATIBO
7) Nasasabik akong marating ang lalawigan ng aking mga
magulang. PERSONAL
8) Kapag kumukulo ang sabaw, isama ang bataw, sigarilyas,
sitaw, at puso ng saging. REGULATORYO
9) Kayo ang boss ko, kayo ang lakas, kayo ang gumagawa ng
pagbabago – kaya kayo rin ang magpapatuloy nito. PERSONAL
10)Hindi ba’t nakalipas na ang araw ng pagpapasa ng
takdang aralin? INTERASKYONAL o HUERISTIKO
GAWAIN 2
1) (Pahirin, Pahiran) mo ng mantekilya ang pandesal.
2) Pakidala ang pagkaing ito (kina, kila) Nelia at Pat.
3) (Mayroon, May) ba siyang pasalubong mula sa
Batangas?
4) Nariyan na yata ang Tatay! Buksan mo na ang
(pinto, pintuan)!
5) (Ooperahin, Ooperahan) si Maria bukas ng
umaga.
GAWAIN 2
6) Si Bryan ay (tiga-, taga-) Aklan.
7) (Punasan, Punasin) mo ang pawis sa iyong noo.
8) Ngayong bakasyon, (susubukin, susubukan) kong
mag-aral na magluto.
9) Nagmamadali niyang inakyat ang (hagdan,
hagdanan).
10)Halika nga rito at (walisin, walisan) mo ang mga
tuyong dahon sa bakuran.
KAKAYAHANG
LINGGUWISTIKO
LAYUNIN
•Natutukoy ang mga
bahagi ng pananalita sa
wikang Filipino.
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO
• Ito ay tumutukoy sa abilidad ng tao na
makabuo at makaunawa ng maayos at
makabuluhang pangungusap.
• Ayon kay Noam Chomsky (1965) ito ay isang
ideyal na sistema na di-malay o likas na
kaalaman ng tao hinggil sa gramatika na
nagbibigay sa kaniya ng kapasidad na
gumamit at makaunawa ng wika.
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO

•Ayon ka Hymes (1972) ito ay


abilidad sa angkop na paggamit
ng mga pangungusap batay sa
hinihingi ng isang interaksiyong
sosyal.
LINGGUWISTIKO PAGTATANGHAL

•Lingguwistikong pagtatanghal
(lingguistic performance) o ang
aplikasyon ng sistema ng kaalaman sa
pagsusulat o pagsasalita.
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO SA
WIKANG PILIPINO
• Kakabit ng kakayahan lingguwistiko ng Pilipino ang wastong
pagsunod sa tuntunin ng balarilang Filipino. Sa kasaysayan,
dumaan na sa maraming pagbabago at reoryentasyon
ang ating wikang pambansa na nagbunga ng pagbabago
sa matandang balarila.

• Tinukoy nina Santiago (1977) at Tiangco (2003) ang


sampung bahagi ng pananalita sa makabagong gramatika
na nagpapangkat sa sumusunod:
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO SA
WIKANG PILIPINO
A. MGA SALITANG PANGNILALAMAN:

1. MGA NOMINAL
a. Pangngalan (Noun) – nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop,
bagay, pook, katangian, pangyayari, at iba pa.
b. Panghalip (Pronoun) – pamalit o panghalili sa pangngalan.

2. PANDIWA (Verb) – nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa


pangkat ng mga salita.
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO SA
WIKANG PILIPINO
A. MGA SALITANG PANGNILALAMAN:

3. MGA PANURING
a. Pang-uri (Adjective) – nagbibigay-turing o
naglalarawan sa pangngalan at panghalip
b. Pang-abay (Adverb) – nagbibigay-turing o
naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapuwa
pang-abay.
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO SA
WIKANG PILIPINO
B. MGA SALITANG PANGKAYARIAN:
1. MGA PANG-UGNAY
a. Pangatnig – nag-uugnay ng dalawang salita,
parirala, o sugnay (halimabawa: at, pati, ni,
subalit, ngunit)
b. Pang-angkop – katagang nag-uugnay sa
panuring at salitang tinuturingan
(halimbawa na, -ng)
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO SA
WIKANG PILIPINO
B. MGA SALITANG PANGKAYARIAN:
1. MGA PANG-UGNAY
c. Pang-ukol – nag-uugnay sa isang pangngalan
sa iba pang salita (halimbawa sa, ng)
2. MGA PANANDA
a. Pantukoy – salitang laging nangunguna sa
pangngalan o panghalip
(halimbawa si, ang, ang mga)
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO SA
WIKANG PILIPINO
B. MGA SALITANG PANGKAYARIAN:

2. MGA PANANDA

b. Pangawig o Pangawil – salitang nagkakawing


ng paksa o simuno at panaguri (halimbawa ay)
A. PASALITANG PAGBAYBAY

Pasulat Pasalita
it /ay-ti/
Pantig pag
kon
trans
A. PASALITANG PAGBAYBAY

Pasulat Pasalita
it /ay-ti/
Pantig pag /pi-ey-dyi/
kon /key-o-en/
trans /ti-ar-ey-en-es/
A. PASALITANG PAGBAYBAY
Pasulat Pasalita

bansa

Salita plato

Fajilan /kapital ef-ey-dyey-ay-el-ey-en/

Jihad
A. PASALITANG PAGBAYBAY
Pasulat Pasalita

bansa /bi-ey-en-es-ey/

Salita plato /pi-el-ey-ti-o/

Fajilan /kapital ef-ey-dyey-ay-el-ey-en/

Jihad /kapital dyey-ay-eyts-ey-di/


A. PASALITANG PAGBAYBAY
Pasulat Pasalita

MWSS (Metropolitan
Waterworks and Sewerage /kapital em-kapital dobolyu-kapital es-kapital es/
System)

ASEAN (Association of
Akronim Southeast Asian Nations)

PAGASA (Philippine
Atmospheric, Geophysical, and
Astronomical Services
Adminitration)

HIV (Human Immunodeficiency


Virus)
A. PASALITANG PAGBAYBAY
Pasulat Pasalita

MWSS (Metropolitan
Waterworks and Sewerage /kapital em-kapital dobolyu-kapital es-kapital es/
System)

ASEAN (Association of
/kapital ey-kapital es-kapital i-kapital ey-kapital en)
Akronim Southeast Asian Nations)

PAGASA (Philippine
Atmospheric, Geophysical, and /kapital pi-kapital ey-kapital dyi- kapital ey- kapital
Astronomical Services es-kapital ey/
Adminitration)

HIV (Human Immunodeficiency


/kapital eyts-kapital ay-kapital vi/
Virus)
A. PASALITANG PAGBAYBAY
Pasulat Pasalita

Bb. (Binibini) /kapital bi-bi tuldok/

Daglat G. (Ginoo)

Gng. (Ginang)

Dr. (Doktor)
A. PASALITANG PAGBAYBAY
Pasulat Pasalita

Bb. (Binibini) /kapital bi-bi tuldok/

Daglat G. (Ginoo) /kapital dyi tuldok/

Gng. (Ginang) /kapital dyi-en-dyi tuldok/

Dr. (Doktor) /kapital di-ar tuldok/


A. PASALITANG PAGBAYBAY
Pasulat Pasalita
MLQ (Manuel L. Quezon) /kapital em-kapital el-kapital kyu/

TKO (Technical Knockout)


Inisyal
KKK (Kataas-taasang Kagalang
galangang-Katipunan)

MTT (Metro Trail Transit)

UCC (University of Caloocan


City)
A. PASALITANG PAGBAYBAY
Pasulat Pasalita
MLQ (Manuel L. Quezon) /kapital em-kapital el-kapital kyu/

TKO (Technical Knockout) /kapital ti-kapital key-kapital o/


Inisyal
KKK (Kataas-taasang Kagalang
/kapital key-kapital key- kapital key/
galangang-Katipunan)

MRT (Metro Trail Transit) /kapital em-kapital ti-kapital ti/

UCC (University of Caloocan


/kapital yu-kapital si-kapital si/
City)
A. PASALITANG PAGBAYBAY
Pasulat Pasalita

Fe (Iron)
Simbolong
Pang-
agham/Pang kg. (kilogram)
matematika

H 2O

V (velocity)
A. PASALITANG PAGBAYBAY
Pasulat Pasalita

Fe (Iron) /kapital ef-i/


Simbolong
Pang-
agham/Pang kg. (kilogram) /key-dyi tuldok/
matematika

H 2O /kapital eyts-tu-kapital o/

V (velocity) /kapital vi/


A. PASULAT NA PAGBAYBAY

1) Pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga


salita mula sa mga katutubong wika sa Pilipinas:
Halimbawa:
palavvun (Ibanag) bugtong
kazzing (Itawes) kambing
jambangan (Tausug) halaman
safot (Ibaloy)
masjid (Tausug, Meranaw) gusaling sambahan ng mga Muslim
A. PASULAT NA PAGBAYBAY

2) Mga bagong hiram na salita sa mga wikang


banyaga. Ang mga dating hiram na salitang
lumalaganap na sa baybay na ayon sa abakada ay
hindi na saklaw ng panuntunang ito.
Halimbawa:
selfie
digital detox
A. PASULAT NA PAGBAYBAY

3) Mga pangngalang pantangi na hiram sa wikang


banyaga, katawagang siyentipiko at teknikal at mga
salitang mahirap na dagliang ireispel.
Halimbawa:
Jason zeitgeist cauliflower
Mexico qourum bouquet
Nueva Vizcaya valence flores de mayo
A. PASULAT NA PAGBAYBAY

3) Mga pangngalang pantangi na hiram sa wikang


banyaga, katawagang siyentipiko at teknikal at mga
salitang mahirap na dagliang ireispel.
Halimbawa:
Jason zeitgeist cauliflower
Mexico qourum bouquet
Nueva Vizcaya valence flores de mayo
A. PASULAT NA PAGBAYBAY

Bukod sa pagbaybay pansinin natin ang mga


tuntuning hinggil sa:
1. Pagpapalit ng D tungo sa R
2. Paggamit ng “ng” at “nang” at
3. Wastong gamit ng gitling (-) na kadalasang
ipinagkakamali sa pagsulat.
A. PASULAT NA PAGBAYBAY

1. Pagpapalit ng D tungo sa R
Sa kaso ng din/rin, daw/raw, ang D ay
napapalitan ng R kung sinusundan nitong
salita ay nagtatapos sa patinig (a,e,io,u) o
sa malapatinig na W at Y.
Halimbawa:
malaya rin, mababaw raw
A. PASULAT NA PAGBAYBAY

1. Pagpapalit ng D tungo sa R
Nananatili ito sa D kung sa katinig naman
nagtatapos ang sinusundang salita.
Halimbawa:
aalis din, malalim daw
A. PASULAT NA PAGBAYBAY

1. Pagpapalit ng D tungo sa R
Gayundin, nananatili ang D kung ang
sinusundang salita ay nagtatapos sa -ra, -ri,
-raw, o –ray.
Halimbawa:
maaari din, araw-araw daw
A. PASULAT NA PAGBAYBAY

2. Paggamit ng “ng” at “nang” at


Limang tiyak na paggamit ng nang:

a. Bilang kasingkahulugan ng noong.

Halimbawa:
“Nang dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas,
kaagad silang nagpatayo ng mga paaralan.”
A. PASULAT NA PAGBAYBAY

2. Paggamit ng “ng” at “nang” at


Limang tiyak na paggamit ng nang:

b. Bilang kasingkahulugan ng upang o para.

Halimbawa:
“Ikinulong ni Ana ang aso nang hindi na ito
makakagat pa.”
A. PASULAT NA PAGBAYBAY

2. Paggamit ng “ng” at “nang” at


Limang tiyak na paggamit ng nang:

c. Katumbas ng pinagsamang na at ng.

Halimbawa:
“Malapit nang makauwi ang kaniyang tatay
mula sa Saudi Arabia.”
A. PASULAT NA PAGBAYBAY
2. Paggamit ng “ng” at “nang” at
Limang tiyak na paggamit ng nang:

d. Pagtukoy sa pang-abay na pamaraan at pang-abay


na panggaano

Halimbawa:
“Iniabot nang palihim ni Carl ang liham kay Christine.”
“Tumaas nang sobra ang presyo ng langis.”
A. PASULAT NA PAGBAYBAY

2. Paggamit ng “ng” at “nang” at


Limang tiyak na paggamit ng nang:

e. Bilang pang-angkop ng inuulit na salita.

Halimbawa:
“Pabilis nang pabilis ang ikot ng elisi ng
eroplano.”
A. PASULAT NA PAGBAYBAY

2. Paggamit ng “ng” at “nang” at

Maliban sa limang ito, sa ibang pagkakataon


ay kailangang gamitin ang ng.
A. PASULAT NA PAGBAYBAY

3. Wastong gamit ng gitling (-) na kadalasang


ipinagkakamali sa pagsulat.

a) Sa inuuulit na salita, ganap man o hindi.

Halimbawa:
araw-araw, gabi-gabi, para-paraan
A. PASULAT NA PAGBAYBAY

3. Wastong gamit ng gitling (-) na kadalasang


ipinagkakamali sa pagsulat.

b) Sa isahang pantig na tunog o onomatopeya.

Halimbawa:
tik-tak, brum-brum
A. PASULAT NA PAGBAYBAY

3. Wastong gamit ng gitling (-) na kadalasang


ipinagkakamali sa pagsulat.

c) Sa paghihiwalay ng katinig at patinig.

Halimbawa:
pag-aaral, mag-asawa
A. PASULAT NA PAGBAYBAY

3. Wastong gamit ng gitling (-) na kadalasang


ipinagkakamali sa pagsulat.

d) Sa paghihiwalay sa sinusundang pangngalang


pantangi.

Halimbawa:
pa-Marikina, maka-Pilipino
A. PASULAT NA PAGBAYBAY

3. Wastong gamit ng gitling (-) na kadalasang


ipinagkakamali sa pagsulat.

e) Sa paghihiwalay sa sinusundang banyagang


salita na nasa orihinal na baybay.

Halimbawa:
mag-compute, pa-encode
A. PASULAT NA PAGBAYBAY
3. Wastong gamit ng gitling (-) na kadalasang
ipinagkakamali sa pagsulat.

f) Sa pantig na may kakaibang bigat sa pagbigkas,


partikular sa sinaunang Tagalog at sa iba pang
wika sa Pilipinas.

Halimbawa:
gab-I, mus-ing, lab-ong
A. PASULAT NA PAGBAYBAY

3. Wastong gamit ng gitling (-) na kadalasang


ipinagkakamali sa pagsulat.

g) Sa bagong tambalang salita.

Halimbawa:
lipat-bahay, amoy-pawis
A. PASULAT NA PAGBAYBAY

3. Wastong gamit ng gitling (-) na kadalasang


ipinagkakamali sa pagsulat.

h) Sa paghihiwalay ng numero sa oras at petsang


may ika-.

Halimbawa:
ika-12 ng tanghali, ika-23 ng Mayo
A. PASULAT NA PAGBAYBAY

3. Wastong gamit ng gitling (-) na kadalasang


ipinagkakamali sa pagsulat.

i) At sa pagbilang ng oras, numero man o salita,


na kinakabit sa alas-.

Halimbawa:
alas-2 ng hapon, alas-dos ng hapon
A. PASULAT NA PAGBAYBAY

3. Wastong gamit ng gitling (-) na kadalasang


ipinagkakamali sa pagsulat.

j) Sa kasunod ng “de”.

Halimbawa:
de-lata, de-kolor
A. PASULAT NA PAGBAYBAY

3. Wastong gamit ng gitling (-) na kadalasang


ipinagkakamali sa pagsulat.

k) Sa kasunod ng “di”.

Halimbawa:
di-mahawakan, di-kalakihan
A. PASULAT NA PAGBAYBAY
3. Wastong gamit ng gitling (-) na kadalasang
ipinagkakamali sa pagsulat.

l) Sa apelyido ng babaeng nag-asawa upang


ipakita ang orihinal na apelyido noong dalaga
pa.

Halimbawa:
Genoveva Edroza-Matute
PAGLALAPAT
A. Mula sa naging talakay,
ipaliwanag sa sariling pananalita
kung paano nagkakaiba ang
kakayahang lingguwistiko at
lingguwistikong pagtatanghal.
(10 puntos)
PAGLALAPAT
B. Lagyan ng ( ) ang kahon sa unahan
ng bawat salita kung tumutugon ito sa
wastong pagbaybay. Lagyan naman ng
(X) kung hindi at ibigay ang wastong
baybay. Ipaliwanag din ang dahilan ng
pagwawasto. (2 puntos bawat isa)
PAGLALAPAT
Kalookan cariñosa
Felina kompyuter
seroks Nuweba Esiha
vakul Mosque
shampu CT scan
PAGLALAPAT
Caloocan Cariñosa
Felina kompyuter
xerox Nueva Ecija
vakul Mosque
shampoo CT Scan
MOCK JOB INTERVIEW
Humanap ng kapareha sa klase.
Magsagawa ng isang mock job
interview. Bawat isa ay bibigyan ng
pagkakataong maging tagainterbyu
at aplikanteng iinterbyuhin sa loob ng
15 minuto.
MOCK JOB INTERVIEW
Tatayahin ang kakayahang lingguwistiko ng
kinakapanayam gamit ang sumusunod:
Puntos:
1 – lubhang mababa sa inaasahan
2 – mababa sa inaasahan
3 – nakamit ang inaasahan
4 – higit sa inaasahan
5 – lubhang higit sa inaasahan
MOCK JOB INTERVIEW
KATEGORYA PUNTOS KOMENTO
Angkop ba ang ginamit na
mga salita ng iniinterbyu?
Makinis ba ang paggamit ng
wika at hindi palaging
nagpapalit-palit mula sa
Filipino tungong Ingles (code
switch) ang iniinterbyu?
Malinaw bang nabibigkas ng
iniinterbyu ang mga salita?
Napag-uugnay ba ng
iniinterbyu ang kaniyang mga
pahayag tungo sa ikalilinaw
ng kaniyang pananaw at
paniniwala?
KABUUANG PUNTOS
MOCK JOB INTERVIEW
KAHULUGAN:
18 – 20 – Tanggap ka na!
15 – 17 - May potensyal ka.
14 – 12 – Tatanggapin sana kita kaya lang…
11 – pababa – Tatawagan ka na lang namin

You might also like