You are on page 1of 13

MGA KONSEPTONG PANGWIKA

MGA LAYUNIN:

• Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga


konseptong pangwika
• Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling
kaalaman, pananaw, at mga karanasan
• WIKA

• WIKANG PAMBANSA

• WIKANG PANTURO

• WIKANG OPISYAL
GAWAIN 1: Think-Pair-Share
PAGPAPALIWANAG SA
SALITA KAHULUGAN SA TULONG NG
MGA SITWASYON

1. WIKA

2. WIKANG PAMBANSA

3. WIKANG PANTURO

4. WIKANG OPISYAL
WIKA

– sistema ng tunog o sagisag na ginagamit ng tao sa


komunikasyon (Hutch, 1991)
– isang napakasalimuot na kasangkapan sa pakikipagtalastasan
(Otanes, 1990)
– likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga
kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang
kusang-loob na kaparaanan na lumikha ng tunog (Sapiro,
2014)
– masistemang kabuuan ng mga sagisag na sinasalita o
binibigkas na pinagkaisahan o kinaugalian ng isang pangkat ng
mga tao (Hemphill, 2014)
WIKANG PAMBANSA

– pinagtibay ng pambansang pamahalaan na ginagamit sa


pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mamamayang kaniyang
sakop.
– tulay na wika sa pag-uugnayan ng iba't ibang pangkat sa
kapuluan na may kani-kanilang katutubong wikang ginagamit
– pambansang daluyan ng komunikasyong tulad ng telebisyon,
radyo at mga pahayagan, gayon din ng mga kilalang politiko,
komentarista, mga manunulat at makata
WIKANG PANTURO

– ang wikang pambansa na itinadhana ng batas ay gagamitin


bilang wikang panturo
– ginagamit upang makatulong sa pagtatamo ng mataas na
antas ng edukasyon.

Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV ng Saligang-batas ng 1987,


Seksyon 6 kaugnay ng wikang panturo na:
Sek. 6: Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga
wika. Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ilunsad at puspusang
itaguyod ang Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng
pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon
WIKANG OPISYAL

– prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa


pamahalaan at sa politika, sa komersiyo at industriya

– Wikang Filipino at wikang Ingles ang wikang opisyal ng


Pilipinas. Ang wikang Ingles ay maaaring gamitin sa
pakikipagkomunikasyon at edukasyon, hangga't walang
batas na nagbabawal gamitin ang Ingles sa nasabing
sitwasyon (Sek. 7 ng Artikulo XIV ng Saligang-batas ng
1987)
Indibidwal na awtput: Basahin ang sanaysay sa
pahina 7 ng aklat

• Pagkatapos, pumili ng maaaring sagutan sa pahina 10,


piliin ang letra na nais sagutan. At isulat sa inyong
kwaderno ang mga sagot.
PAGLALAPAT: Dekalogo ng Wikang Filipino ( ni Jose
Ladera Santos)
• Basahin ang dekalogo at sagutan ang sumusunod:
Konseptong Pangwika Bilang ng Dekalogo Paliwanag
• Ano ang inyong nalaman at natutunan?
KASUNDUAN: Interaktibong Gawain sa Panonood

• Ang klase ay hahatiin sa apat na grupo. Bawat pangkat


ay may nakatakdang gawain kaugnay ng mga
konseptong pangwika:
– Pangkat I: Manonood ng isang teledrama sa telebisyon at
iugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na
sitwasyong pangkomunikasyon
– Pangkat II: Makinig sa teleradyo at iugnay ang mga
konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong
pangkomunikasyon
– Pangkat III: Manood ng video clip ng halimbawa ng mga
talumpati at pakinggang mabuti ang mga ito. Iugnay ang mga
konseptong pangwika sa napanood at napakinggang
sitwasyong pangkomunikasyon
– Pangkat IV: Makinig/ Manood ng isang panayam na ginawa sa
paaralan na ang maaaring kinapanayam ay mag-aaral, guro,
kawani at iba pa.

You might also like