Professional Documents
Culture Documents
1. Instrumental Ginagamit ang wika ng tagapagsalita para mangyari/maganap ang mga bagay-bagay. Pinababayaan ng wikang pagalawin ng tagapagsalita ang kanyang kapaligiran.
Mga bigkas na ginaganap pagpapangalan/pagbabansag, pagpapahayag, pagtataya
2. Regulatory Gamit ng wika para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap. Ito ang gamit ng wika na nagbibigay sa mga tao para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap. Hal: pag-ayon, pagtutol, pag-alalay sa kilos/gawa, pagtatakda ng mga alituntunin at alituntunin sa paglalaro, pagsagot sa telepono, pagtatalumpati.
3. Representasyunal Gamit ng wika sa pagpaparating ng kaalaman tungkol sa daigdig, pag-uulat ng mga pangyayari, paglalahad, paghahatid ng mensahe atbp.Karamihan sa pang-araw-araw na gamit ng wika ang gamit na ito. Hal. pag-uulat, paglalahad, pagpapaliwanag, paghahatid ng mensahe, pagbibigay ng tama/maling impormasyon, pagsisinungaling, pagpapahayg.
4. Interaksyunal gamit ng wika upang mapanatili ang pakikipagkapwa-tao. Nangangailangan ang matagumpay na interaksiyon ng wastong pag-uugali. Hal. pagbati, pagpapaalam, panunudyo, pag-aanyaya, paghihiwalay, pagtanggap, atbp.
5. Personal- gamit ng wika para ipahayag ang katauhan ng isang tao, alam ng bawat isa na bahagi ng kanyang katauhan ang wika. Malaya siyang magbuka ng bibig o magsawalang-kibo kung nais niya. Hal. pagsigaw, pagrerekomenda, pagmumura o maingat na pagpili ng salita, pagpapahayag ng galit, , paghingi ng paumanhin.
6. Heuristic gamit ng wika bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga kaalaman at pag-unawa. Maaaring gamitin ang wika para malaman ang mga bagay sa daigdig. Hal. pagtatanong, pagsagot, pangangatuwiran, pagbibigaykongklusyon, paggawa ng hypothesis, pagpuna, pag-eeksperimento, pagsangayon, di-pagsang-ayon, pagtaya.
7. Imahinatibo Ito ang wikang ginagamit para sa kasiyahan sa paggamit ng wika bilang tunog at pag-iisip ng walang magawa sa kabilang dako. Hal. pag-iingay ng sanggol, pag-awit ng isang mang-aawit, mga larong pangwika, panunukso, panunudyo, pagsasalaysay nang labis
4. Phatic pakikipagkapwa-tao 5. Metalinggwal paglinaw sa mga suliranin tungkol sa mga layunin ng mga salita at kahulugan. 6. Poetic patula, paggamit ng wika para sa sariling kapakanan.
4. Pag-alalay sa iba paggamit ng wika upang alalayan o impluwensiyahan ang kilos o damdamin ng iba. 5. Pag-alalay sa sarili kaugnay ang ugali at damdamin Pagkausap sa Sarili nang tahimik o mag-isa, pagpapaliwanag. 6.Pagpapahayag ng sarili pagpapahayag nang sarili, katauhan at damdamin.
7. Pagtatakda sa tungkulin o papel sa lipunan paggamit ng wika upang itakda o ipahayag ang kaugnayang pansosyal ng mga tao. 8. Pagtuturo- paggamit ng wika sa pagpaparating ng bagong impormasyon at kasanayan. 9. Metalanguage paggamit ng wika sa pagtalakay. 10. Pagtuturo paggamit ng wika sa pagpaparating ng bagong impormasyon.