Professional Documents
Culture Documents
WIKANG
PAMBANSA
PANAHON NG
KASTILA
Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging
layunin ng pananakop ng mga Kastila. Ngunit nagkaroon
ng suliranin hinggil sa komunikasyon.
• Upang maging epektibo ang pagpapalaganap ng
Kristiyanismo, ang mga misyonerong Kastila mismo ang
nag-aral ng mga wikang katutubo.
1. Mas madaling matutuhan ang wika ng isang rehiyon
kaysa ituro ito sa lahat ang Espanyol.
2. Higit na magiging kapani-paniwala at mabisa kung ang
isang banyaga ay nagsasalita ng katutubong wika.
• Ang mga prayle’y nagsulat ng mga diksyunaryo at aklat-
panggramatika, katekismo at mga kumpesyonal para sa mabilis
na pagkatuto nila ng katutubong wika.
• Ang mga misyonerong nasa ilalim ng pamamahala ng simbahan
ang nangagasiwa sa edukasyon ng mga mamamayan noon at
Carlos II naging usapin ang wikang panturo.
• Carlos II ay lumagda ng isang dekrito na pagtuturo ng wikang
Espanyol sa lahat ng mga katutubo at nagtakda rin siya ng
parusa para sa mga hindi susunod dito.
• Disyembre 29, 1972 – Si Carlos IV ay lumagda sa isa pang dekrito
na nag-uutos na gamitin ang wikang Espanyol sa lahat ng
paaralang itatatag sa pamayanan ng mga Indio.
• Sa panahong ito, lalong nagkawatak-watak ang mga Pilipino na
Carlos IV
naging dahilan upang matagumpay na nasakop ng mga
Espanyol ang mga katutubo.
PANAHON NG
REBOLUSYONG PILIPINO
• Sa panahong ito ay namulat ang isipan
at damdaming makabayan ng mga
Pilipino .
• Itinatag ni Andres Bonifacio ang
Katipunan.
• Ang wikang Tagalog ang ginamit sa
kanilang mga kautusan at pahayagan.
• Ginamit din ang Tagalog sa iba’t ibang
genre ng panitikan upang pag-alabin ang
damdaming makabayan ng mga Filipino.
• Itinanghal ang Tagalog bilang opisyal na
wika ayon sa pinagtibay na
Konstitusiyong Biak-na-Bato noong 1899
bagama’t walang isinasaad na ito ang
magiging wikang pambansa ng Republika.
• Nang maitatag ang Unang Republika sa
pamumuno ni Aguinaldo, isinaad sa
Konstitusyon na ang Tagalog ay opsiyonal.
(Gamitin ng kung sino lamang
nangangailangang gumamit.)
PANAHON NG
AMERIKANO
• Pagkatapos ng mga kolonyalistang Espanyol, dumating naman
ang mga Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey.
• Kabaligtaran ang nangyari sa panahon ng Amerikano. Pilit
nilang pinakalimutan sa mga katutubo ang wikang bernakyular
at sapilitang ipagamit ang wikang Ingles.
• Malugod naman itong tinanggap ng ating mga ninuno sa
kadahilanang :
• (1.)Uhaw ang ating mga katutubo sa edukasyong liberal.
• (2.) Mabuti ang pakikitungo ng mga amerikano sa mga
katutubo.
• Nagpatayo sila ng pitong pampublikong
paaralan sa Maynila na kung saan ang mga
sundalong Amerikano ang kanilang unang
naging guro na tinawag na Thomasites.
• Monroe Survey Commission (1925) –
Nagsasaad na mabagal matuto ang mga
batang Pilipino kung Ingles ang gamiting
wikang panturo sa paaralan batay sa
ginawang sarbey.
• Iginiit ni Najeeb Mitri Saleeby na makabubuti
ang magkaroon ng isang pambansang
wikang hango sa katutubong wika nang sa
gayon ay maging malaya at mas epektibo
ang paraan ng edukasyon sa buong bansa.
• Saligang Batas ng 1935, Artikulo Blg. XIV, Seksyon 3 –ay
nagsasabing ang kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa
pagpapatibay at pagpapaunlad ng isang wikang pambansa
na ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika sa
kapuluan.
• Pagtibayin ang Batas Komonwelt Blg. 184 (1936). Itinatag ng
katanggapan ng Surian ng Wikang Pambansa na binigyan ng
kapangyarihang gumawa ng mga pag-aaral sa lahat ng mga
sinasalitang wika sa kapuluan.
• Enero 12, 1937 Hinirang ng Pangulong Manuel L. Quezon ang
mga kagawad na bubuo ng Surian ng Wikang Pambansa
alinsunod sa tadhana ng Seksiyon 1, Batas Komonwelt Blg.
184, sa pagkakasusog ng Batas Komonwelt Blg. 333
TUNGKULIN NG SWP:
• Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating
milyong pilipino man lamang;
• Paggawa ng paghahambing at pagaaral ng talasalitaan ng mga
pangunahing dayalekto;
• Pagsusuri at pagtiyak sa fonetika at ortograpiyang pilipino;
• Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang
pambansa na dapat umaayon sa (a) ang pinakamaunlad at mayaman sa
panitikan, at (b) ang wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming
pilipino.
ANG MGA NAHIRANG NA KAGAWAD
AY ANG MGA SUMUSUNOD:
• Jaime C. Veyra (Visayang Samar) – • Casamiro F. Perfecto (Bikol) – Kagawad
Tagapangulo • Hadji Butu (Muslim), Kagawad
• Cecilio Lopez (Tagalog) – Kalihim at MGA KAGAWAD
Punong Tagapagpaganap
• Lope k. Santos (Tagalog)
• Santiago A. Fonacier (Ilokano) - Kagawad
• Jose I. Zulueta (Pangasinan)
• Filemon Sotto – (Visayang Cebu) –
Kagawad • Zoilo Hilario (Kapampangan)
• Isidro Abad ( Visayang Cebu)
28