You are on page 1of 14

FILIPINO 11

Filipino 1
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Filipino

Wika sa Telebisyon, Pelikula

at Adbertisment
Unang Markahan
Ikaapat na Linggo
Modyul 4

Kasanayang Pampagkatuto:

1. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa

pama- magitan ng napanood na palabas sa telebisyon at
pelikula,
2. Naipaliliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pama-
magitan ng pagbibigay-halimbawa.

Pangalan:
Baitang at Seksyon:
Email Address:

JOY ANN E. ENVERGA

Guro sa Filipino

0
Aralin
Gamit ng Wika sa
1 Pelikula at Telebisyon

Inaasahan

Pagkatapos sa modyul na ito ang mag-aaral ay inaasahang:

Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng
napanood na palabas sa telebisyon at pelikula.

Unang Pagsubok

Gaano na karami ang pelikulang iyong napanood? Halina’t subukin natin ang
iyong iskema. Tukuyin ang paksang iniikutan ng istorya sa bawat pelikula sa ibaba.
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy ng nasa Hanay A.
Letra lamang ang isulat sa katabi ng bawat bilang.

Hanay A Hanay B

1. Muro Ami A. Pagmamahal sa Bayan

2. Dyesebel B. Pangangalaga sa Kalikasan
3. Jose Rizal C. Pagtupad sa Tungkulin
4. Abakada Ina D. Dakilang Pag-ibig
5. Mumbaki E. Paggalang at Pag-una sa Kapakanan ng kapwa

Balik-Tanaw

IBAHAGI MO, SAGOT MO

Magbalik-tanaw tayo sa mga dati mo ng kaalaman tungkol sa gamit ng wika
batay kay M.A.K Halliday. Ibahagi ang iyong natatandaan sa pamamagitan ng
pagtukoy sa mga sumusunod.

1. Gamit ng wika na tumutugon sa pangangailangan ng tao? ________________

2. Ang pagsulat ng anunsyo at patalastas ay nagpapahayag ng komunikasyon

sa madla. Ang tawag sa gamit ng wika na ito ay? __________________.

3. Ang pagsulat ng akdang pampanitikan, pagbigkas ng tula, at pagganap sa

teatro ay itinuturing na IMAHINATIBO? Ipaliwanag. _____________

1
IMaikling Pagpapakilala ng Aralin

Batay sa aklat ni Jocson, (2016) ang pelikula ay kilala rin bilang sine at
pinilakang –tabing. Isang larangan na nagpapakita ng mga gumagalaw na
larawan bilang isang anyo ng sining na bahagi ng idustriya ng libangan. Ito’y
binubuo ng iba’t ibang elemento na mapapanood sa iba’t ibang tema o kategorya
na kadalasan ay halaw sa reyalidad.
Samantala, telebisyon ang pinakamakapangyarihang midya sa kasalukuyan.
Gamit lamang ang cable at satellite ay kaya na nitong abutin ang iba't ibang
sulok ng Pilipinas. Ang panonood ng pelikula maging mga palabas sa telebisyon
ang pinakamura at abot-kayang uri ng libangan ng lahat ng uri ng tao sa
lipunan. Iba–iba ang uri ng palabas sa telebisyon at pelikula na tinatangkilik ng
mga manonood. Naaayon ito sa kaniyang ibig panoorin at nagugustuhan.

Ang pelikula at telebisyyon ay parehong daluyan ng komunikasyon na

nagpapakita ng iba’t ibang gamit ng wika na itinuro sa atin ni M.A.K Halliday.
Halina’t tuklasin ang gamit ng wika sa mundo ng pelikula at telebisyon!

Miss Yang / Hedhedia Cajepe Antonio / April 2020

Gawain 1 (Pakikipagtalastasan)

Panuto: Panoorin at suriin ang bawat vidyo sa ibaba. At bilang pagpapahalaga,

sagutin ang tanong sa kahon bago ang talaan ng vidyo. Pindutin ang
link upang ma-access ang vidyo. Isulat sa kwaderno ang iyong ideya.

Anyare! Ang Sabeh !

Ang bawat vidyo ay mga halimbawa ng iba’t ibang sitwasyon ng

pakikipagkomunikasyon ng tao sa lipunan. Gamit ang PELIKULA AT MGA
PALABAS SA TELEBISYON. Anong uri ng GAMIT NG WIKA ang binibigyang pokus
sa bawat vidyo? Ipaliwanag.

2
Gawain 2 ( Mapanuring Pag-iisip)

(Maaaring gawin kung hindi magawa ang Gawain 1 dahil sa kakulangan sa

paggamit ng internet)
Panuto: Basahin at suriin ang bawat teksto sa ibaba. At bilang pagpapahalaga,
sagutin ang tanong sa ilalim ng bawat teksto. Maaaring pindutin ang link
upang ma-access ang kabuuan. Isulat sa hiwalay na sagutang papel
iyong ideya.( bond paper)

3
Muling umapela ang 3 jeepney groups ngayong Miyerkoles na makabalik
sila sa pamamasada kasunod ng pagluluwag ng coronavirus lockdown sa
Maynila. Ilang driver pa lang umano ang nakatanggap ng cash aid mula sa gobyerno
kaya napilitan ang ilan na mamalimos na, ani Alliance of Concerned Transport
Organizations (ACTO) president Efren De Luna.
Sinang-ayunan ito ni Zeny Maranan, president of the Federation of Jeepney
Operators and Drivers Association of the Philippines, at Pinagkaisang Samahan ng
mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) secretary general Steve Ranjo.
"Hanggang ngayon ay wala pa tayong natanggap. Bilang katunayan po niyan ay
halos karamihan na sa amin ay namamalimos. Kailangan bigyan na kami ng
pagkakataon na kami po'y makapamasada na," ani De Luna.
"Kung saka-sakaling papayagan kami, makakasiguro naman ang ating mga
kababayan na susunod kami sa social distancing na sinasabi nila," dagdag ni
Maranan.
Hindi rin aniya magtataas ng pamasahe ang mga jeepney.

Anong uri ng GAMIT NG WIKA ang binibigyang pokus sa balita? Ipaliwanag.

___________________________________________________________________________________

Abakada Ina
Lagom ng Pelikula sa direksyon ni Eddie Garcia
https://www.scribd.com/doc/79339251/Abakada-ina

Itinatampok ng pelikulang ito ang isang inang lumaki at nagkaasawa nang

di-marunong sumulat at bumasa subalit may sariling prinsipyo’t paninindigan.
Larawan siya ng isang taong masikap at may ambisyon sa buhay sa kabila ng
kanyang kalagayan. Nagsikap siya upang matuto sa pamamagitan ng pagbabasa ng
aklat at nang lumaon ay pumasok sa paaralan kasama ang anak na nag -aaral sa
unang baitang. Dito niya natamo ang paghanga at pagdakila ng mga taong dati’y
humahamak sa kanya.
Nagampanan nang buong husay ni Lorna Tolentino ang papel na kanyang
ginagampanan. Lutang na lutang ang galing ng kanyang pag-arte. Kawalang - muwang,
pagmamahal sa mga anak, pag-aasikaso sa pamilya, pakikipagkaibigan .
. . iba’t ibang emosyong matapat n’yang nailarawan. Hindi rin pahuhuli si Ricky
Davao sa pag-arte. Talagang kaiinisan mo ang kanyang karakter bilang isang
asawang laging nakasandal sa ina.

Anong uri ng GAMIT NG WIKA ang binibigyang pokus sa pelikula? Ipaliwanag.

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

4
Tandaan

Ayon sa aklat ni Jocson (2016), isinasaalang-alang ang mga lingguwistiko at

kultural na kalagayan ng lipunang Pilipino sa tuwing binubuo ang pelikula at mga
palabas sa telebisyon
Bunga nito mapapansin at matutukoy ang anyo at iba’t ibang pamamaraan sa
paggamit ng wika sa pelikula’t telebisyon sa bawat senaryo o tagpo ng mga
pinapalabas na eksena. Register, tawag sa partikular na gamit ng wika sa iba’t ibang
sitwasyon. Isa ang pelikula at telebisyon na may sariling register o mga salitang
pampelikula at pantelebisyon na nagsisilbing signal upang matukoy ang GAMIT NITO
sa pakikipagtalastasan sa lipunan.
Mga Halimbawa ng Gamit ng Wika sa Pelikula at Telebisyon sa Pilipinas

Sinasabing ang madalas na pagkatutok sa telebisyon ang isang malaking

dahilan kung bakit 99% ng mga mamamayan sa Pilipinas ang nakauunawa at
nakapgsasalita ng FILIPINO. Maging ang mga katutubo natin na malayo sa
Katagalugan ay mabilis na nakakaunawa ng wikang Filipino dahil sa mga palabas sa
telebisyon. Ang mga linyang binibitawan sa bawat eksena ay maaaring nagbibigay
impormasyon, nag-uutos, nangungumusta, nagbibigay-kahulugan, o purong ideya’t
damdamin ng karakter na gumaganap sa eksena.
Ayon kay Tiongson (2012), mas maraming babasahin at palabas na Filipino,
ang tila nangingibabaw ang layuning, mang-aliw, manlibang, lumikha ng ugong at
ingay ng kasiyahan. Narito ang ilang isinasaalang-alang sa paglikha ng Pelikula’t
Palabas sa Telebisyon

Mga Isinasaalang-alang sa Pagsulat ng Isang Palabas

Pantelebisyon at Pampelikula.

5
Banghay (Simula, Gitna, at Wakas) Ang kabuuang bahagi ng istorya.
Direksyon ang pamamaraan ng direktor kung paano niya patatakbuhin
ang istorya
Disenyong Props, kasuotan, gamit at background sa palabas
pamproduksyon pangtelebisyon at pelikula ang pinag-uusapan sa
produksyong-disenyo
Sinematograpiya ang labo at linaw ng palabas ay nakikita sa kagalingan ng
isang sinematograper
Tauhan / Ang pagganap ng isang artista ay kinakailangang may
Karakter/ Aktor - kaugnayan sa katauhan ng kanyang papel na ginagampanan.
Aktres
Paglapat ng Pinalalagay natin na ang tunog ay akma sa bawat eksena. Di
Tunog / Iskoring dapat nahuhuli sa kilos, galaw at maging sa damdaming nais
ng Musika ipakahulugan sa bawat eksena.
Editing Ang daloy ng palabas ay napakahalaga sapagkat dito
nabubuhay ang istorya.
Dayalogo Mga linyang (wika) binibitawan sa eksena.
Skrinplay Ibinabagay sa panahon at tagpuan ng palabas.

(Pagbuo ng Katauhan,
Pag-alam sa Natutuhan Pakikipagtulungan)
IT’S SHOWTIME!

Panuto: Pumili ng kapartner mula sa mga kaklase sa pamamagitan ng messenger

chat o text messaging kung hindi maaari ang personal na pag-uusap.
Isagawa ang sumusunod na instruksiyon.
A. Maging malikhain, isali ang iyong pamilya sa aktibidad na ito.
B. Nakatala sa ibaba ang listahan ng mga PINASIKAT NA PELIKULANG
PILIPINO mula noon hanggang sa kasalukuyan.
C. Pumili lamang ng dalawa (2) mula sa talaan. SALUNGGUHITAN at
isulat ang mga hinihingi ng katabing kolum.
D. IARTE ang mga linya sa mga pelikulang napili GAMIT ANG INYONG
SMARTPHONE at ilikha ito ng isang VIDYO CLIP na hindi lalagpas
sa isang (1) minuto.
E. Ipapasa sa GROUP CHAT NG KLASE SA FILIPINO. Ang likhang
PINAKAMAKABULUHAN ay i-a-upload sa FB account ng
paaralan bilang bahagi ng promosyon.
F.
• DI-MALILIMUTANG • DI-MALILIMUTANG
LINYA SA PELIKULA LINYA SA PELIKULA
PELIKULA • GAMIT NG WIKA NA PELIKULA • GAMIT NG WIKA NA
NAIS BIGYANG-DIIN SA NAIS BIGYANG-DIIN SA
LITANYANG IBINAHAGI. LITANYANG IBINAHAGI.
____________________ ____________________
1.Tinimbang ka ____________________ ____________________
Ngunit Kulang ____________________ 15. Sukob ____________________
2. Himala ____________________ 16. Wag Kang ____________________
3. Maynila… Sa ____________________ Lilingon ____________________
Kuko ng ____________________ 17. Caregiver ____________________
Liwanag ____________________ 18. 100 Tula ni ____________________
4.Babangon ako’t ____________________ Estela ____________________
Dudurugin Kita ____________________ ____________________
5. Tanging Ina ____________________ 19. Metro Manila ____________________
Mo… ____________________ 20. Jowable ____________________
6. Kasal, Kasali, ____________________ 21. Everything ____________________
Kasalo ____________________ About Her ____________________
7. Sakal, Sakali, ____________________ 22. My Ex and ____________________

6
Saklolo ____________________ Why’s ____________________
8. Dubai ____________________ 23. Four Siters in ____________________
9. 7 Sundays ____________________ A ____________________
____________________ Wedding ____________________
____________________ ____________________
10. Crazy
____________________ ____________________
Beautiful You ____________________ 24. A Love Affair ____________________
11. It’s Starting ____________________ 25. One More ____________________
Over Again Chance
____________________ ____________________
12. The Mistress ____________________ 26. All About Her ____________________
13. Dubai ____________________ 27. Ms. Granny ____________________
14. Hello Love, ____________________ 28. Alagwa ____________________
Goodbye ____________________ ____________________

RUBRIKS SA BIDYO CLIP

Pamantayan Pokus Pagmamarka
Paggamit ng Wika Kitang-kita at hindi pinipilit ang gamit ng wika sa
mga DIYALOGO.

TAMA ang inuulat na gamit ng wika sa bawat 10 PUNTOS

eksena.

Pagsasabuhay Makatotohanan at damang-dama ang pagbibitaw

ng litanya sa bawat eksena. 10 PUNTOS

Pagkamalikhain Sinigurong ang pagpili ng mga kasuotan,

KARAKTER, sitwasyon, at lugar na pinangyarihan
ay nakatulong upang lubos na maging kapani- 10 PUNTOS
paniwala ang eksena.

Kabuuan: 30 PUNTOS

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Pag-aralan ang usapan nina Menil at Emy sa isang mall. Tukuyin at isulat sa
kwaderno ang GAMIT NG WIKA sa bawat pahayag. Isulat ang:

A. Heuristiko E. Instrumental
B. Regulatori F. Imahinatibo
C. Interaksyunal G. Representatibo
D. Pampersonal

Sitwasyon: Nagkita si Menil at Emy sa isang mall.

Menil: Emy, ano na musta ka na? 1. (________________)

Emy: Oy, Menil (nag-aalinlangan) ikaw na ba yan? 2. (_____________________)
Menil: Ano ka ba? Oo ako ito! 3. (______________) ikaw kamusta ka naman?
4. (_____________________ ,5. _____________________)
Emy: Mabuti kapa seksi na mukhang mayaman pa. 6. (_____________________)
Ano ba ginawa mo? 7. (_____________________)
Menil: Hindi naman nakapag asawa lang ng mayaman at responsableng
negosyante. 8. (_____________________)
Emy: Talaga? Hanap mo naman ako ng ganyan. 9. (_____________________) Hindi,
biro lang 10. (_____________________)
Menil: ay naku, tamang tama, binata pa rin si mark lacuesta, yung patay na
patay sa iyo.Matagal ka nang hinahanap sa akin 11.
(_____________________)..Sa

7
office ng mister ko nagtatrabaho bilang manager. 12. (_____________________)
Emy: Naku yung mokong na yon asensado na pala 13. (_____________________).Sige
ibigay mo number ko sa kanya,ha! 14. (_____________________).
Menil: uy… palipot pa ang lola. 15. (_____________________)
Emy: Oy Hindi ha, kasi kala ko torpe yun! 16. (_____________________)
Magustuhan pa kaya ako nun? 17. (_____________________)
Menil: Sige,ingat ka ha 18. (_____________________, 19. _____________________)
Emy: Salamat Menil,”see you!” 20. (_____________________)

(Pagbuo ng Katauhan)
Papel sa Replektibong Pagkatuto
Napatunayan mo na sa sarili na ang gamit ng wika ay hindi lang sa
pakikipagkomunikasyon kundi maging saan mang uri ng sining. Bigyang
palagay ang tanong na ito: “Bakit dapat suriin at isaalang-alang ang mga
lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino na ipinakilala
sa mga pelikula’t palabas sa telebisyon?” Isulat sa kwaderno ang sagot.

_____________________________________________________________________________________________

8
Sa modyul na ito bibigyang diin ang iba pang komunikatibong gamit ng wika
sa lipunan sa pamamagitan ng mga patalastas, anunsyo o mas kilala natin sa
tawag na adbertisment.
Pagkatapos sa modyul na ito ang mag-aaral ay inaasahang:
Naipaliliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga
pagbibigay-halimbawa.

Unang Pagsubok

Panuto: Tukuyin ang detalyeng hinihingi ng bawat aytem. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Tawag sa isang maikling pelikula o isang pabatid na ipinapakita sa publiko
upang makabenta ng produkto
A. Talumapti C. Dula
B. Pelikula D. Adbertisment
2. Paggamit ng World Wide Web sa para sa promosyon ng mga produkto
A. Adbertisment sa Bus C. Adbertisment sa Online
B. Adbertisment sa TV D. Adbertisment sa Radyo
3. Ang pagkain, sabon, gatas, at iba pang mga produkto ay ipinapalabas sa
telebisyon upang makilala. Ito ay ______.
A. Adbertisment sa Bus C. Adbertisment sa Online
B. Adbertisment sa TV D. Adbertisment sa Radyo
4. Gumagamit ng Airtime o network upang marinig ang anunsyo.
A. Adbertisment sa Bus C. Adbertisment sa Online
B. Adbertisment sa TV D. Adbertisment sa Radyo
5. Karaniwang mga pelikula o isang produkto ng gadyet, pagkain, o gamit
pangmedikal ang makikita rito.
A. Adbertisment sa Bus C. Adbertisment sa Online
B. Adbertisment sa TV D. Adbertisment sa Radyo

Balik Tanaw Mapanuring Pag-iisp

IBAHAGI MO, SAGOT MO

Magbalik-tanaw tayo sa mga dati mo ng kaalaman tungkol sa gamit ng wika
batay kay M.A.K Halliday sa pelikula’t telebisyon. Ibahagi ang iyong natatandaan sa
pamamagitan ng pagtukoy sa mga sumusunod.
1. Ang tawag sa labo at linaw ng palabas ay nakikita sa kagalingan ng isang
sinematograper? ________________

2.Mga linyang (wika) binibitawan sa eksena? __________________.

3.Tawag sa pangunahing isinasaalang-alang sa paglikha ng pelikula’t
telebisyon? _____________

9
Maikling Pagpapakilala

Gawain 1

Panuto: Pumili ng kapartner mula sa mga kaklase sa pamamagitan ng

messenger chat o text messaging kung hindi maaari ang personal na pag-
uusap. Isagawa ang sumusunod na instruksiyon.
A. Pumili lamang ng isang (1) KOMERSYAL at Isulat sa BOND PAPER ang DI
MALILIMUTANG LINYA ng komersyal at ang PALIWANAG KUNG ANONG URI
NG GAMIT NG WIKA ang binigyang diin dito.
B. IARTE ang PINASIKAT NA LINYA NITO NA PARANG IKAW ANG ENDORSER
NG PRODUKTO. At GAMIT ANG IYONG SMARTPHONE, lumikha ng isang
VIDYO CLIP at ipasa sa GROUP CHAT NG KLASE SA FILIPINO.
C. Sikaping hindi lalagpas sa isang (1) minuto.
D. Ang likhang PINAKAGAYANG-GAYA SA ORIHINAL AY i- a-upload sa FB account
ng paaralan.

10
RUBRIKS SA KOMERSYAL

Pamantayan Pokus Pagmamarka

1. Makatotohanan Kuhang-kuha ang istilo ng pagbigkas ng
(Paggamit ng Wika sa DAYALOGO / LINYA ng orihinal na komersyal. 10 PUNTOS
Komersyal)
2. Paliwanag Angkop ang TINUKOY NA GAMIT NG WIKA sa
15 PUNTOS
piniling komersyal.
16 Malikhain Sinigurong ang pagpili ng mga kasuotan,
KARAKTER, sitwasyon, at lugar na pinangyarihan
5 PUNTOS
ay nakatulong upang lubos na maging kapani-
paniwala ang eksena.
Kabuuan: 30 PUNTOS

Tandaan

Konseptong Pangwika sa Adbertismo:

1) Malaki ang impluwensiya ng wika sa tao.
Maaaring ang wikang ginagamit sa Adbertisment ay naglalayong mag-utos,
magbigay-impormasyon, magbigay-babala at iba pa.
2) Impormal ang antas ng wikang ginagamit para sa epektibong
adbertisment.
3) Ang adbertisment ay nagbibigay-aral at nagpapakita ng kultura ng isang
bansa.
4) Ginagamit ang adbertisment upang mahaplos ang sikolohiyang pagtingin
ng tao sa kaniyang lipunan.
5) Ang adbertisment ay paraan ng komunikasyon ng pagnenegosyo.

Pag-alam sa Natutuhan

PATUNAYAN MO KID!

Panuto: Ang mga sumusunod ay ilan sa sa mga SUMIKAT NA LINYA ng

isang pagkaing produkto. Tukuyin ang gamit ng wika sa PINASIKAT NA
DAYALOGO. Isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Lucky Me! Instant Mami-

“ Magnifico”________________________
A. Regulatori C. Pampersonal
B. Heuristik D. Imahinatibo
2. Lucky Me! Instant Mami-
“ 12 lang ang napili sa try out, pang-thirteen ako. Praktis ako ng praktis may
uniformna ako, Nay bakit?”_________
A. Regulatori C. Pampersonal
B. Heuristik D. Imahinatibo
3. Lucky Me! Instant Mami-
“ Pass Your Paper”___________________
A. Regulatori C. Pampersonal
B. Heuristik D. Imahinatibo

11
Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Muli ang mga sumusunod ay ilan sa sa mga SUMIKAT NA ADBERTISMENT SA

TELEBISYON. Tukuyin ang gamit ng wika sa PINASIKAT NA DAYALOGO. Isulat
sa linya ang titik ng tamang sagot.

1. Jollibee-
“ Isa pa, isa pa, isa pang CHICKEN JOY!”_____________
A. Regulatori C. Pampersonal
B. Heuristik D. Imahinatibo
2. Fita Biscuit-
“ Sports Car, Yong Red’______________
A. Interaksyunal C. Pampersonal
B. Heuristik D. Imahinatibo
3. Sprite
“ I LOVE OU Piolo”
A. Interaksyunal C. Pampersonal
B. Heuristik D. Imahinatibo
4. Vitwateri
“ Now you know!”
A. Regulatori C. Pampersonal
B. Heuristik D. Imahinatibo
5. Mc Donalds-
“ Karen po…”
A. Interaksyunal C. Pampersonal
B. Heuristik D. Imahinatibo
6. Selecta Cornetto
“ Saan aabot ang 20 pesos mo?”
A. Interaksyunal C. Pampersonal
B. Heuristik D. Imahinatibo
7. PLDT-
“ Supotahan taka…”
A. Interaksyunal C. Pampersonal
B.Heuristik D. Imahinatibo
8. Purefoods Tender Juicy Hotdog-
“ Goodbye Carlo..”
A. Interaksyunal C. Pampersonal
B. Heuristik D. Imahinatibo
9. Jollibee
“ Nawawala si Jennifer…”
A. Interaksyunal C. Pampersonal
B. Heuristik D. Imahinatibo
10. Perefoods Honeycured Bacon-
“ Coffee lang, dear…”
A. Interaksyunal C. Pampersonal
B. Instrumental D. Imahinatibo

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Napatunayan mo na sa sarili mo na ang gamit ng wika ay hindi lang sa
pakikipagkomunikasyon kundi maging saan mang uri ADBERTISMO. Bigyang palagay
ang tanong na ito: “Bakit dapat panatilihin ang makabuluhang paggamit ng wika sa
mundo ng komeryal?” Isulat ang iyong sagot sa nakalaang espasyo.
Miss Yang / Hedhedia Cajepe Antonio / April 2020

12
13

You might also like