You are on page 1of 2

Teorya at Pinagmulan ng Wika na kabilang sa natalakay sa klase:

1. Tore ni Babel -mula sa lumang tipan ng Bibliya ( Genesis 11: 1-9 ) kung saan sinira ng Diyos ang
toreng ginagawa ng mga tao at pinarusahan sila na magkakaroon nang labis na kalituhan dulot
ng iba-ibang wika.

2. Pentekostes – mula sa bagong tipan ng Bibliya ( Gawa 1-12 ) kung saan nilukuban ng banal na
Espiritu Santo ang mga alagad ni Jesus at sila ay nagpuri sa Diyos gamit ang iba’t ibang
lenggwahe.

3. Teoryang Dingdong- mula sa tunog ng bagay (tren, tiktak ng orasan, langitngit ng makina, tunog
ng kampana, pagring ng telepono, atbp.)

4. Teoryang Bow-wow - mula sa hayop at kalikasang tunog (dagundong ng kulog, lawiswis ng


kawayan, hampas ng alon, patak ng ulan, pagyanig ng lupa, pagragasa ng ilog, tilaok ng manok,
kokak ng palaka, huni ng ibon, kahol ng aso, tunog ng tuko atbp.)

5. Teoryang Pooh-pooh – mula sa matinding bugso at silakbo ng damdamin tulad ng labis na


kagalakan kaya napapahalakhak, paghagulhol dulot ng matinding pag-iyak, pag-ungol dahil sa
kirot o sakit na nadarama, pagkatakot atbp.

6.Teoryang Yoheho- tunog na mula sa mga pwersang pisikal tulad ng pag-ire sa panganganak,
pagbubuhat ng mabigat, paghampas, pagpukpok atbp.

6. Teoryang Tata -mula sa mga Pranses na sinasabi nagsimulang magsalita ang bata sa pagsunod ng
taas-baba ng kanyang dila sa kumpas ng kamay, nangangahulugan rin ito ng pagpapaalam sa tila
paalis.

7. Teoryang Lala – mga tunog na nabubuo sa pakikipagromansa at pakikipagtalastasan tulad ng


paghalinghing, pagsutsot o pagsipol.
8. Tarara Boom De Ay- ay wika ay nabuo mula sa iba’t ibang ritwal ng ating mga ninuno tulad ng
mga dasal at bulong o pagdarasal at pagbulong ng mga babaylan, sayaw tribo atbp.

You might also like