You are on page 1of 10

YUNIT 1 MALIKHAING PAGSULAT

Ikaw ay malugod kong binabati sa pagsisimula ng


inyong kurso sa Malikhaing Pagsulat. Sa yunit na
ito ay ipaliliwanag sa iyo ang kahalagahan ng ating
imahinasyon sa malikhaing pagsulat. Dito ay
tatalakayin din ang mga pangunahing kaalaman sa
malikhaing pagsulat. Maaaring ikaw tulad ng iba ay
na nahihirapang makapagsulat gamit ang wikang
Filipino ngunit sa kabila nito sana ay masumpungan
mo ang kahalagahan ng pagsulat sa iyong pang-
araw-araw na pamumuhay at sa iyong
pinaghahandaang propesyon. Nawa ay hindi mo
ituring na ang pagsulat ay isang nakakasindak at
nakakatakot na gawain, Marapat mong isipin na
ikaw ay angat kung ang pagsulat ay mabibigyan mo
ng atensyon at mapagyayabong ang iyong
kakayahan dito.
Ang yunit 1 ay binubuo ng dalawang aralin:
Aralin 1: Introduksyon sa Malikhaing Pagsulat
Aralin 2: Mga Kagamitang Pampanitikan sa Malikhaing Pagsulat
ARALIN 1 PANIMULA SA MALIKHAING
PAGSULAT

“Pag nagbasa ako ng libro at nanlamig ako sa paraang walang apoy ang
makakapagpainit sa akin, alam kong nagbasa ako ng tula. ‘Pag
pakiramdam kong pinugutan ako ng ulo, alam kong nagbasa ako ng tula.
Ito lang ang alam kong paraan. May iba pa ba?

--Emily Dickinson (salin ni Elisero et al.)

Mga Layunin:
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang matutugunan mo
ang mga sumusunod na mga layunin:

1. Naipapaliwanag ang mga konsepto ng imahinasyon


at naiuugnay ito sa malikhaing pagsulat;
2. Natutukoy ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
makathaing pagsulat at iba pang anyo ng pagsulat,
tulad ng teknikal at akademikong pagsulat;
3. Nakahuhugot ng mga ideya mula sa karanasang
batay sa pandama/pagsulat batay sa nakikita,
naamoy, naririnig, nadarama, at nararanasan
Buksan ang Daigdig ng Pagsulat

Kilalanin ang Isa’t


isa

Simulan na ang semester sa pamamagitan ng pagkilala sa isa’t-isa


Ito ang mga dapat ninyong gawin:

Sa kahong makikita sa ibaba, magsulat ng tatlong totoong bagay tungkol


sa iyong sarili maliban sa isa (siguraduhin lamang na komportable ka sa mga
bagay na iyong ibabahagi).

Kung maaari, pakiusapan ang iyong mga katabing kaklase o kaya ay


kausapin mo ang lima mong kaklase sa social media at pahulaan sa kanila
ang isang maling bagay na inihayag mo tungkol sa iyong sarili
Alamin din kung bakit iyon ang kanilang nagging tugon

Tatlong bagay tungkol sa iyong sarili:

1. _______________________________________________________________
2. _______________________________________________________________
3. _______________________________________________________________

Lagumin ang mga tugon ng iyong mga kaklase

Mga Pangalan ng Ano sa tingin ng iyong Dahilan kung bakit iyon ang
Kaklase kaklase ang mali sa mga kanilang napili
ipinahayag mo tungkol sa
iyong sarili?
Simulan ang Paglalakbay

Upang maging lubos ang kaalaman sa araling ito, huwag nating


ihihiwalay ang atensyon sa mga gabay na tanong:

1. Bakit napakahalaga ng imahinasyon sa malikhaing pagsulat?


2. Ano ang kaibahan ng malikhaing pagsulat sa teknikal na pagsulat?

Iyong pag-
isipan

Magbigay ng mga halimbawa ng mga akdang iyong nabasa na


naging mahusay ang pagkakagamit ng imahinasyon. Magbahagi ng
sapat na ebidensya kung bakit nasabi mong mahusay ang
pagkakagamit ng imahinasyon sa akdang iyong itinala.

Mga Pamagat ng Akdang iyong Ebidensya ng mahusay na


nabasa pagkakagamit ng imahinasyon
1.

2.

3.
Magpatuloy sa paglalakbay

PAGTALAKAY SA PAKSA

Malikhain ka ba?

Maaaring ang sagot mo ay “hindi ako malikhain.”

Ito’y karaniwang mong naririnig sa mga taong umaaming sila


ay hindi manunulat o manlilikha. Ngunit hindi mo maitatatwa ang
katotohanan na lahat ng tao ay maaaring maging malikhain.

Iyong
pagnilayan

Kailan kaya lumalabas ang iyong pagiging malikhain?


Maaaring nailuluwal mo ang iyong pagiging malikhain kapag
mayroon kang nabubuong ideya o konsepto mula sa kawalan.

Tandaan: Ayon kay Elisero et al. “Hindi kailangang maging


kwentista para makabuo ng kuwento. Kapag nag-iimbento o
nagpapalusot ang isang tao tuwing may problema, kalimitang
ginagawan niya ito ng kuwento. Gayundin sa paglikha ng tsismis.
Halimbawa, hindi lamang namamalayan na ang simpleng
pagliban sa klase ay nanganganak na ng maraming haka-haka
sa kaniyang pagkawala. Kung teknik sa pagsulat o literary
device ito sa maikling kuwento, embellishment ang tawag dito
dahil ginagawang malala o grabe ang isang bagay o
pangyayari para mapukaw ang interes ng mambabasa o
tagapakinig”.

Inaalam at hinuhuli ng isang tao ang interes ng kausap dahil sa


kaniyang nalilikha, sinadya man ito o hindi. Ang iyong pagiging
malikhain ay bunga ng iyong malawak na imahinasyon—na likas
sa lahat ng tao. Ito ang pinakamahalagang pundasyon ng
malikhaing pagsulat. Dito nagmumula ang lahat ng ideya,
disenyo, imahen, wika, tinig, at iba pang kakayahan ng bawat
manunulat.
Ano ang imahinasyon? Paano mo ito nagagamit?
Sa mga diksyunaryo, ang imahinasyon ay tinutukoy
bilang paglikha ng isang larawan o konsepto na
hindi maaaring makikita sa ating realidad.
Wala itong hayagang patunay o batayan dahil
nalikha lamang ito
Ang paggamit ng imahinasyon o haraya ay
pagpapalagay na ang isang manunulat ay tulad ng
kapitan ng barko o arkitekto ng gagawing bahay
Magsisimula sa wala ngunit may nabubuo ng ideya
Bago pa maisulat ay buo na ito sa isipan ng taong
gagawa

Sa paggamit ng iyong imahinasyon, huwag kaligtaan ang mga


sumusunod:
May inaakong responsibilidad ang bawat tao sa paggamit ng
kanyang imahinasyon upang maiwasan ang pagpapaabot ng
masamang mensahe sa kaniyang mambabasa o manunuod
Sa larangan ng pagsulat, ang pagamit ng imahinasyon ng manunulat
ay paglikha niya ng isang mundo at realidad
Ang kapangyarihan ng imahinasyon ay ang pagdadala nito sa
manunulat at mambabasa sa maraming mundo na may iba-ibang
katotohanan at posibilidad—parang nananaginip ang nagsusulat at
nagbabasa—ang mga hindi nararanasan kapag gising ay nagiging
totoo sa sandali ng paghimbing
Sa panaginip man o panulat, ang saya, takot, kilig, o galit ay totoo--
nakalikha ng realidad ang mala-panaginip na nobela
Naging ganap ang kapangyarihan ng manunulat dahil napaniwala at
nadama ng kaniyang mambabasa ang realidad na inihain ng
kaniyang akda
At ang kapangyarihan niya ay nagmumula sa kaniyang natatanging
sandata—ang kaniyang imahinasyon

Upang maging malinaw ang pagkakaiba ng malikhain sa teknikal na


pagsulat, mabutihing tunghayan ang talahanayan sa ibaba:
Malikhaing Pagsulat Teknikal na Pagsulat

Ayon kay Adele Ramet, ito ay Ito ay nakaangkla sa mga


ang pagkakaroon ng mapagkakatiwalaang datos at
kapangyarihang makagawa impormasyon tulad ng tesis o
ng isang malikhain at orihinal pananaliksik, pagsusulit, talumpati,
na produksiyon o panunuring pampanitikan
komposisyong pampanitikan mahalaga ang kaisahan sa isang
Hindi laging nasusunod ang pormal na sulatin
kaisahan sa malikhaing akda; Malinaw ang simula, gitna, at
arbitraryo o walang estruktura katapusan nito
at bukas sa iba’t ibang Malinaw rin dapat ang layunin at
kahulugan at interpretasyon problema sa isang sulating
ang pagkakasunod-sunod ng teknikal
mga ideya ito
Hindi rin malinaw ang padron
at gabay ng malikhaing akda

Higit mong mauunawan ang teknikal na pagsulat kung pag-aralan mo


ang mga halimbawa nito:
Ito ay pormal na pananaliksik na may ganap na haba;
1. Tesis o ang tesis ay isang paglalahad, paglalarawan, at pag-
pananaliks oorganisa ng mga datos; at
ik layunin nitong magbigay kasagutan sa isang suliranin.
Ito ay sinasagutan ng mga mag-aaral na tulad mo bilang
2. Pagsusulit bahagi ng kahingian sa inyong klase
Ang pagsusulit, lalo na ang bahagi ng sanaysay, ay isang
paraan ng pagtatasa ng guro sa natutuhan ng mag-aaral
Pormal ang wikang ginagamit sa pagsusulit
Tulad ng pananaliksik, tinutugunan nito ang espesipikong
layunin o suliranin
Kadalasang hinahanap sa pagsasanay nito ang
organisayon ng mga ideyam ang lalim at linaw ng mga
pahayag, at ang epektibong paglalatag ng kapani-
paniwalang argumento o kuro-kuro
Ito ay isang sanaysay na gumagamit ng estratehiya at tono
3. Talumpati ng pangangatwiran at/o panghihikayat
Layunin nitong maglatag ng isang pangunahing tema o
sulirainin at kumbinsihin ang mga mambabasa o
tagapakinig na kumiling sa pinaninindigan nito
Madalas gamitin sa talumpati ang pamamaraan ng
paghahambing o pagtutulad, paglalahad, paglalarawan,
at pangangatwiran
4. Panunuring Ito ay isang akademikong sanaysay na nakatuon sa mga
Pampanitik teorya, pag-aanalisa sa anyo, estilo, at nilalaman ng isang
an akdang pampanitikan
Kadalasan, isinusulat ito ng mga nasa larangan ng
panitikan, kritisismo, o akademya
Maitututing na panunuring pampanitikan ang sanaysay
kung ito ay pag-aaral, talakay, ebalwasyon, o pagbibigay-
interpretasyon sa panitikan
Iyong tandaan ang mga sumusunod sa usaping Teknikal na Pagsulat:
Mahalaga ang kaisahan sa pormal na sulatin
Malinaw ang simula, gitna at katapusan
Dapat ay malinaw ang layunin at iisa lamang ang problema

Bilang paglalagom, tunghayan mo ng pagkakaiba ng dalawa:


Katangian o Teknikal na Pagsulat Malikhaing pagsulat
Aspekto
Nilalaman Batay sa Ginagamitan ng imahinasyon;
datos/impormasyon; hindi matalinghaga at hitik sa
maligoy at hindi mapalabok simbolismo
Layunin Magbigay ng kaalaman at Magbigay-aliw; makapukaw
karunungan; magturo o ng interes; magpamangha;
magbigay-linaw; mag-ulat; maghain ng naiibang pananw
magpaliwanag; ukol sa iba’t ibang bagay
manghikayat
Estilo Pormal; may pamantayang Impormal; artistiko; gumagamit
sinusunod; malinaw ang ng mga tayutay
kahulugan ng mga salita
Organisasyon Sistematiko Arbitraryo; kakaiba at artistisko
Tono Pormal Di-pormal

Ngayon, malinaw na sa iyo ang malaking pagkakaiba sa paraan ng pagsulat


ang dalawa. Ito’y dapat mong tandaan. Paano mo mailalarawan ang isang
‘di kaaya-ayang amoy? Sa pormal na pagsulat, mabaho lamang ito. Ngunit
kung gagamit ka ng malikhaing paghahambing o talinghaga, ang mabaho ay
maaaring maiugnay sa isang bagay na nagpapaalala sa isang tao ng ano
mang mabaho. Sa halip na sabihi mong mabaho, maaaring maging mala-
tambakan ng basura o singbaho ng alipunga ang iyong magiging
paglalarawan. Sa mga Pilipino, maaari mo ring gamitin ang mga idyomatikong
pahayag para mailahad ang isang karanasan o konsepto. Halimbawa, sa halip
na sabihin mong maramdamin ang isang tao o masyadong sensitibo,
babansagan mo na lamang siyang “balat-sibuyas.” Madalas mong makita sa
mga tula ang paggamit ng mga idyomatikong pahayag subalit hindi dapat
malimitahan ang paggamit mo nito sa iisang genre lamang.

Ano ang pandamang danas o sensory experience?


Damang-dama. Ito ang kaibuturan ng pandamang
danas o sensory experience. Ito rin ang maaaring maging
tema o mantra ng iyong malikhaing pagsulat—tula,
kuwento, dula, sanaysay, o iba pang genre. Mahalaga
ang pandama sa malikhaing pagsulat. Tumutugon dapat
ito sa gustong makita, malasahan, madinig, maamoy,
mahawakan, at maramdaman ng isang tao—ng iyong
mambabasa. Tumutukoy ang pandamang danas sa
nararamdaman ng tao.
Ayon kay Ernest Hemmingway, kapag nagsusulat ng kuwento, dapat itong
ipinakikita at hindi lamang sinasabi
Hindi maaaring sabihing galit ang isang manunulat; kinakailangang ipakita sa
mambabasa ang kaniyang galit

Halimbawa, hindi mo maaaring isalaysay ang kuwento ng


pagong at matsing na simpleng nakakita sila ng puno ng saging at
pinaghatian nila at kani-kanilang itinanim, na lumaki at
nagkabunga ang kay Pagong samantalang namatay ang kay
Matsing, at pagkatapos ay nilinlang ni Matsing si Pagong.
Ginantihan naman ni Pagong si Matsing at sa huli ay nakatakas si
Pagong sa galit ni Matsing.

Maaaring magkainteres sa kuwento mo ang mga makikinig o makakabasa


ngunit kung isasalaysay mo na ganoon lamang ay hindi nila ito magugustuhan
dahil hindi sila nakapasok sa salaysay at hindi nila naramdaman o naranasan
ang nangyayari sa dalawang tauhan. Dapat mong isaalang-alang ang mga
sumusunod:
Ano ang hitsura nina Pagong at Matsing? Ano ang personalidad nila? Paano
naagalit si Pagong? Paano nagalit si Matsing?

Maaaring likhain ng iyong tagapakinig o mambabasa ang mga detalyadong


danas ng mga tauhan sa kanilang imahinasyon ngunit maaaring magkaroon
sila ng kani-kanilang pagpapahalaga at interpretasyon na maaaring iba sa
nilayon mo bilang tagapagsalaysay.

Huwag mong kalimutan na ang halaga ng pandamang danas sa


imahinatibong pagsusulat ay maakay mo ang mambabasa sa mga
imahen, damdamin, o sitwasyon na hindi nalalayo sa nilalayon mo
bilang manunulat. Magkaiba man, halimbawa, sina Mambabasa A
at Mambabasa B, magkakaroon sila ng mga tiyak na larawan na
nagpapahiwatig ng mga tiyak na ideya o emosyon na siya namang
itinakda mo bilang manunulat. Hindi man sang-ayon ang dalawang
mambabasa sa kanilang nahihiraya ayon sa nabasa, iisa ang
direksyon at tunguhin ng kanilang pagbasa sapagkat iyon ang
ipinakita ng iyong isinulat.
BALIK-ARAL

Ang pagiging makilhain natin ay bunga ng imahinasyon—na likas sa lahat ng


tao. Ito ang pinakamahalagang pundasyon ng malikhaing pagsulat. Dito
nagmumula ang lahat ng ideya, disenyo, imahen, wika, tinig, at iba pang
kakayahan ng bawat manunulat

Ang paggamit ng imahinasyon o haraya ay paglikha ng isang larawan o


konsepto na hindi karaniwang makikita sa reyalidad. Sa larangan ng
pagsulat, ang paggamit ng imahinasyon ng manunulat ay paglikha niya ng
isang mundo at reyalidad. Kaya naman ang kapangyarihan ng
imahinasyon ay ang kakayahan nitong dalhin ang parehong manunulat at
mambabasa sa maraming mundo na may iba-ibang katotohanan at
posibilidad

Ang malikhaing pagsulat ay binubuo ng iba’t ibang anyong pampanitikan o


genre. Nariyan ang sanaysay, tula, piksiyon (tulad ng maikling kwento at
nobela), at dula

Ang teknikal na pagsulat ay nakaangkla sa mga mapagkakatiwalaang


datos at impormasyon

Tinututukana ng mga pandamang danas o sensory experience and gustong


makita, malasahan, marinig, maamoy, mahawakan, at madama ng isang
tao

You might also like