You are on page 1of 5

MAKRONG KASANAYAN SA PAGSULAT

KAHALAGAHAN AT KALIKASAN
Pisikal at Mental na Aktibiti
 Pisikal- ginagamit dito ang kamay sa pagsulat sa papel,o sa pag pindot ng mga keys ng
tayprayter o ng keyboard ng kompyuter.
 Mental- ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang tiyak na metodo
ng debelopment at patern ng organisasyon at sa isang istilo ng gramarna naaayon sa mga
tuntuninng wikang ginamit.
PROSESO SA PAGSULAT
 Prewriting o Bago sumulat
-lahat ng pagpaplanong aktibiti, pangangalap ng impormasyon,pag-iisip ng mga ideya, pagtukoy ng
istratiheya ng pagsulat at pag-ooganisa.
 Ang unang Burador o Draft Writing
-iminumungkahing sundin ang balangkas ng bawat seksyon.palawigin ang iyong parirala sa
pangungusap. Dahil nais mong makasulat ng mabilis sa yugtong ito, huwag mo munang alalahanin
ang pagpili ng mga salita, istraktura ng pangungusap, ispeling at pagbabantas. Pagtuunan na
lamang ito ng pansin matapos maisulat ang buong unang burador.

 Revising o Pagrebisa
-proseso ng pagbasang muli sa burador nang maikling ulit para sa layuning pagpapabuti at
paghuhubog ng dokumento.

 Editing o pag-eedit
-ang pagwawasto ng mga posibleng pagkakamali sa pagpili ng mga salita, ispeling, gramar, gamit
at pagbabantas.

PAGPAPAKAHULUGAN SA LITERATURA
 Ang “panitikan” ay ang pagsulat ng tuwiran at patula na nag-uugnay sa isang tao. Ito rin ay
repleksyon ng buhay na nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, hangarin sa
buhay, diwa at mga karanasan ng tao.
May dalawang pangkalahatang uri ng panitikan ito ay ang:
 PIKSYON – ito ay anumang anyo ng salaysay kung saan ginagamit ng mga manunulat ang
kanilang imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang bungang – isip lamang.
 DI – PIKSYON – isang pagsasalaysay o paglalahad ng isang paksa na inihaharap sa isang
may – akda bilang katotohanan, ibig sabihin nito, may batay sa tunay na balita at mga
pangyayari.
Apat na Uri na mga Mambabasa
 Mambabasang Sumasang-ayon  Mambabasang galit
 Mambabasang hindi sumasang-ayon  Mambabasang walang pakialam

1
MGA KATANGIAN NG MATALINONG MANUNULAT
1. May malawak na pag-iisip.
2. May pananaw
3. Malakas ang loob ang nais niyang iparating.

Pagkakaiba ng pagsulat at pagsasalita


 Pagsulat
Sabi ni Fred Saberhagen, “nasa paligid lang ang mga ideya. Ang nasulat na papel na pinag-
isipan at binuo sa pamamagitan ng mga tamang salita ang talagang pinagsikapan.
Sabi naman ni Edward Albee, “Ang pagsulat ay isang diskoveri.”
Para naman kay Donal M. Murray (1978)~ nagsusulat daw siya upang bigyang-hugis ang
kanyang iniisip.
 Pagsasalita
Wika naman ni David R. Olson~ang nakatagong “consequence” ng pagsulat ay ang lohika.”
May kontekstong sitwasyional. Magkaharap ang nag-uusap at nakakapagbigay ng kagyat na
feedback na berbal o di-berbal.
Ang pagsasalita ang panguahing paraan upang mapanatili ang pakikipag-ugnayan at
pakikipagisa ng mga tao. Ito ay magsisilbing daan upang ang mga guro at mag-aaral ay
magkaunawaan tungo sa pagtahak sa landas ng tagumpay.
Sabi ni Mark Twain, “dalawang uri ng tagapagsalita, yong mga takot at yong mga sinungaling.”
Para kay Lenny Leskowski sa kanyang “Elements of an effective Speech” binanggit niya
ang ganito, “Ang kalahati ng mundo ay binubuo ng mga taong may gustong sabihin
subalit di masabi, at ang kalahati ay ang mga taong nagsasalita nang wala namang
saysay ngunit patuloy na nagsasalita.

MGA URI NG PAGSULAT


1. .Akadimik- isang intelekwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at
kalidad ng kaalaman ng mga edtudyante sa paaralan.
Halimbawa: Kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, term paper o pamanahonang
papel.
2. Teknikal- isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa
teknikal o komersyal na layunin.
Halimbawa: ulat panlaboratoryo at computer

2
3. Jornalistik- saklaw nito ang pagsulat ng balita, editorial, kolum,anunsyo, at iba pang
akdang karaniiwang makikita sa mga pahayagan.
4. Referensyal-uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian
hingil sa isang paksa.
Halimbawa: Bibliography, index, at note cards
5. Profesyonal na pagsulat- uri ng pagsulat na nakayuon o eksklusiv sa isang tiyak na
propesyon.
Halimbawa: Police report, investigative report, legal forms, at medical report
6. Malikhain- masining ang uring ito ng pagsulat . ang focus dito ay ang imahinasyon ng
manunulat bagamat maaaring fiksyonal at di-fiksyonal ang akdang isinulat.
Halimbawa: Pagsulat ng tula, nobela, at maikling katha
URI NG PAGSULAT AYON KAY JAME KINNEAVY
• Informative
Nagbibigay ng informasyon at evidensya tulad ng mga report, ulat , balita, at iba pa.
ito’y naglalayon magpabatid.

• Persweysiv
Mga sulating naghihikayat upang tanggapin ang sinasabi ng awtor o mapaniwala ang
mga bumabasa tulad ng sanaysay, tanging lathalain at iba pa.

• Ekspresiv
Pampersonal na sulatin ng isang tao na nagsisiwalat ng kanyang damdamin at iniisip.

• Imaginativ
Mga akda ng likhang isip ng manunulat tulad ng mga tula, dula, at kwento ay bunga ng
imahinasyon ng mga manunulat.

• Formulaic
Ang mga sulating ito’y may sinusunod na pormat sa pagsulat tulad ng mga liham
pangkalahatan, thesis, desertasyon, teknikal at siyentipikong report.

BENEPISYO NG MALAYANG PAGSULAT


 Pinupukaw ang isip
Ang pagsusulat ay nagdadala sa atin sa kamalayan kung saan ang mga
nakaraan ay muli nating naaalala.
 Nakakalawak ng IQ
Ito’y isang magandang paraan sa pagpapalawak ng kaalaman dahil pinapalabas
nito ang ating natural na bugso na maghanap ng mga salita at ideya isusulat
 Pinapataas ang Emotional Intelligence (EQ)

3
Ang emotional intelligence ay ang kakayahan na maramdaman at pamahalaan
ang ating emosyon. Sa malayang pagsulat, dito natin napapalabas ang ating emosyon
at kamalayan. Ito ang nagiging tulay sa tunay na pagmamalasakit sa nararamdaman ng
iba dahil alam mo ang kahalagahan at kaginhawaan sa paglalabas ng emosyon.
 Pagpapatalas ng memorya at pagkaunawa
Dahil sa koordinasyon ng utak at kamay sa tuwing nagsusulat ng mga ideya at
saloobin, napapatalas nito ang ating memorya at pagkaunawa sa mga impormasyong
kusa at bigla nating naalala upang magamit sa komposisyon.
 Lunas
Ang paglalabas ng emosyon sa pagsusulat ay isang kalunasan- sa pisikal,
emosyonal at sikolohikal na aspeto ayon kay James Pennebaker.
 Nagpapalakas ng disiplina sa sarili
Isang disiplina ang gumugol ng oras sa pagsusulat. Dahil sa ating kamalayan sa
disiplina, nagreresulta rin ito ng iba pang produktibong gawain.
 Pinalalabas ang ating pagkamalikhain
Ayon sa “Morning Pages” ni Julia Cameron, ang problema ay hindi kung
malikhain tayo, ito ay kung paano natin palalabasin.”
Ang kanyang paraan ay ang magsulat ng may malayang isip. Pinalalabas nito
ang mga ideyang hindi natin inakala na mayroon tayo sa ating isip at mas nag-uudyok
sa atin pang magsulat pa.

Makrong Kasanayan sa Pagbasa


Pagbasa
Ayon kay Leo James English, ang pagbasa ay pagbibigay ng kahulugan sa mga nakasulat o
nakalimbag na mga salita  Goodman ay isang saykolingwistiks na panghuhula kung saan ang
nagbabasa ay bumubuong muli ng isang mensahe hango sa tekstong binasa
Ayon naman kay James Dee Valentine, ito ang pinakapagkain ng ating utak napatunayan
nating marami sa mga nagtatagumpay na tao ang mahilig magbasa Coady ang dating
kaalaman ng tagabasa ay kailangang maiugnay niya sa kanyang binabasa

LAYUNIN SA PAGBASA
Upang maaliw
Upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at maimbak sa ating isip
Mabatid ang iba pang mga karanasan na kapupulutan ng aral
Napaglalakbay natin ang ating diwa sa mga lugar na pinapangarap na marating
Napag-aralan natin ang ibang kultura ng lahi upang mabatid ang pagkakaiba at pagkakatulad
nito sa kulturang ating kinagisnan

4
MGA HAKBANG SA PAGBASA
 Asimilasyon- naiuugnay ng mambabasa ang nakaraan at kasalukuyan.
 Reaksyon- paghatol sa kawastuhan, kahusayan at kahalagahan ng tekstong binasa.
 Pag- unawa- inaalam ang kaisipang nakapaloob sa mga nakalimbag na simbulo.
 Persepyon- pagtukoy sa mga simbulong ginamit tulad ng ponema, morpema at iba pang
bahagi ng gramatika.

URI NG PAGBASA
Emett albert betts
 Pahapyaw na pagbabasa (skimming)
 Mabilisang pagbabasa (rapid reading)
 Paaral na pagbasa (study reading)
Mga Teorya sa Pagbasa
 Top- Down - nagsisimula sa isip ng mambabasa tungo sa teksto
 Bottom-Up – nagmumula sa teksto patungo sa isip ng mambabasa
 Iskema – binibigyang-kahulugan ang teksto mula sa dating kaalaman
 Interaktiv – mahalaga ang metakognisyon na nahihinggil sa kamalayan at kabatiran sa
taglay na na kaalaman at sa angking kasanayan ng mambabasa

UGANAYANG PAGBASA AT PAGSULAT


1. Nakatuon ang pagbasa at pagsulat sa wikang pasulat.
2. Ang literature ay kakayahang makabasa at makasulat.
3. Magkakasama sa pamamagitan ng kahulugan at mga gawaing pampagtuturo.
4. Ang pagbasa at pagsulat ay nangangailangan ng kritikal na pag-iisip.
5. Nagagamit ang kritikal na pag-iisip sa pagbasa at pagsulat. Aking personal na repleksyon

You might also like