You are on page 1of 51

INTRODUKSYON SA

PAGSULAT
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

Tedy A. Eguia, LPT


Guro sa Filipino
PANIMULANG
GAWAIN
Tukuyin kung anong uri ng pagsulat
ang nakapaloob sa mga akda.
AKADEMIKO PROPESYONAL JOURNALISTIC TEKNIKAL MALIKHAIN

1. Pananaliksik Akademiko
2. Pamanahong Papel Akademiko
3. Editoryal Journalistic
4. Reaksyon Papel Akademiko
5. Banghay-Aralin Propesyonal
6. Laboratory Report Akademiko
7. Talumpati Akademiko
AKADEMIKO
PROPESYONA
8. Lathalain Journalistic
L
JOURNALISTI 9. Pantasya Malikhain
C
TEKNIKAL
MALIKHAIN
10. Feasibility Study Teknikal
LAYUNIN
Matapos ang aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:
• Nabibigyang-kahulugan ang pagsulat at naipaliliwanag
ang kalikasan nito.
• Nailalarawan ang pagsulat batay sa mga pananaw hinggil
dito.
• Natutukoy ang mga layunin sa pagsulat.
• Nailalarawan ang proseso ng pagsulat batay sa mga
hakbang sa pagsasagawa nito.
• Natutukoy ang mga uri ng pagsulat at nabibigyang-
kahulugan at halimbawa ang bawat isa.
PAGSULAT
Ito ay pagsasalin sa papel o anomang
kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita,
simbolo at ilustrasyon ng isang tao o
mga tao sa layuning maipahayag ang
kaniyang/kanilang kaisipan.
PAGSULAT
Ito ay kapwa pisikal at mental na aktibiti
na ginagawa para sa iba’t ibang layunin.

PISIKAL MENTAL
XING at JIN
Ang pagsulat ay isang
komprehensibong kakayahang
naglalaman ng wastong gamit,
talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan,
retorika at iba pang mga elemento.
PAGSASALIT
A

PAKIKINIG PAGBABASA

PAGSULAT
BADAYOS
Ang kakayahan sa pagsulat nang
mabisa ay isang kasanayang
pangwikang mailap para sa nakararami
at mahirap matamo subalit mayroon
tayong magagawa. Napag-aaralan ang
wasto at epektibong pagsulat.
KELLER
Ang pagsulat ay isang biyaya, isang
pangangailangan at isang
kaligayahan ng nagsasagawa nito.
Isang biyaya ito sapagkat ito ay
isang kasanayang kaloob ng
Maykapal at eksklusibo ito sa tao.
KELLER
Isa itong pangangailangan sapagkat
ito ay may malaking impluwensya
upang maging ganap ang pagkatao.
Isa itong kaligayahan sapagkat
maaari itong maging hanguan ng
pagpapahayag ng nadarama.
MGA PANANAW
SA PAGSULAT
SOSYO-KOGNITIBO
Ang sosyo ay tumutukoy sa lipunan
ng mga tao. Ang kognitibo naman
ay anomang tumutukoy sa pag-
iisip. Ang pagsulat ay kapwa mental
at sosyal na aktibiti.
SOSYO-KOGNITIBO
Nakapaloob sa mental na aktibiti ang
pag-iisip at pagsasaayos ng isang
tekstong pasulat. Nakapaloob naman sa
sosyal na aktibiti ang pagsasaalang-
alang sa mga mambabasa at sa
kanilang magiging reaksyon sa teksto.
KOMUNIKASYONG
INTERPERSONAL AT
INTRAPERSONAL
Isa itong proseso ng pakikipag-usap sa
sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga tanong tulad ng:
Paano ko Ano ang nais kong
Ano ang Sino ang
iyon maging reaksyon
isusulat? isusulat? babasa? ng babasa?
MULTI-
DIMENSYONAL
NA PROSESO
PERSONAL AT
ORAL NA BISWAL NA
SOYAL NA
DIMENSYON DIMENSYON
GAWAIN
• Kapag ang • Nauugnay sa • Bilang
isang salita o personal na
indibidwal ay lenggwaheng gawain, ang
nagbabasa ng ginamit ng pagsusulat ay
isang isang awtor tumutulong sa
tekstong sa kaniyang pag-unawa ng
iyong isinulat, sariling
teksto na
masasabing kaisipan,
nakikinig na nakalimbag damdamin, at
rin siya sa iyo. na simbolo. karanasan.
PERSONAL AT
ORAL NA BISWAL NA
SOYAL NA
DIMENSYON DIMENSYON
GAWAIN
• Kapag ang • Nauugnay sa • Bilang sosyal
isang salita o na gawain,
indibidwal ay nakatutulong ito
lenggwaheng sa ating
nagbabasa ng ginamit ng
isang pagganap sa
isang awtor mga tungkuling
tekstong sa kaniyang panlipunan at
iyong isinulat,
teksto na sa
masasabing pakikisalamuha
nakikinig na nakalimbag
na simbolo. sa isa’t isa.
rin siya sa iyo.
LAYUNIN NG
PAGSULAT
LAYUNIN POKUS
Impormatibong
Paksa
Pagsulat
Mapanghikayat na
Mambabasa
Pagsulat
Malikhaing Pagsulat Manunulat
IMPORMATIBONG
PAGSULAT
Ito ay naghahangad na
makapagbigay impormasyon
at mga paliwanag. Ang mismong
pokus nito ay at mismong
paksang tinatalakay sa teksto.
MAPANGHIKAYAT NA
PAGSULAT
Ito ay naglalayong makumbinsi
ang mga mambabasa tungkol sa
isang katwiran, opinyon, o
paniniwala. Ang pangunahing
pokus nito ay ang mambabasa na
nais maimpluwensyahan ng awtor.
MALIKHAING PAGSULAT
Ito ay kadalasang ginagawa ng
mga manunulat ng akdang
pampanitikan tulad ng maikling
katha, nobela, tula, dula, at iba
pang masining na akda.
MALIKHAING PAGSULAT
Kadalasan, ang pangunahing
layunin ng awtor ay pagpapahayag
ng kathang-isip, ideya o damdamin.
Ang pokus nito ay ang manunulat
mismo.
MGA PROSESO
NG PAGSULAT
Bago Habang Pinal na
Muling
Sumulat Sumusulat Awtput
Pagsulat
(Pre- (Actual (Final
(Rewriting)
writing) Writing) Output)
BAGO SUMULAT
• Pagpili ng paksa
• Pangangalap ng datos
• Pagpili ng tono at perspektibo
• Brainstorming
HABANG SUMUSULAT
• Pagsulat ng burador o draft
• Pagtatalata o pagsasaayos ng
taludturan at saknong
• Pagtalakay sa mungkahing
pagbabago o mga puna
MULING PAGSULAT
• Pag-eedit at pagrerebisa ng
burador batay sa wastong
balarila, bokabularyo, at
pagkakasunod-sunod ng mga
ideya
BAHAGI NG
TEKSTO
PANIMULA
Ang bahaging ito ay nararapat
na maging kawili-wili upang sa
simula pa lamang ay mahikayat
ang mambabasa na tapusing
basahin ang teksto.
KATAWAN
Dito matatagpuan ang wastong
paglalahad ng mga detalye at
kaisipang nais ipahayag sa akda.
Mahalagang magkaroon ng ugnayan at
kaisahan ang mga kaisipang inilalahad
upang hindi malito ang mambabasa.
WAKAS
Dapat isaalang-alang ang pagsulat ng
bahaging ito upang makapag-iwan ng
isang kakintalan sa isip ng mambabasa
na maaaring magbigay buod sa paksang
tinalakay o mag-iiwan ng isang
makabuluhang pag-iisip at repleksyon.
MGA URI NG
PAGSULAT
1.AKADEMIKO
Itinuturing itong isang intelektwal na
pagsulat dahil layunin nitong pataasin
ang antas at kalidad ng kaalaman ng
mga mag-aaral. (Hal: kritikal na
sanaysay, lab report, eksperimento,
pamanahong papel, tesis o disertasyon)
2. TEKNIKAL
Ito ay isang espesyalisadong uri ng
pagsulat na tumutugon sa mga
kognitibo at sikolohikal na
pangangailangan ng mga mambabasa at
manunulat mismo. Ang pagsulat na ito
ay nakatuon sa ispesipikong audience.
2. TEKNIKAL
Nagsasaad ito ng mga impormasyong
maaaring makatulong sa pagbibigay-
solusyon sa isang komplikadong
suliranin. (Hal: feasibility study, business
proposal, paksang may kaugnayan sa
science and technology)
3. JOURNALISTIC
Pampamamahayag ang uring ito ng
pagsulat. Saklaw nito ang pagsulat
ng balita, editoryal, kolum, lathalain,
at iba pang akdang karaniwang
makikita sa mga pahayagan o
magasin.
4. REPERENSYAL
Ito ay naglalayong magrekomenda
ng iba pang reference o source
hinggil sa isang paksa. Madalas
binubuod o pinaiikli ng manunulat
ang ideya ng ibang manunulat at
tinutukoy. (Hal: textbook)
5. PROPESYONAL
Uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusibo
sa isang tiyak na propesyon. Bagama’t
propesyonal nga, itinuturo na rin ito sa
mga paaralan bilang paghahanda sa
isang tiyak na propesyon na napili ng
mga mag- aaral.
6. MALIKHAIN
Masining ang uring ito ng pagsulat. Ang
pokus dito ay ang imahinasyon ng
manunulat, bagama’t maaaring piksyonal
o di-piksyonal ang akda. Layunin din
nitong paganahin ang imahinasyon at
pukawin ang damdamin ng mambabasa.
PAGTATAYA
Ayusin ang mga magkakahalong titik upang
matukoy ang wastong sagot sa bawat tanong.
1.
PAGSULAT
TSAGULPA
Ito ay pagsasalin sa papel o anomang
kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita,
simbolo at ilustrasyon ng isang tao o
mga tao sa layuning maipahayag ang
kaniyang/kanilang kaisipan.
2.
MALIKHAIN
KMLIAINHA
Ang pokus dito ay ang imahinasyon ng
manunulat, bagama’t maaaring piksyonal
o di-piksyonal ang akdang isinusulat.
Layunin din nitong paganahin ang
imahinasyon bukod pa sa pukawin ang
damdamin ng mambabasa.
3. AKADEMIK
KAMKIADEO O
Itinuturing itong isang intelektwal
na pagsulat dahil layunin nitong
pataasin ang antas at kalidad ng
kaalaman ng mga estudyanteb
sa paaralan.
4. SKAWA WAKAS
Dapat isaalang-alang ng manunulat ang
pagsulat ng bahaging ito upang makapag-
iwan ng isang kakintalan sa isip ng
mambabasa na maaaring magbigay buod
sa paksang tinalakay o mag-iiwan ng isang
makabuluhang pag-iisip at repleksyon.
5. LWSIBA BISWAL
Ang dimensyong ito ay mahigpit
na nauugnay sa salita o
lenggwaheng ginamit ng isang
awtor sa kaniyang teksto na
nakalimbag na simbolo.
GAWAIN
Pumili ng isang hindi malilimutang pangyayari sa
iyong buhay ngayong taon. Sumulat ng maikling
sanaysay hinggil dito. Sundin ang tinalakay na
proseso ng pagsulat at mga bahagi ng isang teksto.
Gamitin ang rubriks bilang gabay.
INTRODUKSYON SA
PAGSULAT
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

Tedy A. Eguia, LPT


Guro sa Filipino

You might also like