You are on page 1of 10

AKADEMIKONG PAGSULAT

Batayan ng Kaalaman sa Pagsulat

By: Andulan, Jasmin S.


BAKIT TAYO SUMUSULAT?
• Ang kakayahan sa pagsulat ay isa sa makrong kasanayan na dapat malinang sa isang indibidwal. Sa
pagsulat, hindi tayo makakapagpanggap.

• Hindi katulad sa pakikinig, tumangi lamang sa nagsasalita o tumangu-tango lamang ay masasabing


nakikinig na kahit iba ang iniisip.

• Sa pagbabasa, makisabay lamang sa pagbabasa ng iba o tingnan ang libro, iisiping nagbabasa na rin.

• Sa pagsasalita, malimit ang mga katagang “ah…eh…ma’am/sir nasa dulo na po ng dila ko, hindi ko
lamang po masabi eh!”.

• Pero sa pagsulat, malalaman ng iyong isip kung ano ang nararamdaman mo…ito ang mababasa
Batayan ng Kaalaman sa Pagsulat

 Kahulugan at Pananaw
 Sosyo-Kognitib na Pananaw sa Pagsulat
 Pagsulat bilang Multi-Dimensyonal na Proseso
 Mga Layunin ng Pagsulat
 Ang Proseso ng Pagsulat
 Mga Hakbang sa Pagsulat
KAHULUGAN AT PANANAW

Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring


magamit na mapagsasalinan ng mga nabubuong salita, simbolo, ilustrasyon ng isang
tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang o kanilang kaisipan. Ito ay kapwa
isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. Ito ay
pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang kamay at mata. Mental na aktibiti rin
ito sapagkat hindi maaaring hindi gamitin ang utak sa pagsusulat. (Bernales, et al.,
2001)

Ayon kay Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay isang komprehensib na


kakahayang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan,
retorika at iba pang mga elemento.

Sinabi ni Badayos (2000), na ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay


isang bagay na totoong mailap para sa nakakarami sa atin maging ito’y pagsulat sa
unang wika o pangalawang wika man.

Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang
pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.

Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasan natamo ng isang tao


mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita, at pagbabasa. (Peck at Bucklingham, sa
Radillo, 1998).
SOSYO-KOGNITIB NA PANANAW SA PAGSULAT

Sosyo - salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao.

Kognitibo - ano mang tumutukoy sa pag-iisip. Nauugnay din ito sa mga empirikal o paktwal
na kaalaman.

Sosyo-Kognitibong Pananaw – isang paraan ng pagtingin sa proseso ng


pagsulat.

Ang pagsulat ay kapwa isang mental at sosyal na aktibiti.


Komunikasyong intrapersonal at interpersonal.
PAGSULAT BILANG MULTI-DIMENSYONAL NA PROSESO

A. Oral na Dimensyon
Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong iyong sinulat,
masasabing nakikinig na rin siya sa iyo. Hindi ka man niya kilala personal o kahit hindi ka
pa niya nakikita, nagkakaroon na siya ng ideya kung sino at ano ka.

B. Biswal na Dimensyon
Ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginamit ng isang
awtor sa kaniyang teksto na inilalahad ng mga nakalimbag na simbolo. Sa dimensyong
ito, kailangang maisaalang-alang, kung gayon, ang mga kaugnay na tuntunin sa pagsulat,
upang ang mga simbolong nakalimbag, na siyang pinakamidyum ng pagsulat, ay maging
epektib at makamit ang layunin ng manunulat.
TATLONG LAYUNIN NG PAGSULAT

1. Impormatibong Pagsulat (Expository Writing)

Kilala rin sa tawag na expository writing. Ito ay naghahangad na


makapagbigay impormasyon at mga paliwanag. Ang pokus nito ay ang mismong
paksang tinatalakay.

2. Mapanghikayat na Pagsulat (Persuasive Writing)

Kilala sa tawag na persuasive writing. Ito ay naglalayong makumbinsi ang


mga mambabasa tungkol sa isang katwiran,opinion o paniniwala. Ang pangunahing
pokus nito ay ang mambabasa na nais maimpluwensiyahan ng isang awtor.

3. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)

Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad


ng maikling katha,nobela,tula,dula at iba pang malikhain o masining na akda.
Kadalasan ang pangunahing layunin ng awtor dito ay magpapahayag lamang ng
kathangisip,imahinasyon,ideya,damdamin o MALIKHAING PAGSULAT. Ang pokus
dito ay ang manunulat.
Ang Proseso ng Pagsulat

• Pre - Writing
• Nagaganap ang paghahanda sa pagsulat.
1

• Actual Writing
• Sinasagawa ang aktwal na pagsulat.
2
• Re - Writing
• Nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng
3 draft batay sa wastong grammar at iba pa.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT
1. Pagpaplano
2. Pagkuha ng magagamit na mga materyales.
3. Pagsulat.
4. Pagsusuri.
5. Pamamahagi.
6. Pagpapalimbag.
7. Pag-evalweyt.

You might also like