You are on page 1of 14

MGA SALALAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT

Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na


mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa
layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et al., 1998).

Isang paraan ng pagpapahayag ng mag saloobin, damdamin at kaalaman ang pagsulat


katulad ng pagsasalita. Sa apat na makrong kasanayang pangwika (pakikinig, pagsasalita,
pagbasa at pagsulat), ang pagsulat ang sinasabing pinakamahirap matutuhan. Di tulad ng
pagsasalita, hindi mga tunog kundi may mga titik ang simbolong ginagamit ng manunulat
upang makapagpahayag. Bumubuo siya ng makahulugang salita mula sa mga titik, at ng mga
pangungusap at kabuuang diskors mula sa mga salita.

Ang pagsulat ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng isipan at emosyon ng tao. Ang mga bagay
na hindi kayang sabihing pasalita ay ginagawa sa paraang pasulat. Maaaring sumulat ng
pansarili o personal; kasabay nang pag-unlad ng sariling ideya tungkol sa sarili at karanasan.
Ang ganitong uri ng pagsulat ay makatutulong sa pagpapabuti ng kasanayang ito sapagkat
ang paksang isinusulat ay pinakamalapit sa interes mo.

Nagsusulat ang isang tao upang makapag-ambag ng kaalaman o kaisipang maaaring mang-
uudyok sa mambabasang sumulat nang makabuluhan.

Ang pagsusulat ay “isang gawaing pisikal at mental” ayon sa isang artikulo. Subalit
mapagtatanto na hindi lamang ito “pisikal” at “mental” kundi isa ring “damdamin”.

Pisikal na aktibiti – sapagkat ginagamit dito ang kamay at mga mata.


Mental na aktibiti – sapagkat ginagamit ang utak sa pagsusulat.
Damdamin na aktibiti - sapagkat mas nagiging madali ang pagsusulat kapag ito’y
nanggagaling sa damdamin o sa kaloob-looban, kumbaga’y buong-buo ang sarili kapag
mismong nararamdaman ang bagay na “subject” ng isang sulat.

Ang pagsulat ay isang sistema ng pakikipagtalastasan ng tao sa pamamagitan ng simbolong


biswal o marka, maituturing na ang kauna- unahang antas ng pagsulat o pagmamarka ng mga
bagay ay nagsimula sa mga unang panahon ng pagkakalikha ng mga tao.

Ang pagsusulat ay hindi man ginagamitan ng bibig sa paglalahad, paglalarawan, o


pagsasanaysay, ito pa rin ay makokonsider na isang komunikatibo at interaktibong
aktibidad.

• KOMUNIKATIBO, sapagkat sa pamamagitan ng sulat maihahatid ng isang manunulat


ang nais ipabatid sa mga mambabasa, maaring ito’y paghahatid ng impormasyon o
nagpapabatid ng saloobin.
• INTERAKTIBO, sapagkat sa pamamagitan nito malayang makainterak at maghabilin
ng isang argumento ang mga mambabasa base sa nabasang sulatin.

SOSYAL NA AKTIBITI/GAWAIN
Nakapaloob ang pagsasaalang-alang sa mga mambabasa at sa kanilang magiging reaksyon
o tugon sa teksto. Nakakatulong sa pagganap sa ating mga tungkuling panlipunan at sa
pakikisalamuha sa isa’t isa.
Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong INTRAPERSONAL at INTERPERSONAL.
• INTERPERSONAL, sapagkat “it enables a person to communicate to the outside world”.
Nangyayari at nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang tao.
• INTRAPERSONAL, sapagkat nahahayaan nitong makipagtalastasan ang sarili sa
sariling imahinasyon at damdamin.

KAHALAGAHAN NG PAGSULAT

Inilahad ni Arrogante (2000) ang mga kahalagahan ng pagsulat:

a. Kahalagahang Panterapyutika

Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para mailabas lamang ang nasa
kalooban may babasa man o wala. Gumagaan ang kanilang pakiramdam pagkatapos
makapagsulat. Para bang naibsan sila ng isang mabigat na dalahin.

b. Kahalagahang Pansosyal

Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang katahimikan o mga bagay na siyang
nagpapalayo sa isang relasyon ngunit likas ng tao ang magkarelasyon. Kung nasasaktan ka at
hindi mo masasabi nang tuwiran ang iyong nadarama, isulat mo lang iyon. Madali ang ugnayan
sa pamamagitan ng pagsulat. Ang isang mamamayang sosyal ay sandatang panulat ang
ginagamit para maipadama ang kanyang saloobin tungkol sa mga pangyayari sa kanyang
kapaligiran.

c. Kahalagahang Pang-ekonomiya

Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay, sa madaling salita ito’y nagiging
kanyang hanapbuhay. Pang-araw-araw na gawain niya ang pagsusulat at ang paghahanap ng
mga dapat isulat, lalo na kapag may hinahabol na deadline.

d. Kahalagahang Pangkasaysayan

Ang panulat ay mahalaga sa pagreserba ng ating kasaysayang pambansa at ang mga


naisasatitik ay nagsisilbing dokumento para sa mga sumusunod na henerasyon.

Napakahalaga ng pagsusulat sa lahat ng aspeto ng buhay. Ito’y magsisilbing tambakan ng


kaalaman na maaaring malimutan sa paglipas ng panahon. Ayon nga sa isang manunulat:
MAAARING MAWALA ANG ALAALA NG SUMULAT, NGUNIT ANG KAALAMANG KANYANG
IBINAHAGI AY MANANATILING KAALAMAN.

MGA SANLIGAN SA PAGSULAT SA IBA'T IBANG DISIPLINA

Ang tao kapag nagsasalita ay mabilis na nawawala, kaya hindi gaanong nabibigyang pansin
ang gramatika sapagkat walang tala o dokumento na magpapatunay sa kanyang sinabi.
Subalit, kapag ang tao ay nagsusulat, isang publikong datos ang nalilikha na nagpapatunay ng
kaalaman, ppinyon at kahusayan sa pagganit ng wika, kailangang gawin ng tiyak, may puwersa
at katapatan sa pagsusulat.
Ang pagsulat ng ibat ibang uri ng sulatin tulad ng sanaysay, panahunang papel, tesis,
disertasyon at iba pa ay nagpapamalas ng talino ng manunulat sapagkat nasusuri at natataya
ng tao ang kanyang sinusulat. Sa ganitong paraan masasabi na hindi gawang biro ang
pagsulat. Mahigpit itong nangangailangan ng kaalamang teknikal at kaalamang pamamaraan.
Ang kaalamang teknikal ay kailangan upang maayos at maiwasto ang binubuong talataan ng
mga detalyeng, maipapaliwanag sa paksang tatalakayin.

Sa pagsulat, nalilinang ang paglikha ng kahulugan sa tekstong kanyang isinusulat na maaaring


batay sa dating karaanasan at kaalaman. Lubos na kailangan ang pagsulat sa pang-araw-araw
na pakikipag-ugnayan sa kapwa. Sa pag-aaral nito, matutulungan ang bawat isa upang ganap
na maipahayag ang sariling kaisipan at saloobin. Masalimuot man ang gawaing ito, ngunit
magagamit ito sa pagtatamo ng kasanayan.

Ayon kay Bernales, maari nating mauri at mailarawan ang mga layunin sa pagsulat sa tatlo:
1. IMPORMATIBO
Ang impormatibong pagsulat, kilala rin sa tawag na expository writing, ay naghahangand na
makapagbigay ng impormasyon at mga paliwanag. Ang pokus nito ay ang mismong paksang
tinatalakay sa teksto.
Halimbawa: • Pagsulat ng report ng obserbasyon • Estadistika sa mga libro • Ensayklopidya •
Bisnes report

2. MAPANGHIKAYAT
Ang mapanghikayat na pagsulat naman, kilala rin sa tawag na persuasive writing, ay
naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katuwiran, opinyon o
paniniwala. Ang pokus nito ay ang mambabasa na nais maimpluwensiyahan ng isang awtor
nito.
Halimbawa: • Pagsulat ng mga proposal • Konseptong papel • Editoryal • Sanaysay • Talumpati

3. MALIKHAIN
Ang malikhaing pagsulat ay ginagawa para magpahayag lamang ng kathang-isip,
imahinasyon, ideya, damdamin, o kumbinasyon niyo. Ang pokus dito ay ang manunulat mismo.
Wika ni Arrogante, ang malikhaing pagsulat ay isang pagtuklas sa kakayahang pasulat ng sarili
tungo sa pagkikipag-ugnayang sosyal.
Halimbawa: • Maikling katha • Nobela • Tula • Dula

ELEMENTO NG PAGSULAT

Ang pagsulat ay hindi isang hiwalay na proseso kundi kaugnay ng iba't ibang gawaing
pangkomunikasyon tulad ng pakikinig pagsasalita at pagbasa. Gayundin, kasama pa rin sa prosesong
ito ang pagpaplano, pag-aayos ng mga datos, pagpapalawak ng paksa, pagsusulat, pagrerebisa at
muling pagsulat.
1. MANUNULAT
Ang isang nagsusulat ay kinakaulangang may sapat na kaalaman sa proseso ng pagsulat. Mayroon
siyang istilo na naiba sa iba upang kalugdan ng mambabasa ang anumang akdang kanyang isinusulat.
Bilang manunulat, lagi siyang nagtatanong nang ganito:
Anu-ano ang layunin ko sa pagsulat? Bakit ako nagsusulat? Anu-ano
ang katangian ng mabisang pagsulat?
Anu-ano ang mga simulain sa pagsulat?

2. PAKSA
Walang bago o lumang paksa para sa isang mahusay na manunulat. Ang anumang paksa ay
nagagawa niya ng kawili-wili sa pamamagitan ng kanyang sariling istilo sa pagsulat. Batid nating
napakayaman ng ating paligd sa mga paksang maaaring isulat at ibahagi sa mga mambabasa.
Gayundin, dahil sa teknolohiya, malaya na ang bawat isa na makapag-internet at makakuha ng mga
ideya at paksang maaaring pagbuhusan ng oras at panahon upang maisulat at maibahagi sa higit na
nakararaming mambabasa.

3. LAYUNIN

Batay sa pag-aaral ni James Kinneavy (197), may limang layunin sa pagsulat at ito ay ang mga
sumusunod:

1. Ekspresiv – pagpapahayag ng niloloob o nararamdaman ng isang tao.


2. Formulari – pagsulat ng mga kasulatan at kasunduang pangnegosyo,
transaksyong legal, at politikal.
3. Imaginativ – malikhaing pagsulat na pinag-uugatan ng mga tula, maikling kwento, dula, awit at
iba pa na likha ng mayamang guniguni ng manunulat
4. Informativ- pagsulat ng mahahalagang impormasyon at ebidensya tulad ng balita at iba pang
sulatin na batay sa mga tiyak na paksa at pangyayari.
5. Persweysiv - pagsulat upang makahikayat, makapagpaniwala sa mambabasa tungo sa
isang nagkakaisang opinyon tulat ng editoryal.

4. MAMBABASA
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mambabasa. Sila ang tagatanggap ng anumang produkto o
output ng isang manunulat. Kung gayon, dapat magkaroon ang manunulat ng background ng kanyang
mga mambabasa. Dapat ay alam niya kung sino ang kanyang mga mambabasa. Maaaring ito ay ayon
sa lebel o antas ng mga maasahan niyang babasa ng kanyang akda. Propesyunal ba o karaniwang mga
mamamayan. Bata ba o may sapat na gulang. Ang mahalaga, nabatid niya ang pangangailangan ng
kanyang mga mambabasa upang sa gayon ay di nasayang ang anumang likha ng kanyang isip at
panulat.

5. WIKA O LENGGUWAHE

Higit sa anumang elemento, ito ang pinakamahalaga. Ito ang tulay upang magkaunawaan ang manunulat
at ang mambabasa. Kailangang batid ng manunulat ang wikang ginagamit ng kanyang mambabasa.
Magiging walang kabuluhan ang anumang produkto ng panulat kung hindi naman ito mauunawaan ng
babasa.
Ang proseso ng pagsulat ay hindi lamang nakapokus sa akto ng pagsulat. Kasangkot dito ang mga
manunulat sa pag-iisip, pagtalakay, pagbabasa, pagpaplano, pagsulat, pag- eedit at pagsulat muli ng
nabuong sulatin. Ang pagsulat ay isang prosesong paulit-ulit na pagsulat at pagkatapos ay pagsulat muli
hanggang sa mabuo ang sulatin.

ANG PROSESO NG PAGSULAT

Sa pagsulat natin ng teksto ay nagsisimula tayo sa isang blankong papel patungo sa isang kumpletong
sulatin. Kaya lang, nagkakaroon tayo ng suliranin kung paano at saan kukuha ng mga kailangang
impormasyon na siyang pupuno sa mga pahina. Sinasabing mahirap ang magsulat lalo na kung hindi
natin alam ang ating isusulat.

A. ANG PAGKUHA NG PAKSA

Sa pagsulat, walang taong magtatangkang sumulat kung walang plano sa dapat isusulat. Dapat isaisip
at planuhin ang susulatin sa gayon kailangan ang pagkokolekta ng mga impormasyon kaugnay sa
nabuong ideyang isusulat. Dapat tandaan sa pagsulat ang magiging epekto ng akda sa mambabasa.

Hindi madaling magsimula ng susulatin dahil kaharap mo ang isang blankong papel. Naghihintay ka sa
pagdaloy ng isip o talagang wala kang maisip. Ito ang karaniwang nasusumpungan ng mga manunulat
lalo na ang mga baguhan.

Ang isang manunulat ay maaaring makakukuha ng mga ideya o paksa sa: (a) iba’t ibang uri ng
babasahin tulad ng mga magazine, pahayagan, peryodikal; (b) ,midya – radyo, telebisyon, internet; (c)
mga pelikula o dokumentaryo; (d) mga sining biswal; (e) mga panaginip o alaala; (f) diskusyon at
palitang-kuro; (g) pagsasatao at pagsasadula; (h) pananaliksik; (i) interes ng sarili o ng klase.

B. MGA YUGTO NG PAGSULAT


Hindi lahat ng manunulat ang nakabubuo ng magandang sulatin sa isang upuan lamang. Ang isang
magandang sulatin ay dumadaan sa ilang yugto ng pag-unlad mula sa burador hanggang sa pinal na
papel.

Isang hamon sa mga estudyante ang mga gawaing pasulat. May mga estudyante na nahihirapan sa
gawaing ito sapagkat hindi nila nakasanayan, nakakatamaran, o hindi nila nakakahiligan ang pagsulat.
Ang mga katuwirang ito ay maaaring palagay lamang. Ang totoo nito, magagawa natin ang pagsulat
nang maayos kung susundin natin ang pagsulat na isang proseso at hindi isang gawain na dala lamang
ng pangangailangan.

Bilang isang proseso, ayon kina Graves (1982), Murray (1985), at Arrogante (2000), ang pagsulat ay
binubuo ng mga sumusunod na hakbang: (A) Bago Sumulat; (B) Pagsulat ng Burador; (C)
Pagrebisa; (D) Pag-eedit; at (E) Paglalathala.

1. BAGO SUMULAT (PRE-WRITING)


Ito’y isang estratehiya tungo sa pormal na pagsulat. Ito ang unang hakbang na isasagawa sa
pagpapaunlad ng paksang isusulat. Ang gawaing ito ay maaaring ginagawa nang isahan o nang
pangkatan.

Sumasagot sa mga tanong na;


a. Paano ko sisimulan?
b. Saan ako mag-uumpisa?
LIMANG TEKNIK NA MAKATUTULONG SA PAGDEDEBELOP NG HUSAY SA PAGSUSULAT:
a. Malayang Pagsulat (Freewriting) – pagsusulat ng mga pangungusap o parirala sa papel nang
tuloy-tuloy hanggang makabuo ng burador
b. Pagtatanong (Questioning) – pagbuo ng mg katanungang may kinalaman sa paksang
naisip.
c. Paglilista (Listing) – pangungulekta ng mga ideya at detalye na may kaugnayan sa paksang
susulatin mula sa nabuong burador
d. Pagkaklaster (Clustering) – sa ibang katawagan, ito ay diagramming; mabisa kung nais ipakita
ng nagsusulat ang ideya sa paraang biswal
e. Pagbabalangkas (Preparing an Outline) – pagbuo ng isang pinag-isipan nang mabuti

2. PAGSULAT NG BURADOR (DRAFT WRITING)

✓ Ito’y aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na hindi isinasaalang-alang ang maaaring


pagkakamali.
✓ Ang mga kaisipan at saloobin tungkol sa paksang sinusulat ay malayang
ipinahahayag ng estudyante.
✓ Ang guro ay nakaantabay sa maaaring maitulong o tanong na maaaring hingin ng mag-aaral
kung nasa klasrum ang gawain.
✓ Matapos maisagawa, maaaring balikan at suriin ng estudyante ang natapos na sulatin upang
maaayos at malinaw ang ginagawang paglalahad.

3. PAGREBISA
✓ Ito’y pagbabago at muling pagsulat bilang tugon sa sagot sa mga payo at pagwawasto mula sa
guro, kamag-aral, editor o mga nagsuri.
✓ Pangunahing konsern ng rebisyon ang pagpapalinaw sa mga ideya. Ginagawa ito upang suriin
ang teksto at nilalaman para matiyak ang kawastuhan, kalinawan at kayarian ng katha na
madaling maunawaan ng babasa.
✓ Sa bahaging ito, iniwawasto ang mga inaakalang kamalian, binabago ang dapat baguhin at
pinapalitan ang dapat palitan.

ISAALANG-ALANG ANG MGA SUMUSUNOD SA PAGREREBISA:

A. KOHIRENS – ugnayan ng mga ideya


B. KAISAHAN – pagpapakita ng malinaw na ideya na magkaugnay sa isa’t isa at umiikot ang
talakayan sa isang sentral na ideya
C. EMPASIS – ang mga mahahalagang salita o punto ay kinakailangang nabigyang-diin
D. KASAPATAN – sapat ang mga materyal tulad ng halimbawa, detalye, paliwanag at mga
ebidensya o datos, para masuportahan ang paksang tinatalakay
E. KASANAYAN SA PANGUNGUSAP – obserbahan ang estraktura ng gramar na ginagamit
tulad ng tamang pagbabantas, ispeling at maging ang tamang pormat

4. PAG-EEDIT
✓ Ang bahaging ito ay pagwawasto sa gramatika, ispeling, estruktura ng pangungusap, wastong
gamit ng salita at mga mekaniks sa pagsulat.
✓ Sa bahaging ito pinapakinis ang papel upang matiyak na ang bawat salita at pangungusap ay
naghahatid ng tamang kahulugan. Sa pag-eedit, ang mga di- magkaugnay na pangungusap ay
muling isinusulat upang higit na maipakita ang kaugnay na mga ideya.
5. PAGLALATHALA

Ang paglalathala ay pakikibahagi ng nabuong sulatin sa mga target na mambabasa. Kabilang sa


gawaing ito ang mga sumusunod:
1. Paglalathala ng mga piling sulatin sa pahayagang pangkampus
2. Pagbabasa sa harap ng klase at pakikinig sa pagbasa ng iba
3. Paggawa ng isang buklet, album o portfolio ng mga naisulat

MGA BAHAGI NG TEKSTO

Ang isang teksto o sulatin ay binubuo ng tatlong pangunahing bahagi: (A) introduksiyon o panimula, (B)
gitna o katawan, at (C) wakas o kongklusyon.

A. INTRODUKSIYON

Ang introduksiyon ang pinakamukha ng sulatin. Kailangan itong maging kaakit-akit upang maganyak ang
mambabasang basahin ang buong katha. Ito ay maaaring pangungusap o talata. Ito ay dapat ibagay sa
haba ng katha. Ito’y dapat maging malinaw, maintindihan, makaapekto at mabisa dahil maaasahan ang
atensyong ibibigay ng mambabasa.

Mahalaga ang pagsisimula sa pagsulat ng makabuluhang komposisyon. Nakasalalay dito ang


pagtatagumpay ng isang sumusulat ng komposisyon na maakay ang kanyang mambabasa upang
tuluyang basahin ang akda. Ang haba ay ibagay sa haba ng komposisyon. Kung maikli lamang ang
komposisyon, ang isang talataan o maging isang pangungusap ay sapat nang introduksiyon.

B. GITNA O NILALAMAN

Ito’y pinakakatawan ng sulatin. Ang mga talata nito ay kinapapalooban ng mga pangunahing kaisipan
at mga pantulong o pansuportang detalyeng maayos ang pagkasunod-sunod tungo sa malinaw na
ikapaliliwanag ng paksa.

Sa pagbuo ng bahaging ito ng komposisyon, alalahaning dapat na mapanatili ang kawilihan ng mga
mambabasa. Ang nakalilito at malabong pagpapahayag ng mga ideya ay makababagot sa mga
mambabasa. Kailangang mapagsama ang mga kaisipang magkakatulad, magkakauri at magkakaugnay
upang maging maliwanag at hindi nakalilito ang pagpapahayag.

Ilang pangkalahatang paraan sa pagsasaayos ng katawan ng komposisyon ay ang mga sumusunod


(Arrogante, 1994):

Mga Paraan

1. Pakronolihikal

Ito’y pag-aayos sa mga pangyayari na magkasunod-sunod mula sa pinakamatagal hanggang sa


pinakasalukuyan.

Halimbawa:

Kung ang paksa’y tungkol sa talambuhay, ito’y simulan sa paglilihi ng kanyang inay hanggang sa
kasalukuyan niyang buhay.
2. Paanggulo

Ito’y pagsasaayos na ibinabatay sa personal na masasabi o reaksiyon ng bawat tao tungkol sa mga
bagay-bagay o isyu tungo sa isang obhektibong paglalagom. Sa isang isyu, ang tatlong anggulo ay
sapat na para makabuo ng isang komposisyon.

Halimbawa:

Kung ang paksa’y tungkol sa Bitay o Hatol, ang mga anggulo ay maaaring kunin sa; mga kriminal mismo
na pagtutol di pagsang-ayunan; bawat sektor ng mamamayan na magkaroon ng iba’t ibang
pagpapasya. Sa pamamagitan ng pagtitimbang-timbang sa bilang ng reaksyong nakuha ang
kongklusyon ay madaling magagawa.

C. WAKAS O KONGKLUSYON

Kung dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang makabuluhang sulatin ang wastong pagsisimula,
nararapat ding pagtuunan ng pansin ang maayos na pagwawakas. Mawawalan ng saysay ang
kagandahan ng komposisyon kung ang sumulat nito ay nakalimot sa katangian ng isang maayos na
pagwawakas. Ang maayos na pagwawakas ay lumalagom sa mga kaisipang inilahad sa komposisyon.

Ang wakas ay dapat na maikli dahil kung ito’y pahahabain, di na ito mabisa at di kasiya- siya. Ito ang
pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at mga katwirang iniisa-isa
sa gitnang bahagi. Kailangang mag-iwan ito ng kakintalan o bisang pangmatagalan sa mga
mambabasa.

URI NG SULATIN

1. AKADEMIK
Ginagamit sa mga pag-uulat sa iba't ibang displina o kurso ayon sa hinihinging pamantayan o istandard.
Ito ay maaaring rebyu ng isang field work sa mga asignatura sa agham panlipunan, book report o ulat
sa mga kurso sa wika, business report sa mga kursoosa pangangalakal.

Samakatwid, ito ang mga uri ng pagsulat na kinakailangan ang mga tiyak na datos sapagkat dito
sasandig ang kabuuan ng tekstong iuulat. Pormal ang istruktura ng uring ito.

• Ito ay isang intelektwal na pagsusulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad at kaalaman ng
mag aaral.

• Isang awtor ang nagsabing ang akademikong pagsulat ay yaong ginagamit sa mga kursong komposisyon
o malikhaing pagsulat na kalimita’y sariling opinyon,ideya o karanasan ang isinusulat ditto, bagamat
maituturing ding akademiko ang pagsusulat ng reaksyon sa sinulat ng iba gaya ng pagsulat ng takdang-
aralin.

Halimbawa: kritikal na sanaysay, laboratory report eksperimento o term paper

2. PROPESYUNAL
- Uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusib sa isang tiyak na propesyon

Halimbawa : Police Report, Invetigative Report, Legal Form, Medical Report

3. TEKNIKAL
Ito ay kinikilala bilang isang may mataas na antas ng pagsulat na nangangailangan ng mga angkop na
salita o jargon hinggil sa isang tiyak na paksa o isyung sayantipiko o teknikal. Karaniwang gamit ang
sulating ito sa larangan ng agham, matematika, medisina at iba pa. Kung minsan tinatawag din itong
transaksyunal na sulatin.

Pormal, maayos ang pagkakabuo, at binibigyan-pokus ang impormasyon o mensaheng nais ihatid dahil
komunikasyon ang pangunaing layunin ng ganitong sulatin. Kabilang dito ang liham pangalakal, panuto,
memorandum, plano, proposal, patakaran o tuntunin, ulat, abstrak at papel pananaliksik

Halimbawa: ulat panlaboratoryo, kompyuter at iba pa.

4. JORNALISTIK
Ito ay mga pagsulat na pampalimbagan. Maaaring balita, editoryal, lathalain, balitang pampalakasan,
anunsyo at mga katulad nito na isinusulat dahil kailangang magsaad ng katotohanan, katumpakan at
obhektibo o walang kinikilingan. Ang mga artikulo sa ilalim ng uring ito ay maaaring naglalaman ng
human interest, personality sketch, historikal na datos, analitikal at politikal na pag-aanalisa,
pangkalusugang panawagan at iba pa.

Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editorial,kolum anunsyo at iba pang akda ng karaniwang makikita sa mga
pahgayagan o magasin.

Ang dyaryo o pahayagan, maging broad sheet o tabloid ay nagtataglay ng mga sulating iba sa nilalaman at
paraan ng pagsulat ng mga sulating malikhain. Hindi mabubuo ang dyaryo o pahayagan kung walang balita,
editoryal, lathain, at iba pang sulating pampahayagan.

5. REFERENSYAL
Ang ganitong uri ng pagsulat ay makikita sa ulat na ibinabatay sa mga naunang ulat na may kaugnayan
dito bilang sanggunian. Dito ay binabanggit ang ilang tala na mula sa naunang report o ulat na maaaring
mula sa isang mapagkakatiwalaang source-isang awtoridad, ahensya ng pagbabalita o iba pang
mapagsasanggunian upang maging kapani-paniwala ang ulat.

Sa mga ulat pananaliksik, makikita naman ito sa bibliyograpi o talaan ng mga sanggunian na karaniwang
makikita sa hulihang bahagi ng ulat.

Halimbawa: bibliography, index, notecards at iba pa.

Alcaraz, Cid V. et. al. 2005. Filipino I – Komunikasyon sa Akademikong


Filipino. Quezon City: Lorimar Publishing Co., Inc.

Alejandro, Rufino. 1980. Ang Sining ng Pagsasaling-wika. Quezon City: Rex


Book Store.

Jocson, Magdalena O. et. al. 2005. Filipino 2 – Pagbasa at Pagsulat Tungo


sa Pananaliksik. Quezon City: Lorimar Publishing Co., Inc.

6. MALIKHAIN
Masining na paglalahad ng naisip o nadarama at karaniwang binibigyang pansin ang wikang ginagamit
sa sulatin. Ito'y ginagawa ng ilang tao bilang midyum sa paglalahad ng kanilang sariling pananaw sa
mga bagay sa paligid o di kaya'y isang libangan.lto ang uri ng pagsulat na ang imahinasyon ng
manunulat ang gumagana upang makalikha ng karakter, senaryo, o pangyayari upang makabuo ng
kwento o tumalakay sa isang uri ng sentral na paksa.

Ayon kay Genoveva Edroza Matute, ang malikhaing pagsulat ay nagmula sa wala, patungo sa
mayroon, patungo sa pag-unlad.

Halimbawa: tula, nobela, maiikling katha atbp.

KASANAYAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT

Ang akademikong pagsusulat ay isang matalinong pamamaraan ng pagsusulat dahil ito ay ginagamit
ng intelektuwal. Ito ay isinusulat sa pormal na salita at sistematiko. Ang akademikong pagsusulat ay
may layunin maghatid ng kaalaman sa mambabasa at ito ay nag lalaman ng katotohanan habang ang
nobela o kwento ay ginagamit ng di pormal na salita o balbal at ito ay ayon sa imahinasyon ng
manunulat.
Isa sa pinakamahahalagang output ng sinumang mag-aaral ang mga gawaing nauukol sa akademikong
pagsulat. Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na
maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan.

KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

1. PORMAL

Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananalita.
Maliban na lamang kung ang naturang uri ng pananalita ay bahagi ng isang pag-aaral.

2. OBHETIBO
Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag- aaral sa
pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o larang. Binibigyang-diin dito ang impormasyong gustong
ibigay at ang argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa (Alejo et al., 2005).

3. MAY PANININDIGAN
Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay pag-aaral o
mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan,ipinaliliwanag at binibigyang-katwiran
ang mahahalagang layunin, at inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral. Mahalaga rin ang paninindigan
dahil ang mismong daloy ng mga pangungusap, pangangatwiran, at layunin ay depende sa isinasaad
ng paninindigan ng manunulat.

4. MAY PANANAGUTAN
Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon. Ang
pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism ay isang kasalanang may
takdang kaparusahan sa ilalim ng ating batas.

5. MAY KALINAWAN
Ang sulating akademiko ay may paninindigang sinusundan upang patunguhan kung kaya dapat na
maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sa pagsulat ay direktibo at
sistematiko.

AKADEMIKONG SULATIN

1. PAGSULAT NG REPORT O ULAT


Ito’y paglalahad ng mga paktwal na impormasyon o katotohanan: kung anong nasaksihan, narinig,
nabasa, naranasan, o natuklasan at napag-alaman.
Ang pag-uulat ay karaniwang nasusulat sapagkat ito ay palagiang tala at napagkukunan ng madaliang
impormasyon. Ito ay bunga ng isinasagawang pagsasaliksik, pagsusuri, pag-aaral, pagbabasa,
pagmamasid, pakikinig at pagsubok.

MGA URI NG ULAT

A. ULAT NG PANANALIKSIK
Ito ay kinapapalooban ng mga natuklasan sa tulong ng riserts at eksperimentasyon. Madalas itong
gamitin sa mga disiplinang agham at edukasyon.

B. ULAT TEKNIKO
Maliban sa mga pangkaraniwang pinag-aaralan o sinusuri, ang mga bahaging teknikal ay kailangan ding
mabigyang linaw at maipaliwanag. Kabilang dito ang teknikalidad sa larangan ng brodkasting, pelikula,
radyo, at information technology.

C. ULAT SA PANAYAM O PAGBASA


Kilala rin ito bilang reaksyong papel. Dito ipinapahayag ang mga puna, komento at mungkahi ukol sa
narinig o nabasa.

2. ANG REAKSYONG PAPEL O PANUNURING PAPEL

Tumutukoy sa paglalahad ng makatarungan, patas o balanseng paghuhusga o assessment sa mga


sitwasyong may kinalaman sa mga tao, bagay, pook at mga pangyayari. Sumasaklaw rin ito sa
matalinong pagtataya sa kalidad, kakayahan, pamamaraan, katotohanan at kagandahan ng obra
maestra. Isang halimbawa ay ang pagbibigay ng reaksyon ng mga tao sa mga pangyayaring
pampolitikal, pang-ekonomikal o pansosyal.

Ang rebyu o panunuri naman ay isang paraang nagpapahalaga, nagtitimbang at nagpapasiya sa isang
akda o likhang sining. Layunin nitong hanapin ang kabutihan at katotohanan para bigyang-pansin ang
kahalagahan at kariktan; at hanapin ang kahinaan ng akda o pagtatanghal upang ito’y mapapabuti. Ito
ay hindi pamimintas na halos walang makitang mabuti sa bagay na sinusuri.

MGA URI NG REBYU O PANUNURI


A. REBYUNG PANSINING
Ito ay pagpapahalaga sa mga likhang-sining tulad ng eskultura, pagpipinta, atb.
B. REBYUNG PAMPANITIKAN
Ito ay pagpapahalaga sa pagsulat na gawain tulad ng mga aklat, pananaliksik, pag-aaral at akdang
pampanitikan (tula, sanaysay, maikling kuwento, nobela at iba pa). Ito rin ay tinatawag na suring-basa.

3. KONSEPTONG PAPEL
Ito ay nagsisilbing proposal para maihanda ang isang pananaliksik.Isang kabuuang ideya na nabuo mula
sa isang framework o balangkas ng paksang bubuuin. Ito ay isang kabuuan ng ideyang nabuo mula sa
isang gawaing balangkas o framework ng paksang bubuuin.

MGA PANGUNAHING BAHAGI NG KONSEPTONG PAPEL

1. RASYONALE
Sa bahaging ito ay inilalahad ang kaligiran o pinagmulan ng ideya kung bakit pinili ang isang particular na
paksa. Binabanggit din dito ang kahalagahan at kabuuan ng paksa.

2. LAYUNIN

Nakapaloob sa layunin ang dahilan ng pananaliksik o kung ano ang gusting matamo pagkatapos
maisagawa ang pananaliksik sa piniling paksa. Ito ay maaaring panlahat at tiyak.

Ang panlahat na layunin ay nagpapahayag ng kabuuang layon o nais matamo sa pananaliksik.


Ang tiyak na layunin ay nagpapahayag ng partikular na pakay sa pananaliksik sa paksa.

3. METODOLOHIYA
Nakalahad ang pangkalahatang metodolohiyang nais gamitin upang maisakatupan ang proyekto-
lahat ng mga makabagong dulog, pamamaraan o proseso na maaaring gamitin.

4. INAASAHANG BUNGA (OUTPUT)


Ito ang pangkalahatang anyo ng konseptong papel.

LOHIKAL AT MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT

Ang lohika ay isang pangangailangan,ito ang batayan ng panghikayat sa mga mambabasa.


Paano naisasagawa ang lohikal na pagsulat?

Ang salitang lohikal ay tumutukoy sa agham at sining ng tamang pag-iisip. Ito ay isang mahalagang
aspeto sa akademikong pagsulat sapagkat ito ay ginagamit bilang batayan ng pangangatwiran upang
manghikayat sa mga mambabasa.
Samakatuwid, nangangailangan ng pananaliksik at ang paggamit ng lohika upang makapagsulat
ng mga mapanghikayat na talata.

IBA-IBANG PARAAN UPANG MAGING LOHIKAL ANG PAGSULAT:


1. Alamin ang paksa ng sulatin at magsaliksik tungkol dito kung kinakailangan;
2. Alamin ang mga proposisyong kaugnay ng paksa upang mapili ang mga
argumentong magagamit;
3. Alamin ang paraan ng pangangatwirang angkop gamitin sa iyong mga argumento;
4. Mangalap ng mga datos na magpapatibay sa iyong argumento; at
5. Iwasan ang mga maling pangangatwiran.

Kaya’t tandaan na ang akademikong pagsusulat ay kailanagan laging maging lohikal upang ito ay
mapanghikayat at kapani-paniwala. Sa kabilang dako, kung ang pangangatwiran ay hindi lohikal at hindi
kapani-paniwala,walang mambabasa na maniniwala.

LOHIKAL NA PANGANGATWIRAN

Ang lohikal na pangangatwiran ay isang uri na pangangatwiran na ginagamitan ng mapanuring


pag-iisip. Ang bawat proposisyon o isyu pinag-uusapan ay kailangan mayroong tiyak na
ebidensya o patunay naito ay makatotohanan.

DALAWANG KATEGORYA NG LOHIKAL NA PANGANGATWIRAN:

a) Pangangatwiran pabuod o indaktib.


b)Pangangatwiran pasaklaw o dedaktib.

A) PANGANGATWIRAN PABUOD O INDAKTIB


Nagsisimula sa maliit na katotohanan tungo sa panlahat na simulain, tuntunin, kaisipan o konsepto.

B) PANGANGATWIRAN PASAKLAW O DEDAKTIB


Nagsisimula naman sa panlahat na tuntunin, konsepto o ideya na sinusundan ng mga partikular na bagay
na sumusuporta o nagpapatotoo sa inilahad sa una.

PALASI/LIHIS NG PANGANGATWIRAN

Sa pagsulat ng akademikong papel, kailangang iwasan ang mga palasi ng pangangatwiran dahil
nagpapahina ang mga ito ng isang argument. Narito ang mga karaniwang palasi na madalas
katisuran ng marami.

URI KAHULUGAN HALIMBAWA

1. ARGUMENTUM AD Isang nakahihiyang pag- atake Hindi magiging mabuting lider ng


HOMINEM sa personal na bayan si Juan sapagkat siya’y
katangian/katayuan ng katalo at isang binabae.
hindi sa isyung tinatalakay o
pinagtatalunan.
2. MALING Karaniwang tinatawag na Bakit mo ako pipilitin na kumain
PAGHAHAMBING usapang lasing ang ng gulay? Kung ikaw nga ay hindi
ganitong uri ng maling rin kumakain ng gulay!
pangangatwiran sapagkat
mayroon ngang hambingan ngunit
sumasala naman sa matinong
kongklusyon.

3. ARGUMENTUM AD Paggamit ng pwersa o awtoridad. Gawin na ninyo ang aking sinasabi.


BACULUM Ako yata ang Pangulo at ako ang
dapat masunod.
4. IGNORATION Pagpapatotoo sa isang Hindi siya ang nanggahasa sa
ELENCHI kongklusyong hindi naman siyang dalaga, sa katunaya’y isa syang
dapat patotohanan. mabuting anak at mapatutunayan
iyan ng kanyang mga
magulang,kapatid, kamag- anak at
kaibigan.
5. MALING Pagbatay ng isang kongklusyon Mahirap mabuhay sa Maynila kung
PAGLALAHAT sa isa o ilang limitadong premis. kaya’t masasabing mahirap
mabuhay sa buong Pilipinas.

6. MALING Paggamit ng hambingang Magiging mabenta ang sorbetes


ANALOHIYA sumasala sa matinong kahit tag-ulan, kasi’y mabenta
kongklusyon. naman ang kape kahit tag-init.

7. MALING SALIGAN Paggamit ng maling batayan na Lahat ng Amerikano ay nasa


humahantong sa maling Amerika, kung gayon, si Pedro
kongklusyon. Madlangbayan ay isang Amerikano
dahil siya ay nasa California.

8. MALING Paggamit ng tao o sangguniang Wika nga ni Aiza Seguerra, higit


AWTORIDAD walang kinalaman sa isang paksa. nating kailangan ang wikang Ingles
kaysa wikang Filipino.

PAANO BUMUO NG MAPANGHIKAYAT NA PAPEL


Natuklasan ng pananaliksik na tinatanggap ng mga tao ang isang argumento para sa isa sa apat na
dahilan:

1. Nakikita nila ang manunulat o tagapagsalita bilang may kredibilidad;


2. Napapanalo sila sa pamamagitan ng ebidensya;
3. Nakumbinsi sila sa pamamagitan ng tamang pangangatwiran;
4. Naantig sila sa mga emosyonal na apela.

Sa buod, kung magagawa isama ang lahat ng apat na elementong nakalista sa itaas– kredibilidad,
ebidensya, pangangatwiran, at damdamin–sa argumento, napakalaki ng pagkakataon na ang mga
mambabasa ng argumentong iyon ay mahihikayat na tanggapin ang pananaw, o kahit man lang ay
magkaroon ng sapat. dahilan upang muling suriin ang kanilang sarili.

You might also like