You are on page 1of 12

Mga Konsepto, Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat

Ang Malikhaing Pagsulat

Ano ang malikhaing pagsulat?

 Ginagamit ang mayamang imahinasyon ng isang manunulat


 Maaaring batay ang paksa sa narinig, nakita, nabasa, o sa karanasan ng
manunulat
 Masining ang paraan ng pagkakasulat
 Ipinapahayag ang damdamin, ideya, at mensahe ng manunulat
 Ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikan tulad ng: maikling
katha, nobela, tula, dula at iba pang masining na akda

Ayon kay Sauco, et al., (1998), ito ay ang paglilipat ng mga nabuong salita sa mga
bagay o kasangkapan tulad ng papel. Ito ay naglalayong mailahad ang kaisipan ng mga
tao.

Ayon naman may Badayos (1999), ang pagsusulat ay isang sistema ng


interpersonal na komunikasyon na gumagamit ng mga simbolo. Maaring ito ay maukit o
masulat sa makinis na bagay tulad ng papel, tela, maging sa malapad at makapal na
tipak ng bato.

Batay kay Rivers (1975), ang pagsulat ay isang proseso na mahirap unawain
(complex). Ang prosesong ito ay nag-uumpisa sa sa pagkuha ng kasanayan, hanggang
sa ang kasanayan na ito ay aktwal nang nagagamit.

Ang pagsulat ay isang anyo ng komunikasyon kung saan ang kaalaman o mga
ediya ng tao ay isinasalin sa pamamagitan ng mga titik at simbolo. Ito ay nagbibigay-
daan para maihayag ng mga tao ang kanilang mga saloobin sa pamamagitan ng
tekstuwal na pamamaraan.
Ang pagsulat ay isang mental at pisikal na aktibidad na isinasakatuparan para sa
iba’t-ibang layunin. Ito ay mental na aktibidad sapagkat pinapairal dito ang kakayahan
na ng isang tao na mailabas ang kanyang mga ediya sa pamamagitan ng pagsasatitik
sa mga ito. Ito naman ay matuturing na pisikal na aktibidad sapagkat ginagamitan ito ng
paggalaw ng kamay.

Kahalagahan ng Pagsulat

Mahalagang mapag-aralan ang pagsulat. Ang kasanayan na ito ay makakatulong


sa pang-araw-araw na buhay lalo na sa pakikipagkomunikasyon.

Alinsunod dito, nagbigay si Arrogante (2000) ng apat na kahalagahan ng


pagsulat. Ito ay ang kahalagahang panterapyutika, pansosyal, pang-ekonomiya at
pangkasaysayan.

1. Kahalagahang Panterapyutika

Mahalaga ang pagsulat sapagkat nagiging daan ito upang maihayag ng


indibidwal ang kanyang mga saloobin. Sa pamamagitan ng pagsulat, ang hindi natin
masabi sa bibig ay naibabahagi natin ng maayos sa iba. Nakakatulong ito sa ibang tao
sapagkat ito ang kanilang ginagawang paraan upang naiibsan at mailabas ang mabigat
nilang nararamdaman.

2. Kahalagahang pansosyal

Likas na sa ating mga tao ang pakikihalubilo at pakikipagpalitan ng impormasyon


sa ating kapwa. Mahalaga ang ginagampanan ng mga sulatin sa ating lipunan.
Nakakatulong ito upang magkaroon ng interaksyon ang mga tao kahit na malayo ang
kanilang mga kausap. Halimbawa na lamang nito ay ang pagpapadala natin ng mga
sulat sa mga mahal natin na buhay na nasa ibang bansa. Sa modernong panahon, ang
pagsulat ay nahaluan na ng teknolohiya kung kaya’t mas napabilis at napadali pa ang
ating komunikasyon. Nakakatulong din ang pagsulat upang makapagpalaganap ng
impormasyon tungkol sa nangyayari sa kapaligiran tulad ng pagbabalita gamit ang mga
dyaryo at gamit ang social media.

3. Kahalagahang pang-ekonomiya

Alam mo ba na nakakatulong din ang pagsusulat sa pagpapalago ng ekonomiya


ng bansa? Ang pagsulat ay maari ding ituring bilang isang propesyonal na gawain. Sa
pagkakaroon ng mataas na kaalaman at kasanayan sa pagsulat, nagagamit ito ng isang
indibidwal upang matanggap sa mga trabaho. Maraming pwedeng pasuking propesyon
ang mga manunulat tulad ng pagiging journalist, script writer sa mga pelikula, pagsulat
sa mga kompanya at iba pa na na maaring makatulong upang magkaroon ng kita.

4. Kahalagahang Pangkasaysayan

Isa sa mga paraan upang mapangalagaan ang kasaysayan ay ang pagtatala at


pagdodokumento dito. Ang mga nailimbag na mga libro at mga naisulat na balita sa
kasalukuyang panahon ay maaring magamit na reperensiya sa hinaharap.

Uri ng Pagsulat Ayon sa Layunin

Ang uri ng pagsulat ayon sa layon ay nahahati sa lima; (1)Pampersonal,


(2)Akademiko, (3)Pampanitikan, at (4)Pampahayagan. Ang apat na uri ay may iisang
goal—ang makapaglathala ng impormasyon o kaya ay ideya at komentaryo ng
manunulat—ngunit, may kanya-kanya itong istilo at ito ang nagsisilbing distinction ng
bawat isa. Gayundin, mayroon silang pagkakaiba sa technicalities o rules kung paano
nabuo ang sulatin.

Maiuuri ang kasanayan sa pagsulat ayon sa layunin ng sumulat nito:

a. Pampersonal—layon na nagsulat ay makapagpahayag at makipag-uganayan.


Halimbawa. Pormal na liham (liham-pangangalakal at korespondensya) at di prmal na
liham (liham-pangkaibigan), journal at diary, at weblog

b. Akdemiko—naglalahad ng pagpapaliwanag sa paksang pagtuturo-pagkatuto at


pampag-aaral. Itinuturing itong isang intelektwal na pagsusulat dahil layunin nitong
pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante.
Halimbawa. Reaction Paper, thesis, feasibility study, at project proposal

c. Pampanitikan—layon nitong makapagpahayag ng damdamin. Ang pokus nito ay ang


imahinasyon ng writer.
Halimbawa. Nobela, sanaysay, tula, daglian, at iskrip

d. Pampahayagan—layon ng writer na maipakalat ang sulatin. Isinasaalang-alang sa


pagsulat ng uring ito ang mga batas ng pamamahayag.
Halimbawa. Editoryal, sulating balita—news, sports, o features, komentaryo, at
documentary.

Mga Elemento ng Pagsulat

A. PAKSA

 Ayon kay Bernales (2006), ang imbesyon ay isa sa limang pangunahing


kategorya ng retorika. Ito ay salitang latin na nangangahulugang "to find". Maaari
din itong tukuyin bilang paksa.
 Ang proseso ng pagsusulat ay laging nagsisimula sa isang PAKSA.
 Ang paksa ay nararapat na maging kawili-wili at naaayon sa mambabasa at
panahon.
 Sa pagpili ng paksa ito ay dapat na may saysay upang basahin ng ating mga
iniakda.
 Dapat ay may sapat na kaalaman ang may-akda sa paksang kanyang pipiliin.
 Pagplanuhan ng maige ang pagpili ng paksa.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGPILI NG PAKSA

 kawilihan ng paksa
 sapat na kagamitan
 kakayahang pansarili

MGA MAAARING PAGKUHANAN NG PAKSA

 sariling karanasan
 narinig o napakinggan sa iba
 nabasa o napanood
 likhang-isip
 panaginip o pangarap

B. LAYUNIN

 Lahat ng ating ginagawa ay may tiyak na layunin.


 Hindi maaaring sabihin na walang layunin kapag nagsulat ang isang manunulat.

C. MAMBABASA/ AUDIENCE

 Sa isang diskuro o anumang proseso ng pakikipagtalastasan laging may dalawa


o higit pang bilang ng partisipant.
 Ang isang akda na naisulat ay walang kabuluhan kung ito ay walang
mambabasa.
 Sa ating pagbabasa, nagiging kritiko tayo at gumagawa ng mga komento upang
mapabuti ang mga sinusulat.
 Kailangang linangin din ng isang manunulat ang kanyang kasanayang
interpersonal.
 Kung walang mambabasa, hindi tayo matuturing na manunulat

D. WIKA
 Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan.
 Ang mga binuong pangungusap kailangan ay may kabuluhan.
 Kailangang malaki ang kaban ng wika ng isang manunulat at malawak ang
kanyang kakayahan sa paggamit ng mga ito.

Mga Bahagi ng Teksto


  Ang isang teksto o sulatin ay binubuo ng tatlong pangunahing bahagi: (A)
introduksiyon o panimula, (B) gitna o katawan, at (C) wakas o kongklusyon.

A. Introduksiyon
Ang introduksiyon ang pinakamukha ng sulatin. Kailangan itong maging kaakit-
akit upang maganyak ang mambabasang basahin ang buong katha. Ito ay maaaring
pangungusap o talata. Ito ay dapat ibagay sa haba ng katha. Ito’y dapat maging
malinaw, maintindihan, makaapekto at mabisa dahil maaasahan ang atensyong ibibigay
ng mambabasa.

Mahalaga ang pagsisimula sa pagsulat ng makabuluhang komposisyon.


Nakasalalay dito ang pagtatagumpay ng isang sumusulat ng komposisyon na maakay
ang kanyang mambabasa upang tuluyang basahin ang akda. Ang haba ay ibagay sa
haba ng komposisyon. Kung maikli lamang ang komposisyon, ang isang talataan o
maging isang pangungusap ay sapat nang introduksiyon.

Mga Paraan ng Pagsisimula


Binanggit nina Arrogante (2000); Leyson at Montera (2005) na maraming paraan
ang maaaring gamitin sa pagsisimula ng sulatin. Narito ang ilang mungkahing paraan
sa pagbuo ng introduksiyon ng sulatin o komposisyon:

1. Pasaklaw na Pahayag
Ang resulta o kinalabasan muna ang sinasabi bago isa-isahin at pagsunud-
sunurin mula sa di gaanong mahalaga hanggang sa pinakamahalagang mga detalye.
Ito’t karaniwang makikita sa araw-araw na pahayagan.
Halimbawa:

Tatlo-katao kabilang na ang isang kagawad ng pulisya ang dinakip ng mga awtoridad
makaraang ireklamo ng walumpung sibilyan sa kasong illegal recruitment sa
isinagawang entrapment kamakalawa sa Antipolo City.

-Pilipino Star Ngayon


Nobyembre 14, 2004

2. Pagbubuod
Ito’y nagpapahayag muna ng pinakadiwa bago tuntunin ang sadyang talakay.

Halimbawa:

Ang stroke at heart attack ang nangungunang killer ng tao sa buong mundo…..

-Pilipino Star Ngayon


Nobyembre 14, 2004

3. Pagtatanong
Patanong ang ginagamit na paraan ng manunulat.

Halimbawa:

Paano natin mararamdaman ang tagtuyot o epekto ng “El Niño” sa gitna ng malamig na
simoy ng Nobyembre? Mayroon pa ngang pulu-pulutong na ulan at panakanakang
kidlat sa kalangitan.

-People’s Journal Tonight


Nobyembre 14, 2004
4. Tuwirang Sinasabi
Ito’y karaniwang nakikita na nakapanipi dahil kuha ito sa mga awtor o bantog na
tao.

Halimbawa:

“Ako’y isang taong mapagmahal ngunit ako rin ay may tungkuling gawain at isasagawa
ko ito….”

-The Philippine Star


Setyembre 15, 2001

5. Panlahat na Pahayag
Ito’y nagtataglay ng kahalagahang unibersal na maaaring hanguin sa mga
salawikain, sa mga kawikaan at maging sa mga pamilyar at pang-araw-araw na
makatotohanang kaalaman ng lahat na nagtataglay ng diwa o aral.

Halimbawa:

Ang ginawang kabutihan ay madaling makalimutan subalit ang nagawang kasalanan ay


baon-baon hanggang libingan. Tunghayan ninyo ang kasaysayan ni Carmelita Tagonon
ng Surigao del Norte. Tawagin na lamang natin siyang Lita.

6. Paglalarawan
Ito’y ginagamit kapag nagtatampok ng tao sapagkat nagbibigay-deskripsyon,
mga malarawan at maaksyong salita ang ginagamit.

Halimbawa:

Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin sa pinakapangit. Ang bilog at pipis niyang
ilong ay lubhang kapansin-pansin at tingnan lamang iyo’y mahahabag na sa kanya ang
tumitingin. Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa kanya. Mayroon siyang
kakatuwang punto na nagpapakilalang siya’y taga ibang pook.

mula sa “Paglalayag… sa Puso ng Isang Bata” ni Genoveva E. Matute

7. Pagsalungat
Binibigyang diin dito ang pagkakaiba. Kung mas malaki ang pagkakaiba mas
matindi ang bisa.

Halimbawa:

Noon malinis, maayos at mapayapa ang aming bayan. Ngayon, malaki na talaga ang
pinagbago ng bayan naming ito dahil kabaligtaran na ang makikita mo.

B. Gitna o Nilalaman
Ito’y pinakakatawan ng sulatin. Ang mga talata nito ay kinapapalooban ng mga
pangunahing kaisipan at mga pantulong o pansuportang detalyeng maayos ang
pagkasunod-sunod tungo sa malinaw na ikapaliliwanag ng paksa.

Sa pagbuo ng bahaging ito ng komposisyon, alalahaning dapat na mapanatili


ang kawilihan ng mga mambabasa. Ang nakalilito at malabong pagpapahayag ng mga
ideya ay makababagot sa mga mambabasa. Kailangang mapagsama ang mga
kaisipang magkakatulad, magkakauri at magkakaugnay upang maging maliwanag at
hindi nakalilito ang pagpapahayag.

Ilang pangkalahatang paraan sa pagsasaayos ng katawan ng komposisyon ay


ang mga sumusunod (Arrogante, 1994):

Mga Paraan

1. Pakronolihikal
Ito’y pag-aayos sa mga pangyayari na magkasunod-sunod mula sa
pinakamatagal hanggang sa pinakasalukuyan.

Halimbawa:

Kung ang paksa’y tungkol sa talambuhay, ito’y simulan sa paglilihi ng kanyang inay
hanggang sa kasalukuyan niyang buhay.

2. Paanggulo
Ito’y pagsasaayos na ibinabatay sa personal na masasabi o reaksiyon ng bawat
tao tungkol sa mga bagay-bagay o isyu tungo sa isang obhektibong paglalagom. Sa
isang isyu, ang tatlong anggulo ay sapat na para makabuo ng isang komposisyon.

Halimbawa:

Kung ang paksa’y tungkol sa Bitay o Hatol, ang mga anggulo ay maaaring kunin sa;
mga kriminal mismo na pagtutol di pagsang-ayunan; bawat sektor ng mamamayan na
magkaroon ng iba’t ibang pagpapasya. Sa pamamagitan ng pagtitimbang-timbang sa
bilang ng reaksyong nakuha ang kongklusyon ay madaling magagawa.

3. Paespasyal o Paagwat
Pinauunlad ang paglalahad sa malapit na sinisimulan dahil ang mga bagay-
bagay dito’y alam na alam, patungong malayo o palayo kung saan man ang mga
bagay-bagay ay hindi gaanong kilala o “vice versa”.

C. Wakas o Kongklusyon
Kung dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang makabuluhang sulatin ang
wastong pagsisimula, nararapat ding pagtuunan ng pansin ang maayos na
pagwawakas. Mawawalan ng saysay ang kagandahan ng komposisyon kung ang
sumulat nito ay nakalimot sa katangian ng isang maayos na pagwawakas. Ang maayos
na pagwawakas ay lumalagom sa mga kaisipang inilahad sa komposisyon.
Ang wakas ay dapat na maikli dahil kung ito’y pahahabain, di na ito mabisa at di
kasiya-siya. Ito ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga
katibayan at mga katwirang iniisa-isa sa gitnang bahagi. Kailangang mag-iwan ito ng
kakintalan o bisang pangmatagalan sa mga mambabasa.

Ilang mungkahing paraan sa pagbuo ng wakas ng komposisyon ay ang mga


sumusunod:

1. Tuwirang Sinasabi

Halimbawa:

“The US Presidential election teaches us to become more aggressive and make an


intensive drive to continue with our efforts to modernize the country’s electoral system,”
ani Rosales na nagsabing susuriin ng Kamara de Reperesentantes ang anumang butas
upang ipatupad ang batas modernisasyon.

-Taliba (Nobyembre 5, 2004)

2. Panlahat na Pahayag

Halimbawa:

… Kung ano ang bawal, iyon ang masarap. Subalit ang masarap ay pumapalit din
kalaunan, wika nga.

3. Pagbubuod

Halimbawa:
Marami pang humihingi ng hustisya. Walang nakaaalam kung kailan nila iyon
makakamtan.

4. Pagpapahiwatig ng Aksyon

Halimbawa:

… Kung hindi na madadagdagan ang populasyon, maaaring wala nang gaanong


magugutom. Kung ganoon, dapat na magkaroon nang masidhing kampanya ang
pamahalaan para mapigil ang pagdami ng mga tao.

5. Pagtatanong

Halimbawa:

Ngayon sa oras ng matinding pagsubok na hinaharap ng ating bayan at karamihan sa


ating kababayan ay lugmok sa kahirapan, ano ang puwede mong gawin para
makatulong? Ano ang dapat gawin ng mga pinuno ng ating bayan para maibsan ang
matinding pagdurusa? Ano sa palagay ninyo?

6. Pagsisipi

Halimbawa:

(Kumukopya ito ng isang linya o mahigit pa sa isang akda, patula man o tuluyan, na
angkop sa tinatalakay na paksa.)

Isang magalang na manunulat ang nagsabi: “Pagkatiwalaan ang kapwa mo at sila’y


magiging matapat sa’yo. Purihin mo sila at sila ay magiging kapuri-puri.

You might also like