You are on page 1of 3

 

Kahulugan ng Pagsulat

Ano ang pagsulat?

-          Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring


magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang
tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et al.,
1998).

-          Isang paraan ng pagpapahayag ng mag saloobin, damdamin at kaalaman ang


pagsulat katulad ng pagsasalita. Sa apat na makrong kasanayang pangwika (pakikinig,
pagsasalita, pagbasa at pagsulat), ang pagsulat ang sinasabing pinakamahirap
matutuhan. Di tulad ng pagsasalita, hindi mga tunog kundi may mga titik ang simbolong
ginagamit ng manunulat upang makapagpahayag. Bumubuo siya ng makahulugang
salita mula sa mga titik, at ng mga pangungusap at kabuuang diskors mula sa mga
salita.

-          Ang pagsulat ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng isipan at emosyon ng tao. Ang


mga bagay na hindi kayang sabihing pasalita ay ginagawa sa paraang pasulat.
Maaaring sumulat ng pansarili o personal; kasabay nang pag-unlad ng sariling ideya
tungkol sa sarili at karanasan. Ang ganitong uri ng pagsulat ay makatutulong sa
pagpapabuti ng kasanayang ito sapagkat ang paksang isinusulat ay pinakamalapit sa
interes mo.

-          Nagsusulat ang isang tao upang makapag-ambag ng kaalaman o kaisipang


maaaring mang-uudyok sa mambabasang sumulat nang makabuluhan.

Kahalagahan ng Pagsulat

Inilahad ni Arrogante (2000) ang mga kahalagahan ng pagsulat:

a.       Kahalagahang Panterapyutika

Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para mailabas


lamang ang nasa kalooban may babasa man o wala. Gumagaan ang kanilang
pakiramdam pagkatapos makapagsulat. Para bang naibsan sila ng isang mabigat na
dalahin.

b.      Kahalagahang Pansosyal

Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang katahimikan o mga bagay na
siyang nagpapalayo sa isang relasyon ngunit likas ng tao ang magkarelasyon. Kung
nasasaktan ka at hindi mo masasabi nang tuwiran ang iyong nadarama, isulat mo lang
iyon. Madali ang ugnayan sa pamamagitan ng pagsulat. Ang isang mamamayang
sosyal ay sandatang panulat ang ginagamit para maipadama ang kanyang saloobin
tungkol sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.

c.       Kahalagahang Pang-ekonomiya

Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay, sa madaling salita
ito’y nagiging kanyang hanapbuhay. Pang-araw-araw na gawain niya ang pagsusulat at
ang paghahanap ng mga dapat isulat, lalo na kapag may hinahabol na deadline.

d.      Kahalagahang Pangkasaysayan

Ang pagsulat ay mahalaga sa pagreserba ng ating kasaysayang pambansa at


ang mga naisasatitik ay nagsisilbing dokumento para sa mga sumusunod na
henerasyon.

1.   Layunin ng Pagsusulat
1. Pansariling Pagpapahayag o Ekspresiv.
- Ito’y pagsulat o pagtataya ng mga bagay na nakikita, naririnig o
nababasa. Ito rin ay nagpapahayag ng nararamdaman at nasasaloob
ng mga tao. May malayang pamamaraan, hindi gasinong
pinagtutuunan ng pansin ang ispeling ng mga salita bagkus
minmahalaga ang mailbas ang tunay na iniisip at nadarama ng
isang tao. Kinapapaloobang ito ng sariling karanasan at mga pala-
palagay ng manunulat hinggil sa ilang pangyayari sa paligiid Hal.
Talaarawan, jornal, personal na liham, mga reaksyon at mapa o
diagram
2. Pagpapahayag na Impormasyonal o Transaksyunal. 
- Ginagawa ito kung nais magpaabot ng mensahe, balita o
magpaliwanag, magpayo o makiusap.
- Gumagamit ito ng mas pormal at kontroladong paraan sapagkat
may istilo na dapat isaalang-alang upang maihatid ang mensahe sa
target niyang mambabasa. Halimbawa: liham,memorandum,
reviewer, riserts, komentaryo, kritiko, ulat, report, poster
o slogan at sanaysay
3. Malikhaing Pagsusulat. 
- Sa tulong ng imahinasyon ng kaisipan ng manunulat at
kapangyarihan sa register ng wika, nagagawang ilarawan ng
manunulat ang lipunang kanyang ginagalawan.
- May sapat na lakas ang mga salita upang ipadama sa mga
mambabasa angpanaromic na larawan ng buhay. Kabalikat din ang
mga maretorikang salitang gagamitin upang mabatak ang
kuryosidad at inspirasyon ng mambabasa.

You might also like