You are on page 1of 1

no ang pagsulat?

- Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit


na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga
tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et al., 1998).

- Isang paraan ng pagpapahayag ng mag saloobin, damdamin at kaalaman ang pagsulat


katulad ng pagsasalita. Sa apat na makrong kasanayang pangwika (pakikinig,
pagsasalita, pagbasa at pagsulat), ang pagsulat ang sinasabing pinakamahirap
matutuhan. Di tulad ng pagsasalita, hindi mga tunog kundi may mga titik ang simbolong
ginagamit ng manunulat upang makapagpahayag. Bumubuo siya ng makahulugang
salita mula sa mga titik, at ng mga pangungusap at kabuuang diskors mula sa mga
salita.

- Ang pagsulat ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng isipan at emosyon ng tao. Ang mga


bagay na hindi kayang sabihing pasalita ay ginagawa sa paraang pasulat. Maaaring
sumulat ng pansarili o personal; kasabay nang pag-unlad ng sariling ideya tungkol sa
sarili at karanasan. Ang ganitong uri ng pagsulat ay makatutulong sa pagpapabuti ng
kasanayang ito sapagkat ang paksang isinusulat ay pinakamalapit sa interes mo.

- Nagsusulat ang isang tao upang makapag-ambag ng kaalaman o kaisipang maaaring


mang-uudyok sa mambabasang sumulat nang makabuluhan.

Kahalagahan ng Pagsulat

Inilahad ni Arrogante (2000) ang mga kahalagahan ng pagsulat:

a. Kahalagahang Panterapyutika

Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para mailabas lamang ang
nasa kalooban may babasa man o wala. Gumagaan ang kanilang pakiramdam
pagkatapos makapagsulat. Para bang naibsan sila ng isang mabigat na dalahin.

b. Kahalagahang Pansosyal

Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang katahimikan o mga bagay na siyang
nagpapalayo sa isang relasyon ngunit likas ng tao ang magkarelasyon. Kung
nasasaktan ka at hindi mo masasabi nang tuwiran ang iyong nadarama, isulat mo lang
iyon. Madali ang ugnayan sa pamamagitan ng pagsulat. Ang isang mamamayang
sosyal ay sandatang panulat ang ginagamit para maipadama ang kanyang saloobin
tungkol sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.

c. Kahalagahang Pang-ekonomiya

Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay, sa madaling salita ito’y
nagiging kanyang hanapbuhay. Pang-araw-araw na gawain niya ang pagsusulat at ang
paghahanap ng mga dapat isulat, lalo na kapag may hinahabol na deadline.

d. Kahalagahang Pangkasaysayan

Ang panulat ay mahalaga sa pagreserba ng ating kasaysayang pambansa at ang mga naisasatitik ay
nagsisilbing dokumento para sa mga sumusunod na henerasyon.

You might also like