You are on page 1of 1

MGA BATAYANG KAALAMAN

SA PAGSULAT
Ito ay isang komprehensibong gawain na pagsulat sa papel o anumang
kasangkapang maaring magamit na mapagkukunan ng mga nabuong salita, simbolo
at ilustrasyon ng tao. Naitatala ng tao ang lahat ng karunungan at kaalaman, mula sa
mga pansariling karanasan hanggang sa mga kaalaman pang-edukasyon. Ang
pagsulat ay ang boses ng kaisipan kapag nagsalin ka sa papel.

Ang tiyak na layunin ng pagsulat ay isang kagamitan ng propesyonal. Ang unang bahagi nito ay
impormatibong pagsulat. Ito ay naglalahad ng kaalaman at impormasyon para isiniwalat ang
ideya para sa nagbabasa. Mga halimbawa nito ay ang report ng obserbasyon, estadistika, balita.
Ang ikalawang layunin sa pagsulat ay mapanghikayat na pagsulat. Ito ay tekstong binuo na
naglalayong pakilusin ang mambabasa. Ang ikatlong bahagi ay ang malikhaing pagsulat. Ito ay
ang pagtuklas sa kakayahang pagsulat ng sarili tungo sa pakikipag ugnayang sosyal.

Pananaw sa Pagsulat
Ang pananaw sa pagsulat naman at ay may dalawang uri. Ang una ay ang
sosyo-kognitibong pananaw. Ayon dito, ang pagsulat ay kapwa ng isang
mental at sosyal na kakayahang. Masasabi rin na ang pagsulat ay kapwa ng
isang komunikasyong intrapersonal at interpersonal.

Ang pagsulat na may ay pisikal at mental gawain. Ito ay isang biyaya, pangangailangan at
isang kaligayahan. Ito ay biyaya dahil ito ay isang kasanayang kaloob ng maykapal at
eksklusibo sa isang tao. Ito ay din pangangailangan dahil may kapaki-pakinabang na
kasanayang pakikinig, pagsasalita, at pagbasa. Ang kaligayahan naman ay dahil pwede rin ito
gamitin bilang sining, maaari itong maging hanguan ng satispaksyon ng sino man.

Bakit ba Tayo ay nagsusulat? Ito ay dahil may dalawang layunin sa pagsulat. Ang unang
layunin ay ang ekspresibo, ito ang layunin ng personal at ito ay naglahad ng isang ideya mula
sa kanilang isipan at damdamin. Mga halimbawa ng ekspresibo ay mga tula, awit, elehiya, oda,
o dalit. Ang ikalawang layunin ay ang transaksyonal ibig sabihin nito ay ang pagsulat ng isang
tao ay panlipunan, ipinapakita nito na nagmamalasakit ka sa iyong pamayanan. Mga
halimbawa nito ay mga liham, reklamo, at mga hinaing para sa lipunan.

Gaano kahalaga sa akin ang pagsusulat? Para saan ang aking mga
isusulat?
Sa palagay ko, ang pagsusulat ay isang instrumento na maaaring maglabas ng
ilang mga uri ng damdamin. Napakahalaga para sa atin na maging malikhaing
bumasa't sumulat. Sumusulat ako para sa lahat na mahal ko at para sa bansang
ito. Sumusulat din ako para sa ikabubuti ng aking sarili at para sa iba.

You might also like