You are on page 1of 2

FLOW OF REPORT KAY BINIBINING CHAVEZ

KAHALAGAHAN

Kahalagahang Panterapyutika-

Sa pamamagitan ng pagsulat, ang hindi natin masabi sa bibig ay naibabahagi natin ng maayos sa iba.
Nakakatulong ito sa ibang tao sapagkat ito ang kanilang ginagawang paraan upang naiibsan at mailabas
ang mabigat nilang nararamdaman. Halimbawa sa pag-ibig may minamahal o hinahangaan ka dahil hindi
mo ito masabi ng harapan kalimitan na ginagawa ay sumusulat ng liham ito yung nagiging daan nila
upang magtapat ng nararamdaman. Isa pang halimbawa ay ang pagsulat ng talaarawan.

Kahalagahang pansosyal-

Likas sa atin na makipaghalubilo at makipagpalitan ng impormasyon sa ating kapwa. Halimbawa na


lamang nito ay ang pagpapadala natin ng mga sulat sa mga mahal natin sa buhay na nasa ibang bansa.
Sa modernong panahon, ang pagsulat ay nahaluan na ng teknolohiya kung kaya’t mas napapabilis at
napadali ang ating komunikasyon sa kanila. Nakakatulong din ang pagsulat upang makapagpalaganap ng
impormasyon tungkol sa nangyayari sa kapaligiran tulad ng pagbabalita gamit ang mga dyaryo at gamit
ang social media.

Kahalagahang pang-ekonomiya

Maraming pwedeng pasuking propesyon ang mga manunulat tulad ng pagiging journalist, script writer
sa mga pelikula, pagsulat sa mga kompanya at iba pa na na maaring makatulong upang magkaroon ng
kita.

Kahalagahang Pangkasaysayan

Ang mga nailimbag na mga libro at mga naisulat na balita sa kasalukuyang panahon ay maaring magamit
na reperensiya sa hinaharap.

MGA LAYUNIN SA PAGSULAT

Expressive/Ekspresibong pagsulat

Ito ay naglalayong makapagpaliwanag ng impormasyon, na ang mismong tuon ay ang bagay na


pinaguusapan.
Mapanghikayat na Pagsulat

Naghahangad na makumbinsi ang mambabasa na nais mahikayat ng sumusulat. Ang pokus nito ay ang
mambabasa na nais maimpluwensyahan ng isang awtor nito. Naglalayong mapalipat ng paniniwala ang
mambabasa, halimbawa ng mapanghikayat na pagsulat, Editoryal, Sanaysay, Talumpati at Serimonyas.

Malikhaing Pagsulat

Ang Malikhaing Pagsulat ay isang pagtuklas sa kakayahang pasulat ng sarili tungo sa pakikipag-ugnayang
sosyal (Arrogante, 2000). Sa pamamagitan ng pagiging mayaman ng imahinasyon ng isang manunulat na
mayroon siyang kakayahang napagalaw ang isip at damdamin ng mambabasa. Ang tuon ng naturang
layunin ng pagsulat ay ang mismong manunulat. Maikling Pagsulat ay ginagawa ng mga manunulat ng
mga akdang pampanitikan tulad ng katha, nobela, tula, dula at iba pang malikhain o masining na akda.
Kadalasan, ang pangungahing layunin ng awtor ay pagpapahayag lamng ng kathang-isip, imahinasyon,
ideya, damdamin o kumbinasyon ng mga ito.

Mga layunin ng pagsulat Para kay James Kinneavy (1971)

may limang kategorya sa pagsulat na naging rason kung bakit nagsusulat ang tao. Ito ay ang mga
sumusunod:

1. Ekspresiv Personal

pagsulat upang maipahayag ang sarili

2. Formulari

Isang mataas at istandardisadong pasulat katulad ng kasulutan o kasunduan sa negosyo o bisnes at iba
pang transyong legal, politikal, at pang-ekonomiya

3. Imaginativ

Ginagamit upang mabigyang-ekspresyon ang mapanilikhang imahinasyon ng manunulat sa pagsulat ng


mga dula, awit, tula, isksrip at iba pa

4. Informativ

Upang magbigay ng mahahalagang inpormasyon at ebidensya

5. Persweysiv

pang makapanghikayat, mapaniwala ang mambabasa dahil sa mga ebidensya katibayang ipinahayag

You might also like