You are on page 1of 14

PAKSA: SINTAKS, SEMANTIKA AT PRAGMATIKANO ANG SINTAKS?

SINTAKS ay mula sa salitang GRIYEGO na “syntattein” na ang ibig sabihin ay pagsama-sama o


pagsama-samahin.

Sintaks ay pagsama-sama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap.

Halimbawa:

• Naglilinis sa silid-aralan ang mga estudyante.


• Ang silid aralan estudyante mga naglilinis.
• Inutusan ako ni nanay.
• Ni Nanay ako inutusan.

ANO ANG SEMANTIKA?

Tumutukoy sa pampilosopiya at pang-agham o siyentipikong pagpapakahulugan. Mula sa salitang


Griyego na "semaino" na ibig sabihin ay "nangangahulugan".

Ang semantika ay ang pag-aaral ng mga kahulugan ng isang salita at ng mahabang yunit ng salita
gaya ng mga parirala at mga pangungusap.

ANO ANG PANGUNGUSAP?

Nagpapahayag ng buong diwa. Binubuo ng simuno at panaguri.

Binubuo ng salita o mga lipon ng salita, kumakatawan ito sa bawat pahayag o pagsasalita ng isang
tao na nagdudulot o nagbibigay ng kahulugan

May patapos na himig sa dulo na nagsasaad ng diwa o kaisipang nais ipaabot

Kilala sa tawag na "sentence" sa wikang Ingles, ito ay nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos sa
bantas

Ang mga bantas na ginagamit sa isang pangungusap ay maaaring kuwit (,) , tuldok (.) , tandang
pananong (?) at tandang padamdam (!) depende sa uri ng pangungusap.

SIMUNO
Ang tawag sa paksang pinag-uusapan sa pangungusap. Ang simuno ay maaaring payak o buo PAYAK
NA SIMUNO. Pangngalan o panghalip na pinag-uusapan sa pangungusap

Halimbawa:

Ninuno, Pilipino

BUONG SIMUNO

Ang mga payak na simuno kasama ang iba pang mga salita o panuring .

Halimbawa:

• Ang mga ninuno.


• Ang mga unang Pilipino

PANAGURI

Ang tawag sa naglalarawan sa simuno, ito ang mga salitang nagsasabi tungkol sa simuno ng isang
pangungusap.

Nailalahad at nailalarawan ang ginagawa ng isang paksa o kung ano ang nangyayari sa simuno sa
loob ng isang pangungusap.

Bahagi ng pangungusap na nagbibigay kaalaman o impormasyon tungkol sa pinag-uusapan.

PAYAK NA PANAGURI

Bahaging nagsasabi tungkol sa simuno ng pangungusap na maaaring pandiwa, pangngalan,


panghalip o pang-uri.

Halimbawa:

• sarili at umiiral (pang-uri)


• Nagkaroon (pandiwa)

BUONG PANAGURI

Ang payak na panaguri kasama ang iba pang salita o panuring

Halimbawa:
• ay may sarili at umiiral na sistema ng pagsulat at wika (pang-uri)
• Nagkaroon ng marami at iba't-ibang wika (pandiwa)

Halimbawa ng Pangungusap:

Si Ana ay mabait na bata.

Ang simuno o ang paksa sa pangungusap ay si Ana, habang ang panaguri naman o ang naglalarawan
sa paksa ay ang mabait na bata.

AYOS NG PANGUNGUSAP:

KARANIWANG AYOS

Isa sa mga ayos ng pangungusap ay ang karaniwang ayos ng pangungusap .Ito ang ayos ng
pangungusap kung saan nauna ang panaguri bago ang simuno.

Halimbawa:

•Kinuha ni Abel ang lahat ng mga prutas at ipinamigay ang mga ito sa mga kapitbahay niya.

Panaguri – kinuha

Simuno – Abel

•Iniba ni Joaquin ang plano nang malamang isinumbong ng kapatid niya ang gagawin nila ng mga kaibigan
niya.

Panaguri – iniba

Simuno – Joaquin

•Nilangoy ni Ferdie ang magkabilang dulo upang mahanap ang nakababatang kapatid sa gitna ng malakas
na ulan at baha.

Panaguri – nilangoy

Simuno – Ferdie

•Nagsitakbuhan sa halamanan ang mga bata


Panaguri=nagsitakbuhan

Simuno=ang mga bata

'DI KARANIWANG AYOS

Sa di-pangkaraniwang ayos, tinutukoy nito sa isang pangungusap na nauuna ang simuno sa


panaguri. Ang simuno ang pinag-uusapan at panaguri naman ang salitang kilos, gawa o di kaya'y
naglalarawan.

Ginagamitan din ito ng salitang "ay" kaya't matutukoy agad nito kung di-pangkaraniwang ayos ang
isang pangungusap. May mga ilang pangungusap na walang salitang "ay" ngunit ang mas bigyan ng pansin
ay una ang simuno sa panaguri.

Halimbawa:

Ang mag-anak ay nagsisimba tuwing Linggo.

Ang mag-anak ay simuno sapagkat ito ang pinag-uusapan, may salitang "ay, at nagsisimba naman ang
panaguri sapagkat sinasabi nito kung ano ang ginawa ng simuno o mag-anak.

Si Manuel L. Quezon ang tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa".

Si Manuel L. Quezon ang simuno sapagkat siya ang paksa ng pangungusap, walang salitang "ay" ngunit ang
panaguri nito ay ang Ama ng Wikang Pambansa sapagkat inilalarawan nito ang simuno.

URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT:

PAYAK

Ang pangungusap kapag nagpapahayag ng isang diwa. Maaring tambalan ang simuno at panaguri
na pinag uugnay ng at,
Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng iisang kaisipan. Ito ay binubuo ng salitang ugat
lamang walang panlapi, hindi inuulit at walang katambal na salita at maaring nag tataglay ng Payak o
Tambalang simuno at panaguri, mayroon itong apat na kayarian:

Apat na kayarian ng Payak.

➢ Payak na simuno at payak na panaguri.


➢ Payak na simuno at tambalang panaguri.
➢ Tambalang simuno at payak na panaguri.
➢ Tambalang simuno at tambalang panaguri.

Halimbawa sa Pangungusap at Salita:

Pangungusap:

• Mega star si Sharon


• International star si Lea
• Mang-aawit si Sharon at Lea.
• Artista at mang-aawit si Lea
• Artista at mang await sina Lea at Sharon
Salita:
• Alay
• Kahoy
• Araw
• Gabi
• Dasal

TAMBALAN

Binubuo ng dalawang magkaibang pangungusap na pinagtatambal sa tulong ng pangatnig na at,


ngunit, samantalang o habang. Minsan ginagamit angt tuldok-kuwit (;).

Halimbawa:

• Ako ang aalis at ikaw ang maiiwan sa bahay.


• Si Aiza ay naglilinis ng bahay samantalang si Feliz ay nagluluto.
• Ang Florante at Laura ay isinulat ni Francisco Balagtas at ang Noli Me Tangere ay isinusulat naman
ni Jose Rizal
• Si Jose Rizal ay magaling sa Espanyol ngunit si Marcelo H. del Pilar ay sinanay naman sa Tagalog.
• Si Andres Bonifacio ay ang Ama ng Katipunan at si Apolinario Mabini naman ay ang Utak ng
Katipunan.
• Naaalala natin ang ating mga bayani ngunit wala naman tayong ginagawa para sa kanila.

HUGNAYAN

Ito ang pangungusap na may sugnay na makapag-iisa at sugnay na di-makapag-iisa. Nagpapakita


ito ng kalalabasan, kondisyon at kadahilanan.

Pinag-uugnay ito ng pangatnig na tulad ng: kung nang upang kapag sapagkat bago Kinakikitaan
din ito ng sanhi at bunga.

Halimbawa:

• Aalis ako sa lugar na ito kung patatawarin mo ako.


• Matatag ang kanilang pagsasama dahil iniintindi nila ang isa't isa.

LANGKAPAN

Kombinasyon ng tambalan at huganayng pangungusap. May isnag sugnay na makapag-iisa at


dalawang sugnay na di makapag-iisa o dalawang sugnay na makapag-iisa at isang sugnay na di-makapag-
iisa.

Halimbawa:

• Si Aling Martha ay nagluluto ng pagkain samantalang ang kanyang anak ay naglilinis ng bahay
dahil may darating na panauhin.
URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT:

PASALAYSAY

Ang pasalaysay ay nagsasalaysay ng katotohanan o pangyayari. Ito ay laging nagtatapos sa bantas


na tuldok (.).

Nagsasabi tungkol sa isang bagay. Nagpapahayag ng katotohanan,bagay o pangyayari.

Halimbawa:

• Malapit na ang araw ng pagtatapos.


• Masaya kaming pumunta sa isang mall.
• Pumapasok ang mga kabataan sa eskwelahan para mag-aral.
• Ang reyna ng Gran Britanya ay si Queen Elizabeth II.
• Ang unang pangulo ng Pilipinas ay si Emilio Aguinaldo.
• May makikita kang maganda sa bunkon na iyon.
• Ako ay may lobo na lumipad sa langit.
• Hindi ko na nakita ang lobo ko sapagkat pumutok na pala.
• Kahit munti lamang ang bahay kubo, sari-sari ang halaman doon.
• Higit pa raw sa amoy ng mabahong isda ang mga taong hindi minamahal ang sariling wika.
• Kaibigan ko ang sikat na atletang iyon.

PATANONG

Nagtatanong o nag-uusisa (?)

Malalaman mo ang isang patanong kapag nagtatapos ito sa question mark.

Halimbawa:

• Saan kaya ako naroroon?


• Kamusta ang mga inaalagaan nyo?

PADAMDAM
Nagpapahayag ng masidhing damdamin. Tuwa, lungkot, gulat (!)paghanga at ibp. Nagtatapos ito sa
tandang padamdam (!). Ang tandang padamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o
pangungusap na nagpapahayag ng masidhing damdamin.

Halimbawa:

• Naku! Ang daming insekto!


• Bilisan mo! Umuulan na!
• Aray! Ang sakit ng tuhod ko.
• Yehey! Wala na naming pasok. 5. Ay! Tama pala ang sagot ko.

PAKIUSAP

Ginagamitan ng magalang na salita tulad ng paki, pwede ba o maari ba at nagtatapos sa tuldok (.)

Ang pakiusap ay isang uri ng pangungusap na ginagamit kung may ipapagawa o ipapakiusap na
gawing bagay sa isang tao. Gumagamit ng mga salitang paki, kung maari, at makikisuyo ang nakikiusap na
pangungusap. Ito ay pangungusap na nanghihingi ng pabor.

Halimbawa:

• Makikisuyo pong makikiabot ng bayad sa drayber.


• Pakitanggal ng sumbrero bago pumasok sa silid.
• Pakikuha ng aklat sa ibabaw ng kabinet.
• Kung maari ay manahimik kapag nasa loob ng simbahan..
• Pakihanap ng aking nawawalang wallet.

Ginagamit din ito sa mga magagalang na salita upang makiusap at maaaring magtapos sa tuldok (.) at
tandang pananaong (?).

Ang dahilan kung bakit ito ginagamit ay para mabigyan ng konsiderasyon, kailangan ito upang
magkaron ng respeto sa sa isat-isa dahil may kanya-kanya tayong pananaw sa buhay.

PAUTOS
Ang pangungusap ay nag-uutos. Ang pautos ay nagpapahayag ng obligaysong dapat gawin. Ito ay
nagsisimula sa isang pandiwa o salitang kilos at nagtatapos sa tuldok. Samantala, kung ikukumpara sa
pakiusap, ang pakiusap ay nagpapahayag ng utos sa magalang na paraan.

Halimbawa:

• Kuhanin mo nga iyon.


• Iabot mo sa akin ang baso.

ANO ANG PRAGMATIK?

Ayon kay Badayos, ito ay pag-aaral kung paanong naapektuhan ng isang konteksto ang
interpretasyon ng wikang ginamit sa komunikasyon.

Sa Teoryang Pragmatiks, mahalagang maunawaan ang intension ng nagsasalita dahil; mahuhulaan


ang mensahe nito ng taga pakinig at sakop nito ang paggamit ng wika sa isang sitwasyon at kung paano
naiinindihan ang mga partiklar na sinasabi sa iba’t-ibang kontekstong panlipunan at Malaki ang potensyal
ng pragmatic bilang daan sa pag-aaral ng komunikasyon sapagkat binibigyan nit ng karampatang
pagpapahalaga sa araw-araw na komunikasyon ang ating ipinapahayag.

ANO ANG COOPERATIVE PRINCIPLE?

Ang interaksyon ng nagsasalita at nakikinig upang makuha ang tamang interpretasyon.

Apat na prinsipyo sa kumbersasyon:

Prinsipyo kantidad- Naiuugnay sa impormasyon na kailangang ibigay.

Prinsipyo kalidad- Naiugnay sa katotohanan ng ibinibigay na impormasyon.

Prinsipyo ng relasyon- Naiuugnay sa halaga ng ibinibigay na impormasyon.

Prinsipyong pamaraan- Naiuugnay sa paraan ng pagbibigay sa impormasyon.


ANO ANG DISKORSAL O DISKURSO?

Tumutukoy sa berbal na kumunikasyon tulad ng kumbersasyon. Pagpapahayag ng saloobin o ideya


tungkol sa paksa. Maaaring PASULAT o PASALITA,

MGA PAMAMARAAN SA PAGKUHA NG KAHULUGAN

PAG-UNAWA SA KAHULUGAN NG SALITA

Narito Ang Mga Halimbawa Ng Mga Salitang May Kahulugan

Halimbawa: Balat Sibuyas

Ang Kahulugan Ng Balat Sibuyas Ay Iyakin o Di Kaya Maramdamin

Halimbawa: Si Anna Ay Balat Sibuyas Pangalawang

Halimbawa: Butas Ang Bulsa

Ang Kahulugan Ng Butas Ang Bulsa Ay Walang Pera

Halimbawa: si Tonton Ay Butas Ang Bulsa Pangatlong

Halimbawa: Makapal Ang Mukha

Ang Kahulugan Ng Makapal Ang Mukha Ay Hindi Marunong Mahiya

Halimbawa: Si Karen Ay Makapal Ang Mukha

PAGTUKOY SA PANGUNAHING IDEYA

PAGTUKOY SA PAGKAKAUGNAY

Halimbawa:

May nag-uusap na grupo ng mag-aaral at may isang biglang nakisali.

Nagkaroon ng pagkakaroon ng ibang interpretasyon mula sa mga nakarinig dahil hindi naman iyon
ang kanilang pinaguusapan.
Ang kahalagahan ng pagtukoy sa pagkakaugnay ay upang hindi ka magkaroon ng pagkakamali at
di mataliwas ang iyong isipan o gawi sa isang bagay . Mahalaga din na matukoy kung konektado ba ang
sitwasyon , usapin o gawi upang makasabay at di mawala sa konteksto at paksa na tinutukoy.

BALANGKAS NG ORGANISASYON NG IDEYA

Ito ay ang maayos na paghahati-hati ng mga kaisipan ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod.

Ang tagubilin dito ay lohikal na ayusin ang mga tala at gamitin ang mga ito bilang preliminaryong
material sa pagbuo ng balangkas.

BALANGKAS- pinakakalansay ng sulatin

Nagsisilbing gabay ay nagbibigay hudyat sa paghahati ng mga kaisipan.

Kategorya ng Balangkas

1. dibisyon – bilang Romano ang ginagamit na pananda ( I, II, III)

2. Sub-dibisyon – malaking titik ng alpabeto ang ginagamit na pananda

3. seksyon – bilang Arabiko ang ginagamit na pananda (1,2,3) Minsan ay may paghahati rin sa sub-
seksyon at ang maliit na titik ng alpabeto ang ginagamit na pananda para dito.

Uri ng balangkas

Paksang Balangkas (topic outline)

Pangungusap na balangkas (sentence outline)

Ang balangkas ay isang naksulat na plano ng mahahalagang bahagi ng isang sulatin na nakaayos
ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. Mahalagang bahagi lamang ang nakapaloob dito upang
magsilbing patnubay sa gagamitin ukol sa magiging nilalaman ng isang sulatin. Mahalaga ang paggawa ng
balangkas sa paghahanda ng ulat o anumang sulatin katulad ng pag-uulat, pananaliksik, at pagsasaayos ng
mga impormasyon. Matapos makuha ang mga impormasyong kailangan sa iyong ulat ang susunod mong
iisipini ay kung alin sa maraming impormasyon mong nakuha ang iyong isasama sa ulat. Sa bahaging ito,
mahalaga ang paghahanda ng isang balangkas.

Mga Uri ng Balangkas


Pamaksang Balangkas (topic outline)- Ito ay binubuo ng salita o parirala lamang dahil matipid ito sa
pananalita o pahayag. Madalas ginagamitan ito ng mga pangngalang-diwa (gumagamit ng panlaping
makangalan na pag.

Pangungusap na Balangkas (sentence outline) Ito ay binubuo ng mga buong pangungusap na


naglalaman ng pangunahing ideya at maynor na ideya.

Patalatang Balangkas (paragraph outline) Ito ay binubuo ng mga pangungusap na naglalahad ng


nilalaman ng buong mga talata ng sulatin.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Balangkas

Basahin muna nang pahapyaw ang isang tekto bago magtala ng mga paksa o detalye.

Suriin ang pagkakaayos ng mga ideya sa binasang teksto. Ito ba ay nasa ayos na kronolohikal, mula
sa simple patungo sa kumplikadong mga ideya, sanhi at bunga, malawak na paksa patungo sa mga tiyak na
ideya, mga tiyak na ideya patungo sa malawak na paksa o lohikal na ayos at iba pa

Pag-aralan kung ano-ano ang mahahalaga o pangunahing ideya at ang mga pantulong na ideya.

Tiyakin kung anong uri ng balangkas ang angkop na gamitin sa paksa.

Sundin ang halimbawa ng pormat ng balangkas na nakalarawan sa teksto.

Gumamit ng wastong bantas

PAGTUKOY SA KATOTOHANAN O OPINYON

Pahayagan na nagsasaad ng ideya, o pangyayari na napatunayan at tanggap at tama sa lahat. Hindi


rin ito nagbabago na may sanggunian, katotohanan, batayan at ebidensiya o datos mula sa mga
mapagkakatiwalaan batayan, katulad ng Bibliya, Saligang Batas, at Pagsusuri. Mga pananda: batay sa,
resulta sa, ayon sa, mula kay, tinutukoy ni, mababasa sa atb. Mga pinanghahawakan ng katotohanan
(bearers of truth)

1. Paniniwala (Belief) - isang mental na ekspresyon na nagpapahayag ng paniniwala at


pananampalataya.

2. Pahayag (Statement) - proporsiyon / linguistic expressions.

Halimbawa ng Uri ng Katotohanan


1. Empirical vs. Rational

2. Synthetic vs. Analytic

3. Contigent vs. Necessary

4. Private vs. Public

Pamamaraan sa pagtukoy ng Katotohanan

1. Obserbasyon - panloob at panlabas na pandama

2. Pangangatwiran - inductive or deductive at sumusunod sa katwiran.

3. Intuwisyon - pinagmulan ng katotohanan, ito ay abilidad na malaman ang katotohanan kaagad


agad.

4. Mystikal na karanasan - inaasahan o hinihinging pangyayari, pangrelihiyon at ispiritwal na


karanasan.

5. Appeal to Authority - ang mga nasa posisyon at kapangyarihan ang maaring tumukoy sa
katotohanan.

Pagtukoy sa Opinyon

Tinatawag na kuro-kuro o sariling pananaw na maaring sayo ay tama at sa iba ay mali. Ito ay
pagpapahayag ng sariling damdamin at ekspresyon sai isang bagay na may kaunti kaalaman. Maaaring
gamitan ng sariling palagay at pananaw. Sa opinyon ay maaaring walang batayan o hindi sapat ang
pagpapatunay. Ang opinyon ay napapangitan ng hula at kaalaman ng isang tao sa isang bagay. Kaya't pag
pinagsama ang hula at kaalaman ay makabubuo ito ng opinyon. Mga pananda: sa aking palagay, para sa
akin, sa tingin ko, sa nakikita ko, batay sa obserbasyon ko, at itb.

PAGTUKOY SA LAYUNIN O TONO

LAYUNIN

Tumutukoy sa nais iparating at motibo ng manunulat sa teksto.


Mahihinuha ito sa pamamagitan ng uri ng diskursong ginagamit sa pagpapahayag.

Halimbawa:

• Naglalarawan ba ito, o kaya ay nagkukwento lang ng isang tiyak na karanasan o


sitwasyon.

TONO

Tumutukoy sa saloobin ng may akda sa paksang kanyang isinulat. May mga may-akda na
nagagawang magaan ang paglalahad sa isang seryosong paksa. Tono ay maaaring mapagbiro o
mapanudyo, masaya o malungkot, seryoso o satiriko.

Ang tono ng isang salita ay naiiba ang gamit depende sa pagkakabigkas.

Halimbawa:

• Galit na galit ka dahil di umuwe sa itinakdang oras ang iyong kapatid. Ngunit ng
dumating na ito sa halip na magagalit ay naging mahinahon ang iyong
pagsasalita.

You might also like