You are on page 1of 6

MODYUL 13: BAHAGI NG PANG NILALAMAN

A. Panghalip
a. Uri ng Panghalip
B. Pandiwa
a. Aspekto ng Pandiwa
b. Pokus ng Pandiwa

BILANG NG LINGGO: 13
ORAS NA ILALAAN: 3 oras
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natatalakay ang saklaw ng panghalip.
2. Nakakapagbigay ng mga tamang halimbawa sa bawat saklaw ng panghalip.
3. Naipapaliwanag ang depinisyon ng pandiwa.
4. Nababanghay ang mga salita sa bawat aspekto at iba pang kategorisasyon ng
pandiwa.

PAMPAGKATUTONG NILALAMAN
BAHAGI NG PANG NILALAMAN
Introduksyon
Ang panghalip o pronoun sa wikang Ingles ay ang salitang pamalit o
panghalili sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o sa kasunod
na pangungusap. Isa rin ito sa mga Bahagi ng Pananalita o Parts of Speech.

Pagtatalakay
A. Panghalip
• Ang panghalip ay ang salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan
na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap.
• Ang salitang panghalip ay nangangahulugang "panghalili" o "pamalit"
kadalasan itong ginagamit sa mga talata,pangungusap at kuwento.

a. Mga Uri ng Panghalip


i. Panghalip na Panao
• Ang panghalip na panao (mula sa salitang "tao", kaya't
nagpapahiwatig na "para sa tao" o "pangtao") ay nakikilala
sa Ingles bilang personal pronoun. Ito ay panghalili sa ngalan
ng tao. Maaari itong gamitin bilang simuno at tagaganap.
• Ang panghalip na panaong simuno ay nakikita sa unahan ng
ay at nasa hulihan ng pangungusap kapag walang ay. Ang
panghaip na panaong nagaganap ay laging nasa bahaging
panaguri at nakikita kasunod ng pandiwa.
• Halimbawa ng mga panghalip na panao ay ang mga salitang
ako (me), ko, kami (we), kayo, , kita, mo (you), at siya
(he/she).
Talaan Blg. 1. Panghalip na Panao
Isahan Maramihan
Simuno Tagaganap Simuno Tagaganap
Ako Ko Tayo Natin
Kami Namin
Ikaw Mo Kayo Ninyo
Siya Niya Sila Nila

ii. Panghalip na Paari


• Ito ay mga panghalip na pumapalit sa pangngalang
nagpapakita ng pag-aari.
• Mahalagang tandaan ang mga sumusunod tungkol sa
panghalip na paari:
o Lagi itong nakikita sa bahaging panaguri o pagkatapos
ng panandang "ay" at sa unahan ng pangungusap
kung walang "ay".
o Hindi ito dapat sinusundan ng pangngalan.
o Hindi ito dapat may "sa" sa unahan.
• Halimbawa: "Ang bansang Pilipinas ay atin." , "Kanya ba ang
magandang proyekto?"
• Kapag ang salitang nagpapakita ng pag-aari ay nasindan o
may nauunang pangngalan, hindi na ito panghalip. Sa halip,
itinuring na itong panuring.
• Halimbawa:
o Ang bagong damit ay akin. (panghalip)
o Ang aking damit ay bago. (panuring)
o Ang damit ko ay bago. (panuring)
Talaan Blg. 2. Panghalip na Paari
Isahan Maramihan
Akin Atin, amin
Iyo Inyo
Kanya Kanila

iii. Panghalip na Pananong


• Ang panghalip na pananong ay pamamalit sa pangngalan sa
paraang patanong. Ito ay maaring isahan o maramihan. -
(mula sa salitang "tanong", kaya't may pakahulugang
"pantanong") ay nakikilala sa Ingles bilang interrogative
pronoun.
• HALIMBAWA:
o Sino ang pangulo ng Pilipinas?
o Ano ang binili mo sa palengke?
Talaan Blg. 3. Panghalip Pananong
Kinakatawan Isahan Maramihan
Tao Sino Sino-sino
Bagay Ano Ano-ano
Bagay na pipiliin Alin Alin-alin
Taong may-ari Kanino Kani-kanino
Nino Ninu-nino
Bilang Ilan Ilan-ilan
Sukat/dami Gaano Gaa-gaano
Halaga Magkano Magka-magkano

iv. Panghalip na Pamatlig


• ang panghalip na pamatlig ay humahalili sa ngalan ng tao,
bagay, at iba pa na tinuturo o inihihimaton. (ito, iyon, iyan,
doon,diyan, niyan, atb)
• HALIMBAWA:
o Iyon ang kaibigan ni Ana.
o Iiwan niya ang bag doon.
Talaan Blg. 4. Panghalip Pamatlig
Mga Salita Paglalarawan
Ito, ganito, dito, heto Hawak niya o malapit sa
kanya ang itinuturo
Iya, ganyan, diyan, hayan Malapit sa kanya ang
itinuturo
Iyon, ganoon, doon, hayun Malayo sa kanya ang
itinuturo

v. Panghalip na Panaklaw
• mula sa salitang "saklaw", kaya't may pahiwatig na
"pangsaklaw" o "pangsakop". Literal na panghalip na walang
katiyakan o hindi tiyak. (lahat, sinuman , alinman, anuman,
atb.)
• HALIMBAWA:
o Lahat ng parusa ay haharapin ko.
o Alinman sa mga prustas na ito ay masarap.
B. Pandiwa
• Ang pandiwa ay isang salita (bahagi ng pananalita) na nagsasaad ng kilos
o galaw (lakad, takbo, dala), isang pangyayari (naging, nangyari), o isang
katayuan (tindig, upo, umiral). Tinatawag ito na verb sa wikang Ingles.

a. Aspekto ng Pandiwa - Ipinapakita ng aspekto ng pandiwa kung kailan


nangyari, nangyayari, mangyayari o kung ipagpapatuloy pa ang
nagaganap na kilos.

Salitang- Naganap o Nagaganap o Magaganap o


Pawatas Kakatapos
Ugat Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo

basa magbasa nagbasa nagbabasa magbabasa kababasa

sira masira nasira nasisira masisira kasisira

i. Pawatas
• Ito ang tawag sa kombinasyon ng salitang-ugat at ng
panlaping makadiwa. Sa pawatas nabubuo ang mga pandiwa.
Salitang -Ugat + Panlapi = Pawatas = Pandiwa
Tuka +um = tumuka = tumuka,
tumutuka, tutuka
Palit + mag = mahpalit = nagpalit,
nagpapalit,
magpapalit

ii. Aspektong Naganap o Perpektibo o Pangnagdaan


• Nagsasaad ito na tapos nang gawin ang kilos.
Salitang -Ugat + Panlapi = Pawatas = Naganap
alis +um = umalis = umalis
Kain + um = kumain = kumain
Tuwa + ma = matuwa = natuwa
Sulat + mag = magsulat = nagsulat
Hingi + mang = manghingi = nanghingi
Alis + in = alisin = inalis
Mahal + in = mahalin = minahal
Basa + hin = basahin = binasa
iii. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo o Pangkasalukuyan
• Nagsasaad ito na ang sinimulang kilos ay patuloy pa ring
ginagawa at hindi pa tapos.
Salitang -Ugat + Panlapi = Pawatas = Nagaganap
ulan +um umulan Unuulan
kanta + um Kumanta Kumakanta
iyak + ma Maiyak Naiyak
Linis + mag maglinis naglilinis
bunggo + mang mangbunggo nangbubunggo
alis + in alisin Inaalis
unat + in unatin Inuunat
mahal + in mahalin Minamahal
gamot + in gamutin Ginagamot

iv. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo o Panghinaharap


• Nagsasaad ito ng kilos na hindi pa nasisimulan at gagawin pa
lamang.
Salitang -Ugat + Panlapi = Pawatas = Magaganap
asa +um umasa aasa
lakad + um lumakad lalakad
tanaw + ma matanaw matatanaw
suot + mag magsuot magsusuot
hingi + mang manghingi manghihingi
yakap + in yakapin yayakapin
suklay + in suklayin susuklayin
bili + hin bilhin bibilhin

v. Aspektong Katatapos
• Nagsasaad ito na katatapos pa lamang ang kilos bago
nagsimula ang salita. Nasa ilalim ito ng aspektong perpektibo.
Salitang -Ugat + Panlapi = Pawatas = Katatapos
mano + mag magmano Kamamano
parusa + mag magparusa Kapaparusa
ligpit + mag magliligpit Kaliligpit

b. Pokus ng Pandiwa - Ito ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa


sa simuno o paksa ng pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng
taglay na panlapi ng pandiwa.

i. Tagaganap o Aksyon o Aktor


• Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa
sa pangungusap.
• Ito ay sumasagot sa tanong na "sino?". Ginagamit ang mga
panlaping mag-, um-, mang-, ma-, maka-, makapag-, maki-
at magpa-.
• Halimbawa:
o Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.
o Dumalaw kami sa mga batang may sakit.

ii. Karanasan o Layon


• Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay
sumasagot sa tanong na "ano?".
• Tinatawag ito direct object sa wikang Ingles. Ginagamit ang
mga panlaping -in-, -i-, -ipa-, ma- at -an.
• Halimbawa:
o Binili ni Jomelia ang bulaklak.
o Kinuha ko sa silid ang mga bolang gagamitin sa
paglalaro.

iii. Ganapan o Lokatib


• Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa
pangungusap.Ito ay sumasagot sa tanong na "saan?".
• Ginagamit ang mga panlaping pag-/-an, -an/-han, ma-/-an,
pang-/-an, at mapag-/-an.
• Halimbawa:
o Dinaraan ng tao ang kalsada.
o Ang tindahan ang pinagbilhan ni Jomelia ng bulaklak.

iv. Tagatanggap o Benepektib


• Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa
pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "para kanino?".
• Ginagamit ang mga panlaping i-, -in, ipang-, at ipag-.
• Halimbawa:
o Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.
o Pinakilala sa madla ang kampeon.

v. Kagamitan o Gamit o Instrumental


• Ang paksa ang bagay na ginagamit upang maisagawa ang
kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa
tanong na "sa pamamagitan ng ano?".
• Ginagamit ang mga panlaping ipang-, maipang-, at ipinang-.
• Halimbawa:
o Ipinangsulat niya ang pentel pen para mabasa nila ang
nakasulat.
o Si Luciano Pavarotti ay pinagkalooban ng talino sa
pag-awit.

vi. Pangyayari o Sanhi o Kosatibo o Kawsatib


• Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa
sa pangungusap.
• Ito ay sumasagot sa tanong na "bakit?". Ginagamit ang mga
panlaping i-, ika- at ikina-.
• Halimbawa:
o Ikinalungkot ng mga bata ang hindi nila pagkikitang
mag-anak.
o Ang pagkain ng mayaman sa kolesterol ang
ipinagkasakit sa puso ni Tong.

vii. Direksiyon
• Ang paksa ang nagsasaad ng direksiyon ng kilos ng pandiwa
sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "tungo
saan/kanino?". Ginagamit ang mga panlaping -an, -han, -in
at -hin)
• Halimbawa:
o Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.
o Pinuntahan ni Maryse ang tindahan para mamili ng
kagamitan.

Buod
Sa aralin na ito ating natalakay ang kahulugan ng paghalip at uri ng mga panghalip,
natalakay din ang kahulugan ng pandiwa, aspekto ng pandiwa at pokus ng pandiwa.
SANGGUNIAN:
1. Forxado, A. R (2020) Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya:
Estruktura at Gamit ng Wikang Filipino.
https://www.scribd.com/document/471665150/Modyul-1-sa-Pagtuturo-ng-
Filipino-sa-Elementarya-New
2. Gallo, R. V., et.al.(2020). Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I. Sampaloc,
Manila. Rec Book Store, Inc.

Inihanda ni:

REYMALYN D. COMA, LPT,MAED


English Instructor

Sinuri at Inaprubahan ni:

ANGELO K. LAHINA, LPT, MAT


Program Head, Teacher Education

You might also like