You are on page 1of 3

MODYUL 10: KABANATA VII.

PUNTO AT PARAAN NG ARTIKULASYON


A. Kahulugan ng artikulasyon
B. Punto ng Artikulasyon
C. Paraan ng Artikulasyon

BILANG NG LINGGO: 10
ORAS NA ILALAAN: 3 oras
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nailalarawan ang punto ng artikulasyon.
b. Nabibigkas ang bawat ponemang katinig batay sa punto ng artikulasyon.
c. Napupunuan ang talahanayan sa tamang punto ng artikulasyon.
d. Nailalarawan ang paraan ng artikulasyon.
e. Nabibigkas ang bawat ponemang katinig batay sa paraan ng artikulasyon.
f. Napupunuan ang talahanayan sa tamang paraan ng artikulasyon

PAMPAGKATUTONG NILALAMAN
PUNTO AT PARAAN NG ARTIKULASYON

Introduksyon
Isa sa katangian ng tao ay ang kakayahan nitong makapagsalita. Tayo ay
may kakayahang makapagpahatid ng ating nararamdaman, opinyon, kuro-kuro. Kaya rin
nating mga tao ang makapaghatid ng impormasyon at kaalaman. May kakayahan din
tayong pagbuklurin ang isang bansa tungo sa kaunlaran nito. Ang mga iyan ay ang
kapangyarihan ng ating kakayahan sa pagsasalita.
Ayon nga sa iba’t ibang teorya ng wika, natuto ang taong magsalita dahil
sa panggagaya ng tunog sa kanyang paligid at dahil sa pagpapalabas ng pwersa kaugnay
ng mga teoryang ito, mayroon nang likas na kakayahan ang tao na makapagsalita
kailangan lamang ng kaalaman kung papaano ito gagamitin. Sa paraan at punto ng
artikulasyon nagsasaad ito kung paano nakabibigkas ang tao gamit ang dila, ngipin,
ngalangala at iba pang bahaging bibig sa tulong ng hangin na lumalabas sa ating bibig o
ilong.

Pagtatalakay
A. Kahulugan ng Artikulasyon
• pagbigkas, pagsasalita, tunog ng bigkas, palahugpungan
• ang partikular na proseso ng pagkakaroon ng pagkakaibang katangian sa
pagbigkas.
B. Punto ng Artikulasyon
• Nagsasabi kung saang bahagi ng mekanismong pagbigkas ng ponema.
i. Panlabi
• ang ibaba ng labi ay dumidikit sa labi ng itaas
-/p, b,m/
ii. Pangngalangala(Velar)
• ang ibabaw ng punong dila ay dumidiit sa velum o malambot
na bahagi ng ngalangala
-/k,g, π/
iii. Palatal (Pangalangala).
• Dumidiiit sa matigas na bahagi ng ngalangal ang ibabaw ng
punog dila.
/y/
iv. Pangngipin
• ang dulong dila ay dumidiiit sa loob ng mga ngipin sa itaas
-/t,d,n/
v. Panggilagid.
• Ang punog gilagid ay nilalapitan o dinidiitan ng ibabaw ng
dulong dila.
/s,l,r/
vi. Panlalamunan
• Ang pagitan ng dalawang babagtingang tinig na tinatawag na
glottis ay bahagyang nakabukas upang ang hangin sa
lalamunan ay makadaan.
/h/ f.
vii. Impit na tunog / Glottal
• Ang presyur ng papalabas na hangin o hininga ay nahaharang
sa pamamagitan ng pagdidiit ng mga babagtingang tinig at
ang nalilikha ay paimpit o pasusot na tunog.
/?/
C. PARAAN NG ARTIKULASYON
• Inilalarawan at ipinakikita kung papaanong ang mga sangkap sa pagsasalita
ay gumagana at kung papaanong ang ating hininga ay lumalabas sa bibig o
sa ilong sa pagbigkas ng alinman sa mga ponemang katinig.
i. Pasara
• Hinaharangan ang daanan ng hangin. /p,t,k,?,b,d,g/
ii. Pailong
• Nahaharang ang hangin na dapat ay sa bibig lumalabas dahil
sa pagtikom ng mga labi, pagtukod ng dulong dila sa itaas ng
mga ngipin, o kaya’y dahil sa pagbaba ng malambot na
ngalangala. Ang nangyayari ay hindi sa bibig lumalabas ang
hangin kundi sa ilong. /m,n, /ng/
iii. Pasutsot.
• Sa makipot na pagitan ng dila at ng ngalangala o kaya’y ng
mga babagtingang tinig lumalabas ang hangin. /s,h/
iv. Pagilid
• Dahil sa ang dulong dila ay nakadiit sa punog gilagid, sa mga
gilid ng dila lumalabas ang hangin. /l/
v. Pakatal
• Dahil sa ang dulo ng nakaarkong dila ay pumapalag, ang
hangin sa loob ng bibig ay paiba-iba ng direksyon at ito ay
nahaharang. /r/
vi. Malapatinig
• Kapag malapatinig ang ponema, ang galwa ng labi o dila ay
mula sa isang pusisyon patungo sa ibang pusisyon. /w,y/

Talaan Blg. 1
Buod
Sa module na ito ating natalakay at natukoy ang mga paaran at punto ng
artikulasyon at natukoy natin ito sa paglalapat sa isang tsart o talaan upang madaling
maunawaan.

SANGGUNIAN:
1. Forxado, A. R (2020) MODYUL SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA:
ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO.
https://www.scribd.com/document/471665150/Modyul-1-sa-Pagtuturo-ng-
Filipino-sa-Elementarya-New
2. Gallo, R. V., Mendoza, R. M., at Sultan, R. P (2020). Pagtuturo ng Filipino sa
Elementarya I. Sampaloc, Manila. Rec Book Store, Inc.
3. Punto at Paraan ng Artikulasyon. (2021). https://youtu.be/eWbJ1nv34Ns

GAWAIN PAMPAGKATUTO
Modyul 7
PANGKALAHATANG DIREKSIYON
1. Ang mga kasagutan ay maaaring isulat sa buong papel o sa Bond Paper kasama
ang inyong buong pangalan, program at taon, kowd at titulo ng kurso.
2. Ito ay kukuhanan ng malinaw na larawan gamit ang Cam Scanner.
3. Isusumite ang sa pamamagitan ng Microsoft Teams (direktang mensahe sa guro)
4. Maaari rin itong isumite na encoded at may file name na < Huling Pangalan, unang
Pangalan>< Learning Task>< FIL 002>

GAWAIN 7. “Panuto: Pag-aral mabuti ang mga sumusunod na salita.Tukuyin ang paraan
at punto ng artikulasyon ang mga nasalunguhitang mga titik. (20pts)

Salita Paraan ng Artikulasyon Punto ng Artikulasyon

Halimbawa: Lumilipad Pagilid Gilagid


1. Balikat

2. Daliri

3. Ngipin

4. Madumi

5. Transportasyon

6. Dumudugo

7. Lason

8. Apartment

9. Tsokolate

10. Liwayway

Inihanda ni: Sinuri at Inaprubahan ni:

REYMALYN D. COMA, LPT,MAED ANGELO K. LAHINA, LPT, MAT


English Instructor Program Head, Teacher Education

You might also like