You are on page 1of 7

Meycauayan College

Graduate School Department


Calvario, City of Meycauayan, Bulacan
Unang Trimester 2019-2020

Inihanda ni: Ms. Eloisa D. Abrea Professor: Dr. Sabina L. Belenzo

Kurso: MaEd- Filipino Subject Code: Fil202

I. Panimula

Isa sa katangian ng tao ay ang kakayahan nitong makapagsalita. Tayo ay may

kakayahang makapagpahatid ng ating nararamdaman, opinyon, kuro-kuro. Kaya rin

nating mga tao ang makapaghatid ng impormasyon at kaalaman. May kakayahan din

tayong pagbuklurin ang isang bansa tungo sa kaunlaran nito. Ang mga iyan ay ang

kapangyarihan ng ating kakayahan sa pagsasalita.

Ayon nga sa iba’t ibang teorya ng wika, natuto ang taong magsalita dahil sa

panggagaya ng tunog sa kanyang paligid at dahil sa pagpapalabas ng pwersa kaugnay

ng mga teoryang ito, mayroon nang likas na kakayahan ang tao na makapagsalita

kailangan lamang ng kaalaman kung papaano ito gagamitin. Sa paraan at punto ng

artikulasyon nagsasaad ito kung paano nakabibigkas ang tao gamit ang dila, ngipin,

ngalangala at iba pang bahaging bibig sa tulong ng hangin na lumalabas sa ating bibig

o ilong.

II. Depinisyon

Artikulasyon- pagbigkas, pagsasalita, tunog ng bigkas, palahugpungan]; ang partikular na

proseso ng pagkakaroon ng pagkakaibang katangian sa pagbigkas.

Ponema-Ito ay mga tunog na ginagamitan ng mga katumbas na letra upang mabasa at

mabigkas.

Ponolohiya- tumutukoy sa makaagham na pag-aaral ng makabuluhang tunog.

III. Katawan ng Ulat

PARAAN AT PUNTO NG ARTIKULASYON

PONOLOHIYA

-tumutukoy sa makaagham na pag-aaral ng makabuluhang tunog.

PONEMANG SEGMENTAL
- Kilala ring ponema. Ito ay mga tunog na ginagamitan ng mga katumbas na letra

upang mabasa at mabigkas. Ang pinakamaliit na yunit ng makabuluhang tunog ng

isang wika. Sinasabing makabuluhan ang tunog na ito sapagkat nakapagpapaiba ng

kahulugan ng mga salitang bumubuo sa wika.

May 21 ponema ang wikang Pilipino at napapangkat sa dalawa—mga ponemang

kating at mga ponemang patinig. May 16 na ponemang katinig—

b,k,d,g,h,l,m,n,ng,p,r,s,t,w,y at

O impit na tunog sa dulo ng salita. At may 5 patinig – a,e,i, o, u.

PUNTO NG ARTIKULASYON

 Nagsasabi kung saang bahagi ng mekanismong pagbigkas ng ponema.

a. Panlabi

b. Pangngalangala

c. Pangngipin

d. Panlalamunan

e. Impit na tunog

PARAAN NG ARTIKULASYON

 Nagsasabi ng paraan ng pagpapalabas ng hangin sa bibig o ilong .

a. Pailong

b. Pangatal

c. Pasutsot

d. Malapatinig

PONEMANG KATINIG

 Panlabing P at B

Pipigilan ang paglabas ng hangin sa pagtikom ng mga labi ;ang hangin ay

maaaring palabasin o hindi; ang p ay walang tunog at ang b ay may tunog

Ang PARES MINIMAL ay nagpapakitang ang bawat ponema ay

may sariling taglay na kahulugan.

Halimbawa:

Bantog= sikat

Pantog= bahagi ng katawan

Kupkop=aruga
Kubkob=napapaligiran

 Pangngalangalang k at g

Binibigkas na ang gawing likod ng dila ay itinutulak na patungong ngalangala.

Halimbawa:

Kulay= kolor

Gulay= kinakaing halaman

Titik=letra

Titig=tinging matagal

 Pangngiping T at D

Binibigkas na ang dulo ng dila ay nasa likod ng ngipin sa itaas ; ang d ay may

tunog at ang t ay walang tunog.

Halimbawa:

Lapat= angkop

Lapad= luwang

Pantay=patag

Panday=taong humuhugis ng bakal

 Pang-ilong na m n at ng

Binibigkas ang M na ang hangin ay pinipigil sa pagtikom ng mga labi at ang

daanan nito sa ilong ay naiiwang nakabukas, sa paglabas ng tinig ay bahagyang

nagagalaw ang babagtingang tinig ang malambot na ngalangal( ang ngalangala

na malapit sa lalamunan). Ang N ay binibigkas na ang dulo ng dila ay nasa likod

ng ngipin sa itaas at ang ngalangala ay bahagyang nakababa at tinutulutang

lumabas ang hangin sa ilong . Ang NG ay binibigkas na ang dulo ng dila ay pataas

na tumatama sa pababang ngalangala habang tinutulutan ang paglabas sa ilong ng

hangin buhat sa lalamunan.

Halimbawa:

Masa= taong bayan

Nasa= naroon

Laman=nakapaloob

Lamang=labis

 Panlalamanunang pasutsot na H
Binibigkas nang walang tinig at tuloy-tuloy. Ito’y hindi nagagamit sa hulihan ng

salita o pantig ngunit may tunog h na nagtatapos sa patinig at may diing mabilis.

Halimbawa:

Hapag Hiyas

Halik mahal

Mga salitang malumanay

Maganda ma/gan/dah

Bayani ba/ya/nih

 Pangngiping pasutsot na s

Binibigkas na ang harap ng dila ay tumatama sa matigas na ngalangalang nasa

likod lamang ng pangharap na ngipin sa itaas.

Halimbawa:

Sagisag Malakas

Salamin Madulas

Singsing Matamis

Sitsit

 Pangngiping pagilid na l

Binibigkas na ang kabuuan ng dila ay palapad at ang pinakadulo ay nasa likod ng

ngipin sa itaas.

Halimbawa:

Ilog Lalo

Lilim Hilahil

Ligalig Madaldal

Lalim Salawal

 Pangngiping pangatal na R

Binibigkas na ang dulo ng dila ay madaling tumatama nang ilang ulit sa bahaging

likod ng pangharap ng ngipin sa itaas.

Halimbawa:

Irog Asar

Ragasa Palaro

Daliri Martir
Sarisari Lagari

 Malapatinig na w at y

Binibigkas na ang dulo ng dila ay madaling tumatama nang ilang ulit sa bahaging

likod ng pangharap ng ngipin sa itaas.

Halimbawa:

Wari Yari

Laya Lawa

 Ang Impit na tunog

Ang diin ay bahagyang pagtataas ng tinig o bigkas sa isang pantig ng salita.Ito ay

nakapagpapabago ng kahulugan.

Halimbawa:

Pa:so BA:ga

paSO BA:ga

PONEMANG PATINIG

Ang ponemang patinig ay nagkakaiba naman ayon sa taas ng posisyon ng dila at

kung anong bahagi ng dila ang nagsasagawa ng pagbigkas. Ang mga patinig na o

at u , gayundin ang e at i ay malayanf nagpapalitan sa ilang mga salita. Ngunit

sila’y nagkakahiwalay na ponema kung sa kanilang pagkakapalit ay nagkakaroon

ng pagbabago ng kahulugan ang salita.

Halimbawa:

lalaki-lalake

manood-manuod

Hiwalay na ponema:

Halimbawa:

Misa-mesa

Tila- tela
Tsart ng Ponemang Katinig

A.

B. Katinig-kasama ang mga hiram na letra

C. Mga dagdag na letra

D. Tsart ng Ponemang Patinig

HARAP SENTRAL LIKOD

MATAAS i u

GITNA e o

MABABA a

IV. Konklusyon/Rekomendasyon

Bilang Konklusyon, Masasabi na napakahusay ng Panginoon sa pagkakalikha sa tao.

Binigyan Niya tayo ng kakayahan na makapagsalita at makabuo ng ating sariling

wikang pagkakakilanlan.Biniyayaan Niya tao ng isang perpektong bahagi ng katawan

tulad ng ating bibig at ilong na gamit sa paglikha ng tunog na tumutulong sa

pakikipagkomunikasyon at ang isip upang matutuhan natin itong gamitin. Sa pagdaan

nga ng panahon ay natuto tayong makapagsalita kaiba sa mga hayop na nilikha ng


Poong Maykapal kaya’t ang kakayahang ito ay dapat lamang gamitin sa tama at

katwiran.

Iminumungkahi na magkaroon pa ng iba pang pag-aaral tungkol sa mga bagong

dagdag na letra ( s,j,q,x) at mailathala ito, nang sa gayon ay magkaroon ng dagdag

kaalaman ang mga nais na mapag-aralan ang Punto at Paraan ng Artikulasyon ng

Wikang Filipino. Batid natin na ang panahon ay mabilis na nagbabago kaya’t

kinakailangan din na sumabay ang ating Wika , ang Filipino.

V. Talasanggunian

A.P Tumangan SR et. al,Sining sa Pakikipagtalastasan

https://tl.wikipedia.org/wiki/Artikulasyon

You might also like