You are on page 1of 68

ANYO AT URI NG

MORPEMA
Morpolohiya
( Morphology)
Morpolohiya (Morphology)

• Ito ay isang pag-aaral o pagsusuri sa mga morpema


ng isang wika at pagsasama-sama nito upang
makabuo ng isang salita.
Morpema (Morphemes)

• Pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay


ng kahulugan.
Anyo ng Morpema

1. Morpemang ponema o makabuluhang tunog.


2. Morpemang Salitang-Ugat
3. Morpemang panlapi
Morpemang ponema o makabuluhang tunog.

• Binubuo lamang ng ponemang /o/ at /a/ na may kahulugang taglay na


nagpapakita ng kasarian.
Halimbawa:
o a
doktor doktora
propesor propesora
abugado abugida
kusinero kusinera
Mario Maria
Morpemang Salitang-Ugat

• Maituturing itong malayang morpema dahil nakatatayo ito mag isa.


Halimbawa:
dagat hiram
sulat bata
takbo puti
linis galaw
Morpemang panlapi

• Ito’y ikinakabit sa salitang-ugat na may kahulugang taglay at matatawag


ding di-malayang morpema dahil hindi nakakatayong mag-isa.
Halimbawa:
ma – may kahulugang taglay o pagkamayroon
um – pagganap ng kilos
an – lugar na pinaglalagyan
• Ang mga panlaping idinudugtong sa salitang-ugat ay maaaring
makabuo ng salitang makangalan (pangalan), makauri (pang-uri) at
makadiwa (pandiwa).
Halimbawa:
mag + laro = maglaro (makadiwa)
ma + sipag = masipag (makauri)
mag + ama = mag-ama (makangalan)
Uri ng Morpema

1. Morpemang may kahulugang pangnilalaman o leksikal


2. Morpemang may kahulugang pangkayarian
3. Derivasyonal
4. Infleksyunal
Morpemang may kahulugang pangnilalaman o
leksikal
• Ito ay binubuo ng mga pangngalan at panghalip bilang nominal, pandiwa at mga
panuring pang-abay at pang-uri.
Halimbawa:
aso – pangngalan
maganda – pang-uri
sumayaw – pandiwa
totoong maganda – pang-abay
Morpemang may kahulugang pangkayarian

• Walang kahulugang taglay hanggaa’t di naisasama sa iba pang


morpema.
Pananda - si, sina, ng, mga, ang, ang mga,
Pang-angkop - na, -ng
Pang-ukol - tuungkol sa/kay, alinsunod sa/kay, sa, ayon sa/kay
Pangatnig - at, subalit, datapwa’t, ngunit
Halimbawa:
• Naghihintay nang pagkatagal-tagal si Pedro sa kanyang mga kaklase.
– Ang nang,si,sa at mga ay walang tiyak na kahulugan subalit ito ay nag-uugnay sa mga
morpemang leksikal na Pedro, kaklase, naghihintay at pagkatagal-tagal upang magkaroon ng
kahulugan ang pangungusap.
• Naghihintay nang pagkatagal-tagal ang mga kaklase ni Pedro.
– Nagbago ang kahulugan ng pangungusap. Sa unang pangungusap, Si pedro ang naperwisyo
samantalang sa pangalawang pangungusap, ang kanyang mga kaklase ang naperwisyo.
Derivasyonal

• Ito ay morpemang pinaghahanguan o pinagmulan.


Halimbawa:
awit(song) = mang-aawit (singer)
sulat (letter) = manunulat (writer)
Infleksyunal

• Nagagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga morpemang


panlapi sa pandiwa sa iba’t ibang aspekto.
Halimbawa:
kumain kumakain kakain
nagluto nagluluto magluluto
ALOMORP NG MORPEMA AT
PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
MORPOLOHIYA
• Makaagham na pag aaral ng mga makabuluhang yunit ng isang salita o
morpema.
Uri ng Morpema
• Morpemang ponema - Halimbawa nito ang /O/ at /a/ na sa ating wika ay
maaring mangahulugan ng kasarian
Maestr/o/ vs Maestr/a/
Abugad/o/ vs Abugad/o/
• Salitang Ugat - mga payak na salita dahil sa panlapi
mata payong puno
ligay sarap lungkot
•Morpemang panlapi- maaaring unlapi gitlapi hulapi o konbinasyon ng mga
nabanggit
Minata matahin mapangmata
nagpayong nagpayungan pinayungan
pagurin ikinpagod napagod
ALOMORP NG MORPEMA
Alomorp ng wikang Filipino
• Ito ay ang mga panlaping unlaping [pang-], [pam-] at [pan-]. Ginagamit
ang [pang-] kung ang inuunlapiang salitang-ugat ay nagsisimula sa mga
patinig na /a, e,i,o,u/ o alinman sa mga ponemang katinig na
/k,g,ng,m,n,w,y/;
• samantala ginagamit naman ang [pam-] kapag ang salitang-ugat na
inuunlapian ang nagsisimula sa /b/ o /p/, habang ang [pan-] naman ay
ginagamit kapag ang salitang-ugat na inuunlapian any nagsisimula sa
alinmang mga ponemang /d,l,r,s,t/.
• Halimbawa ay ang mga sumusunod:
[pang-] [pam-] [pan-]
 pang-ihaw, pampito, panluto
 pang-ulo, pambati, pandaliri
 pangngalan, pambansa, pandikit
 pangwalis, pampuso, pantali
SINTAKS
BAHAGI NG
PANGUNGUSAP
MAY DALAWANG URI ANG BAHAGI NG PANGUNGUSAP:
1. Simuno/Paksa
2. Panaguri
SIMUNO O PAKSA
• Ang Simuno/Paksa ay bahagi ng pangungusap na
nagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap.
• Maaring tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari na
gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng diwang
isinasaad sa pandiwa.
Halimbawa:
Nag-aalaga si Inang ng baboy at manok
• Mayroon din namang paksa na sa kahulugan ay
siyang layon ng kilos na isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa:
Inaalagaan ni Inang ang mga baboy at manok na
iyan.
• Ang Paksa ay maaaring Payak o Tambalan.
Ito ay may dalawang payak na paksa.
Halimbawa:
1. Sina Quezon at Quirino ay naging pangulo ng ating
bansa.
2. Ang mga aklat at pahayagan ay dapat basahin.
PANAGURI

• Ang panaguri ay ang bahagi ng pangungusap na


nagbibigay kaalaman o impormasyon tungkol sa
paksa.
Halimbawa:
Siya ay bumibigkas ng isang tula.
Siya ay lumahok sa pabilisan ng pagtakbo.
AYOS NG PANGUNGUSAP

• Ang Ayos ng Pangungusap ay pinagsamang


Simuno at Panaguri.
AYOS NG PANGUNGUSAP
Pangungusap Pangungusap

Panaguri Paksa Panaguri Paksa

KARANIWANG AYOS DI-KARANIWANG AYOS


KARANIWANG AYOS

• Ang karaniwang ayos ng pangungusap ay


nauuna ang panaguri kaysa simuno/paksa.
Hal:
Masayahin ang mga Pilipino.
Matalino si Miriam.
DI-KARANIWANG AYOS

• Ang di-karaniwang ayos ay kung nauuna ang


paksa at ginagamitan ng panandang “ay”.
Hal:
Si Chef Boy Logro ay nagluluto.
Si Anne ay tumatakbo.
KAYARIAN NG PANGUNGUSAP AT
PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA
Uri ng pangungusap ayon
sa kayarian/ pagkabuo:
May apat (4) na uri ng pangungusap ayon sa kayarian o pagkabuo.

1. Payak - ( Simple Sentence )


- Isang diwa lang ang tinatalakay. Maaring may payak na simuno at panaguri.

Halimbawa:
1. Maganda ang panahon.
2. Ang bagyo ay paparating na.
3. Si Juan ay handa na.
4. Ang kalamidad ay mapinsala.
5. Ang mga Pilipino ay nagtutulungan.
2. Tambalan- ( Compound sentence )
- May higit sa dalawang kaisipan. Binubuo ng dalawa o higit pang
sugnay na nakapag- iisa. Ginagamitan ng pangatnig na magkatimbang.
( at, pati, saka, o, ni, maging, ngunit)

Halimbawa:
1. Si Ana ay magaling magluto ng pansit at si Ina ay magaling magluto
ng pakbet.
2 .Siya ay naglilinis nang bahay at ako ang naghugas ng mga pinggan.
3. Masaya siya sa kanyang pinapanood at ako'y malungkot sa aking
pinapanood.
4. Si Aki ay kumakanta at si Rio ay umaawit.
3. Hugnayan- ( complex sentence )
- Pangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapag- iisa at sugnay na
di makapag- iisa. Ginagamitan ng pangatnig na di magkAatimbang ( kung,
nang, bago, upang, kapag, dahil sa, sapagkat, pati, subalit )
Halimbawa:
1. Tayo ay dapat maging responsible sa ating mga basura upang maiwasan
ang kalat sa paligid.
2.Gusto kong manood ng sine pati kumain ng keyk.
3. Mataas ang pagtingin ng magulang ko sa kanya dahil sa magandang
ugaling pinakita niya.
4. Nakapasyal kami sa ibang bansa dahil sa pag-iipon ng aking kuya.
5. Gusto kong bumili ng laruan subalit hindi sapat ang aking ipon.
4. Langkapan- ( Compound-complex sentence )
- Pangungusap na binubuo ng tambalan at hugnayang pangungusap. (
binubuo ng dalawang sugnay na nakapag- iisa at sugnay na di
nakapag- iisa ).

Halimbawa:
1. Mabuti ang mag.asawa at sila ay may busilak na puso dahil
sinusunod nila ang utos ng Panginoon.
2. Tataas ang grado mo at magkakaroon ka ng karangalan kung mag-
aaral ka nang mabuti.
3. Nang pumunta kami sa Ifugao, si Erick ay nasa palayan at si Dona
naman ay nagluluto ng pagkain para sa tanghalian.
MGA PANGUNGUSAP NA
WALANG PAKSA
1. Eksistensyal- ay anumang pangungusap na
nagpapahiwatig ng pagka-mayroon o pagka-wala.

Halimbawa:
* May nakarinig na. (nagsasaad ng pagka-mayroon)
* Walang tumanggi. (nagsasaad ng pagka-wala)
* May kulang pa. (nagsasaad ng pagka-wala)
* Wala pang pagkain. (nagsasaad ng pagka-wala)
* May laman sa loob. (nagsasaad ng pagka-mayroon)
2. Sambitla- ito ay isa o dalawang pantig ng salita na
nagpapaabot ng diwa/ kaisipan. Kadalasan isang
ekspresyon ang pahayag.

Halimbawa:
Aray!
Naku!
Diyos ko!
Ha!
Naku po!
3. Penomenal- nagsasaad ng panahon na kahit ito lamang ang
banggitin, may diwa nang ipinaaabot na sapat upang mabigyang
kahulugan ang pahayag.

Halimbawa:
Samakalawa
Bukas
Sa linggo
Mayamaya
4. Pagtawag- ang pagbanggit o kayay pagtawag sa pangalan ng isang
tao na may sapat na kahulugan ipinaaabot. Ang tinawagan ay agad
lalapit dahil baka may iuutos ang tumawag.

Halimbawa:
Liza!
Bunso!
Anak!
5. Paghanga- itoy parang ekspresyon na nagpapahayag ng
paghanga.

Halimbawa;
Ang ganda niya!
Ang talino mo!
Galing!
6. Pautos- salitang pautos na kahit nag- iisa ay may ipinaaabot na
diwa o mensahe kayat di pwedeng di sundin lalo na kung ang
pagkakasabi ay medyo madiin.

Halimbawa:
Kunin mo!
Lakad na!
Takbo!
Sayaw!
7. Pormularyong Panlipunan- ito ang mga salitang sadyang
itinakda sa sitwasyon: umaga, tanghali, gabi.

Halimbawa:
Magandang umaga
Magandang gabi
Magandang tanghali

You might also like