You are on page 1of 12

Mga Kasapi:

Cabanes, Junalisa
Fabria, Baby Jullie Ann
Mayaman, Norhannah
Pahugot, Cassandra
Tapere, Irah

I. Pamagat ng Aralin

Leksikon at Gramatika

II. Panimula

Sa paksa na ito tatalakayin natin ang leksikon at gramatika, na kung saan


ibabahagi ang dapat na isaalang-alang kapag tayo ay nagsalin ng isang salita o wika.
Mahalaga na magabayan tayo kung ano ang wastong paggamit ng mga salita, lalong-lalo
na sa usaping panggramatika. Ang isang wika’y maaaring madaragdagan ng mga bagong
bokabularyo. Bunga ito ng pagiging malikhain ng mga tao. Samakatuwid, babaybayin
natin ang leksikon sa panlinggwistika, ang pagsasalin ng wika, mga pamantayan, at ang
estraktura ng semantika. Atin ding babaybayin ang pagsasalin wika ng isang kahulugan
sa maraming kahulugan. Ibabahagi rin sa paksang ito ang mga gabay sa pagsasaling
wika, mga pamantayan at gamit ng leksikon sa panggramatika. Na ang leksikon ay ang
mapanuring pag-aaral ng salita at ang gramatika ay ang pagsasaayos ng mga salita.
Makikita talaga ang pagiging konektado sa isa’t-isa.

III. Paksa

Ang Leksikon ay isang paraan ng pagbuo ng mga salita. Ito ay ang mapanuring
pagbuo ng mga salita na naglalayong makapagbigay ng kahulugan at depenisyon sa mga
bagay na may kinalaman sa araw -araw na pamumuhay. Ang leksikon ay hindi basta-
basta isinasagawa nang hindi pinag-iisipan sapagkat ang resulta ng mga nabuong salita ay
ipapakilala sa buong mundo para magamit sa lipunan. Ang leksikon din ay ang
bokabularyo ng tao, wika, sangay ng kaalaman, notikal o medikal man. Ito rin ang mga
salitang ginagamit sa isang wika ng mga mananalita nito. Tinatawag din itong
‘vokabularyo’ ng isang wika.
Ang Gramatika ay pinangangalagaan ang kawastuhan para maging malinaw ang
pagpapahayag. Ito ay may kaugnayan sa pag-aaral at uri ng mga salita, tamang
gamit ng mga salita at tamang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita sa pahayag upang
makabuo ng malinaw na kaisipang pang-gramatika. May mga nagsasabing may nabubuo
na mga pagbabago sa gramatika, na hindi pa naitatala sa mga aklat ng gramatika, o hindi
pa napag-uukulan ng pagsusuri. Tinawag itong emerging grammar ng ilan, na maaaring
tumbasan sa Filipino ng “sumisibol na gramatika.”
Kung ang leksikon ay ang paraan at mapanuring pagbuo ng salita, ang gramatika
naman ay pinangangalagaan ang kawastuhan ng salita. Kung gayon, ang dalawang ito ay
may importanteng kontribusyon sa pagbuo ng pangungusap. Kinakailangan ito upang
magkaroon ng karampatang kahulugan ang bawat salitang nabubuo sa mga pangungusap
na nailalahad. Sapagkat mahihirapan ang mga mambabasa sa pag-intindi kung walang
wastong paggamit sa leksikon at gramatika. Dahil may mga pagkakataon na kahit alam
natin ang salita ay hindi natin alam kung paano ito gagamitin sa isang pangungusap.
Kaya’t ang dalawang ito ay konektado sa pagbuo ng mahusay at epektibong paggawa ng
parirala o pangungusap.

Mga paraan sa pagbuo ng mga salita: isang sangay ng lingguwistika na


inilalarawang bilang pag-aaral ng ugnayan ng mga anyong lingguwistiko at mga
gumagamit nito.

1. Pagtatambal- Ang pagtatambal ang isang paraan sa pagbuo ng mga salita. Ang
pagtatambal ay ang pagsasama ng dalawang magkaibang salita upang makabuo
ng isang salita na maaaring nagtataglay ng ibang kahulugan.

Halimbawa:
 Dulawit- (mula sa dula at awit)
 Balarila- (mula sa bala ng dila)
 Bahaghari- (mula sa bahag at hari)
 Balatsibuyas (maramdamin) mula sa balat at sibuyas.
 Hampaslupa (mahirap) mula sa kampas at lupa.
 Balikbayan
 Dalagang bukid
 Bahay-kubo (nipa hut)
 Balang-araw (someday)
 Inang-bayan (motherland, native land)

2. Akronim- sa paraang ito, ang mga salita ay hango sa mga inisyal o mga unang
pantig ng salita.

Halimbawa:
 MERALCO- Manila Electric Company.
 CAR- Cordillera Administrative Region.
 CTU- Cebu Technological University.
 NCR- National Capital Region.
 EDSA- Epifanio de los Santos Avenue
 VECO- Visayas Electric Company
 GAS- General Academic Track
 GCTA- Good Conduct Time Allowance
 BIR- Bureau of Internal Revenue
 CHED- Commission of Higher Education

3. Pagbabawas o clipping- ang prosesong ito ay ang pagpapaikli ng mga salita na


kadalasang ginagamit sa pasalitang paraan.

Halimbawa:
 Fon- telefon  Dok- doctor
 Sel- selfon  Tser- titser
 Direk- director  Resto- Restaurant
 Mars/ Pads- kumare at  Tv – telebisyon
kumpare  Prof- Professor
 Kabs- kababayan

4. Pagdaragdag- Kung mayroon salita na binabawasan, meron din naman


dinaragdagan ngunit iisa lang ang kahulugan.

Halimbawa:
 Boss- bossing
 Sampal- sampalilukin
 Kaigan- kaibigan
 Megs- amega
 Gora- gorabels

5. Paghahalo o blending- sa paraang ito ay ang pagbabawas at pagtatambal ng mga


salita.

Halimbawa:
 Banyuhay- galing sa bagong anyo ng buhay
 Cha-cha- mula sa charter change
 Saya at sarap- sayap
 Crispylicious- crispy at delicious
 Gravylicious- gravy at delicious
 Tapsilog- tapa, sinangag at itlog
 Brunch- breakfast at lunch
 Smog- smoke at fog
6. Mga salita sa mga pangalan- Sa pagiging malikhain sa pagbuo ng mga salita
may mga pangalan ng produkto o brand na pagiging pandiwa.

Halimbawa:
 Xerox- nagseseroks  Toothbrush-
 Shampoo- nagtotoothbrush
nagshashampoo  Kolgeyt
 Wax- magwax

Mga dapat isaalang-alang sa leksikon:


 sa panlinggwistika-. Ang kasanayang panglinggwistika ay kakayahang
umunawa at makabuo ng mga istraktura sa wika na sang-ayon sa tuntunin
ng gramatika.

Ang isang wika ay may katumbas sa isa pang wika, na kung saan iba-iba ang
kahulugan. Narito ang mga gabay sa isang leksikon at gramatika ng wika.

 Isa-sa-isang katumbas – (dito ang isang tagapagsalin ay dapat na gumamit ng


diksyunaryong bilinggwal)

Wika 1 leksikon (salita) Wika 2 leksikon


Halimbawa: Instrument Kagamitan
Civilization Kabihasnan

Sa katumbas na ito, ginamit ng isang tagapagsalin ang wikang bilinggwal, Ingles ang
unang wikang ginamit pangawala ang wikang Filipino. Makikita natin ito sa
diksyunaryong English at Filipino. Ang isang salita dito ay may isa lang katumbas sa
Filipino at Ingles.
 Marami – sa- iisang katumbas:

Halimbawa:
W1 leksikon Maanghang ang sili
W2 leksikon W2 leksikon Mainit ang plantsa Hot
W3 leksikon May lagnat ang bata

Ang katumbas na ito ay marami sa iisang katumbas, na kung saan ang isang wika ay
may katumbas ng maraming salita. Kagaya nalamang ng halimbawa na nasa itaas.
Tatlong salitang leksikon na katumbas ng isang salita. Ang tatlong salitang ito ay hango
sa wikang Filipino na may iba’t- ibang kahulugan salita, ngunit kung ito ay pagbabasihan
sa Ingles isa lamang ang ibig sabihin nito at iyon ang “Hot”. Sa Filipino marami ang
kahulugan pero pagdating sa Ingles isa lamang ang kahulugan ng mga salit ito.

 Isa- sa- maraming katumbas: Halimbawa:


W2 Leksikon (a) young child
W1 Leksikon W2 Leksikon (b) Bata Protégée
W2 Leksikon (c) Mistress

Ang katumbas na ito ay iba baligtad sa naunang halimbawa, sapagkat dito naman ay
ang wikang Filipino ay isa lamang ang kahulugan, samantalang pag ito ay isasalin na sa
wikang Ingles marami ang magiging kahulugan. Kagaya nalamang ng halimbawa sa
itaas, ang “bata” ay maraming katumbas na salita sa Ingles.

Pagsasalingwika- Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag,
pasalita man o pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding
kahulugan sa isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika. Ang pagsasalingwika ay
muling paglalahad sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng
orihinal ang mensaheng isinasaad ng wika, una’y batay sa kahulugan, at ikalawa’y batay
sa istilo. (E. Nida, 1959/1966)
Teksto- ito ay dapat na nakasulat, anomang haba ng wika na may pagkakaugnay-ugnay
sa isa’t- isa bawat sangkap, at nagkakaroon ng isang kabuuang may pagkakaugnay-
ugnay.

Teksto

Mga Katangiang Panlinggwistika Mga Katangiang


Ekstralinggwistika
Mga Pamantayan Estilo
Nilalaman Ng Teksto Mga katangian

Mga Katangiang Intensyunal


(may-akda) Bisa sa babasa

Mga Katangian ng Teksto :


 Pagpapaliwanag: Ang isang teksto ay maaaring may mga katangiang
panlinggwistika at pang-ekstralinggwistika
.
 Panglinggwistika – ito’y pagtutuon ng pansin sa mga anyo ng wika at
gramatika, at ng pagkaakiba-iba ng wikang isinasalin (W1) at ng wikang
pagsasalinan (W2)

Halimbawa:

English verbal construction: She ate the fruit. Kinain niya ang prutas.
Filipino nominal construction: Siya ay kumain ng prutas.
It was she who ate the fruit, or she was the one who ate the fruit.
Mga Gabay sa Pagsasalingwika

 Mga Pamantayan - Ang mga salita at ideya ng orihinal ay nararapat na nasa isang
salin, kaya’t kapag ang isang salin ay binasa, kinakailangang ito’y maging
salamin ng orihinal na sinulat tulad din ng pagiging salamin ng isang salin.
 Ang Estilo - Ang estilo ng orihinal ay dapat na naipakikita ng isang salin at dapat
ding aralin ng isang slain ang estilo ng tagapagsalin.
 Pang-esktralinggwistika- Ito’y nauukol sa pangkalikasan at pangkultural tulad ng
mga sawikain, matalinghangang pananalita atbp. Halimbawa: English; He is
stubborn. Filipino: Matigas ang ulo niya. Tulad ng nabanggit na, ang nilalaman ay
kailangang magkakaugnay sa isa’t isa. Kalakip dito ang layunin ng may-akda at
kung paano ito magiging epektibo sa mga mambabasa.
 Paliwanag - Ang pagiging mabisa sa salin ay nakasalalay sa lkahusayan ng
tagapagsalin mula sa orihinal. Tulad ng nabanggit sa unang pahina, ang
tagapagsalin ay mahusay sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Ang
mabuting pagpapakahulugan sa W1 ay nagbubunga ng kahusayan sa pagbibigay
ng ideya o kaisipan sa W2. At Kung mahusay ang kanyang pagkakasuri sa
nilalaman ng W1, ang bawat bahagi sa W1 ay nagkakaroon ng mabisang kabuuan.

Mga Estruktura ng Semantika na ayon sa Linggwistik:

POLYSEMY- ang isang salita ay kinikilala bilang ang pagkakaroon ng dalawa o higit
pang kahulugan, tinatawag itong polysemy. Ito ay resulta ng mga pagbabago sa konteksto
ng paggamit.

Halimbawa:
 Mabuti- masarap, tama, napakahusay at magaling
 Maganda-kaibig-ibig, marikit, at marilag
 Malinaw- tiyak, kita at maaliwalas
 Malabo- mantsa at lumabo
 Ayusin- kumpunuhin at magtakda
 Taba- mantika at makapal
 Play- tugtugin, laro at gumanap ng papel
 Tanggapin- sumang-ayon at pumayag
 Mabilis- matulin at mahigpit
 Mabagal- makupad at banayad

HOMONYMY- Ang mga termino ay tiyak na magkapareho ng tunog ngunit nagtataglay


ng magkaibang kahulugan. Ngunit ang pagkakilala sa homonym ay isang praktikal at
madalas mahirap tukuyin kung ano mismo.

Halimbawa:
 suso -snail -breast  Tuyo- isda -dry
 bangko- upuan -bank  Baba- chin-low
 Basa- read-wet  Sala – living room-sin
 Mahal- love -expensive  Baka- cow- If/ what if
 Tayo- stand-us  Saya – skirt-happy
 Puno- full -tree

HYPONYMY- ang isang salita ay may mas tiyak na kahulugan kaysa sa isang
pangkalahatan o mas mataas na termino na naaangkop dito. Ang mga hyponymous sa
hanay ay makikita sa mga naturang kumbinasyon.
Halimbawa:
 Guy- boy- man- male  Purple – crimson- lavender-
 Feminine-woman-lady- violet
female  Gemstone- emerald-ruby-
 Kid- child-young diamond
 Dog- bitch- puppy  Game- craps-roulette-poker
 Sheep- ram- ewe- lamb  Utensils- fork-knife-spoon
 Blue- cyan-navy-ultramarine

SYNONYMY- ito ay tumutukoy sa pagkakatulad ng kahulugan.

Halimbawa:
 Aksidente-sakuna  Angkop- akma, bagay
 Alaala-gunita  anyaya -imbita, kumbida
 Alam- batid  anyo- itsura
 Alapaap- ulap  bagyo- unos, sigwa
 Angal- reklamo  bahagi- parte

ANTONYMY- ang antonymy ay nagpapahiwatig ng pagsalungat ng konotasyon kung


saan ang pagpapahalaga at pag-angkin ng isa ay pagtanggi sa isa.

Halimbawa:
 mabuti-masama,  Mataas- mababa
 bago-luma  Maalat- matamis
 maaraw at maulan.  Maganda- panget
 Mabango- mabaho  Maingay- tahimik
 Pandak- matangkad  Maliit- malaki

IV. Repleksyon
Samakatuwid, nalaman natin kung gaano kalawak ang leksikon at gramatika, na
kung ating iintindihin ay higit na napakayaman ng pinagmulan nito. Di natin
maipagkakaila na tunay na napakatangi ng ating mga salita at gabay sa pagbuo ng mga
salita. Kapag nagbabago ang isang salita dumaragdag naman sa leksikon ng wika. Sa
paksang ito ating nakita at naintindihan ang pagiging konektado ng leksikon at gramtika.
Nalaman din natin ang mga kagamitan ng isang teksto sa pagbuo ng isang diksyunaro o
salita. Sa pangkalahatan, higit natin ngayon naintindihan ang takbo ng ating mga salita,
wika at pagsasalin wika, na ito pala ay hindi madali at may sinusunod na proseso, na
nararapat nating bantayan at tandaan. Higit na kinakailangan pa natin malinang ang takbo
n gating mga wika, dahil hindi sapat na ito lang ay pag-aralan bagkus dapat ito ay ating
mas pagtuonan ng pansin, di dapat kalimutan.

V. Sanggunian

Anonymous. (2016, May 7). Wordpress.com. Retrieved September 14, 2019, from Ano
nga ba ang pagsasaling wika: https://panitikanblog.wordpress.com/2016/05/07/first-blog-
post/?fbclid=IwAR3mrJ9d1f5-vH_mJRG3Ltu-IbKq9xndv_BX8Ow-
ViNmz0ASHLlF6WsUVmM

Dumdum, C. R. (2014, July 06). Prezi.com. Retrieved September 14, 2019, from
Leksikon ng Wikang Filipino: https://prezi.com/515xmv4rjome/leksikon-ng-wikang-
filipino/?fbclid=IwAR0sw_OyPZiZpSMLmJPeJTBDvrksWZEBmlbhy6SZE1oFezNeSN
7UjxceEtY

Kushinka, M. (2016, October 05). Redline. Retrieved September 14, 2019, from
Hypernyms and Hyponyms: The Genus and Species of Linguistics:
https://www.redlinels.com/hypernyms-and-hyponyms/?fbclid=IwAR3dfnBzJup6c-
8embcumE2gUj4Z8VOslzjegw9oma3_In5PGnTPEY5jTws

Nepomuceno, P. (2014, March 16). Prezi.com. Retrieved September 14, 2019, from
Gramatika: https://prezi.com/yim8au5-izoi/gramatika/?fbclid=IwAR2tYeSC-
3fW6xwcq8x_FmhQBEj4SOLja2okXb4F2pvxjpZJtH8ZqPniUMo

Adrian Akmajian, Richard A, Demers Ann K. Farmer, Robert M. Harnish- Linguistics an


Introduction to Language and Communication- Fifth Edition- Prentice- Hall of India
Private Limited.

Dr. Arora Some SN. Aspects of Linguistics Phonetics and Modern English Grammar-
Published by Students Store- Printed at: Suneet Printers.

Dr. Radhey L. Varshney- an Introductory Textbook of Linguistics & Phonetics-


Published by Students Store- Printed at: Suneet Printers.

Dr. Sharad Rajimwale. Elements of General Linguistics Volume- II- Rama Brothers India
PVT LTD. Educational Publisher.

Resty Cena, 2011, balangkas,gramatika, wordpress.com, August 31, 2019


Jo Annie Barasina, 2015, Talakayan sa Filipino 3 at Gramatika, slideshare.net, Jul 9,
2015
Ann Christel, 2016, Ano ang kahulugan ng gramatika at retorika, Brainly, 28.06.2016
SCPS, 2016, Kakayahang Lingguwistiko o Gramatikal, Slideshare.netSep 23, 2016,
Jenny Reyes, 2014,Pagsasaling Wika Filipino 3, Jul 23, 2014

You might also like