You are on page 1of 1

Punto ng Artikulasyon

-Naglalarawan kung saang bahagi ng bibig nalabas ang hangin sa pagbigkas


ng katinig o sa pagbuo ng isang tunog
Pitong punto ng artikulasyon
1. Panlabi – Ang ibabang labi at labing itaas ay naglalapat. Ginagamit ang labi
para ibagkas ang katinig na /p,b,m,w/
2. Pangngipin – Ang dulo ng dila ay dumidikit sa loob o sa likod ng ngiping
itaas /t,d,n/
3. Pang-gilagid – Ang punong gilagid ay nilalapitan o dinidiitnan ng ibabaw ng
dulong dila /s,l,r/
4. Palatal ( Pangalangala ) – Dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang
ibabaw ng punong dila /y/
5. Velar ( Pangngalangala) – Ang malambot na bahagi ng ngalangala ay
dinidiitnan ng ibabaw ng punong dila. /k,g/ (ng) /
6. Panlalamunan – Ang pagitan ng dalawang babagtingang tinig na tinatawag
na glottis ay bahagyang nakabukas upang ang hangin sa lalamunan ay
makadaan /h/
7. Glottal – Ang presyur ng paglabas ng hangin ay nahaharangan sa
pamamagitan ng pagdiit ng mga babagtingang tinig at ang nalilikha ay
paimpit o pasusot na tunog /?/

Paraan ng Artikulasyon
- Inilalaarawan kung papano gumagana ang ginagamit ang mga bahagi ng
organong pagbigkas o sangkap sa pagsasalita
Anim na Paraan ng Artikulasyon
1. Pasara – Hinaharangan ang daan ng hangin /p,t,k,?,b,d,g/
2. Pailong – Nahaharangan ang hangin na dapat ay sa bibig lumalabas sa
pagtitikom ng mga labi, pagtukod ng dulong dila sa itaas ng mga ngipin o
kayay pagbaba ng malambot na ngalangala /m,n/ng/
3. Pasutsot – Babagtingang tinig lumalabas ang hangin /s,h/
4. Pagilid – Ang dulo ng dila ay nakadikit sa punong gilagid, sa mga gilid ng
dila lumalabas ang hangin /l/
5. Pakatal – Sa dulo ng nakaarkong dila ay pumapalag, ang hangin sa loob ng
bibig ay paiba-iba ng direksiyon /r/
6. Malapatinig – Ang galwa ng labi o dila ay mula sa pusisyon patungo sa
ibang pusisyon

You might also like