You are on page 1of 2

ROGELIO LARDERA: Paggunita sa Isang Ama, Guro, Bayani ni Jee Y.

Geronimo Isinalin sa
Filipino ni Bennedick T. Viola
Isang gurong naging tagapagligtas. Siya si Rogelio Lardera, isa sa mga unang nagresponde sa
bayan ng Concepcion sa Iloilo sa kasagsagan ng Super Bagyong Yolanda. Maraming bayani
ang nakilala at nakaligtas mula sa bagsik ng Super Bagyong Yolanda. Maaari nilang
maikuwento ang kanilang pinagdaanan ngunit hindi si Rogelio Lardera. Ang buhay niya ay
patuloy na ibinabahagi at ikinukuwento ng kaniyang mga kamag-anak, kaibigan, kapuwa guro,
mga mag-aaral at higit sa lahat ang Kagawaran ng Edukasyon. Isang kuwentong nararapat na
ibahagi sa lahat, at ang alaala niya’y dapat gunitain lalo na tuwing Abril 9, Araw ng Kagitingan.
Inilathala ng kagawaran ng Edukasyon ang kaniyang kabayanihan sa Facebook.
Tanong:
1. Sino ang tinutukoy na gurong tagapagligtas?
2. Anong kalamidad ang tumamasa sa lalawigan ng Iloilo?
3. Bakit siya tinuring na tagapagligtas?
Sa ikalimang pagbagsak sa lupa ng Yolanda sa Concepcion, Iloilo noong Nobyembre 8, 2013,
naging unang tagaresponde ng bayan si Rogelio, isang guro sa Concepcion Central School.
Handa siya sa mga ganoong sitwasyon, siya ay nakapagsanay at alam ng lahat na kaya niya
itong gawin. Dinala muna niya ang kaniyang asawa at apat na anak sa ligtas na lugar bago
lumahok sa Manaphag Quick Response Team noong umaga ng Nobyembre 8, 2013.
Rumisponde sila sa mga bahay na malapit sa dalampasigan ng Bacjawan Sur at nailigtas nila
mula sa mapaminsalang bagyo ang mga tagaroon, bata at matanda. Ngunit sa kanilang
pagbabalik sa evacuation area, isang malaking sanga ng punongkahoy ang tumama kay
Rogelio na nagdulot sa kaniyang pagkalaglag mula sa trak kung saan siya ay nakasakay
kasama pa ng ilang nagresponde. Siya ang naging unang biktima ng bagyong Yolanda sa
bayan ng Concepcion.
Tanong:
1. Kailan sinalanta ng bagyong Yolanda ang bayan ng Concepcion?
2. Ano ang nangyari sa guro matapos ng kanyang pagliligtas sa mga nasalanta ng
bagyo?
3. Sapat ba ang kanyang mga nagawa upang siya’y ituring na tagapagligtas?
Mas kilala siya sa tawag na Sir Elyong, isang guro ng Agham at Agrikultura. Ang kaniyang
impluwensiya ay hindi lamang sa apat na sulok ng silid-aralan maging sa buhay ng kaniyang
mga mag-aaral. Sa mahigit na dalawampung taong pagtuturo ni Sir Elyong, naging masipag
siyang hardinero gayundin agriculturist din siya ng kanilang paaralan. Itinuturo rin niya ang
tamang pagtatapon ng basura at tamang pangangalaga ng tubig para sa paligid ng paaralan.
Tuwing Sabado at Linggo, makikita siyang gumagawa sa Gulayan ng paaralan. Lagi niyang
ibinabahagi sa mga kapuwa guro ang kaniyang mga aning prutas at gulay. Tinutulungan din
niya ang mahilig sa paghahalaman sapagkat nagpapahiram din siya ng mga gamit para dito. Sa
mga katangian niyang ito higit sa lahat, itinuring siyang huwarang guro dahil sa kasipagan;
pangalawang magulang ng kaniyang mga mag-aaral dahil siya’y maalaga na parang tunay
niyang anak; at isang kaibigan na handang dumamay sa suliranin ng kapuwa. Hindi na siya iba
sa lahat, siya’y asawa, ama, anak at kapatid na kayang ibigay ang lahat ng makakaya para sa
kaniyang minamahal na pamilya. Nailathala ng Kagawaran ng Edukasyon ang kaniyang buhay
isang buwan pagkatapos ng Yolanda. Nawalan man ng isang guro, mabuting ama, kapatid at
kaibigan ang Kagawaran ng Edukasyon, ngunit mananatili ang walang kapalit na paglilingkod ni
Sir Elyong.
1. Bakit itinuring siyang isang taong mapagmalasakit?
2. Anong katangian ang dapat tularan kay Sir Elyong?
3. Mayroon bang kahalintulad na kuwento sa inyong lugar ang kuwento ni Rogelio?

You might also like