You are on page 1of 3

IBONG ADARNA

Di ba tunay, aking giliw


Pangako mong walang maliw
Akoy iyong mamahalin
Anot ngayong dimo tupdin

Pitong taon pag-iisa


Hihingi sa iyong ama
Upang kung dumating ka
Mabihis mo yaring dusa

Pagkat diko matatanggap


Makasal sa hindi liyag
Buhay ko man ay mautas
Pagsinta ko’y iyong hawak

Kung narito ka , Don juan


Makikita yaring kayay
Ang dibdib mo kahit bakal
Madudurog sa lumbay

Bakit nga ba hindi,irog


Lalo pa kung matatalas
Ang hinagpis at himutok
Kayakap ko sa pagtulog

Ayaw kong bigyang -laya’t


Munting ako’y mapalaya
Panabay nang mayrong iwa
Sa dibdib ko puso’t diwa

Iwang pagkaantak -antak


Maymabagsik na kamandag
Kamandag na umuutas
Sabuhay kong kulang-palad

Kaya lamang di mapatay


Yaring mahina kong buhay
Ay pananggol kong matibay
Ang pagsintamong dalisay

Pag-asa ko aking giliw


Buhay ka at darating din
Darating ka’thahanguin
Si Leonora sa hilahil
Pagkat kung dika binuhay
Ng loob kong pinawalan
Kaluluwa mo mar maraming
Sa akin sana’y dumalaw

Pananalig ni Leonora
Pa’nong maririnig baga
Si don juan malayona
Dina siya alaala

Tatlong taong naglalakad


Sa parang at mga gubat
Mas gasig ang paghanap
Sa reynong kanyang pangarap

You might also like