You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Division of Rizal
SOUTHVILLE 8C NATIONAL HIGH SCHOOL
San Isidro, Rodriguez, Rizal

Gawain sa Pagkatuto Blg. 4


Pangalan : __________________________________ Taon at Pangkat : ___________________________
A. Panuto: Paghambingin ang katangian at elemento ng dulang “Walang Sugat” (unang tagpo) at
Munting Pagsinta. Isulat ang iyong sagot sa graphic organizer.
  Katangian at           Walang Sugat     Munting Pangarap
Elemento
Pagkakaiba

Pangunahing 1. Temujin, Yesugei, Borte


Tauhan

Tagpuan Sa balkonahe ng tahanan nina Julia kung saan 2. 


nagbuburda ng panyo si Julia para kay tenyong
Suliranin Gustong maalaman ni Tenyong kung para kanino ang 3.
binuburdahang panyo ni Julia
Saglit na 4. Biglang napaibig si
Kasiglahan Yesugei kay Borte
Pagkakatulad
5.

B. Panuto : Isaayos ang mga salitang may salungguhit batay sa tindi ng emosyon o  damdaming
ipinapahayag. Piliin ang titik ng  tamang sagot ayon sa pagkakasunod-sunod.

______ 6. A. Isang paghamak ang kaniyang ginawa sa kanyang kaibigan. 


                 B. Ang pang-aalipusta  ni  Don Severino sa kanyang mga tauhan ay paulit-
                    ulit na lang.
  C. Pinipilit kalimutan ni Carol ang pagkutya sa kanya ng mga tao.
  D. Hindi matanggap ni Tarik ang pang-aapi sa kanyang kapatid. 
a. A-B-C-D b. A-D-C-B c. B-C-A-D d. C-D-B-A
______ 7. A. Nakapangingilabot ang mga balitang ating naririnig.
                 B.  Nakagugulat ang nangyari sa kanilang pamilya.
                 C. Nakatatakot ang situwasyon natin ngayong pandemya.
  D. Ang sakunang naganp ay sadyang kahindik-hindik.
a. D-A-B-C b. B-D-A-C c. B-C-A-D d. A-C-B-D
______ 8. A. Hindi mawala kay Lena ang pagkasuklam sa ginawa ng mga tao sa kanyang pamilya.
                 B. Nagsimula lamang sa pagkayamot ang kanilang alitan.
                C. Ang pagkainis niya sa kanyang kapatid ay nauwi sa suntukan. 
  D. Patuloy ang pagkagalit ng mga tao sa mayamang lalaki. 
a. C-B-D-A b. C-D-A-B c. B-C-A-D d. B-A-C-D
______ 9. A. Hindi naman siya naging damot sa kanyang pamilya para siya ay   usignin.
                B. Ang pagiging sakim sa kapwa ay hindi kinalulugdan ng Diyos.   
                C. maituturing na gahaman ang isang tao kung nais niyang maging kanya ang lahat ng bagay. 
  D.Naging makasarili si Cristy sa kanyang kapuwa.  
a. C-B-A-D b. B-D-C-A c. A-C-B-D d. A-D-B-C
______ 10. A. Lubos ang kanyang paghanga sa babaeng nasa larawan.
                  B. Walang kapantay ang pagmamahal ng Ina sa kaniyang anak.
                  C. Ang pagsinta ni Romeo kay Juliet ay hindi magmamaliw.
    D.  Hindi maitatago ang pagkagusto niya sa dalaga.
a. B-C-A-D b. A-D-C-B c. A-B-D-C d. B-A-C-D
C. Panuto: Ipahayag ang iyong damdamin at pang-unawa sa bahagi ng isang akdang nabasa. Piliin at
bilugan ang titik ng tamang sagot.
11. “ Naguguluhan ako sa iyo Ama. Kanina ka pa nagmamadali at sinasabing mahalaga ang ating
sadya sa ating pupuntahan? Ano po ba iyon? 
(Munting Pagsinta ni: Mary Grace O. Tabora)
a. pangamba c. pag-aalala
b. pagkagalit d. pananabik
12. Ang mga luha ni Impong Sela ay nagpatuloy sa pagdaloy hanggang ang mga luntiang damo sa
ibabaw ng puntod ng pinakamamahal niyang apo ay halos isang dangkal na ang angat sa lupa.
(Impong Sela ni Epifanio G. Matute).
a. Pagkalungkot c. pangamba
b. Pag-aalala d. pagdadalamhati
13. Kaya nga ba’t sa tuwi akong makakakita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang
isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi
niya napalutang kailanman. (Bangkang Papel ni Genoveva Edroza-Matute)
a. Panghihinayang c. pagkalungkot
b. Pag-aalala d. pangamba
14. May luha siya sa mata ngunit may galak na nadama. Luwalhati. Hinagod-hagod niya ang mga
kamao. Nadama niya ang bagong tuklas na lakas niyon. Sa matinding sikat ng araw, tila siya isang
mandirigmang sugatan, ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagiang larangan. (Impeng Negro
ni Rogelio R. Sikat)
a. Kalungkutan c. pagkagalit
b. Kaligayahan d. pag-aalala
15. Agad akong umuwi pagkatapos ng klase. Salamat kay Tatay sa bagong tsinelas naming ni kuya.
Salamat kay kuya, na kahit di ko siya kapaa, naging maunawain at mabait naman siyang kuya.
(Kapaa ko si Kuya ni Genaro R. Gojo-Cruz)
a. Kalungkutan c. pagkagalit
b. Kasiyahan d. pangamba

You might also like