You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division Office of Rizal
SOUTHVILLE 8C NATIONAL HIGH SCHOOL

LEARNING ACTIVITY SHEET


(Gawain sa Pagkatuto )

Name: Grade and Section:


Subject/Quarter: Filipino 7 2nd Qrt. Teacher:
Week number: 1 Dates:
MELC: Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad LEARNING COMPETENCY with Code
na ginamit sa pagsulat ng awiting bayan (balbal, kolokyal, Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na
lalawiganin, pormal) ginamit sa pagsulat ng awiting bayan (balbal, kolokyal,
lalawiganin, pormal) ( F7WG-IIA-B-7)

Brief Discussion of the Antas ng Wika


lesson/ Panimula (Susing Filipino ang ating Wikang Pambansa subalit kung magiging mapanuri at makikinig
Konsepto) nang mabuti sa mga taong nagsasalilita nito. Mapapansin na hindi iisa ang uri ng wikang
Filipinong umiiral sa Pilipinas. Sa halip ito ay nahahati sa apat na barayti o antas ng Wika-
balbal, kolokyal, lalawiganin at pampanitikan. Mababasa sa ibaba ang ilan sa mga Antas
ng Wika.
Mga Salitang Impormal o Di-pormal – mga salitang karaniwang ginagamit sa
pakikipag-usap sa mga kakilala o kaibigan. Ito ay mauuri sa tatlo:
 Balbal (Slang) tawag sa mga salitang ginagamit sa kalye o kanto.
Hal. ermat ibig sabihin nanay erpat - tatay datung- pera
 Kolokyal – ito ay madalas na ginagamit sa pagpapaikli o pagkakaltas ng ilang
titik at pagsasama ng wikang Filipino at English para maging isang salita.
Hal. Kelan mula sa kailan A-attend ka bas a birthday?
 Lalawiganin- mga salitang gamit sa probinsiya o lalawigan.
Hal. ambot mula sa salitang Bisaya na ibig sabihin “ewan “
Mga Salitang Pormal – mga salitang ginagamit ng karamihan ng mga nakapag-aral sa
wika.
 Pampanitikan – gumagamit ng matalinghagang salita. Makikita sa mga aklat.
 Teknikal- ginagamit sa larangan ng teknolohiya, agham o matematika
Directions Basahin at unawain ang mga gawain sa ibaba tungkol sa Antas ng Wika upang masagutan
ng tama ang mga hinihingi sa bawat gawain.
Lesson/Activity 1 A. Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang mga sumusunod na salita.
1. yorme 4. lespu
2. balay 5. kelan
3. ilaw ng tahanan
Lesson/Activity 2 B. Basahin ang awiting bayan na Laki sa Layaw. Salungguhitan ang salitang balbal at
Bilugan ang salitang Kolokyal.
May mga taong lumaki sa hirap
Merong laki sa layaw puro sarap
Kung siya'y titigan mo akala mo kung sino
Hindi na bumababa sa kanyang trono
Lahat ng gusto nya ibinigay na sa kanya
Ngunit wala pa rin syang kasiyahan
Hindi pa makuntento sa kanyang mga bisyo
Nilubog pa n'ya ang sarili sa putik
Kilala sa bayan ang asal ay gahaman
Malakas sa inuman at istorbo sa daan
Meron pa kayang pag-asang magbago
Ang taong lumaki sa layaw
Laki sa layaw, laki sa layaw, jeproks
Laki sa layaw, laki sa layaw, jeproks
Laki sa layaw, laki sa layaw, jeproks
Lesson/Activity 3 C. Gamit ang mga natutunan sa antas ng wika at mga halimbawa nito, Magsaliksik at
lumikha ng sariling tula na may 3 saknong at 4 na taludtod tungkol sa Wikang Filipino.

Address: Blk 12 Lot 36 Southville 8C San Isidro, Rodriguez, Rizal 1860


Telephone No.: 997 83 44 School ID: 308135
Email Address: southville8cnhs.308135@deped.gov.ph

“SULONG, BLUE RIZAL”


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division Office of Rizal
SOUTHVILLE 8C NATIONAL HIGH SCHOOL

Gamitan ito ng mga salitang kabilang sa iba’t ibang antas ng wika. Subukan lapatan ito ng
himig upang maging awit. Pagkatapos, suriin at ihanay ang mga ginamit na salita batay
sa pormalidad na ginamit sa pagsulat ng awiting bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin,
pormal).
Guide Questions (If
necessary) Dapat bang bigyang antas ang mga salita at ituring ang balbal na pinakamababang
antas ng wika? Pangatwiranan ang sagot.
Rubric for scoring (If Pamantayan sa Pagmamarka para sa Awiting Bayan
necessary) Pagkamalikhain- 10 puntos
Paggamit ng mga Salita sa iba’t ibang antas ng wika - 10 puntos
Nilalaman 10 puntos
Kabuan 30 puntos
Reflection Sagutin ang mga tanong:
1. Nakatutulong ba ang mga nalikom mong datos tungkol sa inyong ginawang awitin
tungkol sa wikang Filipino para maging mas angkop sa kasaysayan o kultura? Ipaliwnag
ang iyong sagot.
2. Ano ang naramdaman mo habang sinusulat mo ito nang angkop sa kasaysayan o
kultura? Bakit ito ang naramdaman mo?

References (if necessary)


Pinagyamang Pluma 7 (ikalawang edisyon)

Student Signature: ___________________ Parent’s Signature: ________________

Address: Blk 12 Lot 36 Southville 8C San Isidro, Rodriguez, Rizal 1860


Telephone No.: 997 83 44 School ID: 308135
Email Address: southville8cnhs.308135@deped.gov.ph

“SULONG, BLUE RIZAL”

You might also like