You are on page 1of 10

Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino 9

I. Mga Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naiisa-isa ang mga uri ng Pagbabagong Morpoponemiko;
b. nakapagbibigay ng sariling halimbawa na may kaugnayan sa paksa at
c. nasusuri ang mga Pagbabagong Morpoponemiko na makikita sa isang
artikulo.
II. Paksang Aralin
Paksa: Pagbabagong Morpoponemiko
Sanggunian: Akademikong Filipino para sa Kompetetibong Pilipino
Kagamitan: Power point presentation, laptop at biswal na panulong
III. Pamamaraang Paggtuturo
A. Pang-araw-araw na gawain
1. Paghahanda
a. Pagbati
b. Pagdarasal
c. Pagpapaayos ng mga upuan at pagpapapulot ng mga kalat
d. Pagtatala ng mga lumiban
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
B. Balik Aral
Noong nakaraan tinalakay natin kung ano
ang Pandiwa, ibigay mo nga kung ano ang
kahulugan ng Pandiwa, Marie?
Ito ay nagsasaad ng kilos o galaw ng isang
tao, bagay o hayop.
Magaling! Maraming Salamat! Maaari ka
bang magbigay ng isang halimbawa ng
Pandiwa, Leigine?
Halimbawa Takbo.
Tama! Maraming Salamat! Gamitin mo
nga sa pangungusap ang salitang takbo,
Regalad?
Ang bata ay mabilis na tumakbo.
Mahusay! Maraming Salamat!
Magbigay pa nga ng isang halimbawa ng
pangungusap, Sheila?
Inutusan si Andres ng kanyan ina na
pumunta sa tindahan at bumili ng yelo.
Magaling! Maraming Salamat! Maaari mo
bang tukuyin kung ano ang mga
pandiwang ginamit sa pangungusap,
Rona?
Ang mga ginamit na salitang pandiwa sa
pangungusap ay Inutusan, pumunta at
bumili.
Mahusay! Maraming salamat!
Batid kong naunawaan niyo na ang
tinalakay natin noong nakaraan.
C. Pagganyak
Bago tayo pormal na dumako sa ating
bagong aralin, mayroon akong inihandang
isang maikling gawain. Ito ay
CROSSWORD PUZZLE, na kung saan
dito niyo hahanapin ang mga salitang ugat
na maaaring bumuo sa ating
pangungusap. Matapos mahanap ang
mga salitang ugat ito ay inyong lalapian
ilapat sa patlang ang salitang makabubuo
ng diwa sa pangungusap. Maliwanag ba?
Opo.
Basahin mo nga ang unang pangungusap,
Arcelyn?
Si Joseph ay may dalang laruan na _____
niya sa kanyang mga kaibigan.
Maraming salamat! Hanapin mo nga sa
ating crossword puzzle ang maaaring
bumuo sa ating pangungusap, Rhod.
Takot. Si Joseph ay may dalang laruan na
panakot niya sa kanyang mga kaibigan.

Tama! Maraming salamat! Basahin nga


ang sumunod na pangungusap, France?
Si Mika ang _______ ng kanilang paaralan
sa matematika.
Maraming salamat! Hanapin mo nga sa
ating crossword puzzle ang maaaring
bumuo sa ating pangungusap, Ejay.
Laban. Si Mika ang panlaban ng kanilang
paaralan sa matematika.
Magaling! Maraming salamat! Basahin mo
nga ang sumunod pang pangungusap,
Kim.
Si Aling Nena ay isang ______.
Maraming salamat! Hanapin mo nga sa
ating crossword puzzle ang maaaring
bumuo sa ating pangungusap, Patrick.
Tahi. Si Aling Nena ay isang mananahi.
Mahusay! Maraming Salamat!
Basahin mo nga ang sumunod pang
pangungusap, Kyla.
________ mo nga ang ulam sa lamesa.
Maraming Salamat! Hanapin mo nga sa
ating crossword puzzle ang maaaring
bumuo sa ating pangungusap, Angela.
Takip. Takpan mo nga ang ulam sa
lamesa.
Tama! Maraming Salamat! Basahin mo
nga ang huling pangungusap, Rafaela.
Si Roberto ang isa sa mga magagaling na
__________ ng San Jose.
Maraming Salamat! Hanapin mo nga sa
ating crossword puzzle ang maaaring
bumuo sa ating pangungusap, Claire.
Laro. Si Roberto ang isa sa mga
magagaling na manlalaro ng San Jose.
L A R O A N
T Q H G I T
C A T F A A
R R H K H K
A S I I K O
H P G J A T
L A B A N A

D. Paglalahad
Matapos ang isinagawa natin aktibidad
ano ang mapapansin niyo mula rito, Alex?
Ang napansin ko po mula sa ating
isinagawang aktibidad ay nilalapian
naming yung mga salitang ugat.
Magaling! Ngayon, ano kaya ang
kaugnayan nito sa ating bagong aralin
ngayong umaga, Jupiter?
Ang kaugnayan po nito sa ating aralin
ngayong umaga maaari po na tatalakayin
natin ngayon ang tungkol sa pagbabago
ng isang salita pag ito’y nalalapian o
nadaragdagan.
Mahusay! Maraming Salamat! Sabay-
sabay ngang basahin ang ating paksa sa
araw na ito.
(Babasahin ng lahat) Pagbabagong
Morpoponemiko
Ano ba yung tinatawag na pagbabagong
morpoponemiko, Keila?
Ang pagbabagong morpoponemiko po ay
tumutukoy sa anumang pagbabago sa
karaniwang anyo ng ng isang morpema.
Tumpak! Makikita rito ang pagbabago ng
morpema o salita. Ang pagbabagong
morpoponemiko ay mauuuri sa lima, una
nga rito ay ang tinawatawag na
asimilisasyon. Pakibasa nga jkung ano ito,
Juds? Asimilisayon. Ito ang mga pagbabagong
nagaganap sa /ng/ sa pinal na posisyon
dahil sa impluwensiya ng ponemang
kasunod nito.
Maraming salamat! Ang asimilisayon ay
mayroong dalawang uri. Ano-ano ang mga
ito, Vela?
Ang dalawag uri ng asimilisasyon ay
asimilisayong parsyal at asimilisasyong di-
ganap.
Magaling! Ano kaya ang kaibihan ng
dalawang ito? Dumako muna tayo sa
asimilisasyong parsyal. Pakibasa mo nga,
Ryan?
Ang asimilisasyong parsyal o di-ganap ay
yaong karaniwang pagbabagong
nagaganap sa ponemang /ng/ at nagiging
/n/ o /m/ o nananatiling /ng/. Bukod dito ay
wala ng pagbabagong nagaganap.
Maraming salamat! Ibig sabihin ang mga
panlaping nagtatapos sa /ng/, katulad ng
sing na maaaring maging sin o sim. At
pang na maaaring maging pan at pam
dahil sa impluwensya ng kasunod na
katinig. Sa paanong paraan kaya
mapapalitan ang mga panlaping ito?
Pakibasa mo nga, Charisa?
Kung ang panlapi o salita ay nagtatapos
sa /ng/ ay ikinabit sa isang salitang-ugat
na nagsisimula sa /p/ o /b/, ang /ng/ ay
magiging /m/.

Mahusay!
Halimbawa:
pang+paaralan=pampaaralan
pang+bansa=pambansa
Subukan mo namang magbigay ng
halimbawa, Jeff?
Halimbawa:
pang+prito=pamprito
pang+bahay=pambahay
sing+bango=simbango
sing+pula=simpula
Mahusay! Ngayon paano naman kaya
nagiging /n/ ang /ng/ sa mga saitang
ikinakabit. Pakibasa nga, Mikee?
Ang huling ponemang /ng/ naman ng
isang morpema ay nagiging /m/ kung ang
kasunod ay /d, l, r, s, t/.
Maraming salamat! Kung ang /ng/ ay
nagiging /m/ kapag ikinakabit sa mga
salitang ugat na nagsisimula sa /p at b/ at
ang /n/ naman ang papalit sa /ng/ kung ito
ay ikakabit sa mga salitang ugat na
nagsisimula sa /d, l, r, s t/. Magbigay ka
nga ng halimbawa, Paulo?
Halimbawa:
pang+dikdik=pandikdik
pang+sabon=pansabo
sing+tulin=sintulin
sing+dumi=sindumi
Ibig sabihin ang mga panlaping sing at
pang ay nagbabago depende sa kung ano
ang kasunod na salita o kung ano ang
pandagdag na salita. Subalit, paano
naman sa kalagayan ng mga ponemang
hindi nabanggit? Pakibasa mo nga, Aira?
Ang mga salitang nagsisimula sa mga
patinig na /a, e, i, o, u/ at katinig na /k, g,
h, n, y/ ay inuunlapian ng sing at pang.
Dahil dito ay walang nagaganap na
pagbabago sa mga salita.
Maraming salamat! Magbigay ka nga ng
halimbawa, Tantan?
Halimbawa: Sing+ganda= Singganda
Magaling! Ibang halimbawa pa nga, Mica?
Halimbawa:
pang+kaisipan=pangkaisipan
Mahusay! Isa pang halimbawa, Clarie?
Halimbawa;
pang+agiw=pang-agiw
Mahusay! Maraming salamat! Ngayon,
ano naman ang asimilisasyong ganap,
Ivan?
Ang asimilasyong ganap ay nagaganap
ang pagbabago kapag matapos maging
/n/ at /m/ dahil sa pakikibagay sa kasunod
na tunog ay nawawala pa ang sumusunod
na unang titik ng salitang ugat at nananatili
na lamang ang tunog na /n/ at /m/.
Magbigay ka nga ng halimbawa, Maris?
Halimbawa:
Pang+palo pampalo pamalo
Mahusay! Bukod sa nagiging /m/ na yung
/ng/ nakakaltas pa yung unang letra ng
salitang-ugat. Isang halimbawa pa nga,
Denise?
Halimbawa:
pang+tabas  panabas
Mahusay! Ngayon ay dumako naman tayo
sa ikalwang uri ng pagbabagong
morpoponemiko. Pakibasa mo nga ito,
Wency?
Ang ikalawang uri ng pagbabagong
morpoponemiko ay ang Pagpapalit ng
Ponema. Ito ay tumutukoy sa ponemang
nagbabago o napapalitan sa pagbuo ng
mga salita.
Maraming Salamat! Dito nagkakapalit ang
mga letrang /d/ at /r/. Kalian na nga
ginagamit ang letrang /r/, Jeane?
Kapag ang naunang salita ay patinig at
nagagamit naman ang letrang /d/ kapag
ang naunang salita ay katinig.
Magaling! Maraming salamat! Magbigay
nga ng halimbawa, Kris?
ra+dapat= marapat
ma+dunong= marunong
Magaling! Maraming salamat!
Ngayon basahin nga ang ikatlong uri ng
Pagbabagong Morpoponemiko, Arci?
Ang ikatlong uri ng pagbabagong
morpoponemiko ay ang Metatesis na
nangangahulugan ng paglilipat ng
posisyon ng mga ponema. Kapag
nagsisimula sa /l/ o /y/ ang salitang ugat
nito at nilagyan ng gitlaping in-,
nagkakapalit ang /i/ at /n/ at nagiging /ni/.
Maraming salamat! Sinasabi rito na kapag
ang salitang ugat ay nagsisimula sa titik l
at y nangangahulugang malayang
nagkakapalitan ang gitlaping in na
nagiging ni. Magbigay nga ng halimbawa,
Robert?
Halimbawa: In+yakap= Niyakap
In+laro= Nilaro
Magaling Maraming salamat! Paki basa
nga ang ikaapat na pagbabagong
morpoponemiko, Marie?
Ang ikaapat na uri ng pagbabagong
morpoponemiko ay pagkakaltas ng
ponema, ito ay ang pagkawala ng isang
ponema o morpema sa isang salita. Maari
itong maganap sa unahan o gitna ng
salita. May mga salita ring nakakaltas ang
ponema o morpema sa gitna, at
napapalitan ng ponema ang nasa huling
morpema.
Maraming salamat! Dito nagaganap ang
pagkakaltas mula sa unahan o sa gitna ng
salita na kung saan isang titik lamang ang
natatanggal. Magbigay ka nga ng sarili
mong halimbawa, Jezreel.
Halimbawa: Dala+hin= Dalahin> Dalhin
Tama! Maraming Salamat! Mula sa
salitang dalahin kinaltas natin ang titik a.
Magbigay pa nga ng sariling halimbawa,
James.
Halimbawa: Bukas+an= Bukasan>
Buksan
Para sa ikalimang uri ng pagbabagong
morpoponemiko, ano naman ito, Shane?
Ang ikalimang uri po ng pagbabagong
morpoponemiko ay ang paglilipat-diin.
Dito, may mga salitang nagbabago ng diin
kapag nilalapian.
Salamat! Maaaring malipat ng isa o
dalawang pantig ang diin patungong
huling pantig o maaaring malipat ng pantig
patungong unahan ng salita. Magbigay ka
nga nga ng halimbawaa, Michelle?
Halimbawa:
basa+hin=basahin
Ipaliwanag mo nga kung paano ito naging
halimbawa ng paglilipat diin, Mae?
Naging halimbawa poi to ng paglilipat diin
spagkat nasa /ba/ pa lang po yung diin ng
salita nang di pa siya nilalagyan ng panlapi
samantala, nang hinulapian nap o ito
napunta sa /hin/ yung diin ng salita.
Mahusay! Ngayon ano naman yung huling
uri ng pagbabagong morpoponemiko,
Rose?
Ang huling uri ng pagbabagong
morpoponemiko ay reduplikasyon. Ito ay
ang pag-uulit ng pantig ng salita.
Salamat! Ang pag-uulit ng na ito ay
maaaring nagpapahiwatig ng kilos na
ginagawa, gagawin, tagagawa ng kilos o
pagpaparami. Magbigay ka nga ng
halimbawa, Clarilyn?
Halimbawa:
Aalis, pupunta, tatakbo.
Ito ay tumutukoy sa pagbabagong anyo ng
Morpema dahil sa katabing tunog nito.
Mahusay! Yan ay mga salitang kilos na
gagawin pa lamang. Halimbawa naman ng
inuulit na pantig ng tagagawa, Ems?
Halimbawa:
Magtataho, magbubukid, magmamais.
Mahusay! Naunawaan ba?
Opo.
Kung ganoon may tanong ba?
Wala po.
E. Paglalahat
Bilang ating paglalahat, Maaari mo bang
ibigay kung ano ang kahulugan ng
Asimilasyon, Patrick?

Tama! Maraming Salamat! Ibigay mo nga


ang dalawang uri ng Asimilasyon, France?
Asimilasyong Parsyal o di ganap at
Asimilasyong Ganap.
Magaling Maraming salamat! Ibigay
naman kahulugan ng pagpapalit ponema,
Kim?
Ito ay tumutukoy sa ponemang
nagbabago o napapalitan sa pagbuo ng
mga salita.
Tama! Maraming salamat! Ibigay naman
kahulugan ng Paglilipat, Rona?
Ito ay tinatawag din na Metatesis na
nangangahulugan ng paglilipat ng
posisyon ng mga ponema.
Magaling! Maraming Salamat! Ibigay
naman ang kahulugan ng paglilipat diin,
Meg?
Ang paglilipat diin ay nangangahulugang
pagbabago ng diin ng salita kapag ito ay
nilalapian.
Mahusay! Maraming Salamat! At ibigay ng
ang kahulugan ng isang uri ng
Pagbabagong Morpoponemiko, Jason?
Pagkakaltas ito ay ang pagkawala ng
isang ponema o morpema sa isang salita.
Maari itong maganap sa unahan o gitna ng
salita.
Magaling! Ibigay mo nga huling uri ng
pagbabagong morpoponemiko, Jodi?
Ito ay ang reduplikasyon kung saan dito
makikita ang pag-uulit ng pantig.
Magaling! Maraming Salamat! Batid kong
naunawaan niyo na ang ating aralin sa
araw na ito.
F. Paglalapat
Bilang ating paglalapat, magkakaroon
tayo ng isang maikling gawain;

Panuto: Ang klase ay hahatiin sa apat na


grupo. Ang bawat lider ng grupo ay
pupunta sa harap para kumuha ng kahon
na naglalaman ng limang salitang ugat.
Sa mga salitang ugat na kanilang
mahahawakan ay gagamitin nila ito sa
iba’t ibang uri ng pagbabagong
morpoponemiko. Anumang salitang
kanilang mabubuo ay gamitin ito sa
pangungusap at isulat sa tapat kung
anong uri ito ng pagbabagong
morpoponemiko.
Mga Salitang ugat:
1. Takot
2. Laro
3. Lipad
4. Yakap
5. Baril
Mga Salitang ugat:
1. Layon
2. Bula
3. Totoo
4. Dala
5. Bukas

IV. Pagtataya
Bilang ating pagtataya, titignan natin kung
talaga nga bang naunawaan nninyo ang
ating inaral ngayon. Mayroon lamang
kayong limang minuto sa ating pagsusulit.
Panuto: Suriin kung ano ang salitang
nagkaroon ng pagbabagong
morpoponemiko sa pangungusap, at
ipakita kung paano ito naganap. Isulat ang
sagot sa ika-apat na bahagi ng papel.
1. Si Marjorie ay niyakap ni Alfred
bago umalis.
2. Ang panlaban sa basketball sa
Brgy. Pinili ay si Joseph.
3. Kuhanin mo ang pandikdik natin ng
mani sa kusina.
4. Nawala ang pamaypay ni Allen sa
labas.
5. Wala ng pamasahe si Josh dahil sa
kanyang ginastos kanina.

V. Takdang Aralin
Panuto: Maghanap ng sampung salita sa
artikulo na nagtataglay ng pagbabagong
morpoponemiko at isulat kung anong uri
ng Pagbabagong Morpoponemiko ito.

Inihanda ni: PAMELA A. BALES

You might also like