You are on page 1of 2

LALABAN PA SANA AKO, KASO SABI MO SUMUKO NA AKO!

Kay sayang balikan yung mga araw na nagsisimula palang tayo

Nagsisimulang mag-usap at magkulitan sa ilalim ng bilog na buwan

Halos abutin ng madaling araw makasama lang ang isa't isa nang walang kasawaan

Nabuo tayo ng hindi alam kung saan nagsimula

Pero alam natin kung bakit tayo magwawakas ng ganito na lamang.

Akala ko ayos na nang sabihin mo sa aking ako'y gusto mo rin

Pero bakit biglang nagbago ang lahat

Nawala yung chats, text and calls natin palagi, gabi-gabi

Anong meron? At parang bula na lamang na naglaho ang lahat ng meron tayo?

Sabi mo mabilis lang ang apat na buwan na paglisan ko

Pero sa apat na buwan na nawala ako sa tabi mo, yun yung bilis nang pagbabago mo

Sinabi mo na ako ang gusto mo

Kaya naniwala ako

Naniwala ako na pagbalik ko ganon parin ang sasabihin mo

Pero ba't nagbago?

Sinabi mo na hindi mo na ako gusto

Sa araw-araw na nag-uusap tayo pilit kong itinatanong sayo kung ano pa ba ang meron sa ating dalawa

Pero pilit mong iniiwas ang ating usapan

At sinasabing bukas nalang, bukas nalang kaya tayo mag-usap

Dahil ba wala na yung pagkagusto mo sakin?

Dahil ba may nakilala ka nang iba?

Sabi mo sa akin noon, nung magkausap tayo sa telepono

Na kahit magkalayo tayo, sabay lang tayong tumingin sa kalangitan at pagmasdan ang mga bituin parang
magkasama na rin tayo

Sabi ko noon, kahit iwan kita alam ko na magkasama parin tayo


Pero mukang wala na akong makakausap tuwing gabi

Wala na akong kasabay titingin sa mga bituin kahit na makulimlim

Pero mahal, asawa ko patawarin mo ako

Patawad dahil hindi ko iniintindi ang mga bagay bagay na sinasabi mo

Patawad kasi makulit ako, hindi ko alam yung mga bagay na gusto mo gawin

Patawad kasi hindi kita maintindihan

Patawad kasi tampurista ako sa lahat ng bagay

Patawad rin kasi tinitiis kitang hindi ichat, itext at tawagan man lamang ngayon

Kasi alam mo mahal? Gusto kong maramdaman kung mahalaga paba ako sayo, kung namimiss mo rin
kaya ako

Sabi ko naman sayo, sabihin mo lang na hindi ako sumuko hindi kita susukuan

Pero tinapos mo na agad, sinabi mo na sana makaramdam naman ako

Makaramdam na hindi na ako ang gusto mo

Makaramdam na hindi na ako mahalaga sayo

Pero lagi mong tatandaan, yung pagmamahal ko sayo hindi agad to mawawala

Kailangan ko pa ng taon para makalimutan ang isang tulad mo sa buhay ko

Kaya kapag naalala mo ako, wag kang mag alala nandito parin ako para sayo

Susuportahan kita sa lahat ng gusto mo

Dahil mahal kita, mahal na mahal kita pero pinasuko mo na ako.

You might also like