You are on page 1of 5

Ako yung tipo ng tao na walng uurungan dahil palaban ako

Bata palang kasi ako tinuruan na ko ng lola ko kung paano manatiling nakatayo
Kahit palaging talo di parin ako sumusuko
Palagi akong sumusubok kasi gusto kong manalo

Naalala ko nga dati kapag nagtataya-tayaan kami ng mga kalaro ko


Kahit pagod na pagod na ko sa pagtakbo tuloy parin yung paghahabol ko
Ayoko kasing manatiling taya at maburo sa dulo
Ayokong maging tampulan ng asaran at panunukso

Lalo na sa patintero siguraduhin mong bantay sarado sakin ang kalaban


At kung ako naman ang kailangan tumawid sa mga linyang ginuhit gamit ang mga
uling
Garantisado di talaga ko magpapahuli kahit abutin pa kami ng dilim
Kaya madalas nagpapalit nalang kami ng laro kasi naiinis na sila sakin

Madaya daw kasi ako, sabi ko naman “Kasalanan ko bang mabilis lang talaga kong
tumakbo?
Eh pero di naman sa lahat ng laro magaling ako
Katulad ng “Tagu-taguan”, di kasi ako magaling magtago
At saka yun kasi yung laro nating dalawa nung natalo ko sayo
Hindi ako magaling magtago pero magaling ako maghanap ng ebidensya sa mga
kalokohan mo
Di ko pala kasi nasabi sayo,
Lagi ko kasing pinapanood si Detective Conan nung bata ako
Saka idol ko si Gus Abelgas yung nagvo-voice over sa S.O.C.O tuwing sabado

Sa tingin mo ba di ko malalaman na habang kachat kita ay may kachat ka ring iba?


Na sa dami ng facebook accounts mo ganun din kadami yung babae mo
Tapos sasabihin mo sakin na ako lang, ang alin?
Baka ibig mong sabihin, Ako lang yung paborito mong lokohin

Ewan ko ba, iba na kasi yung panahon ngayon


Di na katulad ng dati na sobrang tatag pa ng mga tuhod ko para tumakbo
Kaya tuloy nung iniwan mo ko, di na ko nakahabol sayo
Kaya ayon, naiwan akong mag isa sa dulo

Bantay sarado na nga kita pero sobrang galing mo lang talaga


Di kasi kita agad nahuli tumagal tuloy yung lokohan
Sana sinabi mo na nung una
May rule pala tong laro mo, “Kung sino magseryoso sya yung talo”

Humanap ka na agad ng iba habang meron pang ako


Iniwan mo kong mag isa kasama ang mga tanong na tumatakbo sa isip ko
“Di ba ko mahalaga?, Kulang pa ba?”
“Kapalit-palit ba ko,Di ba ko maganda?”
Sabagay di naman kasi ako babaeng “Marikit”
Kaya biglang nag “Ivana” yung mararamdaman mo sakin
At di ako yung tipo ng “Pinay na sobrang fine”
Kaya you never hold me so tight

Pero thank you ha, dahil sayo nakita ko yung halaga ko


Nagkaroon ako ng pangarap at natuto ako
Na di pala porke’t puro rosas ang lumalabas sa bibig ay totoo na
Nakalimutan ko kasi na ang rosas mayroon ding tinik na pwedeng makasakit

At mas papahalagahan ko ang noon na nagsilbing leksyon


At ihahanda ko ang sarili hanggang sa dumating yung taong handang magbigay ng
atensyon
Yung taong may puro at totoong intensyon
Yung hindi lang puro pangako pero wala naming aksyon

Dahan-dahan akong tatayo at lalapit


Hanggang sa makamit ang inaasam na tunay sa pag-big
Na kahit kailanman hinding-hindi ko ipagpapalit
Sa panandaliang saya na dulot ay sakit
Matututo akong maghintay hanggang ang lahat ay maging tama
Mas pipiliin kong mag-isa kaysa maling tao ang makasama
Hinding hindi ako patitinag sa temtasyon na dala ng panahon
Mananatiling matatag para di ko na maranasan yung pinaranas mo sakin ngayon

Asahan mo, na muling tatatag ang mga tuhod ko


Hindi para habulin ka kundi para balikan ang naiwang sarili
At bubuuin kong muli ang mga nadurog kong puso hindi para syo
Kundi para sa mga susunod na bukas na muli kong haharapin

At oo, tanggap ko na hindi ang letra ng pangalan mo ang Kanyang isinulat


Hindi ang mga pangalan natin ang nakatakda sa kanyang aklat
Kaya sa muli kong pagmulat, babangon ako
Muling tatakbo hindi para sayo, kundi para sa sarili ko

You might also like