You are on page 1of 1

AN OPEN LETTER TO MY DEAREST FRIEND/PARTNER/ENEMY /CLASSMATE/SISTER FROM OTHER

MOTHER

"GUMISING KA NA! MAY EXAM PA TAYO! "

Eto yung mga huling salitang paulit ulit kong sinasabe sayo nung bisitahin kita kahapon bago ko pumasok
sa trabaho. Pangalwang beses kong pagbisita sayo, pangalwang beses na nakita kita sa ganung
sitwasyon. Sinasabe ko sa sarili ko na hindi na ko iiyak kapag nasa harap na kita, pero ang hirap maging
matatag, ang hirap magtapang tapangan. Yung pakiramdam na gusto kong isiping panaginip lang lahat.
Panaginip lang to at magigising ako, papasok sa school at maabutan kita dun kase alam naman natin
ikaw ang laging nauunang pumasok kaya ayan tuloy ikaw ang taga linis ng room bago magklase. Ngayon
alam mo na kung bakit lage akong nagpapalate noh? De joke lang, mabagal talaga kong kumilos kaya
always late. Tanda ko pa dati lage mong inaabangan yung ginagawa kong reviewer tapos pipicturan mo,
sasabihin mo sakin after exam, "ang galing ng reviewer mo Lyn!lahat ng nireview ko dun lumabas sa
exam! ". Minsan iniisip kong tinatamad ka lang talaga gumawa ng reviewer kaya binobola mo ko. Lakas
mo talaga sakin ee hmp. Kapag ikaw na humawak sa braso ko grabe mo ko kaladkarin dati kapag uwian,
feeling ko nga jebs na jebs ka na kaya gusto mo lage inoovertake natin mga naglalakad sa unahan natin.
Tatawa ka pa kapag muntik akong masusubsob kakahila mo sakin. Iniwan mo nako, sino na mang
sususot sakin sa GC ha! Yung minsan nag uusap lang talaga tayo pero akala nila nag aaway tayo, well
most of the time talaga nag aaway tayo, bully ka kase tapos mainitin naman ang ulo ko. Gigil mo ko lage
ee gustong gusto mong naiinis mo ko hahahaha. Tapos pagkauwi natin sa bahay bigla kang magchachat
"Lyn galit ka?" Pasorry sorry ka pa tapos kinabukasan mambubully ka na naman. Iniwan mo na kame,
sino na yung makakalaban ni Garbz sa mga epic posing nya kada may groupie?

Habang nagbabackread ako ng mga old posts, bumabalik din lahat ng bawat alaala. Mula nung 1st day
natin nung 1st yr 1st sem hanggang sa mga huling pictures natin together. Sabe nga nila, a picture is
worth a thousand words. Inipon ko lahat ng favorite kong pictures na kasama kita. Ang lahat ng
memories namin na kasama ka ang magpapatunay kung gaano ka naging blessing sa lahat ng mga taong
napasaya mo sa bawat araw. Wala namang perfect friendship, hindi laging masaya ang mga moments,
darating at darating yung mga misunderstandings. Pero ang pinakamahalaga sa lahat is kung paano
natin nalampasan lahat ng mga pagsubok, problema, tampuhan at maging mga mababaw na away. Hindi
kita makakalimutan, hindi rin naman talaga dapat. Ang daming bagay kong natutunan sa buhay dahil
sayo, alam kong alam mo kung gaano ka kahalaga sakin, at habang buhay kang mananatili sa puso ko, sa
puso naming lahat na nagmamahal sayo. Hindi mo man natupad yung pangarap mo, pipilitin naming
maging matatag at magpatuloy mangarap dahil alam namin na yun din ang gusto mo para samin. Mahal
na mahal ka namin Wil, hindi ko man yun nasabe sayo ng personal, alam kong somehow naipadama ko
yan sayo. Mamimiss kita, sobrang mamimiss. Hindi na kita pipiliting gumising, wala ka na kailangang
ipasang exam. Exempted ka na. May you rest in peace be. You will forever be missed.

You might also like