You are on page 1of 5

THE LAST SAD LOVE LETTER: A POEM FOR HIM

Love? I need it I want to feel how to be loved And I want him to be the one Loving me For the last minute of my breath...

Gabriel, Naaalala mo pa ba kung paano at kailan tayo nagkakilala? ako, tandang-tanda ko pa rin hanggang ngayon. Grade 6 tayo nun, lagi kang inaaway at tinutukso ng mga kaklase natin dahil sa mataba ka. Tuwing inaaway ka nila, wala ka naman ginagawa kundi hayaan ang pananakit nila sayo. Ayoko sa lahat and nang-aapi ng taong wala namang ginagawa. Kaya sa sobrang inis ko nun, sinuntok ko sila. Hahaha. Naalala mo na? Sinabi ko pa ngang Ano! Lalaban kayo ha! Sige! Isusumbong ko kayo sa principal! at ayun. Nagsitakbuhan sila. Ikaw naman na umiiyak, pinatahan ko. Grabe ah. Ikaw ang kauna-unahang lalaking nakita kong umiyak. Hehe. Nakakatawa ka talaga. After ng insidente na yun, naging magkaibigan na tayo. Ikaw ang unang taong kumaibigan si akin ulit. Ang mga dati kong kaibigan ay iniwan ako kasi may sakit daw akong nakakahawa. Baka daw mahawa rin sila. Ang tapang mo naman nun para kaibiganin ako. Anyway, masaya ako. Nagsisimula na. High school na tayo. Unti-unti ka ng pumapayat ah. Lalo ka na rin gumagwapo. Kahit high schoolers na tayong dalawa, tayo pa rin ang magkasama. Hindi natin iniwan ang isat-isa. Magkasabay pumasok sa school, magkasabay kumain ng lunch, magkasabay umuwi. Laging magkasabay. Walang iwanan. Sabi nga nila parang kambal-tuko daw tayong dalawa. May nagsabi naman na parang tayo na. Tinawanan lang natin sila. After 3 years, graduating na tayo. Syempre, pag 4 th year high school may gimik-gimik na yan. Inimbitahan tayo ng kaklase natin sa isang party. Pumunta tayong dalawa. Nung papunta ako sa labas ng bahay nila, may dumating na isang lalaki. Nilapitan nya ako. Lasing pala. Ang ginawa nya, binastos nya ako. Sino nagtanggol sa akin? Ikaw. Nagsimula na. Tumatakbo tayo, habulan, nadapa ako. Sino tumulong sa akin? Ikaw. Nagsimula na. Nagkasakit ako, isang linggo sa hospital, sino nagbantay sa akin? Ikaw. Ayan. Meron na.

College. Parehas tayo ng university. Parehas ng course. May manliligaw na sa akin, lahat tinanggihan ko. Sayo, ang mga babae na ang naghahabol pero tinanggihan mo rin sila. Tinanong natin sa isat-isa kung bakit. Ang sabi natin Hinihintay ko kasi sya. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nun. Sobrang saya dahil basta. Minsan na lang tayong dalawa magkasama. Sa sobrang busy natin. At may kanyakanya ng barkada. Naisipan ko tuloy, maghulog kaya ako ng sulat sa locker mo. Ginawa ko. Sa sulat na yun, nakasulat dun ang mga tulang ginawa ko. Friendship or Love. Lahat nun, ibinigay ko sayo. Walang kang kaalam-alam na ako nagbibigay sayo nun. Hindi ko naman kasi nilagay ang pangalan ko. Nakalagay lang dun from Secret. So, tuwing natatanggap mo ang sulat ko, ikkwento mo sya sa akin. Pangiti-ngiti lang ako. Tahimik. Walang balak aminin. Araw-araw kitang binibigyan. Araw-araw may tula ako. Marahil nagtataka ka nun kung bakit parang hindi ako nauubusan. Gusto mo ba malaman kung bakit? sinabi ko kasi sa sarili ko na magsusulat at magsusulat ako ng tula para sayo hanggang sa araw na hindi na ako makakapagsulat pa. Pangako ko yun. Dumating ang araw na pinakahihintay ko, lalabas tayong dalawa para manood. Excited ako nun. Sobra. Pinaghintay mo ako sa kanto ng street namin dahil susundin mo ako. Naghintay ako. Dumating ka. Sa malayo palang, natanaw kitang naglalakad. May kasamang babae. Napawi ang ngiti ko. Pinakilala mo sya sa akin. At ang pakilala mo Si Jillian, girlfriend ko. Sya yung sinasabi ko nun sayo na hinihintay ko. girlfriend mo. Ang hinihintay mo. Labag man sa kalooban ko, pinilit ko ang sarili kong ngumiti. Pakiramdam ko sa mga oras na yun ay, madilim ang paligid ko. Walang kabuhaybuhay. Walang kakulay-kulay. Sumama ang pakiramdam ko. Hindi na ako sumama sa inyong dalawa. Nagtampo ka pa nga. Pero inintindi mo ako. Gusto mo akong ihatid sa bahay, tumanggi ako. Ayoko. Ayoko na. Baka pag sumama ka pa. Makita mo lang itong luha sa mga mata ko. Araw-araw pa rin akong nagbibigay ng sulat sayo. Tuwing magkikita tayo, si Jillian na ang binabanggit mo. Wala ka ng pakialam pa sa mga sulat na binibigay ko. Kung parehas siguro kayo ng pinapasukan, malamang sya na ang kasama mo buong araw. Hindi na ako. Habang naglalakad tayo pauwi, tinanong ko kung may nagbibigay pa ba sayo ng sulat. Sabi mo -music Meron pa rin. tinanong ko ulit kung binabasa mo pa ba. Sabi mo Hindi. Hindi na. Ang kokorni na kasi ng mga tula nya. Saka mukhang may gusto sa akin. Wala naman syang pag-asa. Kung pwede nga lang eh, tumigil na sya sa pagsusulat. sa sinabi mong yun, napaluha ako. Parang gusto kong sabihin sayo na ako yun! pero hindi ko kaya. Tumakbo na lang ako. Luhaan ang mga mata. Ayokong makita mong umiiyak ako. Baka mahalata mo. Sa pagtakbo ako, umiikot ang aking paligid. Dumidilim. Bigla na lang akong nawala sa ulirat ko. Pag gising ko nasa hospital na ako, umiiyak si Papa sa aking tabi. Sabi nya. Isang taon na lang ang natitira. Isang taon na lang. After 1 year, sa isang taong yun, nagbibigay pa rin ako ng sulat. Hindi pa rin ako nagpapakilala. Hindi pa rin ako nauubusan ng tula. Kahit na sinabi mong sana tumigil na ako, hindi ako tumigil. Diba pinangako ko sa sarili ko na magsusulat at

magsusulat ako hanggang sa araw na hindi na ako magkakapagsulat pa? Tinutupad ko ang pangako kong yun. Ayokong napapako ang aking mga pangako. Di bale, kunting tiis na lang naman na. Ilang buwan na lang hindi na ako makapagsusulat pa. Hindi ka na maiinis pa sa akin. Hindi ka na makakabasa ng mga korni kong tula. Hindi ka na magagambala. Konting tiis na lang. sabi ko sa sarili ko. December 24, nagNoche Buena tayo kasama ang pamilya mot pamilya ko. Isinama mo rin si Jillian. Habang kumakain, napag-usapan kayong dalawa. Dun ko nalaman na kababata mo pala sya. Nagkahiwalay kayo kasi pumunta sya ng America. Matagal-tagal mo pala syang hinintay. Matagal kang nagtiis. Matagal mo na syang minamahal. Limang taon. Gaya ng ating pagkakaibigan. Pagtapos nating kumain, lumabas kayong dalawa. Pumunta sa garden. Alam ko ano? Oo, dahil sinundan ko kayo. Magkatabi kayo. Nakasandal ang ulo nya sa balikat mo. Narinig ko pa kayong nag-uusap. Sinong mas pipiliin mo? Ako o si Inna? tanong nya. Syempre, Ikaw. Ikaw. Ikaw. Ikaw. Sya ang pinili mo. Sabagay, ano lang ba ako? Isang kaibigan. Matalik na kaibigan. I Love you, Jillian. Ikaw lang. Sya lang. Sya lang. Ang puso ko parang tinutusok, hinihiwa sa dalawa, sinasakal. Hindi na ako makahinga pa. Gumuho ang mundo ko. Ang paningin koy dumidilim. Wala. Wala na. Huling pasko. Imbes maging masaya. Naging masaklap pa. Dinilat ko ang aking mga mata. Nasa hospital na naman ako. Nasa tabi ko si Papa, umiiyak. Sabi nya sa akinInna, anak, malapit na. Malapit na. Malapit na. Hindi na ako makapag-hintay pa. Sa wakas. Mawawala na rin ang pagkainis mo sa akin dahil sa mga tula ko. Papa, wag mong sasabihin kahit kanino ha? Ilihim natin ito. tumango si Papa. Isang linggo akong nasa ospital. Wala ka na sigurong natanggap na mga sulat ano? Masaya ka dahil wala ng korning mga tula? Hehe. Nagkakamali ka. Kahit andito ako sa ospital, gumagawa pa rin ako. Kahit na nanghihina na ang aking katawan. Tinutupad ko lang ang aking pangako. Bawat araw na lumilipas, pahina ng pahina ang katawan ko. Hindi na ako makabangon. Pero nakakapagsulat pa rin. -music Isang araw, dumating ka. May dala-dalang mga bulaklak. Napangiti mo ako. Nagusap tayo. Tinanong mo kung bakit ang tagal ko sa ospital. Ang sagot ko Trangkaso. Kailangang magpahinga. Tinanong kita kung may nagbibigay pa ba sayo ng tula. Sabi mo wala na. At masaya ka dun sabay tawa. Nakitawa ako. Sige lang. Itong hinanakit na dala ko, malapit ng mawala. Konting tiis. Bago ka umalis, niyakap mo ako. Unang yakap mo sa akin! Niyakap rin kita. Sobrang higpit. Tapos hinalikan mo ako sa noo. Unang halik mo! Hinihiling ko talaga sa mga oras na yun, na wag na sanang matapos. Na sana manatili ka lang sa tabi ko. Pero hindi pwede. Sa panaginip na lang siguro mangyayari. Nung lumabas ka ng pinto, nakangiti ka pa sa akin, nginitian kita. Huling ngiti kong makikita mo. Huli na nga ba? May kutob

akong huli na talaga. At sa gabing ito, may kutob akong anumang oras titigil na ako sa paghinga. Titigil na ang kamay kong nagsusulat. Ito na ito na ang huling sulat ko sayo. Pero bago matapos ang gabing ito gusto ko ng sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin. Gusto ko ng aminin ang lahat ng dapat kong aminin. Bago pa mahuli ang lahat. Gab. Nalaman mo na rin kung sino ang nagbibigay sayo ng mga sulat. Oo, ako yun. Ang lahat ng sinabi ko dun ay ang tunay kong nararamdaman para sayo. Nahihiya kasi akong aminin sayo na gusto kita. Kaya idinaan ko na lang sa tula. At natatakot rin ako dahil baka masira ang ating pagkakaibigan. Sayang naman. Kung inamin ko yun, baka layuan mo ako. Ayoko kong mawala ka sa akin. Hindi ko kaya lalo nat nahulog na ang loob ko sayo. Gulat ka? Totoo ito. Walang halong biro. Ikaw ang unat huling lalaking minahal ko. Ikaw ang unat huling lalaking nagpatibok ng puso ko. At ikaw rin ang unat huling lalaking nagpatigil dito. Pero ganun pa man, hindi ako nagalit sayo. Wala ka naman kasing kasalanan. Ako, ang may kasalanan. Dahil pinaniwala ko ang sarili ko na ako yung babaeng hinihintay mo. Umasa ako. Kaya tuloy sa huli, nasaktan ako. Ako ang naiwan. Ako ang talo. Gab... Alam kong hindi mo ako mahal. Alam kong kaibigan lang ang turing mo sa akin. Pero Gab... Im dying. Pwede bang sa huling sandali ng buhay ko, mahalin mo ako? Kung bukas ay andito pa ako, magpanggap kang mahal mo ako. Higit pa sa kaibigan. Ayos lang sa akin yun. Wala akong pakialam kung kunwari lang. Basta ipakita mo sa aking mahal mo ako. Yun lang, Gab. Please. Gusto kong maranasan kung ano ang pakiramdam na mahal rin ako ng lalaking mahal ko. Gusto kong maranasan ang pagmamahal na ipinapakita mo kay Jillian. Kahit sandali lang. Kahit isang araw lang. Maranasanan ko man lang. Nang sa gayon, aalis ako ng mundong ito ng masaya at may ngiti. Mahirap ba gawin, Gab? Pilitin mo ang sarili mo. Turuan mo ang puso mo. Magpanggap ka! Magpanggap ka! Please! Mahalin mo naman ako. Pasayahin mo ako. Gusto kong maging masaya, Gab. At ikaw lang ang tanging makagagawa nun. Ikaw lang ang magpapasaya sa akin. Wala ng iba. Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang ang kailangan ko. Sana tuparin mo ang hiling kong ito. Tuparin mo kung may bukas pa akong natitira. Kung wala kung wala yakapin mo na lang ako ng mahigpit na para bang ayaw mo akong pakawalan. At ibulong mo sa tainga ko na Mahal mo rin ako. Ibulong mo, Gab. Ibulong mo. Salamat. Salamat sa lahat. Mawala man ako ngayon, bukas, o sa iba pang araw, at least wala akong pagsisisi. Pagsisisi dahil sa hindi ko nasabi sayo ang nararamdaman ko. Tandaan mo andito lang ako sa tabi mo. Lagi kitang babantayan. Lagi kitang pagmamasdan. Meron pa pala akong sulat na hindi ko naibigay sayo. Alam kong korni, pero sana basahin mo yun. Andito lang lahat sa ilalim ng unan ko. Basahin mo ha? Pag hindi, sige ka. Mumultuhin kita. Haha. Joke lang! Tingnan mo, nagawa ko pang magbiro. Sana natawa ka. Sa huling sandali, napatawa kita. :)

Hanggang dito na lang. Nanghihina na ang mga kamay ko. Mukhang hindi ko na kaya pang magsulat. Wag mo kalimutan ang hiling ko ha? Hihintayin ko yun. Umaasa ako. Wag mo akong bibiguin. Ito pala ang huling tula ko na magagawa ko. Maiksi. Being with you, Makes my day complete Every memories of you, Ill cherish forever and keep Though you hurt me, I still love you I will and Ill always do

Gab

Mahal na mahal ki

======================================================================================

Gabriels POV Hindi ko napigilan ang sarili ko na wag umiyak. Wala na. Wala na sya. Hindi na nya naisulat pa. Pero kahit ganun, hindi naman na nya kailangang sabihin. Sa mga tula pa lang nya, sa huling sulat nya na ito, nararamdaman ko namang mahal nya talaga ako. Mahal na mahal. Yun nga lang, ngayon ko lang naramdaman. In na patawarin mo ako. Patawarin mo ako. Patawad Inna. Patawad sa lahat ng sinabi kong masasakit sayo. Patawad sa mga nagawa kong ikinasama ng loob mo. Patawad Patawad dahil nasaktan kita ng sobra-sobra. Sa limang taon pala na ito, wala akong ginawa kundi saktan ka. Pahirapan ka. Im sorry Inna. Im really sorry. binitawan ko ang kamay nyat niyakap sya ng mahigpit. Inna bakit ko kailangang sabihin na MAHAL rin KITA. Kung pwede ko namang sabihin na MAHAL NA MAHAL rin KITA.

THE END

You might also like