You are on page 1of 7

Tradisyon

Ni: MIM

Mahal kita katagang gustong-gusto kong sabihin sayo pero nauunahan ako ng kaba’t

takot baka kapag sinabi ko iyon iwasan mo ako, magalit ka, higit sa lahat matapos ang ating

pagkakaibigan. Iyon ang ayaw kong mangyari…dahil ang maging kaibigan ka isa sa pinaka

magandang nangyari sa buhay ko hindi ko kakayanin na mawala ka. Kaya heto ako ngayon

bilang kaibigan mo na laging karamay mo sa ano mang mangyari kaibigan mo pa rin ako. Pero

alam mo napapaisip ako paano kung pareho rin tayo ng nararamdaman? Paano kung mahal mo

rin ako? Hindi ba maaaring mangyari iyon? Imposible nga bang maituturing iyon? Kung ikaw

mismo nagbibigay ng matibo?

Umpisahan natin yung araw na una tayong nagkita naalala mo pa ba noon ni hindi ka nagsasalita

lagi mong kasama yung kasamahan mong bago ewan ko ba pero sa mga panahon na iyon iba na

ang nararamdaman ko sayo. Sabihin na natin awa ang nararamdaman ko sayo kaya ako ang

unang kumausap sayo hmm… gaya sa normal maikli kung magsalita ka para bang ang mahal ng

mga salita para sayo pero kahit na ganoon pinilit pa rin kitang unawain pilit akong

nakikipagkaibigan sayo hindi dahil may nararamdaman na ako sa mga panahong iyon kundi awa

ang naramdaman ko sayo dahil alam ko naman kung ano ang pakiramdam ng nag-iisa

napakalungkot kaya ayaw kong maranasan iyon ng kahit sino kaya kahit mahirap kang

pakisamahan pinilit parin kitang unawain at iyon nga dumating ang araw na nagkayayaan ang

mga kasamahan naten ito ang unang beses aalis na kasama ka. Sa totoo lang ako ang nagsabi sa

mga grupo na isama ka at mabuti naman at pumayag sila at sabi pa nga nila : sige ikaw ang

magyaya ikaw rin naman ang nagsabi na isama pa natin siya”. Kahit na hindi ako sigurado sa
mangyayari niyaya kita alam mo hindi ko inasahan na papayag ka mabuti nalang at niyaya kita at

doon na nga nagsimula ang tunay na pagiging magkaibigan natin.

At sa paglipas ng panahon nagiging kritikal na ang sitwasyon hindi ko mawari ano ba ang

aking nararamdan. Sa tuwing kasama kita nakakaramdam ako ng pagiging espesyal ko sayo wala

kang sinasabi pero sa bawat haplos mo nagpapahiwatig na mahal na mahal mo ako. Tama ba

ako o sobra-sobra lamang ako kung mag-isip. Naalala mo ba noong hiniram ko ang bag mo?

Ang sabi mo kailangan bilisan ko dahil aalis kana kaya heto naman si tanga kulang na lang

lumipad ako para lang maabutan ka pero nang dumating ako nakita ko mga kasamahan natin

kaya niyakap ko sila sa sandaling iyon ikaw ay aking natanaw para bang selos ang aking

natanaw sa mga mata mo. At nang umalis na sila kinausap kita pero sungit ang binato mo sa akin

hindi ko mawari anong gusto mong sabihin. Naguguluhan ang munting isipan hindi maisip ano

ginawang male para sungitan mo ako pero kahit na ganoon kinausap pa rin kita pero hanggang sa

umabot ang takip-silim hindi mo binigay sa akin ang hinihiram ko.

Hindi ko alam kung gusto mo lang ba ako makasama o totoo ang sinasabi mo na

hihintayin mo ang kasamahan mo? Kaya tayo ay nagkuwentuhan at bigla kang magalit ng

sabihin ko sayo na may kasama akong iba na aalis na lalake na kame lang dalawa para kang

nobyo ko na ayaw mo akong paalisin ang sarap sa pakiramdam sana nga lang mahal mo ako ang

naisip ko agad. Heto naman si tanga nagpapaliwag sayo kung saan kami pupunta hindi ka

tinigilan hangga’t hindi ka napapaniwalaang wala naman talaga iyon isa lamang siya sa mga

kaibigan ko.at iyon na nga sa wakas nakumbinsi rin kita na wala naman talaga iyon. Hindi ko

alam bakit kailangan kong magpaliwag pa pero ayoko kasi na magalit ka. At ito pa Hindi ko na

maalala bakit napunta ang ating pag-uusap sa selpon nang sabihin mo sa akin na hindi mo

sinasagot ang tawag kung ayaw mo ang taong tumatawag sayo kaya sabay sambit ko sayo “edi

ang ibig sabihin gusto mo akong kausap? Kase hindi mo pinapatay ang selpon sa tuwing

tumatawag ako. Sabay tawa. Tama ba? Oo katagang nagtapos sa kuwentuhan naten. At doon ko
naalala na lahat ng mga chat, text at tawag ko sayo lahat ng mga iyon sinasagot mo at madalas pa

nga sobrang gabi kana kung magreplay o madaling araw pa.

Ang sarap ng kuwentuhan natin para bang ayaw ko ng matapos ang araw na iyon. Pero

alam mo ano ang labis ng nagpagulo sa aking nararamdaman ay yung haplos mo habang tayo’y

nagkukuwentuhan para bang nagbibigay ng pahiwatig pero hindi ko matukoy ano ba ang gusto

mong sabihin. Hanggang sa dumating na ang hinihintay mong kasamahan hindi ko nasagot ang

katanungan na paulit-ulit na bumabalot sa aking isipan nakakalungkot pero wala naman ako

magagawa hindi ba?

Habang papauwi tayo hindi ko inasahan ang mga sumunod na pangyayari nang bigla ko

na lamang hawakan ang iyong kamay. Sa totoo lang hindi ko alam bakit ko ginawa iyon para

bang kusa na lamang gumalaw ang mga kamay ko patungo sa mga kamay mong malalaki. Hindi

ko akalain na susuklian mo ito kaya sa bawat yapak natin lalo lamang akong naguluhan na may

kasamang galak...Mahal mo ba ako? O, sadya nga lang ba akong umaasa na mahal mo ako kaya

lahat ng mga ginagawa mo sa akin ay binibigyan ko ng kahulugan? Siguro nga masyado lang

akong umaasa gaya ng sinabi mo na lahat ng mga ginagawa ng iba binibigyan ko ng kahulugan.

Tuwing kasama natin mga kaibigan natin lagi mong sinasabi na ayaw mo sa akin pangit

ako na walang magkakagusto sa akin at walang araw na hindi mo ako sinasabihan ng masasakit

na salita kaya lagi na lamang akong pinagtatawanan ng ating mga kaibigan. kaya nga Malabo na

magustuhan mo ako hindi ba? Hay… bakit ba kita nagustuhan sa totoo lang hindi ko rin alam

ang yabang mo ang sakit-sakit ng mga sinasabi mo sa akin bakit sa gaya mo pa ako nahulog.

Sana hindi ka nalang naging mabait sa akin… sana pinanindigan mo nalang na masama

ka sa akin hindi yung kapag tayong dalawa nalang para bang may pag-asa na maging tayo. kaya

lalo lamang akong umaasa na may pag-asa na mahal mo rin ako.


Sana dumating ang araw na maglakas ka ng loob na umamin kung ano ba ang

nararamdaman mo sa akin…ang tanong meron ba? Kasi ako hindi ko alam…

Ikaw yung tipong tao na mahirap umamin sa nararamdaman …gaya ko… gaya ko na hindi ko

kayang sabihin sayo na mahal kita…

Puwedi na lang bang humiling na lang kahit isang oras lang na “huwag kang

magsisinungaling sa lahat ng mga itatanong ko sa iyo”?

Ano ba ang nagawa kong mali bakit sa tuwing kasama mo ako bigla ka nalang nagagalit?

Bakit ba ang bait mo sa akin kapag tayong dalawa na lang?

Bakit sa tuwing kasama natin mga kaibigan naten lagi mo na lamang akong sinasaktan?

Masaya ka ba kapag kasama mo ako? Kasi ako masayang-masaya ako.

Kaibigan mahal mo ba ako?

Pero alam ko naman na malabong mangyari ito Malabong-malabo kasi kahit anong

mangyari hindi ako maglalakas loob na sabihin sayo ang mga bagay na iyan. Alam ko tanga ako

bakit hindi ako maglakas loob na umamin sayo pero kaibigan babae paren ako nasa dugo ko ang

tradisyon na ang mga babae hinihintay ang taong mahal nila na umamin. Kapag hindi sila

umamin isa lang ibig sabihin hindi ka niya mahal. Iyan kaibigan ang ayaw kong tanggapin na

hindi mo ako mahal na lahat ng mga ginagawa mo ay isang malaking palabas lamang.

Pilit akong kumakawala sa tradisyon pero hindi ko makaya sana ikaw makaya mo dahil

kung hindi sana matapos na ito.


Ngayon galit ka sa akin ng hindi ko sinasadya hindi ko akalain na magagalit ka nung una

hindi ko nga alam nagalit ka hanggang sa magchat, text at tumawag ako hindi mo sinasagot

kung magmagreplay ka man para bang binabayad mo ang kada letra na paka tipid mo kung

magreplay hindi gaya date. Nung una sumagi sa isip ko mas mainam na iyon hindi ba? Atlis

hindi na kita makikita pa… pero naalala ko na may mga kaibigan tayo ayokong mag-isip sila ng

masama kaya kakausapin kita hihingi ako ng patawad pero kaibigan iyon na ang huli na

pupuntahan kita siguro ako na lang talaga ang umaasa na maging tayo, kaya kaibigan bibitaw na

ako sana sa pagbitaw ko huwag mo na akong bigyan pa na dahilan para kumapit muli.

Dumating ang araw na pinakahihintay ko ang makita ka at makahingi na patawad. Chinat

kita sinabi ko na pupuntahan kita. Pero sungit ang binato mo pero kahit na ganoon nagpatuloy

parin pinuntahan kita pero nang makita mo ako galit ang ipinakita mo kasama ng mga kaibigan

naten pero kahit na ganoon nagpatuloy paren naghintay ako ng oras para kumalma ka hanggang

sa iyon nga nakausap kita. Sabi mo hindi ka galet pero ang tinig mo’y nagpapahiwatig na galit

ka. sa totoo lang sobra na akong nasaktan sa pakikitungo mo saken pero kahit na ganoon tiniis ko

paren.umupo ako sa likod ng upuan mo habang tumatagal lumalapit ako sayo at sabay sandal sa

likod mo sabay sambit na sorry na, alam mo hindi ko maipaliwanag nararamdaman ko para bang

naggagalit-galitan ka lang para bang hindi ka naman galit ewan ko ba parang pakiramdam ko

gusto mo na pansinin kita.

Nagpatuloy ang pagsasalita ko sayo habang nakasandal sa likod mo hindi ko napansin na

nasa beywang na kamay ko. Nang namalayan ko inalis ko agad napaisip ako kung galit ka

ipapaalis mo iyon at hindi mo hahayaan na sumandal ako sayo. Hindi ba? Kaya lalo lang

lumakas pakiramdam ko na hindi kanaman talaga galet.

Naputol ang pag-uusap naten ng pinatawag ka ng boss mo. Tinanong kita kung napano

pero sagot mo lang walang kang pakialam. Hindi na lang ako umimik hanggang sa tinawag ka ng

katrabaho mo sabi ko sayo puntahan mo na siya kaya hinila kita nung una hindi ka nagsasalita
pero nung dumami na tao sa opisina mo sinigawan mo ako “ ang sabi ko sayo huwag mo akong

hahawakan hindi kaba nakakaintindi!” sabay labas ng opisina niyo. alam mo nanliit ako

tumingin lahat ng mga katrabaho mo sa akin hindi ko alam ano gagawin ko. Hinintay kita pero

hindi kona mapigilan ang aking mga mata sa pagluha kaya umalis na ako bago mo pumatak ang

aking luha. Chinat kita sabi ko sorry at ibabalik ko nalang yung hiniram kong bag sa linggo sa

bahay niyo. Nagreplay ka sabi mo aalis ka sa araw na iyon ok lang kamo kung hindi ko na muna

ibalik. Ihahatid ko nalang sa bahay niyo nandoon naman si nanay mo hindi ba? At doon natapos

ang pag-uusap natin.

Dumating ang araw ng linggo chinat kita tinatanong ko kung nasa bahay naman si nanay

mo pero hindi ka nagrereplay. Kahit na nagdadalawang isip ako pumunta parin ako sa inyo.

Laking gulat ko nang makita kita na nakahiga sa sala niyo sabay ngiti ang sukli mo sa akin.

Hindi ko alam kung aatras na ba ako o uuwi na ba ako? Akala ko ba wala ka ngayon?

Bakit sinabi ko ba na hindi ako uuwe?

Kung nandito ka naman bakit hindi mo ako rinereplayan? Hindi kana sumagot kaya hinayaan ko

nalang. Nagkuwentuhan tayo habang nagsasalita ka may ka chat ako hindi ko mapigilan na

tumawa kaya ikaw naman agad mong kinuha ang selpon ko para tignan kung sino ang kachat ko

ang sabi ko kaibigan ko lang siya aalis sana kame ngayon pero hindi natuloy. Tumahik kana

nang malaman mo na babae ang kaibigan ko; nagpatuloy ang kuwentuhan naten pero biglang

tumawag kaibigan naten pinakausap mo siya saken at iyyon na nga hindi ko mapigilan sabihin sa

kanya na “ kung alam ko lang na nandito siya hindi naman ako pupunta. Paano hindi naman niya

ko rinereplayan puro siya seen. Hay naku ang pangit pangit talaga ng ugali niya. Nadala ako ng

galit ko. Habang kinakausap ko kaibigan naten gusto mo na ioff selpon mo hindi naman kita

masisi kaya hinayaan ko nalang na ioff mo selpon mo. Maya-maya nagpaalam nako si mama

nalang maghahatid sayo tinatamad ako. Sambit mo na matamplay.


Hanggang sa makauwe ako hindi mo ako chinat hindi gaya date kapag gabi nako nakakauwe

chinachat mo ako agad kung nakauwe na ba ako.

Galit ka siguro hindi naman kita masisisi pagkatapos mong marinig ang mga salitang iyon. Hindi

kita chinat umaasa na makakalimutan na kita. Mas ok naman iyon hindi ba? Ang huwag nalang

tayo mag-usap para hindi nalang ako umasa.

Isang araw bigla na lang kita naisip parang pakiramdam ko hindi ka ok kaya heto si tanga

chinat ka naman agad. Agad ka naman nagreplay ayon kamustahan hanggang sa natanong ko

kung ayos kalang ayos lang ako. Salitang nagpaluwag ng loob ko.

Tinanong ko rin sayo kaibigan natin sabay sambit mo “loko ika ata ing ali ok balamu murit ka”

kasaya na pa nabening Jay . hindi mob a pweding sabihin ng mas maayos masama bang

magtanong? Katagang gusto kong sabihin sayo pero hindi ko na nasabi. ewan ko ba galit ang

naramdaman ko nang mabasa ko iyan siguro ito na ang oras para kalimutan ka… para na akong

tanga na alam ko sa sarili ko na patuloy lang ako masasaktan kung hindi pa ako bibitaw… pero

bakit ganon alam ko na masasaktan ako pero bakit hindi ko kayang bumitaw? Ganito ba ang

nagmamahal kahit na nasasaktan ng paulit-paulit ginagawa parin? Gusto na kitang kalimutan

ayoko na sobra-sobra na ang sugat na ibinigay mo saakin baka kapag tumagal pa ito ikakamatay

ko na…sana hindi na kita makita namamag-asang maghilom agad ang sugat na ibinigay

mo…pakiusap mahal lubayan mo na ako kung hindi mo rin nama ako mahal layuan mo na ako

dahil habang nandiyan ka hindi ito ako maghihilom…sana mapanindigan ko na bumitaw na at

h’wag na muling kumapit pa.

You might also like