You are on page 1of 2

Sana...sana...sana...

mahal mo rin ako

ni: MIM

Love at first sight, iyan ang magsasabi kung nakita mo na siya yung para masabi mong mahal mo
ang isang tao, yung para bang sa unang pagkikita mo alam mona na siya na si the one.

Ang hirap paniwalaan hindi ba? Pero ako kahit na ganoon kahirap maghihintay ako kahit gaano
pa katagal...

Kaya noong dumating ka sabuhay ko ng hindi ko inasahan nagbabago ang lahat...lahat...

Nang makita kita awa ang una kong naramdaman kaya alam ko na hindi ikaw ang aking the
one... Hindi ko namalayan na naging magkaibigan tayo habang tumatagal nakikilala kita at ang
sarap sa pakiramdam kapag dumadating sa punto na sabay-sabay tayong tumatawa sa mga
birong walang katapusan.

Ikaw yung kaibigan ko na ayaw kong mawalay sa akin para bang hindi buo ang araw ko kapag
hindi kita nakakausap...

Kaibigan oo, kaibigan pero bakit ganito sa pagdaan ng mga araw hindi ko namamalayan na
nahuhulog na ako sayo parang mahal na ata kita, bakit ganito ang aking nararamdaman hindi ko
maipaliwanag pero hindi ko pinansin nag-aakalang mawawala rin ito pero, bakit ganito habang
tumatagal lalo akong nahuhulog sayo, kaya masakit man sa akin lumayo ako sayo, naging
masama ako sayo para lang mawala nararamdaman ko pero, bakit ganon nasasaktan ako ang
sakit-sakit para akong sinasaksak ng paulit-paulit... Sa tuwing ginagawa ko ang mga bagay na
iyon sa iyo.

Nagpakalayo ako pero bakit ganoon Hindi ko kaya , Hindi ko kayang malayo sayo... Walang
araw na Hindi kita iniisip naghahangad na sana iniisip mo rin ako pero alam ko naman na
malabong mangyari iyon.
Kaibigan, mahal kita pero mas maiging kung ikukubli ko ang katotohanan alam ko na hindi
maaaring maging tayo pero, umaasa ako na sana...sana...sana... mahal mo rin ako.

Sana hindi kita pinagtabuyan sa buhay ko sana, Hindi ako natakot na magmahal muli sana,
hindi ako nagpauna sa sasabihin ng iba sana, maari pang ibalik ang oras na nasayang sana,
maibalik ang pagmamahal mo sa akin sana maulit ang araw na nagtapat ka sa akin... Sana...
Sana...maulit muli.

You might also like