You are on page 1of 2

Kadena’t kulungan

Ni: MIM

Ito ang mas makakabuti sa iyo kaya ito ang dapat mong gawin… kahit labag man ito sa iyong
kalooban… ganyan din ba ang iyong madalas na ginawa? yung pakiramdam mo na nakasandal
ka’t kailangan mo ng alalay para makatayo. Yung kahit ayaw mong humingi ng tulong kasi alam
mo sa pakiramdam mo na makatayo ka pero may mga taong nakapaligid sa iyo na handang
tumulong para makatayo ka agad matatawag ko ba sila na matutulungin na tao? o mga taong
walang tiwala sa aking kakayahan? dahil pakiramdam ko sa tuwing nakapaligid sila sa akin
pinaparamdam lamang nila na wala akong saysay na hindi ako mabubuhay ng wala sila… pilit
ko man sabihin sa kanila na kaya ko kaya kong mag-isa pero bakit ganoon ang nakikita lamang
nila ang aking kapansanan na kahit kailan hindi ako makakatayong mag-isa.

Gumawa ako ng paraan para maipakita sa kanila na kaya ko kaya kahit puro negatibo mga
sinasabi nila sa akin pinagpatuloy ko tumayo akong mag-isa kahit mahirap sa una pinagpatuloy
ko sa loob-loob ko alam ko na… kaya maghintay kayo iyan ang itinanim ko sa aking isipan…
pero hindi ko inasahan ang naging bunga nito…nabigo ako.

Ang sakit-sakit pala sa pakiramdam ng mabigo lalo na kung ikaw lang ang naniniwala na kaya
mo at lahat ng mga nakapaligid sa iyo ay bumabatikos sa iyo. Pero kahit ganoon hindi ako
nagpatinag inulit ko ng inulit nagbabakasakali na magtagumpay ako pero hanggang sa huli
nabigo ako… oo, nabigo ako tama nga siguro sila na wala akong saysay, isang pahirap sa
lipunan, dagdag palamunin sa pamilya, mangmang,lampa, na sana hindi na lang ako nabuhay,
mahina,at higit sa lahat wala akong mararating sa buhay na isilang na mangmang kaya mamatay
na walang alam... mga salitang paulit-ulit na pumapatay sa akin. Ang sakit pero wala naman
akong magawa kung hindi ko tanggapin lahat ng pang-aalipusta nila.

Nandito ako ngayon sa punto ng buhay ko na gusto ko nang bumitaw sa pangarap kong
makapunta sa alapaap ng tagumpay; ito na siguro ang oras para bumalik sa pagkakadena na pilit
kumawala noon pero babalik din pala...

Pabalik na ako sa buhay-kulungan nang bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking binti akala ko
manhind na ako nakakaramdam papala ako ng sakit. Natanaw ko ang mga langgam na pilit na
nanlalaban kahit alam naman nila na hindi sila mananalo lumalaban parin sila.
Napaisip ako bakit kapa lalaban kung matatalo kanaman sa huli hindi ba? Sa aking pagmamatyag
nagising ang aking diwa…langgam na kahit maliit lang lumalaban sila na kahit ilang beses silang
masaktan hindi parin sila sumusuko ako pa kaya?

Kaya muli akong babangon magsisikap ako gagawin kong inspirasyon ang lahat ng mga
bumabatikos sa akin ngayon ko napagtanto na ayokong mamatay ng walang naging kabuluhan
ang aking buhay. Gusto kong ipakita na kaya ko kahit ilang beses akong mabigo alam ko
darating ang araw na magtatagumpay ako sa ngayon bigo ako pero tandaan natin na bilog ang
mundo sa ngayon nasa ilalim ako pero darating ang araw na mapupunta ako sa itaas alam ko na
mangyayari iyon. Dahil hindi ako susuko hangga’t hindi ito nangyayari mahirap pero kakayanin
hindi ako nag-iisa kasama ka siya.

Ilang buwan, taon ang nakalipas at ngayon natapos ko na ang kursong social work at
nagtatrabaho ako sa tao na gaya ko noon…. gusto kong magbigay ng liwanag mahirap silang
unawain dahil sarado ang kanilang isipan pero uunawain ko sila o mas mainam na marinig na
nauunawan ko sila ako mismo ang mag-aalis sa kanila sa kulungang kanilang kinalalagyan
ayokong maraming buhay ang masira ng dahil sa mga taong walang magawa kundi sirain ang
buhay ng ibang tao.

Gusto kong ipakita sa nila na kaya ko kaya hindi maipagkakailang makakaya rin nila walang
imposible kung determinado ka walang imposible kung lalaban ka sa hamon ng buhay dahil
kung magpapadala ka habang buhay ka nalanag nakakadena’t nasa kulungan.

edit

You might also like